Takot man ay nagawa pa rin niyang tapikin ang kamay ni Francis na humawak sa kanyang balikat sabay pihit paharap dito.
"Hey, don't touch me!" singhal niya rito, magkahalong kaba at pagagalit-galitan ang nakarehistro sa mukha.
Hindi na siya si Lovan na pangit sa paningin nito pero hindi niya alam kung paano kikilos sa harapan ng lalaki na hindi siya mapaghihinalaan. Bahala na. Gagawin niyang natural ang pagiging suplada.
Ngumisi ang lalaki habang malagkit ang pagkakatitig sa kanya. Iniiwas niya agad ang tingin, kunwari'y umirap.
"Maganda ka lang miss, pero 'wag kang mag-aalala, may mahal na akong iba," wika nito sa nakakalokong tinig, may kahalong pambabastos kahit hindi lantaran.
Kahit papaano'y nakahinga siya nang maluwag. Akala niya'y nakilala siya nito, hindi pala. Pero hindi siya dapat pakampante.
Sisilay na sana ang ngiti niya sa labi nang makitang tumalikod ito sa kanya at lumapit sa tatlo nitong mga kasamang nakangisi din habang pinagmamasdan sila lalo na siya.
Isa pang hakbang bago ito biglang humarap sa kanya.
"Ano'ng gamit mong pabango?" biglang tanong.
Nagsimula na namang kumabog ang kanyang dibdib. 'Wag sabihing kilala nito kahit ang gamit niyang pabango?
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang may biglang umakbay sa kanya mula sa likuran.
"Any problem with my fiancee?"
Ang laki ng pagkakabuka ng kanyang bibig sa pagkagulat sabay tingala sa may-ari ng baritonong boses na iyon. Salubong ang mga kilay nito habang nakatingin kay Francis at sa mga kasama ng huli pero ramdam niya ang pagpisil nito nang marahan sa kanyang balikat.
The cruel man became her knight in shining armour!
Tumigil sa muling paghakbang palapit sa kanya si Francis pero nakakaloko pa rin ang ngising pinakawalan sa nakaakbay sa kanya.
"Wala naman 'tol. Napagkamalan ko lang siyang jowa ko. Sensya na," tugon nito, nakangisi pa rin at tila nang-aasar na na sumaludo pa sa kanila.
Matapos titigan nang matalim si Francis ay hinawakan ng estrangherong lalaki ang malamig niyang kamay at iginiya pabalik sa loob ng unit nito.
Narinig na lang niya ang pagkalampag ng pinto sa lakas ng pagkakasara niyon, saka siya nito muling itinulak nang malakas, muntik na naman siyang mapasubsob sa carpeted na sahig sa ginawa nito.
"You really have the guts to flirt with men in front of me, huh!" paasik nitong wika, dahilan upang bumalik ang galit niya rito.
"Shunga ka ba? Nakita mong binabastos ako sa labas pero iniisip mo pa ring nakikipaglandian ako? Siraulo ka pala eh!" Hindi na niya naiwasang isambulat ang kanina pang panggigigil dito. Pakialam ba niya kung hindi siya nito kilala, eh sa binabastos na siya.
Pero sa halip na sumagot ay naniningkit ang mga mata nitong lumapit sa kanya sabay hablot sa kanyang kwintas, bagay na lalo niyang ikinagalit.
"You really are a perfect liar!" matigas nitong sambit
Hinablot niya pabalik ang kwintas na regalo ng kanyang mama noon pero mabilis nitong naitaas ang kamay kaya 'di niya iyon nabawi.
"You told me you lost this nang maaksidente kayo ni Shavy noon. Pero hanggang ngayon pala'y nasa'yo pa rin 'to!" pang-uusig sa kanya.
"Ano?" maang niyang tanong, nalito sa sinabi ng lalaki.
Sinong Shavy? Paano nitong nalamang naaksidente siya noon? Sino ba ang tarantadong ito, bakit siya kilala?
"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Ni hindi ko kilala 'yung Shavy na 'yon. Akinang kwintas ko. Birthday gift 'yan ng mama ko!"
Sa narinig ay lalo lang naningkit ang mga mata nito, mabilis na naisiksik sa bulsa ng pantalong maong nitong gamit ang kwintas.
"Stop with your crazy alibis," bumalik na ang malamig nitong boses, malibang pansin niya ang pagtatagis ng bagang nito'y wala na siyang makitang emosyon sa mukha nito saka siya tatalikuran sana pero hinawakan niya ang braso nito.
"Akina'ng kwintas ko sabi eh!" pangungulit niya, nagsimula nang pumiyok ang boses. Mula nang ibigay ng ina'y saka lang iyon nawawala sa kanyang leeg kapag nililinis niya. Mahal na mahal niya ang kanyang kwintas. Ngayong wala na ang kanyang motor, ang una na lang ang natitira niyang alaala sa kanyang mama. Hindi siya papayag na pati iyo'y mawala pa sa kanya.
Ngunit sa mukha pa lang ng walanghiyang ito'y segurado siyang wala itong balak na ibalik sa kanya ang kwintas lalo na nang itulak na uli siya nito palayo at tumalikod sa kanya, nagsimulang ihakbang ang mga paa paalis doon.
Mabilis siyang nakabawi't yumakap na nang mahigpit sa beywang nito upang pigilan itong umalis.
"Mister, akina'ng kwintas ko. Hindi 'yon pwedeng mawala sa'kin. Bigay 'yon ng mama ko bago siya namatay," pakiusap niya sabay hikbi. Kung hindi niya ito makukuha sa palakasan ng boses, baka sakali makuha niya ito sa iyak.
Napahinto ito sa paghakbang, sandaling natahimik pagkuwa'y pilit na kinalas ang mga kamay na nakapulupot sa beywang nito at nang magawa'y muli na naman siyang itinulak palayo dahilan upang madapa siya sa sahig, pero hindi siya nagpaapekto do'n, nagmamadali siyang tumayo at muling humarap sa lalaking halata na naman sa mga mata ang nagpupuyos na galit.
"Do you have to insult me like this, Lovan? I gave you the necklace! Ang sabi mo sa'kin, nawala mo nang maaksidente kayo ni Shavy! And now, you're fuckin' telling me that your mother gave it to you!" hiyaw na nito, nag-iigtingan ang mga ugat sa leeg.
Wala sa sariling napailing siya.
"Mister, hindi kita kilala. 'Di ko rin alam kung sino'ng sinasabi mong Shavy. Pero maniwala ka, bigay ng mama ko ang kwintas na kinuha mo," paliwanag niya sa mahinahong paraan.
Subalit lalo lang nagngitngit sa galit ang lalaki, pakiramdam niya kakainin siya nang buo sa matatalim na mga titig nito. Bakit ba ilang beses na nitong sinasambit ang kanyang pangalan gayong 'di naman niya ito kilala?
Tinitigan siya nito, inaarok kung ano'ng laman ng kanyang utak, maya-maya'y lumapit sa kanya saka hinawakan ang kanyang beywang sabay kabig padikit sa katawan nito.
"Ayyy!" tangi niya lang nasambit.
Alam niyang dapat siyang magalit sa ginagawa nito lalo na sa pangha-harass sa kanya pero bakit nai-intimidate siya sa mariin nitong mga titig habang magkadikit ang kanilang katawan at hawak ng lalaki ang nakaangat niyang baba? Sa halip na magalit at ilayo ang katawan mula dito'y bakit wala siyang lakas ng loob na gawin iyon, mas gusto pa niyang amuin at papaniwalaing hindi nga siya ang babaeng tinutukoy nito?
"I really hate liars like you!" matigas na sambit matapos lang tingnan ang nunal sa likod ng kanyang tenga saka na uli siya itutulak palayo ngunit bigla niyang ipinulupot ang isang kamay sa batok nito at siniil ito ng halik. Bahala na, iyon na lang ang natitira niyang alas para mabawi sa lalaki ang kanyang kwintas.
She kissed him without emotions involved para lang mawala ang atensyon nito sa isang bagay. She didn't want any feelings to get involved for god's sake subalit bakit gano'n, bakit tila siya ang nahuhuli sa sarili niyang bitag nang malasahan ang matamis nitong mga labi at maramdamang ilang segundo lang ay tumutugon ito sa mga halik niyang 'di niya alam kung tama bang matawag iyong halik? Sa totoo lang, it was her first kiss kaya aminado siyang hindi iyon perpektong paraan para akitin ang isang lalaki ngunit nang maramdaman niyang humigpit ang kapit nito sa kanyang beywang at naging mapusok ang ganti ng halik nito'y saka niya lang napatunayan sa sariling, her kiss wasn't that bad.
Napaungol ang lalaki, halatang nagustuhan ang ginawa niya. Pero siya, hangga't maari'y ayaw niyang magpatangay sa masarap nitong halik. Iisa lang ang kanyang goal ngayon, ang mabawi ang kanyang kwintas kaya habang unti-unti itong nadadala sa nangyayari sa kanila'y dahan-dahan niyang ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng suot nitong pantalong maong kung saan nito ipinaloob ang kanyang kwintas ngunit naalarma siya sa ungol na ginawa nito nang may masagi siyang matigas na bagay sa ilalim ng bulsa dahilan upang masampal nito ang kanyang pwetan at nanggigil na lalo pang idinikit ang harapan sa kanyang katawan.
She could already feel his erect manhood inside his pants, wanting to feel his body. Napapikit siya, hindi kayang balewalain ang kakaibang nararamdaman ng katawan nang mga sandaling iyon--- iyong tila bolta-boltaheng kuryenteng nananalaytay sa kanyang kalamnan, iyong pakiramdam na tila siya nakalutang at hindi umaapak sa sahig na habang tumatagal ay nararamdaman niyang may sumasakit sa pagitan ng kanyang mga hita.
Gosh, nakakaliyo ang mapusok na halik ng lalaking ito! Hindi na niya kailangang maglasing para maramdaman iyon, ngunit bago pa tuluyang madala sa nararamdaman ay bigla niyang hinablot ang kamay palabas sa bulsa nito sabay tulalak sa lalaking sandaling natigilan at litong napatingin sa kanya.
Ramdam niya ang tila pangangamatis ng magkabilang pisngi sa pagkapahiya at mabilis na tumalikod rito sabay karipas ng takbo papunta sa pinto, binuksan iyon at nagmamadaling lumabas hawak sa kamay ang kwintas.
Naiwang natitilihan ang lalaki, hindi agad nakapag-react ngunit 'di mapigilang habulin siya ng tingin.
'Lovan!' hiyaw ng isip nito, lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo at naguguluhang naihilig ang ulo.
No, he didn't like her anymore. She was the most treacherous lady she'd ever known. He shouldn't fall for her tricks next time.