Chereads / The Stolen Identity / Chapter 11 - Ang Paghahanap Ng Trabaho

Chapter 11 - Ang Paghahanap Ng Trabaho

Pabagsak na inilapag ni Jildon ang sliding folder sa ibabaw ng work table upang makuha nito ang atensyon ng among si Zigfred na tahimik lang na nakaupo sa swivel chair at nakatitig sa mesa ngunit halatang wala roon ang isip.

Hindi tuminag man lang si Zigfred pero naagaw ng kaibigan at Human Resource Manager ng Arunzado Holdings Corporation ang kanyang atensyon.

"This is the list of qualified applicants that suit your standard as secretary." May halong sarcasm sa boses nito, nakataas pa ang isang kilay, sadyang pinahahalata sa kanyang pagod na ito kakahanap sa mga babaeng papasa sa kanyang panlasa bilang secretary.

Nag-angat siya ng mukha, sinulyapan itong nakapameywang nang nakaupo sa gilid ng kanyang mesa, nakatalikod sa kanya. Saka lang ito umayos ng tayo nang maramdamang hinihila niya ang inilapag nitong sliding folder.

Binuklat niya iyon, tiningnan isa-isa ang picture ng bawat resume, ngunit 'di man lang sinulyapan ang qualifications ng mga ito, pagkuwa'y pasimple iyong inihagis pabalik sa mesa saka itinukod ang siko sa armchair ng kinauupuan at hinimas ang medyo mahaba nang begote.

"They're all disqualified," malamig niyang saad.

"What?!" bulalas ng kaibigan, dismayadong napaharap sa kanya, hindi ma-imagine ang ekspresyon ng mukha, naroong maluha sa inis at mangani-nganing batukan siya.

Gigil na idinuro siya nang 'di na makatiis sa nararamdaman.

"We've been very busy for two weeks sa paghahanap lang ng babaeng gusto mong maging secretary, Mr. Arunzado. Lahat na ng mga tauhan ko, nagkakandarapa sa paggalugad ng buong manila, makapagbigay lang ng qualified applicant sa'yo. And now that we've done with it, sasabihin mong walang pumasa kahit isa?!" Tila umuusok ang bumbunan nito sa galit na sa lahat ng mga empleyado niya'y ito lang ang pinapayagan niyang gumawa niyon sa kanyang harapan.

Hindi pa rin siya umimik, nanatili lang sa kinauupuan pero ang mga mata'y sa sahig na mariing nakatitig habang hinihimas ang begote.

"What do you really want, huh?!" hiyaw na nito.

Doon lang siya muling nag-angat ng mukha, malamig ang tinging ipinukol sa lalaki.

"Am I too kind to you nowadays that you can't even recognize me as your boss?" mahina niyang saad, malamig pa rin ang boses, kasinlamig ata ng yelo, bagay na napansin agad ng kausap kaya't napaubo ito't sumeryoso ang mukha.

"Ahem! Sorry sir, pero mahirap kasi mahanap ang gusto mong secretary. Lahat ng mga babae ngayon, magagaling magtago ng pangit na mukha, ang kakapal ng mga make-up nila na halos 'di mo na makilala---" paliwanag nito, hininaan na ang boses.

"Then, be specific in your qualifications. I said I need an ugly secretary, not a smart one," pagbibigay niya ng suhestyon at agad na tumayo sabay senyas ng kamay para umalis na ito.

Magsasalita pa sana ang kaibigan nang tumalikod siya saka lumapit sa may bintana ng opisina, mula roon ay tanaw niya ang mga tao sa baba, tila na lang mga gagamba sa liit at mga sasakyang sa tingin niya'y mga laruan na lang sa taas ng gusaling kanyang kinatatayuan.

Napatingin siya sa katabing hotel na tulad ng City Garden ay merun ding social hall sa rooftop niyon.

Bigla ay sumagi na naman sa kanyang alaala ang mukha ni Lovan nang gabing iyon, kung paano itong nagkunwaring ka-appointment niyang model sa gagawin sanang panibagong painting makuha lang ang kanyang atensyon.

Naningkit bigla ang kanyang mga mata. Bakit kailangan nitong magsinungaling na nawala ang kwintas gayung ang totoo'y suot nito iyon? What was her reason for doing that?

"Jildon," tawag niya sa kaibigang lalabas na sana ng opisina nang marinig ang boses niya.

Pumihit siya paharap dito, ipinamulsa ang dalawang kamay sa kumikintab na slacks at lumapit sa lalaking napaharap na uli sa kanya.

"Have you seen Lovan with an ugly mole on the right side of her cheek?" tanong niya.

Sandaling nangunot ang noo nito ngunit bigla ring nagliwanag ang mukha nang makuha ang ibig niyang sabihin saka nagmamadaling lumabas sa lugar na iyon.

Napapailing na lang siyang bumalik sa pagkakaupo sa swivel chair. She haven't seen Lovan for a couple of days. No, he didn't want to see her until their church wedding. Pero bakit hindi mawala sa isip niya ang mukha nito nang gabing siilin siya ng halik? It was as if--

Naihilig niya ang ulo. No! That was a mistake. Had he known she would trick him to take back the necklace, he shouldn't have fall for that kiss in the first place. Iyon ang ikinagagalit niya sa sarili. Next time, he would never stare at her again. Never!

------@@@@@-------

Heto si Lovan, nilalakad ang kahabaan ng EDSA para lang maghanap ng trabaho. Kahapon pa siya nag-send ng resignation letter sa kanyang manager through messenger at pansamantalang nag-lodge sa isa sa mga ordinaryong lodging house sa Boni.

Sa bawat gusaling madaanan niya'y tinitingnan niya ang harapan niyon kung may nakapaskil bang karatula na may nakasulat na hiring pero malibang wanted saleslady, o bartender at babysitter ay wala na siyang makita pa. Hanggang sa maramdaman niyang nangangalay na ang kanyang mga paa sa kalalakad lalo pa't medyo masikip ang sapatos na nabili niya kanina kaya pansamantala siyang huminto at pumasok sa malapit na jollibee. Tanghali na din naman, kaya dito na lang siya kakain.

Inukupa niya ang bakanteng mesa sa may gilid niyon pagkatapos umorder ng garlic pepper beef at pineapple juice.

Habang tahimik na kumakain ay panaka-naka siyang sumusulyap sa labas glass wall, baka sakali ay may makita siya roong hiring pero lalo lang siyang nalungkot nang wala man lang masulyapan.

Patapos na siyang kumain nang may dalawang babaeng lumapit sa kanya bitbit ang isang tray ng pagkain.

"Miss, pwedeng maki-share ng table?" magiliw na paalam ng isa.

Napangiti siya. "Oo, sige."

Tatayo na sana siya nang marinig ang sinabi ng isang babae sa kanyang harapan.

"Maganda daw doon, hindi sila naghahanap ng magandang secretary. Wanted ugly secretary pa nga ang nakasulat sa poster. Ibig sabihin, basta pangit ka, pasado ka sa kanila."

Napabalik siya ng upo at bumaling sa nagsalita.

"Naghahanap din kayo'ng trabaho? Pwede ba akong sumama?" pakiusap niya, tumango naman agad ang dalawa.

Buti na lang, nakasuot pa rin siya ng wig hanggang ngayon at naroon ang kanyang fake na nunal sa pisngi. Sa literal na kahulugan ng pangit, pangit talaga siya pero pwedeng niyang dagdagan ang mga nunal niya sa mukha para mas lalo siyang maging pangit sa paningin ng lahat, baka sakali matanggap siya sa trabaho.