Subalit sa kamalasan ay likod ni Francis ang biglang tumambad sa kanyang harapan pagkabukas lang niya ng pinto. Nakatayo ito mismo sa harap ng suite na iyon panay ang tingin sa kaliwa't kanan. Nanlaki bigla ang kanyang mga mata't awtomatikong isinara pabalik ang pinto, ini-lock iyon at napahawak sa kumakabog na dibdib. Buti na lang, nakatalikod ito at 'di siya nakita. Talagang katapusan na niya kung nangyari 'yon.
Nanlulumong napatingin siya sa kinaroroonan ng nakaupo pa ring may-ari ng suite. Pamilyar talaga ang mukha nito pero hindi niya naman maalala kung saan ito nakita.
Isang sulyap na uli ang pinakawalan nito, hindi man lang rumihestro sa mukha ang pagtataka kung bakit siya bumalik. Ni hindi niya alam kung nakita siya pero napansin niyang napasulyap ito sa kanya.
Nilingon niya ang saradong pinto saka nag-isip. Nasa labas lang si francis, marahil ay kanina pa ito nagpapabalik-balik doon at walang balak na umalis hangga't 'di siya nakikita. Kung muli siyang lalabas, baka tuluyan na siyang hindi makatakas mula rito.
Isang buntunghininga ang kanyang pinakawalan bago alanganing lumapit sa estrangherong lalaki at dinampot ang nighties na kanina'y ibinagsak sa sahig.
"Ano po ba'ng gagawin ko?" usisa niya sa may-ari ng lugar na iyon.
He just glanced at her in a cold manner like what he did before. Napaisip tuloy siya kung woman-hater ito o bakla. Pero sabagay, sino ba ang magkakagusto sa pangit niyang mukha?
"Wear that dress," malamig nitong saad, tumayo at dinampot ang phone sa ibabaw ng center table.
Sandali siyang natigilan. Saan siya magpapalit? Saan ang dressing room doon?
Para siyang tangang napatingin sa buong paligid pero liban sa malawak na bulwagang iyon, ay wala man lang siyang nakitang kwarto sa palibot. maliban sa isang maluwang na pintuang nasa sulok sa gawing kaliwa ng suite, kung saan iyon papasok o kung iyon ang kwarto ng estrangherong iyon ay wala siyang ideya.
Nang mapansing hindi pa rin siya kumikilos ay saka lang ito napatingin na uli sa kanya, this time, napatitig na, bahagyang nagsalubong ang mga kilay ngunit nawala din iyon agad.
"It's safe even if you undress yourself in front of me. I've seen a thousand beautiful women since the day I started painting. You're not even one of them," pasarkastiko nitong saad, parang balewala lang rito ang lumabas sa bibig, tila ba normal lang nitong sinasabi iyon sa isang babae, walang pakialam kung ano'ng magiging epekto sa kanya.
Hindi niya maiwasang mapatingin dito nang matalim. Segurado na siyang bakla ito, lalaki ang gusto at hindi tulad niyang babae pero nakaramdam pa rin siya ng inis. Sukat bang ipangalandakang hindi siya napapabilang sa mga magagandang babaeng nakita nito at naging model.
"Don't worry. I've also seen a thousand men like you, at sanay akong maghubad sa harapan nila," pasupla niyang sagot, nakairap ngunit sandali ring natigilan nang mapagtantong hindi niya kayang maghubad sa harapan nito.
Tatalikod na sana ang lalaki nang marinig ang sinabi niya ngunit sandali itong nahinto sa gagawin, bahagya na uling nagsalubong ang mga kilay saka palihim siyang sinulyapan na nang mga sandaling iyo'y nagmamadaling tinanggal ang kanyang inifinity dress at mabilis ding isinuot ang manipis na nighties, hanggang binti ang haba, hapit sa kanya lalo sa kanyang beywang.
Umiwas agad ito ng tingin subalit kapansin-pansin ang biglang pagkunot ng noo, rumihestro bigla ang galit sa maskulado nitong mukha saka inilang hakbang lang ang pagitan nilang dalawa.
Nagulat pa siya nang sa isang iglap ay makita ang estrangherong lalaki sa kanyang harapan, nanlaki bigla ang kanyang mga mata sa takot. Ang alam niya'y nakatalikod ito habang nagpapalit siya ng damit. Bakit ngayo'y heto't isang dangkal na lang ang pagitan nilang dalawa? Naitakip niya tuloy ang dalawang siko sa nakaumbok na dibdib sa kaba na baka nagkukunwari lang itong bakla.
"Dammit, Lovan!"
Nagulat siya lalo sa lumabas sa bibig nito, nang magtama ang kanilang mga mata'y bigla siyang kinabahan sa tila nag-aapoy na titig sa kanya. Bakit? May nagawa ba siyang ikinaglit nito?
Pero mas nakakagulat ang ginawa nitong pagtanggal sa kanyang wig at nunal sa mukha. Nanlaki lalo ang kanyang mga mata. Paano nitong nalamang fake ang kanyang buhok at nunal?
"Liar!" matigas nitong wika, biglang nagtagis ang bagang habang nakatingin sa kanya.
Namutla siya agad. Alam na nitong nagkukunwari lang siyang pangit! Nalaman nitong hindi talaga siya ang inaantay nitong model! Ano'ng gagawin niya?
Subalit nang sumagi bigla sa isip kung paano siya nitong tinawag sa kanyang pangalan ay lalo siyang nagulat, awang ang mga labing nakipagtitigan dito.
Pero bago pa siya makapag-usisa kung bakit siya kilala'y nahablot na nito ang kanyang isang braso at mahigpit iyong hinawakan saka siya hinila palabas ng unit, pinagsarhan agad ng pinto pagkatapos.
Sa galit sa nangyari lalo na nang muntik nang matumba sa lakas ng pagkakatulak sa kanya palabas ay gigil siyang bumalik sabay sipa sa pintuan.
"Walanghiya! Makarma ka sana sa ginawa mong hinayupak ka!" bulyahaw niya, sinadyang lakasan ang sigaw kisehodang marinig siya ng lahat.
'Grrr!' hiyaw ng kanyang isip. Walanghiyang iyon, pagkatapos siyang papagpalitin ng damit, basta na lang siyang sisigawan at tatawaging sinungaling. Hindi pa nakuntento para lang siyang basahang itinapon sa labas ng suite nito. Nakakagigil! Ngayon pa lang siya naka-encounter ng lalaking kasinsama yata ng ugali ni Hitler, ang lalaki sa world history na pumatay ng libo-libong tao.
Muli niyang sinipa ang pinto sa sobrang galit niya, pero maya-maya lang ay nakasandig na siya roon habang nakahalukipkip at matalim ang tingin na tila ba nasa harapan niya ang kaaway ngunit nagbago din agad ang ekspresyon ng mukha pagkakita sa nakakunut-noong si Francis na nasa di-kalayuan sa kanyang kinatatayuan, nakatitig sa kanya kasama ng tatlo pang mga lalaking malalaki ang pangangatawan.
Bigla siyang namutla, agad na iniiwas ang tingin at humarap sa pinto ng unit. Hindi. Hindi siya pwedeng magpahalatang siya si Lovan, ang hinanap nito. Alam niyang iba na ang kanyang mukha. Wala na siyang wig pero naka-clip pa rin ang kanyang buhok, nakapusod sa tuktok ng kanyang ulo. Pasalamat na lang siya't iba na rin ang kanyang damit.
Inipon niya ang lahat ng kapal ng mukha, baka mamaya makilala na siya nang tuluyan ni Francis.
Kagat-labi siyang kumatok sa pinto.
"Sweetheart! Love! Honey! Darling, papasukin mo naman ako. Promise, hindi na ako magpapasaway," lambing niya sa walang-pusong lalaki sa loob ng unit.
Isa pang katok sa pinto bago siya napasigaw sa takot.
""Ayyy!"