Chereads / The Stolen Identity / Chapter 7 - Ang Muling Pagtatagpo

Chapter 7 - Ang Muling Pagtatagpo

'Francis!' hiyaw ng kanyang isip, biglang nanlamig ang mga kamay sa pagkagimbal habang hindi inaalis ang nanlalaking mga mata sa papalapit na binatang halatang nagulat sandali nang makita siya pero agad ding sumilay sa mga labi ang nakakalokong ngisi.

Awang ang mga labing napatingin siya sa may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuan. Magkamag-anak ang dalawa?!

"Francis, iho!" natatawang tawag ng ginoo, halatang natuwa pagkakita sa binata.

Nang muli siyang titigan ni Francis ay naiiwas niya agad ang tingin dito, kunwa'y humarap sa kanyang manager.

"Pupunta lang po akong CR sir," paalam niya, hindi na hinintay na tumango ang kausap.

"Excuse me po," paalam niya sa may-ari ng GIO Enterprise at nagmamadali nang lumayo sa dalawa bago pa man nakalapit si Francis.

Pero sa halip na hanapin ang Comfort Room ay pasimple siyang lumabas sa party, deretso sa loob ng elevator. Ayaw niyang makita ang adik na binata. Kung alam lang niyang magkamag-anak pala ang dalawa, hindi na sana siya pumayag na sumama pa sa lugar na 'yon.

"Lovan!"

Pasara na sana ang pinto ng elevator nang makita ang binatang palapit sa kanyang kinaroroonan. Namutla siya agad, napahawak sa wall, sa isip ay nagsimulang magdasal na sana'y sumara na ang pinto bago pa ito tuluyang makalapit. Iyon nga ang nangyari kaya tila siya nabunutan ng tinik sa lalamunan ngunit hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib. Kailangan na talaga niyang makaalis sa lugar na iyon.

Dinukot niya ang phone sa sling bag at tinawagan si Lenmark pero naka-off ang phone nito.

Bahala na, sasakay na lang siya ng taxi pauwi.

Subalit isipin pa lang ang itsura ng sasakyang balak sakyan, nangatog na agad ang kanyang mga tuhod, mas takot siyang pumasok man lang sa taxi kesa sa kaalamang hinahabol siya ni Francis.

Ano'ng gagawin niya? Muli niyang ini-dial ang number ni Lenmark, baka sakali sumagot na ito pero wala, naka-off pa rin ang phone.

Eksakto namang bumukas ang pinto ng elevator ngunit 'di pa niya naibabalik sa bag ang phone ay umalingawngaw na uli sa labas ang boses ni Francis. Gimbal siyang napatingin sa lalaking tila natigilan din nang makita siya. Nagtama ang kanilang paningin. Sandali siyang natuliro, hindi alam kung itutuloy ang paglabas sa elevator o aantaying sumara ang pinto. Paanong nakasunod ito agad sa kanya? Alam din kung saan siya pupunta.

Nang makita niyang mula sa may hagdanan ay patakbong lumapit ang binata sa kanya, wala siyang choice kundi pindutin ang button ng elevator. Bahala na, basta makatakas lang siya mula dito na nang mga sandaling iyo'y nahabol pa niya ang nakakalokong ngisi, halatang nag-eenjoy sa nangyayaring tila hide and seek.

Katamtaman lang ang lamig ng aircon sa kinaroroonan pero pakiramdam niya, nangangatal na ang kanyang bibig sa takot, nanginginig ang kanyang mga tuhod, idagdag pang pumasok sa kanyang utak ang reyalidad na nasa isa siyang closed area, simula na siyang sumpungin ng claustrophobia.

Tulad ng nangyari kanina'y bago pa makalapit si francis, sumara na ang pinto ng elevator. Hindi siya pwedeng magpatalo sa nararamdaman. Mas higit niyang kailangan ang tapang ngayon.

Dalawang minuto lang ang lumipas ay bumukas na uli ang elevator, hindi na siya nagdalawang-isip at binitbit agad ang suot na sandals saka kumaripas ng takbo, walang dereksyon ang tinatahak basta makalayo lang roon.

"Lovan!" Paliko na siya sa lobby nang muling marinig ang malakas na tawag ni Francis.

Takot ma'y hindi siya nagpadaig sa nararamdaman, kinontrol niya iyon at lalo pang binilisan ang pagtakbo paliko hanggang sa may madaanan siyang suite, maluwang ang pagkakabukas ng pinto. Lumampas siya pero agad ding bumalik at lakas-loob na pumasok sa loob sabay sara sa pinto niyon.

Abot-abot ang paghingang sumandal siya sa dahon ng pinto, matagal sa ganuong ayos bago napansing bitbit pala ang sandals at phone na hindi niya na nagawang ipasok sa loob ng kanyang bag sa pagmamadali kanina.

After a couple of minutes, saka lang tila humupa ang kanyang takot at pinasadahan ng tingin ang paligid. Ang ganda ng unit na iyon, halatang mamahalin ang mga gamit. Flower vase pa lang na nakapatong sa ibabaw ng center table, unique na ang design, assymetrical glass vase na may iba't ibang kulay, bumagay sa nakalagay na tulip flowers sa loob niyon.

Ang maputlang pisngi ay unti-unting nagkakulay kasabay ng pagsilay ng matamis na ngiti sa mga labi.

"Wow, pink tulips!" bulalas niya sa pagkamangha, nagmamadaling ibinalik sa bag ang phone at isinuot ang sandals saka lumapit sa flower vase, hinimas ang fresh tulip flowers, hindi nakuntento't hinalikan iyon, 'di maiwasang mapaisip kung babae ang may-ari ng suite na 'yon, bakit may bulaklak kung hindi.

"A lady with dry, frizzy curly hair?"

Bigla ang ginawa niyang pag-angat ng mukha at pag-ayos ng tayo sabay baling sa nagsalita sa baritonong boses sa kanyang harapan.

Awang ang mga labing napatitig siya sa lalaking nakadikit ang phone sa tenga.

Nagtama ang kanilang paningin. Those dark eyes, as cold as ice when staring at someone and that well-proportioned roman nose with masculine face na kahit sino segurong makakakita rito'y mapapatitig bigla sa paghanga.

Matapos ang ilang saglit na pagkatulala'y bahagyang nangunot ang kanyang noo. Parang nakita na niya ito noon, hindi niya lang maalala kung kelan at saan.

Hindi man lang niya napansin sa seryoso nitong mukha ang pagtataka kung sino siya at kung bakit siya naroon.

"5'4 in height? With an ugly mole on her right cheek? Your description perfectly matches with her appearance. It's good to know that she's punctual," dugtong nito sa kausap sa phone pagkatapos siyang tingnan na parang wala lang ngunit himalang sa isang maikling sandali'y nalaman nito agad ang kanyang height at napansin ang nunal niya sa pisngi.

Kumunot ang kanyang noo sa pagtataka. Hindi man lang ba siya tatanungin ng lalaki kung ano'ng ginagawa niya sa lugar na 'yon?

Pakaswal nitong inilapag ang hawak na smartphone sa center table saka sumenyas sa kanya pero wala siyang naunawaan sa ibig nitong sabihin kaya nanatili siya sa kinatatayuan.

Saka niya lang na-realize na baka pinaaalis na siya nito kaya nagmamadali siyang pumihit patalikod at nagsimulang maglakad papunta sa pinto.

"Where are you going?" habol sa kanya dahilan upang mapahinto siya agad sa paglalakad.

Nang pumihit siya paharap dito'y awtomatikong naiangat niya ang mga kamay para saluhin ang itinapon nitong manipis na damit sa kanya. Gawa iyon sa lace, isang manipis na nighties.

Lalong lumalim ang pagkakakunot ng kanyang noo.

"A-ano po ito, sir?" pautal niyang usisa.

He glanced at her as if he was looking at an object, ni walang makikitang emosyon sa mukha nito pagkuwa'y pa-dekwatrong naupo sa L-shaped sofa.

"If you've changed your mind being my model for tonight, you can go right away," malamig nitong saad, hindi na siya sinulyapan uli, dumeretso ang tingin sa nakapinid na pinto ng suite.

Model? Napakamalan pala siyang model ng lalaki? Ibig sabihin, may inaantay talaga itong panauhin kaya sinadya nitong buksan ang pinto ng unit para malayang makapasok kung sino man iyon. At dahil siya ang pumasok ay siya ang napagkamalan nitong inaantay na model?

Noon lang niya naaalala ang sinabi nito kaninang description ng babae na ka-match sa kanyang itsura. Kaya pala wala itong reaksyon nang makita siya.

"S-sensya na po pero ayukong maging model," alanganin niyang sagot saka ibinagsak sa carpeted na sahig ang nighties at nagmamadaling lumabas doon.