Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 18 - Chapter Eighteen

Chapter 18 - Chapter Eighteen

"Bahay ko," tumigil ako sa tapat ng gate namin.

"Alam ko" ngumiti sya.

"Stalker."

"Proud to be," nakangiti lang na sabi nya.

"Hindi na kita iimbitahin pumasok baka kung ano pa ang kunin mo sa mga gamit ko."

"Ganon? Sayang naman. Gusto ko pa naman kumuha ng underwear galing sa kwarto mo."

"Shit," sambit ko.

"Joke lang!" tawa nya.

Bwiset 'to nakuha pang magbiro. Nag-door bell na ako.

[Dela Cruz Residence] sagot ng butler sa intercom.

"Si Audrey to pabukas ng gate."

[Yes Young Lady]

Umilaw yung green sa intercom. At nag-unlock ang gate.

"Alis na," taboy ko kay Pangit.

"Good night," sabi nya at nakangiti parin sya nung umalis.

Ipinaglihi ba sya sa asukal? Kung makangiti naman sya. Pumasok ako sa bahay.

"Audrey," si Mama may kargang bata.

"Mama sino 'yan?"

"Si Angelo ang cute no? Hihihi!"

Ayos 'to si Mama nagpapacute na naman.

"Hello!" bati nung bata. Ang puti nya. Ang ganda ng balat nya. Parehas kami.

"Angelo this is your Ate Audrey okay? Say Hi Ate Audrey"

"Hi Ate Audrey." Ang masunurin naman nya.

"KYAAAAAAHH!! Ang cute mo talagang bata!!"

Si Mama nakahanap na naman ng bagong baby. Hindi na kasi ako nagpapa-baby kay Mama. Malaki na ako. At ganon din si Kuya.

"Saan ba galing yang batang yan? Mama nag-ampon ka ba?"

"Hindi ano ka ba? Pero gusto ko ngang ampunin 'tong si Angelo eh kung hindi lang sya anak ni kumare. Hihihi!"

"Sino'ng kumare? Isoli nyo na nga yan Mama baka mamaya umiyak pa yan. Ayoko nang maingay mag-aaral pa ako!"

"Audrey! Ang meanie mo" nag-pout si Mama.

ANO BA ANG MERON NGAYON AT ANG HILIG NG MGA TAO MAG-POUT?! Naalala ko tuloy ang lintek na pangit na Romeo na 'yon!

"MAMA! HINDI KA BAGAY MAG-POUT!"

"Hindi 'yan totoo," sumulpot si Papa mula sa kusina, may inaalog syang bottle na may laman na gatas para sa mga baby. "Ang pout ng Mama mo ang dahilan kung bakit ko sya pinakasalan. Hindi ba Honey?"

Yuck! Honey? May naalala na naman ako! Nakakataas ng balahibo. At si Papa lumabas ng office nya? Himala!

"Ano'ng meron? Bakit ba may bata dito? Kapag yan nag-ingay ihahagis ko yan sa labas."

Bigla silang tumahimik at tinignan lang ako.

"Angelo don't mind her, she's just jealous because you're way cuter than her," sabi ni Mama.

"Ate! Ate Pretty!" sabi ni Angelo habang nakaturo sa akin.

Masyadong masayahin ang batang ito. Ang sabi nya pretty daw ako. O sige na nga, cute narin sya.

"Papa ano'ng ginagawa nyo rito? Diba dapat nasa loob ka ng opisina at nagtatrabaho?"

"Pagod na 'ko at ang isa pa bakit ko pa kakalabanin sina balae? Balang araw ikakasal na rin naman ang kapatid mo at ang anak nilang si Samantha. Magiging isa nalang ang mga pamilya natin."

Leche! Ayoko nga sabing maging kapatid si Samantha eh!

"Kanino po bang anak yan?" naiinis na tanong ko.

"Kay balae," sagot ni Mama.

"Sino?"

"Kapatid 'to ni Samantha yung fiancee ng kapatid mo," sagot ni Mama. "Yung classmate mo noong High School."

Nagulat ako. "Bumalik na sila? Nasan sila ni Kuya?"

"Ang kuya mo nasa itaas nagpapahinga," sagot ni Papa.

Tumakbo na ako sa itaas. "Kuya!" kumatok ako sa pinto ng kwarto nya.

Binuksan ko ang pinto. Nakita ko sya na nakaupo sa sofa. Ano'ng problema ng isang 'to? Nakatulala sya.

"HOY KUYA!"

Nagulat sya.

"Asan na pasalubong ko? Yung bagong design na Hermes bag?"

Tinignan nya ako nang parang tinatamad.

"Nasa kwarto mo na," sagot nyang walang energy "Now go away."

Itinataboy ba nya ako? Hah! Hinampas ko ang ulo nya.

"ARAY!! PARA SAN 'YON?! TAKTENG KAMAY YAN NAPAKABIGAT!" reklamo nya. Ano raw? Mabigat? Meaning ba non na mataba ako?!

Hinampas ko ulit sya. "Ano bang problema mo ha? Babae na naman ba? Shit kuya kalimutan mo na nga yung babaeng kuneho na 'yon! Eh diba may iba na yon?! Yung Rex Piccolo!"

"Hindi 'to tungkol kay Goth girl," mahinang sabi nya. "Parco 'yon Audrey hindi Piccolo."

"At ipinagtanggol mo pa si Piccolo! Kuya talaga! Kuuu!"

"Bakit ba natin sya pinag-uusapan? Hwag mo na ngang balikan. Past is past."

"Eh bakit mukha kang nalugi sa sugal?"

Teka. "Hoy kuya! Nagsugal ka na naman 'no?! Leche hwag kang mangungutang sa'kin masasapak kita ulit!"

"Kailan ba ako nangutang sa'yo? Madami akong pera no! Asa ka naman na matalo ako sa sugal! Doon lang naman ako palaging nananalo."

"Eh bakit ka naka-loser face dyan? Ang pangit mo!"

Pangit? Bakit ba lahat ng words ngayon eh nakakapagpaalala sa'kin dun sa panget na yon? Lahat kasi ng negative words na sa kanya na.

"Pangit?" hinawakan nya ang mukha nya. "Kailangan ko na bang magpa-facial?"

"Oo! Tara sama ako, libre mo."

"Bakit kita ililibre? May pera ka naman."

"Eh diba marami ka naman pera? Hwag kang kuripot kuya!"

"HAHAHA! Tara na nga, mag-bihis ka na, hihintayin kita sa kotse."

Lumabas na ako ng kwarto nya at nagpalit ng damit. Mabuti nalang vain si Kuya sa hitsura nya. May kasama ako sa salon, sa shopping at sa mga kung anu-ano.

***The Next Day

"Hoy Angelo hwag kang tatakbo ha," bilin ko sa bata.

"Yes pow!" sagot nya na masayang masaya dahil nakalabas.

Hawak ko ang kamay nya habang naglalakad papunta sa playground ng subdivision namin. Sa'kin sya ibinilin nila Mama. Ipasyal ko raw muna dahil may meeting sila with foreign investors. Ginawa akong Yaya. Hwag lang talaga magpapakita sa'kin si Samantha masasaktan ko talaga sya. Hindi pa sapat na iniwan nya sa'kin ang mga kaibigan nyang baliw, pati kapatid nya nasa akin din.

Ano ba yan? Tingin nila sa'kin? Babysitter? Nakarating na kami ni Angelo sa playground. May mga batang naglalaro. Tumakbo si Angelo sa swing at sumakay. Buti nalang mababa yung upuan ng swing kaya naman nakasakay sya.

Pinanood ko lang sya mag-swing. Tumingin ako sa paligid. Bakit puro Yaya?

"HONEY!!"

AY PANGIT! Pagtingin ko...pangit nga.

"Hoy ugly face, ano na naman ang ginagawa mo? Sinusundan mo na naman ako?"

"Oo kanina pa," inabot nya sa'kin yung ice cream.

"Ayoko ng ice cream, ayoko sa matamis."

"Ganon ba?" dalawang ice cream ang hawak nya. Ibigay nalang kaya nya kay Angelo?

"UWAAAAAAAA!!! WAAAAAAAAA!!" Narinig ko nalang na may umiiyak. May yumapos sa binti ko. Si Angelo. "UWAAAAAAA!! WAAAAAAAA!!"

AY LECHE ito na nga ba ang ayaw ko. Iyakin na bata.

"Honey sino 'yan? Anak mo? Sino ang ama?!! Bakit hindi ko alam?!"

LECHE! Binatukan ko nga. Isigaw daw ba?

"Tigilan mo ako sa pagiging OA mo," sabi ko sa kanya. "At hwag mo akong sigawan ha!"

"Akala ko kasi anak mo."

"Eh ano kung anak ko 'to?"

"Kasi kung may anak ka na kailangan ko na palang mag-ipon pampaaral nya."

Bwiset na pangit 'to. Ang aga-aga. Lumuhod ako sa tapat ni Angelo. Pinunasan ko ang mukha nya. Buti may panyo ako.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko.

"Huk!" May itinuro syang bata na nasa swing kung saan sya kanina nakaupo. "He pushed me and I fell," may luha pa sa mga mata na kwento nya.

"Binully ka?" tanong ko.

Tumango sya.

"Hwag ka nang umiyak heto ang ice cream oh. Oooy tatahan na yan," sabi ni Romeo sa bata.

Inabot ni Angelo ang ice cream at saka nilantakan. Ang bilis naman mag-move on ng batang 'to. Ano bang klase ng pagpapalaki ang ginawa dito ni Samantha at ni Kuya? Parang hindi pinapakain.

"Angelo kapag may tumulak sayo, itulak mo rin," sabi ko sa kanya.

Tinitigan lang nya ako gamit ang kanyang malalaki at inosenteng mata.

"But Mommy said it's bad to hurt other kids."

"Basta hwag kang papayag na apihin ka."

"Honey hindi naman yata tama na sabihin mo yan sa kanya, baka mamaya maging bully yan paglaki," epal ni Pangit.

Tinulak ko sya palayo.

"Angelo makinig ka sa'kin, yung batang umaway sa'yo ganito ang gawin mo—"

"Honey hindi mo naman siguro balak na—"

"Manahimik ka dyan!" sigaw ko sa kanya.

Nag-pout sya.

"Ang pangit mo talaga lumayas ka nga!"

"Honey mas lalo akong naiinlab sa'yo kapag nagtataray ka! Ang cute mo tignan."

WEIRDO. Hindi ko na sya pinansin at tumingin nalang ulit ako sa kapatid ni Samantha. Binulungan ko ng dapat nyang gawin.