*Audrey Dela Cruz*
May humablot sa braso ko habang naglalakad ako papunta sa parking lot ng school. Agad ko'ng hinarap ang taong 'yon at ready na akong sigawan sya. Sino sya para hawakan ako?
"Honey!" hinihingal nyang tawag.
Si Pangit pala. Mukhang tumakbo sya. So hinabol nya ako. Hmm.
"Ano'ng kailangan mo ugly?" tinignan ko sya nang masama bago ko sya irapan. Bwiset. Kumukulo ang dugo ko.
"A-Ano kasi Honey," yumuko sya at nagkamot ng batok. Yuck. May rashes kaya sya ron? Lumayo ako ng kaunti. Ayokong mahawa.
"Alam mo kung wala kang sasabihin pwedeng hwag mo nang aksayahin ang oras ko?" mataray kong sabi sa kanya. Humalukipkip ako.
"Para sa'yo oh!" bigla nyang itinapat sa mukha ko ang pink roses.
Bouquet ng pink roses. Hindi ko kinuha ang inaabot nya kahit na gandang ganda ang ako pagkakaayos ng mga bulaklak. Alam na alam nya ang taste ko. Stalker ko talaga sya.
"Para san 'yan?" tinitigan ko lang sya.
Tinignan nya ako. Tinitigan nya nang matagal ang mukha ko tapos bigla syang yumuko. Ang lapad ng ngiti nya at parang namumula. What the heck?
"A-Ano kasi eh hehe!" Nakangiti lang sya habang bahagyang nakayuko.
Sapakin ko na kaya 'to? Yuko ng yuko eh wala naman ako sa sahig?
"M-Mahal kasi kita Audrey," sabi nya at saka sya nagtakip ng mukha at parang kinikilig.
Di'ba dapat ako yung kiligin? Kaso hindi ko magawa. Pano ba naman kasi nakita ko syang may kalandian sa library. At ang isa pa, hindi naman sya kasing gwapo ni Nickhun ng 2PM para kakiligan ko. The fudge.
Nilagay ko sa magkabilang side ng bewang ko ang mga kamay ko. "Sinungaling."
Napatingin sya sa'kin. Tinalikuran ko na sya at naglakad. Mahal? LECHE! Hindi ako naniniwala sa ganon. Kung sinabi nya na he likes me siguro maniniwala pa ako. Pero mahal? Psh! Bigla syang humarang sa daan ko. Nanlalaki ang mga mata nya at parang iiyak na bata. Napakahina naman nya, bakit sya iiyak?
"H-Hindi ako sinungaling Honey." Kinuha nya ang dalawa ko'ng kamay nang sapilitan kahit na hinihigit ko pabalik. Bwiset. "Mahal talaga kita," sabi pa nya.
Tinignan ko lang sya. Ganoon parin ang mukha nya. Para syang tuta. Naka-pout nang konti ang labi nya at nakatingin lang din sya sa'kin.
"Nakita kita sa library kanina," malamig kong sabi.
"T-Talaga?" gulat na gulat sya at biglang namutla.
"Ang sweet nyo nga ni Maddison eh," sarcastic kong sabi. "Bagay kayong dalawa."
"Honey!" bigla syang sumigaw at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Paano mo nasabi yan?! Tayo ang magka-loveteam ah! Ayaw mo ba sa'kin?"
"Ayoko," diretso at mabilis na sagot ko. "Isn't it obvious?"
Hindi nya pinansin ang sagot ko.
"Syempre naman gusto mo rin ako! Cute naman ako di'ba?" at ngumiti na naman sya.
Hindi ba talaga sya titigil sa kakangiti? Nakakainis sya ngumiti. Ang pangit nya talaga. Maganda lang ang mga ngipin nya parang talagang model ng toothpaste at mouthwash.
"Honey! Hwag kang mag-alala kasi gagawin ko ang lahat para maging akin ka na! Hindi ako susuko! Promise 'yan! Ako ang una mong magiging boyfriend!"
Inakbayan nya ako at naglakad kami. Nagulat ako sa sinabi nya at hindi ako kaagad nakaimik.
"Ako ang magiging una mong kiss, ang unang lalaking ipakikilala sa parents mo, ang unang lalaking papasok sa kwarto mo, ang unang lalaking magdadala sayo sa flowers sa Valentinesā"
Nagising ako bigla sa sandaliang pagkawala sa sarili. Ang loser naman ng dating ko sa mga sinabi nya.
"Excuse me! Maraming nagdadala sa'kin ng flowers kahit hindi Valentines! Sa sobbrang dami mahihiya ang mga kaluluwa sa'kin dahil mas marami pa yung flowers ko kumpara sa pinagsama-sama nilang bulaklak na natanggap tuwing araw ng mga patay!" Tinatanggal ko ang akbay nya sa'kin pero hindi ko matanggal. "Nyeta lumayo ka nga sa'kin ang panget mo! Baka mahawa pa ako sa nakakarimarim mo'ng hitsura!"
"Pero Honeeey! Masanay ka na kasi okay?" binalewala lang nya lahat ng sinabi ko. Para syang may sariling mundo kung saan sarili lang nya at imagination lang nya ang kasama nya. Bwiset talaga.
"Pangit! Ang pangit mo talaga! Sa sobrang pangit mo lumalayo lahat ng tao sa'yo," sabi ko.
"Ayyyyiiiiieee!! Ang sweet mo talaga Honey! Kaya mas lalo kitang minamahal eh!"
Sana marealize nya na insulto ang sinabi ko at hindi compliment. Naiinis na talaga ako! Kailan ba sya maiinis sa akin?!