Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 22 - Chapter Twenty-Two

Chapter 22 - Chapter Twenty-Two

*Audrey Dela Cruz*

"Bukas na ang last day!! YAHOOOO!!" sigaw ni Maggie habang sumusuntok sa hangin.

"OH YEAH! UHUH!" nagsasayaw si China sa hallway.

My gosh! Nakakahiya talaga kasama ang mga ito. Tumingin nalang ako sa mga nadaan. Hmmm. Bakit kaya wala ngayon ang pangit na 'yon? Nakakapanibago naman samantalang dapat kanina pa sya sumusunod sa'kin.

"Gusto kong puntahan si Sammy! Namimiss ko na sya! Huhuhu!" reklamo ni Michie.

"Ang balita ko nga dumating na sila galing france! Nasaan kaya si Sammy?" tanong ni China.

"Malamang alam ni Audrey!" sagot bigla ni Maggie.

Tumingin silang tatlo sakin nang naka-puppy eyes.

"Hindi ko alam," sagot ko na wala sa mood.

"UWAAAAAAH! Madamot si Audrey!" naka-pout na sabi ni Michie.

"Oo nga ayaw mag-share," segunda ni Maggie na nakatingin sa akin.

"Baka kasi gusto nya solohin ang friend natin?" hula ni China habang hinihimas ang chin nya.

"MANG-AAGAW! Di ka na namin bati di'ba China at Maggie?"

Tumango yung dalawa.

"Di hwag!" tumalikod na ako at pumunta sa locker ko. "Pakielam ko ba? Sila lang naman ang dikit nang dikit sa akin. Bunch of weirdos."

"OOOYY! Joke lang Audz!" sigaw ni China.

"Si Audrey pala ang cute kapag nagtatampo!" namamanghang sabi ni Michie. Bwiset. Nagtatampo raw ako?

Malakas silang tumawa habang nakasunod sa'kin. Gusto ko nang mag-bakasyon para mawala na sila sa buhay ko. Mid-april na. Ang High School March palang bakasyon na. Iba talaga ang college. Binuksan ko ang locker ko. Walang kahit na anong unusual. Wala akong naaamoy na roses o chocolate sa loob. BAKIT WALA?! Sumilip ang Crazy Trios sa loob ng locker ko.

"OOOY! Bago yan ah," sambit ni Maggie.

"Oo nga, bakit walang flowers sa locker ni Audrey?" puna ni Michie.

"Baka naman sumuko na yung stalker nya?" hula ni China.

Sumuko? 'Yon si Pangit susuko? Isinarado ko na ang locker ko. Psh!

"Nangangamoy ang disappointment mo friend," panunukso ni Maggie sa'kin.

"Hehe! Audrey baka naman kasi may mas malaki syang surprise para sa'yo," sabi ni Michie.

"Leche ewan ko sa kanya!" sagot ko. Kung ayaw na nya sa'kin, eh di hwag! Ako pa ba mawawalan, ang dami dami dyan naghahabol sa'kin. Bakit ba ako naiinis? Eh di'ba dapat masaya ako dahil sa wakas wala na sya?

"Hala! Nagtampo na si Audz! Ohhh. OMG guys! Nag-pout sya!" turo sakin ni China

Sumimangot ako. Nag-tinginan silang tatlo sa'kin. My gosh, ang weird nila talaga.

"SAYANG HINDI KO NAKITA!!" sabay na sabi nina Michie at Maggie.

"Hahaha! Ang kukupad nyo eh! Buti ako nakita ko!" pagmamayabang ni China.

"Ikaw na China! Ikaw na!" sabi ni Maggie na nakanguso.

"Audrey mag-pout ka ulit sige na," pangungulit sa akin ni Michie.

"Che! Tigilan nyo nga ang pangungulit sa'kin," umalis na ako nang mainit ang ulo.

"Hala nag-walk out si Audrey," rinig kong sabi ni China.

Shit na pangit 'yon! Sinisira nya ang araw ko. Nag-lakad nalang ako papunta sa library. Ibabalik ko na ang mga libro na hiniram ko.

"Hi Ate Audz!"

Napatigil ako sa paglalakad at napalingon. "Ethan, dito ka rin pala nag-aaral?" Tinignan nya ako nang parang hindi makapaniwala. What?

"Tagal na po ate. Isang taon na po."

Si Ethan Dela Cruz, pinsan ko. Mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon. First year college sya, architecture ang kinukuha nyang course. Samantalang ako naman ay Business Ad kasama ang tatlong baliw.

"Nagbibiro lang ako," nginitian ko sya, ang cute nya, mukha syang tuta

Mukha syang harmless pero ang totoo sya ang itinuturing na blacksheep sa pamilya namin. Mas malala pa sya sa kuya ko sa pambababae. Gusto nya ng atensyon kaya naman lahat ginagawa nya para makuha 'yon. Nakikipag-away sya madalas, nakukulong din, ibinabangga ang sasakyan sa kung saan at nang-aagaw ng girlfriend. Magaling din sya sa halos lahat ng bagay. Nangunguna sya sa klase, sa sports at dahil isa syang Dela Cruz nakuha rin nya ang maganda naming gene. Sweet syang bata pagdating sa'kin, sabi nya crush nya raw kasi ako.

"Saan ka pala pupunta Ate?" tanong nya na sumabay na sa'kin mag-lakad.

"Sa library isosoli ko lang 'tong mga libro tapos uuwi na ako."

"Ganon ba? Sasama na ko—" naputol ang sinasabi nya.

"Hi Ethan," may bumati na babae at nag-wink sa kanya tapos umalis na.

"Ah, Ate may gagawin pala ako bye-bye!" at tumakbo na sya para sundan ang babae.

Napailing nalang ako sa kanya. Playboy talaga. Pumasok na ako sa library at isinauli ang libro. Nang pagkapasok ko nag-init naman ang ulo ko sa nakita ko. Kaya naman pala hindi ko makita eh kasi nasa library at nakikipag-landian kay Maddison. Si Maddison Santana. Ang pinaka-mahigpit ko'ng kaaway sa school. Unang pagkikita palang namin ayaw na namin sa isa't-isa. Saksakan sya ng arte. At napaka-papansin! Hindi naman sya ganoon kaganda.

Hindi ko nalang sila pinansin at lumabas na ng library. Pero pansin na pansin ko ang bulaklak na nasa table nila. Yung panget na yon! KAPAL! ANG KAPAL NG OIL NYA SA MUKHA! PWEDE NA SYANG MAG-TAYO NG OIL FACTORY!