Chereads / Uncertain Feelings / Chapter 1 - First Love

Uncertain Feelings

🇵🇭jadeatienza
  • 7
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 91.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - First Love

Prologue

First Love

IT WAS a busy Monday noon when Xycie decided to eat brunch at a fast-food restaurant. Late kasi siyang nagising kanina at male-late na rin sa klase kaya hindi na nakakain ng agahan. Napagpasyahan na lang niyang kumain bago tumuloy sa panghapon na klase. Pagkatapos kumain ay nag-ayos siya sa restroom bago dumiretso sa classroom. Abala rin ang mga kaklase niyang naroon. Paano'y GradeTwelve na sila't nangungumpleto ng mga requirements para sa kanilang clearance. Kailangan nilang mapasa iyon sa huling linggo ng buwan, Pebrero, kahit na ang graduation rites ay sa Abril pa.

"Cie, pakopya naman ng assignment," pakiusap ng isa niyang kaklase. Walang maituturing na kaibigan si Xycie roon. May kani-kaniya kasing grupo ang mga kaklase niya at ayaw niya ng ganoon, na para bang laging may kompetisyon. Kaya mas pinili niyang maging kaswal ang pakikitungo sa mga ito.

"O, ito, huwag mong gusutin, ha," habilin niya habang inaabot ang kwaderno.

Nakangiti lamang na kinuha nito iyon bago tumalikod at naglakad papalayo sa kanya. Ni hindi man lang nagpa-thank you.

Tumunog ang cellphone niya. Hindi pa naman class time kaya sinagot niya iyon.

"Xycie, susunduin kita mamaya," si Brian. He lived in their neighborhood. Matagal na itong nanliligaw sa kanya. Fourteen siya noong nakilala niya ang binata. Bagong-lipat ang mga Mendoza noon sa Santa Fe galing ng Maynila. At ilang linggo lang matapos niya itong makilala ay nagparamdam na ito na aakyatng ligaw sa kanya.

"Hanggang alas sinco y media kami ngayon," she answered.

"Oh, okay. Hindi na pala kita masusundo. We have a game at five," bawi nito sa alok. Baka mobile games na naman ang tinutukoy nito. Mahilig kasi ito roon.

"Gano'n ba?" Medyo disappointed siya. Balak pa naman niyang yayain itong kumain sa food park.

"Oo, pero dadaan ako sa inyo mamaya. Isang oras lang naman ang game namin," paalam nito. Tama nga siyang mobile games na naman.

"I love you," bulalas niya. She didn't know if she meant to say those words. Naiinis kasi siya dahil sa totoo lang mas inaatupag nito ang mobile games kaysa sa panliligaw sa kanya.

"Wait, Xycie, may laban din kami ngayon. C-call you later, bye!" mabilis na paalam lang nito.

Ngayon lang siya nag-I love you kay Brian, pagkatapos ay hindi man lang nito binigyan ng pansin? Buong araw tuloy siyang nainis dito. Hanggang maggabi ay hinintay niya ang pagtawag ng binata ngunit wala kahit isang tawag, o text ang nanggaling dito. Hindi rin ito nagpunta gaya nang sinabi nito kanina.

Napabuntong-hininga siya. Mag-a-alas diyes na at kailangan na niyang matulog.

"'Kainis ka, Brian! Kung hindi lang kita mahal..." bulong niya sa sarili habang nagtu-toothbrush at nakaharap sa salamin.

Love… That's a big word for a teenage girl like her.

Nanggigigil niyang tinapos ang pagsesepilyo. Inantok na siya't lahat-lahat ay hindi pa rin mawala ang inis na nadarama. Pumikit siya nang mariin.

"Intindihin mo, Xycie. May game iyong tao. Magkikita pa naman kayo," pilit niya sa sarili.

First love never dies, Xycie, She chanted in her mind until she fell asleep.

Umabot ng halos dalawang buwan ang hindi pag-contact kay Xycie ni Brian hanggang sa siya na ang nag-first move na puntahan ito sa bahay. Sabado ngayon at sigurado siyang walang pasok ang binata sa Unibersidad. Maghu-Hunyo na at magiging abala na siya sa pag-e-enroll sa mga susunod na linggo kaya hindi na niya matitiis na hindi makausap ang binata lalo pa't nasanay siyang katawagan ito noon.

"Tao po!"

Kanina pa niya pinipindot ang doorbell pero walang sumasagot. Halos mapudpod na rin ang daliri niya kapipindot doon.

"Ineng, umalis na ang mga nakatira riyan," pagbibigay-alam ng isang ginang na nagtitinda sa tapat ng bahay. May Sari-Sari Store kasi roon at nagpasya siyang bumili muna ng softdrinks at magpahinga saglit.

"Ho?" pagtataka niya at saktong nalingunan niya ang gate ng bahay. Sa gilid niyon ay nakapaskil nga na karatulang may nakasulat 'For Sale' doon na hindi niya namalayan kanina.

"Bumalik na ng Maynila ang mga mag-anak diyan. Hindi ka ba nasabihan?"

Nangunot ang noo niya. Kung lilipat pala ng bahay ang pamilya ang mga Mendoza, bakit hindi pinaalam ni Brian sa kanya? Akala ba niya ay nililigawan siya nito? She liked him so much and she wanted to be his girlfriend right after her graduation. Alam na rin iyon ng mga magulang niya at pinayagan siya basta alam niya ang limitasyon. Pero... hindi na ito nagparamdam. Kaya paano na ngayon?