Chapter 5
Courting
NAGING malamig ang pakikitungo kay Xycie ni Pier sa mga nagdaang linggo. Hindi niya gaanong pinansin iyon dahil naging abala rin naman siya sa pare-review para sa finals nila and requirements bago matapos ang semester. Kailangan niya ring ayusin ang requirements para sa pag-a-apply niya ng scholarship. Ngunit hindi pa rin maalis sa isip niya ang panlalamig nito sa kanya.
Nagse-self review siya ngayon sa library kasama si Flare. Nahihirapan siya sa pagso-solve sa ilang Math problems ngunit hindi na niya isinatinig iyon dahil alam naman niyang nahihirapan din ang kaibigan.
"Suko na ko!" untag ni Flare at yumuko sa mesa. "I'll sleep. Gisingin mo ako kapag oras na, ah," habilin nito sa kanya.
"Huwag ka nang matulog. Pumunta na lang tayo sa garden," yaya niya. Tutal ay hindi rin naman niya masagutan ang ginagawa, aalis na lang sila roon. Magpapaturo na lang sila mamaya.
"Sige, tara. May thirty minutes pa naman."
Bago pa sila makalapit ay namataan niya si Pier. Sakto, kailangan nilang magpaturo sa Math.
Hinanda niya ang matamis na ngiti para rito kahit pa nga alam niyang susungitan na naman siya ng binata. Parang may hanging bumulong dito at napalingon sa banda nila.
"Pier!" masayang tawag niya rito.
"O, si Hannahh iyon, ah?" pansin ni Flare.
Tumabingi ang ngiti niya nang mapansin ang babaeng katabi nito sa bench. Maganda si Hannahh at petite ang pangangatwan. Bigla ay parang may kumirot sa puso niya habang minamasdan ang dalawa. Yayayain na lang sana niyang pumasok na sa classroom si Flare nang lumakad ito papalapit sa dalawa.
Kumaway si Flare kila Pier. Nakasimangot siyang sumunod sa kaibigan.
"Hi, Flare," nakangiting bati ni Hannah sa kaibigan.
"Hello! Buti magkasama kayo?" diretsong tanong ni Flare.
"Ah, ano, kasi... N-nagpapaturo lang ak—"
"I'm courting her," putol ni Pier. Bumilis ang tahip ng kanyang dibdib. Bigla ay nahirapan siyang huminga.
"Are you okay, Xycie?" nag-aalalang baling ng kaibigan sa kaniya.
Tumango siya. Nabigla kasi siya sa isiniwalat ni Pier. "Oo, ayos lang... ako," sagot niya sa pagitan ng pagsinok. Tumawa ang kaibigan.
"Sininok lang pala."
"Nagulat kasi ako."
"Nagulat saan?" tanong ni Pier habang matamang nakatingin sa kanya.
Nag-iwas siya ng tingin.
"Inumin mo 'to."Inabot ng binata ang bottled water sa tabi nito. Kaunti pa lamang ang bawas niyon. Hindi na siya tumanggi at tinanggap iyon. Agad na uminom siya sa bote at halos pangalatihan niya ito. Pero hindi pa iyon sapat kaya uminom ulit siya. Napalunok siya nang mapansing mataman lamang siyang minamasdan ni Pier habang iniiuman ang bote ng tubig. Nasamid tuloy siya.
"Are you alright?"he asked. Mabilis itong nakatayo at hinahagod na ngayon ang likod niya.
Napaubo pa muna siya ng ilang sandali bago sumagot. "I'm okay."
"Teka nga, ano'ng nililigawan mo si Hannahh? Kakikilala niyo lang," sabad ni Flare.
"Baka nagbibiro lang si Pier," nahihiyang wika ni Hannah. Napantig ang tainga niya sa narinig.
"His name is Nicholas," nakasimangot na sabi niya.
"Ah, I heard you called him 'Pier' so I thought it's okay to call him by that name, too," paliwanag ni Hannah. Lalo lamang siyang napasimangot.
"Siya nga pala, Hannah, si Xycie. Xycie, si Hannah," pagpapakilala ni Flare sa kanilang dalawa. "Dapat kasama natin siyang nglibot kaya lang, may lakad siya," dagdag pa nito. Hindi pa rin siya ngumingiti. Hindi rin niya inabot ang kamay rito.
"Oh, I think I remember her," balewala nito at binawi ang pakikipag-shake hands. "Hindi ba, siya iyong nasa article na tinitingnan ninyo noong nasa farm tayo? In fairness, ang ganda mo roon sa picture ninyo ng manliligaw mo. You look gorgeous with that red strapless dress!" puri ni Hannah nang tila may mapagtanto. Napansin niyang umigting ang panga ni Pier.
"Article?" she asked. Hindi na niya napansin ang pamumuri ni Hannah tungkol sa suot niya noon dahil napaisip siya sa kung ano ba ang article ng tinutukoy nito.
Saka, dalawang araw bang naglagi ang mga ito king Flare?
"You still didn't go online, 'no?" pukaw ni Flare sa atensiyon niya.
"I didn't. Busy ako for the finals, eh," sagot niya.
"Hmm... Ano mo ba si Brian?" nakangising tanong ni Flare.
"First love ko. "Hindi siya nagdalawang-isip sa sinagot. Totoo namang first love niya ang lalaki.
"Oh, so it's true! I saw your pictures with that Brian. Tama nga ang reporter, you look good together," komento pa ni Hannah.
"What pictures?"She frowned.
May kung anong kinalkal sa cellphone si Hannah. "Here, o. I even saved your photos because I really liked you both in here."Iniharap nito ang screen sa kanya. Nainis siya nang makita ang pangalawang litrato, kuha iyon sa may fountain sa hardin ng mga Mendoza kung saan silang dalawa lang ni Brian ang nandoon. Iyon 'yong niyakap siya nito bigla.
"Fake news 'to," sabi niya.
"Fake news or not, you're still alone together in that garden, Xycie. At nasisiguro kong hindi riyan ang party," sabad ni Pier. Bakas ang galit sa boses nito.
"But he followed me there. I just wanted to get some fresh air kasi wala naman talaga akong friends sa party. Dumalo lang ako kasi naka-oo na ako kila mommy weeks ago before the party," esplika niya. "I should've just came with you," sising dagdag pa niya. Ewan ba niya pero gusto niyang alisin sa isipan ng binata na may something sa kanila ni Brian.
"Akala ko ba 'First Love Never Dies'? Eh, 'di, totoong nililigawan ka niya?"sabad ni Flare.
"At nabasa ko iyong sinabi ng lalaking 'yon nang tanungin ang status ninyo. What did he mean by 'soon'?" inis na tanong ni Pier.
"Tara na nga, Flare. Baka ma-late pa tayo sa klase," baling niya sa kaibigan. Siya itong naiinis sa lalaki kaya paanong pinararamdam sa kanya ni Pier na mas naiinis ito?
"Wait." Bumaling si Flare kay Pier. "Hindi ka pa ba sasabay?" tanong nito. Oo nga pala, magkaklase silang tatlo sa kasunod na subject.
"Mauna na kayo. Ihahatid ko lang si Hannah," malamig sa sagot nito.
"Mukhang seryoso tayo sa panliligaw, ah?" tudyo ni Flare.
Ngumisi lamang nangnakaloloko si Pier habang nakatingin sa kanya.
"Good luck!" kantiyaw pa ni Flare kaya halos kaladkarin niya papalayo ang kaibigan.