Chapter 1
Friend
"HI, ano'ng pangalan mo? Ako nga pala si Flare," pakilala kay Xycie ng ka-seatmate niya sa isang major subject nila nang araw na iyon. Wala pa kasi ang instructor nila kaya maingay pa ang klase. May mga magkakaibigan na kasing parehas ng kinuha ng course kaya kahit unang linggo pa lang ay parang kalagitnaan na ng sem ang ingay ng mga ito.
She looked at the girl who approached her; smiling brightly to her, 'yong hindi plastik gaya nang mga nakipagkilala sa kanya kahapon sa iilang subjects niya.
"Xycie," tipid na sagot niya.
"Hi, Xycie! Ang unique ng name mo, ah. Mine's Flare. Nagliliyab siguro ang parents ko noong binuo nila ako." Humagikgik pa ito. Hindi niya napigilang matawa sa biro nito.
"Luka-luka ka pala," pabirong komento niya. Ngumisi lang ito at mas lumapit sa kaniya.
"Patingin ng sched mo."
Inabot niya iyon kay Flare. Pinagkumpara nito ang schedule nilang dalawa.
"Wow! Classmates tayo sa limang subjects!" bulalas nito. Walo ang subjects niya ngayong first semester.
"Talaga?" tanong niya. Nakaramdam siya ng excitement. Ibig sabihin, mas madalas silang magkakasama ni Flare. Mainam iyon dahil nais niyang makipagkaibigan dito.
"Friends?" si Flare na nakalahad ang kamay.
"Friends!"Impit na napatili silang dalawa matapos mag-shake hands. Who would've thought that she'd find a good friend on her second day in college?
Nang matapos ang first subject nila ay magkasabay na silang nagpunta sa susunod na klase. Sa huling tatlong subjects lamang niya hindi kaklase si Flare at tuwing Martes at Huwebes ang mga iyon.
"Flare!" may tumawag sa ngalan nito.
"Leonard!" untag nito sa binata. Pinakilala siya ni Flare sa bagong dating. Classmate rin pala nila sa dalawang minor Math subjects. Engineering ang kurso ng mga ito samantalang siya ay kumukuha ng Interior Design, si Flare ay Architecture student.
"Heto na pala si Ray," si Leonard na nakatingin sa may pinto.
"Dude!" bati ni Ray kay Leonard. Tinanguan lang din nito si Flare.
"Si Xycie nga pala," sabad ni Flare sa kumustahan ng dalawa. Pagkuwa'y nagkamayan sila ng mga ito.
"May kasama nga pala ako. Classmate natin siya, Leonard,"sabad ni Ray at doon niya pa lang napansing may nakasunod palang lalaki rito. Napatuwid siya ng upo. She had never seen a guy like him. Well, honestly, she already did. He was the typical tall, dark and handsome but there's something in him that made her stare at him longer than usual. And, oh! He had a mole under his left eye. She found it attractive. She had full access to his side profile since he was facing Flare's direction who was in front of her. Halos tingalain niya ang binata nang wala sa sariling mapaupo siya sa upuan malapit sa kanya.
"Are you okay?" concerned na tanong ni Leonard na nakatayo sa tabi ni Flare.
Tumango siya kahit pakiramdam niya sumikip bigla ang kanyang dibdib. Saka bakit parang maalinsangan?
"Namumula ka! Are you sure you're okay?" ani Flare.
Tumango lamang siya at napadako ang paningin sa lalaki. Lalo siyang namula nang mapansing nakatitig din ito sa kanya at unti-unting ngumisi. Naramdaman ba nito ang naramdaman niya? Alam ba nito ang nasa isip niya? Na nahuhumaling siya sa taglay nitong kagwapuhan?
"Xycie Avon Garcia," wala sa sariling untag niya.
Tumawa nang malakas si Leonard.
"Need ba talaga full name?" natatawang komento ni Flare. Kaagad siyang pinamulahan ng mukha.
"Pier Nicholas Lazaro," his low tone. Bakit ganito? Pati sa boses niya ay naaapektuhan ako.
Napailing siya.
"Ayos ka lang ba talaga?"nag-aalala nang tanong ulit ni Flare. Iminuwestra nito kay Ray na bilhan siya ng tubig.
"Bilhan mo ng isang litro, dude! Pawis na pawis, eh!" pahabol pa ni Leonard. Nagtatakang tiningnan niya ito na nalapad na nakangisi.
She heard Pier Nicholas chuckled that's why he got her full attention again. "Pier..." she dreamily murmured his name. Natigilan naman ito sa pagtawa at mariing tinitigan siya.
"Nicholas," pagtatama nito.
"Ah..."tumango-tango siya. "Pier." Damn, she was about to say 'Nicholas' though!
"It's Pier, then." He intently looked at her as a ghost of smile formed on his lips before occupying the vacant seat.
In the middle of the class, their instructor said they could spend the rest of the hours getting to know each other. Awtomatikong napalingon siya kay Pier. She's wondering if how old was he, what were his favorites, or was he still single? Saan ito nakatira? And so on.
"'Uy, Xycie, tulala ka?" Kanina pa pala siya kinakausap ni Flare ngunit hindi niya napansin. Magkatabi sila nito ng upuan. Nakaupo siya sa may gilid para kapag out na, mabilis siyang makatayo at makalabas ng silid-aralan.
"Baka nagugutom na ako," dahilan niya.
"Bakit baka? Hindi ka sure kung gutom ka?" naguguluhang tanong ni Flare. Umiling na lang siya at nakipagkwentuhan.
"In fairness, Xycie, ah. Ang ganda ng mga kilay mo, makakapal ngunit hindi sabog, bagay sa chinky eyes mo. Want ko rin ng bushy eyebrows like yours. 'Tapos ang ilong mo kahit hindi katangusan, bagay sa maliit na hulma sa mukha mo. and your lips are full and pinkish! Medyo chappy pero madadaan naman sa lip balm."
"Bakit bigla mo akong pinupuri? May nakain ka bang masama?" natatawang untag niya.
"Ngayon lang kasi kita namasdan talaga mula kaninang nagkakilala tayo. I like your features. Sana ganyan din ang akin. And eighteen ka lang ba talaga? You're body is amazing. Girl crush na kita!"
Hapit kasi sa kanya ang suot na t-shirt ngayon. Dahil kasisimula lang ng klase ay pwede pa silang hindi magsuot ng uniform. Napagpasyahan niyang isuot ang isang dark high waist pants at saka cream fitted cream shirt. Naka-tuck in iyon sa pants niya. Nagsuot lang din siya ng sandals at maliit na black backpack, iyong Korean style ba.
"Wala akong perang panlibre," biro niya rito pero sigurado siyang namumula na ang pisngi niya dahil sa pamumuri nito. Those words felt sincere.
"I'm not kidding! Ako kasi, cute lang. Pero ikaw, maganda; matangkad pa, and damn, girl! Your body has the right curves. Medyo malaki ang mga dibdib mo but those could be you assets!" Inumpisahan nitong isa-isahin ang physical features niya. Pakiramdam niya ay mas pinamulahan siya ng mukha. Ngayon lang siya nakarinig ng papuri na ganoon.Dati-rati kasi ay laging sa dibdib niya lang naka-focus ang mga naging kakilala niyang babae na ka-edad niya. Like they were saying "Ang bata-bata mo pa pero ang laki ng dibdib mo", o kaya ah "Baka lumawlaw kaagad iyan kapag nasa twenties ka na."
Nginitian niya si Flare at pinuri rin ito. Totoo lahat ng kanyang sinabi.
"I know right! Ano ba ang gusto mong pagkain? Libre ko!" biro pa ni Flare kasi nagsabi siya ng papuri rito. Nagtawanan lamang sila at nagpatuloy sa pagkukwentuhan ng kung ano-anong mga bagay.
Nalaman din niyang nakatira sa rin pala sa Santa Fe sina Ray, Leonard, at Flare habang si Pier ay galing ng Maynila at nagpasyang sa karatig-bayan na maglagi, para may tumao raw sa minanang ari-arian galing sa pamilya ng ina nito.