Chereads / Uncertain Feelings / Chapter 4 - Math

Chapter 4 - Math

Chapter 3

Math

ABALA si Xycie sa pagre-review. Midterms na kasi nila at kailangan niyang i-maintain ang grades niya para makapag-apply ng scholarship sa susunod na semester. Ayaw kasi ng magulang niya na maghanap siya ng part time job, gusto ng mga ito na makapag-focus siya sa pag-aaral.

"Bakit ba kasi gusto mong magtrabaho? I think tama ang parents mo. Mag-focus ka sa studies dapat," komento ni Flare habang nakatambay sila sa garden. Vacant time nila ng dalawang oras kaya sa isa sa mga benches kung saan may mga umbrella trees na nagsisilbing silungan nila. May sementadong mesa rin doon.

"Kasi nga alam ko na malaki ang gastos sa bahay. Tapos dalawa pa kami sa college. Tourism ang course ni ate at lagi siyang may flight lalo pa't nasa huling taon na siya. Ang mahal kaya," esplika niya.

"Kaya n'yo naman, eh," katwiran nito.

"But still, I want to help. Kaya mag-a-apply na lang ako ng scholarship imbes na mag-working student, outstanding naman ang grades ko. Para makabawas din kami sa gastos," determinadong sambit niya.

Tumango-tango si Flare at niyaya na siyang magpunta sa classroom. Wala naman kasing nagkaklase roon kaya pwede nilang tambayan. Hindi dumating ang prof nila pero nag-iwan ito ng seatwork na ibinilin sa isa sa mga student-teachers doon.

"Ito ang papatay sa 'kin, eh!" nanggigigil na nilamukos niya ang sinulatang papel.

"Same here, girl," madramang sagot ni Flare.

"What's wrong with you two?" asked Leonard.

"Nahihirapan na naman kaming mag-solve," nakabusangot na sagot niya. "Ito ang magiging problema ko kung sakaling tres ang makuha ko." Baka kasi hindi siya makapag-apply ng scholarship.

"Palit tayo ng upuan, Flare," sabad ni Pier. Maang na napatingin siya rito pero bago pa siya makapagsalita ay nag-esplika ito. "I will teach Xycie, and Ray will teach you."

"Oo nga, 'no? Bakit hindi ko agad naisip iyan?" anang kaibigan. "Dati naman akong tinuturuan ni Ray."

"Ayoko," tanggi niya. Sa kakatwang dahilan ay gustong-gusto niyang nakikita si Pier pero ayaw niyang malapit ito sa kaniya. Nagra-rambulan ang utak niya. At isa pa, para siyang kakalbuhin ng grupo ng kaniyang mga kaklase sa tuwing magkadikit sil ni Pier, eh.

"Wala kang choice, 'no! Kung magtatabi tayo, wala tayong mapapala sa isa't isa. Matatalino ang mga mokong na 'to," natatawang komento ni Flare at nakipagpalit na nga ng upuan kay Pier.

Ilang sandaling natahimik muna sila. Tila nagpapakiramdaman.

"Ayaw mo ba akong katabi?" mababang tanong ni Pier.

"Hindi naman sa ganoon. Baka kasi isipin ng iba na nakikipaglandian lang ako sa klase," busangot na sagot niya.

"What are you talking about?"

Ngumuso siya sa direksyon ng mga kaklase nilang nagbubulungan habang nakatingin sa kanila ni Pier. Kung hindi siya nagkakamali, kaklase rin nila ang tatlong iyon sa P.E. class.

"Don't mind them. Just focus on me," inis na sagot ni Pier.

"Sabagay, I need to maintain my grades nga pala." Nagkibit-balikat siya. "So, how to solve this problem?"

"Not that one, let's start with this problem I'm going to example." Lumapit ito nang bahagya sa kanya at tinuruan siya kung paano i-solve ang ginawa nitong Math problem. Nagpatuloy pa ito bago pinasagot sa kaniya ang seatwork nila.

"Wow! Ang galing!" Namangha siya nang ma-solve niya ang limang Math problems sa nila nang siyang mag-isa lang. "Ang galing mo, Pier!" puri niya rito. Effective kasi ing ginawa nitong pag-e-explain sa kanya sa loob ng halos isang oras kaya sa natitirang dalawang oras ay nasagutan na niya ang seatwork na hindi na nagtanong pa rito.

Nginitian niya ang binata at kapansin-pansin ang pamumula ng magkabilang tainga nito.

"Uy, palit na tayo ng upuan. Tapos na ako," si Flare na nakatayo na sa tabi ni Pier.

"Huwag na kayong magpalit, Flare. Sa palagay ko, mas effective ang seat plan na 'to," sabad naman ni Leonard.

"I agree. Para hindi kayo magchismisang dalawa," si Ray.

Bumusangot si Flare. "So are you saying that we aren't studying?" baling nito kay Ray.

"I didn't mean..." naguguluhang sabi ni Ray.

"Oo nga, Flare. Para makapag-focus tayo sa solvings. Kahinaan pa naman nating pareho ito," katwiran niya. Padabog na bumalik at umupo sa upuan si Flare nang hindi pinapansin si Ray.

"It's okay, though. We can just exchange seats if you're having a hard time solving," sabi ni Pier.

"Ayaw mo ba akong katabi? pagngingitngit niya.

"That's not what I mean, Xy," seryosong sagot nito. She just pouted and pretended to study more.

Hindi na niya pinansin ang binata hanggang sa magsipaghiwalay na sila.     

ISANG makulimlim na umaga ay maagang nagising si Xycie. May klasesia siya sa P.Esiya ng alas siete kaya naman dinamihan na niya ang kinaing almusal.

Agad na nagpalit siya ng uniform sa locker room. Pagkatapos ay halos mapalundag siya nang makitang nakasandal sa tapat ng locker room si Pier. Tila may inaabangan ito. Nagdadalawang-isip siya kung papansinin ba ito o didiretso na lang sa paglakad.

"Wear this. I bought you a larger size," untag nito at iniabot ang naka-plastik na t-shirt sa kanya. Nilantad niya iyon at nakitang extra large ang size niyon.

"Sobrang laki naman niyan," reklamo niya.

"It's better."

"Bakit ba pinangungunahan mo ako sa suot ko? Does it bother you that much?"

"No, you can wear anything you like. Just wear this one during P. E. Ayokong pinagtitinginan ka ng mga kaklase nating lalaki pati na ang ibang mga kasabayan nating nagkaklase sa gym o sa field. And if you didn't notice, sinasadya ng mga gagong iyon na payukuin ka kapag may exercises tayo," mahabang litanya nito; hlos mapag-isang linya na ang mga kilay. "And when you are running..." Nag-iwas ito ng tingin at nag-igting ang mga panga nito.

"Hindi ko naman sinasadyang umalog—" Natigilan siya. "I... I'll change." Na-gets na niya ang binata. Concern lang ito sa kanya pero bakit j-in-udge niya ito? "Nakakahiya. I'm sorry if I accused you."

He just nodded once.

Napakagat-labi siya at mabilis na bumalik sa loob ng locker room para makapagpalit, hindi pinansin ang mapangmatang tingin sa kaniya ng ilang nakakita sa kanila ni Pier sa tapat.

Nang sumunod na araw ay pumasok pa siya kahit panga ba tinatamad na nga siya dahil pasahan lang naman ng projects at nakapagpasa naman na siya kahapon ngunit pumasok pa rin siya. Long weekend naman din niyan dahil holiday sa Lunes.

"Xycie, mamasyal ka sa amin," anyaya ni Flare habang papunta sa sunod nilang klase.

"Magpapaalam ako!" nasasabik niyang untag.

"I'll invite the boys, too."

Pagkarating nila sa klase ay agad na sinabihan ni Flare sina Leonard, Ray at Pier tungkol sa plano nila. Pumayag ang mga ito.

"Can I bring my cousin? She lives with us."

"Sure!" payag ni Flare.

"I think you know her, she's in your department, too," sambit pa ni Leonard.

"Really? What's her name?"

"Hannahh Centeno."

"She's you cousin? Ang ganda niyon, ah!" she commented.

"Nasa lahi namin," pagmamayabang nito.

"Maganda ka rin, dude?" biro ni Ray. Pabirong sinuntok ni Leonard ang braso ni Ray.

"Magandang-lalaki," sagot nito.

"Well, magandang-lalaki naman talaga," she commented.

"'Sus! Napaka-supportive friend mo naman," kantiyaw ni Flare at nagtawanan sila. Hindi niya alintana ang pananahimik ni Pier.

Pagkauwi ay nagpaalam na agad si Xycie sa mga magulang subali't hindi siya pinayagan ng mga ito.

"Did you forget that we'll attend a party?" her mom reminded her. Nawala sa isip niya iyon. Sa Linggo ay may pupuntahan silang debut sa Maynila. Galing ang imbitasyong iyon sa mga Mendoza, ang pamilya ni Brian. Eighteen na rin pala ang kapatid nitong si Brianna. Nakaklase niya ito noong high school ngunit hindi sila naging magkaibigan. Lagi kasing masama ang tingin nito sa kanya noon at inaakusahan siyang inaagaw niya ang atensyon ng kuya nito rito. In short, sinusungitan siya. May pagka-bratinella kasi, pero friendly naman sa ibang tao.

"I'm sorry, Mom," hinging-paumanhin niya. Wala naman kasi siyang balak magpunta subali't nakalimutan niyang magkakilala nga pala sa business ang mga magulang nila.

Nanlumo siya buong gabi hanggang sa makatulog siya nang hindi nasasabi kay Flare na hindi siya matutuloy. Sa ilang buwan kasi nilang magkaibigan ay ngayon pa lang siya makakapunta sa tahanan nito. Palagi kasing siya ang nagyayaya sa kanila.

Kinabukasan ay napabalikwas siya ng bangon sa sunod-sunod na pagtunog ng kanyang cellphone. May tumatawa. Kinapa niya ang phone sa ibabaw ng bedside table.

Sinagot niya iyon. "Hello," bati niya sa pagitan ng paghikab at nag-inat.

"Xycie..."

Natigil siya sa pag-unat nang marinig ang baritonong tinig na iyon.

"Pier," malat ang tinig na usal niya.

Saglit itong natigilan. "Did you just wake up?"

She groaned and said yes.

"Flare said she couldn't reach you. Nandito na kami sa kanila. Sunduin na lang kita, gusto mo? I drove my dad's pickup."

"Ah... Kasi ano..." Bumuntong-hininga muna siya bago nagpatuloy sa pagsasalita."Hindi ako pinayagan ngayon. Next time na lang, may pupuntahan kasi kaming debut, eh," paliwanag niya.

Tumahimik ito at malalim itong bumuntong-hininga.

"'Di bale, may susunod pa naman," sambit niya.

"Okay," tipid na sagot nito.

"Sige, pakisabi na lang din sa kanila. Sorry..."

"It's alright. Take care, okay?" habilin nito sa kanya.

"I will. Enjoy kayo riyan!" aniya bago tinapos ang tawag.