Chapter 4
Party
THE PARTY'S extravagant. Nakamamangha ang pagkakadisenyo sa hardin ng mansiyon ng mga Mendoza. Pati ang swimming pool ng mga ito ay may mga disenyo rin at tila sumasayaw ang mga ilaw sa salin ng tugutgin.
May tumawag sa ngalan ni Xycie at pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Paanong hindi, noong high school siya ay palagi niyang kausap ang binatilyo na ngayo'y lalaki na. He grew into a fine young man.
"Brian,"pabulong na untag niya. Kanina pa sila sa party at halos ma-bored na siya. Wala naman kasi siyang ka-close talaga sa mga dumalo.
"Kumusta ka na?"
"I'm fine," she replied. Bakit hindi siya nasasabik? Ganoon ba talaga? O baka masyado lang siyang nagulat sa presensya niyo?
"Smile!" untag ng photographer sa kanila ni Brian. Sa isang iglap ay nasa tabi na niya ito at inakbayan siya. Hindi siya ngumiti sa camera.
"You look good!" puri ng photographer. "Are you two together?" tanong pa nito.
Si Brian ang sumagot, "Soon."
Impit na napatili ang katabi ng photographer. "I'll put this on my article!" nagniningning ang mga matang bulalas nito. Sa sobrang pagkainis ay nag-walk out siya. Mukhang journalist pa pala ang isang iyon.
"Cie, wait!" Hinabol siya ni Brian. Nakarating sila sa may fountain. Hindi abot ang dekorasyon at party roon kaya malamlam lang ang liwanag na galing sa ilaw.
"Magpapahinga lang ako," malamig na tugon niya. May pa-soon soon pa itong nalalaman, halos hindi nga siya nito pansinin noon. Umalis lang din ito nang hindi nagpapaalam; nang hindi man lang nagpaliwanag.
"I'm sorry, Xycie." Hinigit siya nito ng yakap. Dahil sadyang malaki ang lalaki kaysa kanya ay hindi niya ito maitulak-tulak.
"Let me go, Brian. Babalik na ako roon."
"Cie, please..."
There was a flash of camera. Adrenaline rush na rin siguro kaya nagawa niyang itulak si Brian. "Babalik na ako roon," matigas ang tinig na aniya.
Nagmamadaling iniwan niya ito at dumiretso siya kung saan nakapwesto ang kaniyang mga magulang. Mabuti at wala nang kausap na mga bisita.
"Mom, can we go home already?"
"Eleven pa lang, Xycie," bulong ng mommy niya.
"Please?"
"Are you tired?"
Kagat-labing tumango siya.
"Okay, let's go," ang kanyang daddy. Nginitian niya ng matamis ang ama. Malakas talaga siya rito. Pero magche-check in na lang daw sila sa isang hotel dahil pagod pa ang ama niya para magmaneho pa-Santa Fe.
Ilang sandali pa silang nagpaalam sa mga kakilalang nakakasalubong bago nakarating ng parking.
Nakita niya si Brian na humahangos palapit sa kanila.
"O, Brian Lee, ayos lang kahit hindi mo na kami ihatid." ang kanyang mommy.
"Xycie..." baling nito sa kanya.
"Alis na po tayo," yaya niya sa mga magulang.
"But—"
"Let's go."Hindi natapos ng mommy niya ang sasabihin nang magsalita ang kanyang daddy.
Brian sighed in defeat. "Take care, Tita, Tito... Cie..." magalang na paalam nito nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Alam niyang maraming tanong ang kanyang mommy habang lulan sila ng sasakyan. Mabuti'y naisipan niyang magpanggap na natutulog para hindi na nito usisahin pa ang tungkol kay Brian lalo pa't wala namang dapat na usisahin.
Kinabukasan ay maaga silang bumiyahe para hindi ma-disoras. Sana talaga, nagpumilit na lang siya sa magulang niya na sumama kila Flare, eh. Nanghihinayang talaga siya. Nasayang lang ang weekend niya sa party.
Kinaumagahan ng Martes ay late siyang nagising kaya na-late din siya sa P. E. class nila. Kung kailang may classroom lessons sila, roon pa siya na-late. May punishment tuloy siya na tumakbo ng five lapses habang nagle-lesson ang klase sa gym tungkol sa Survival Skills.
"Ang init pa naman!" hinihingal na reklamo niya habang tumatakbo. "One lapse left," bulong niya sa sarili.
Nang matapos siya ay bumalik siya sa loob ng klase. Madilim ang mga tinging pinukaw sa kanya ni Pier pero halata rin ang pag-aalala rito.
"Cie, water, o!" alok sa kanya ng kaklase niyang si Oscar. Nagkantiyawan ang mga kasama nito.
"Mamaya na kayo magligawan," untag ng kanilang coach. Napalingon siya sa pwesto ni Pier para tingnan kung may bakanteng pwesto pa ba banda roon. Mabuti na lang at nakaupo ito sa gilid kaya makakaupo pa siya sa tabi nito.
Lumapit siya kay Pier at doon nga siya pumwesto.
"Kumusta ang pamamasyal?" bati niya.
"It's fine," malamig na sagot nito. Hindi na siya nagtanong pa dahil nagpatuloy na sa padi-discuss ang kanilang coach.
Hanggang sa sumunod nilang klase ay walang imik si Pier. Nagtataka na siya kaya naglakas-loob na siyang tanungin ito.
"Pier, bakit ang sungit mo yata ngayon?"
"Nag-enjoy ka ba sa party?" tanong nito. Naglalakad sila papuntang kabulang building. "Of course you did. You met your first love, right?"
Napakurap-kurap siya. Si Brian ba ang tinutukoy nito? "How did you know?"
"So it's true." Umigting ang panga nito.
"Teka, ano bang problema roon? Debut iyon ng kapatid niya kaya syempre nagkita kami," naguguluhang aniya.
"Kaya hindi ka na nakasama sa amin, 'di ba? Hindi ka rin agad nagsabi kasi atat kang na makadalo sa party na iyon. You were so excited to meet your first love again."
Napasinghap siya. "Bakit parang nagagalit ka?"
"I'm not," malamig na tugon nito at nagpatuloy lang sa paglalakad. Naiwan siyang nakatulala sa papalayong bulto nito.
Nang makahuma ay tinawagan niya si Flare. May thirty minutes pa naman bago ang klase nila, sigurado siyang papunta pa lang sa susunod na klase ang kaibigan.
"Oh my god, Xycie, I've been dying to call you! You haven't read my chats!" bulalas nito.
"Bakit, Flare?" nagtatakang tanong niya.
"I didn't know you're dating the heir of the Mendozas!"
"Huh?"
"Brian Lee Mendoza!"
"What?!" bulalas niya.
"Ano'ng 'what'? Mamaya na tayo mag-usap, start na ng class ko," napipilitang paalam ng kaibigan.
"I'm dating Brian?"