Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 45 - Chapter Forty-Five

Chapter 45 - Chapter Forty-Five

What I think? Sa tingin ko makatuloy laway ang katawan mo. Pang-athlete. Yung tipo na katulad sa mga runner o swimmer. Lean and muscular. May malalakas syang braso na mukhang hinubog nang mabuti sa hulmahan. May broad and wide syang shoulder. May abs din sya. Ang kinis ng balat nya at mukhang matigas. Hindi sya maputi, pero hindi sya maitim. Katamtaman lang ang kulay nya pero halata na babad sya sa sikat ng araw.

"M-May.." lumunok ako bago ko alisin ang mga mata ko sa nakakaakit nyang katawan. "May bathroom sa likod ng pinto na yan k-kung gusto mo."

Pumunta na sya sa bathroom at isinara ang pinto. Six pack. Biceps. Toned chest. Tan skin. Shiz! Ang sexy nya! Bumukas ulit ang pinto at nkahubad parin sya, nkaboxers nlang sya ngayon. KYAAAH! Nosebleed!

Pinipigilan ko ang sarili ko na tumakbo sa kanya at himasin ang kanyang perpektong katawan. Mukhang ang tigas ng muscles nya! Palapit sya ng palapit. Pababa ng pababa ang tinging ko. Napalunok ako. Ano'ng gagawin nya?!

"Here," may inabot sya.

Tinignan ko. Pants at shirt nya. Kinuha ko. Muli syang pumasok sa bathroom. Napaupo ako sa kama at bumuntong hininga. Juskupo! Oh tukso layuan mo ako!

Kumuha ako ng ilang damit mula sa walk-in closet at lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa bathroom ng Crazy Trios na nasa 2nd floor din. Mabilis akong nag-shower at nagbihis. Kinuha ko ang pinagbihisan namin ni TOP at bumaba sa first floor. Nasa likod kasi ng bahay ang washing machine at dryer.

"BOO!!" May sumigaw mula sa likod.

"AHHHHH!!" tili ko bago lingunin ang gumulat sa'kin. Nakita ang Crazy Trios.

"BWAHAHAHAHA!!" tawa nila. ヽ(^▽^)人(^▽^)人(^▽^)ノ

"Ulitin nyo ulit yon at sa kalsada kayo matutulog."

Hindi sila umimik. Tinignan lang nila ako nang malalaki at inosente nilang mga mata. Ang amo ng mga mukha nila habang nakatingin sa akin nang diretso.

I hate it when they do this. (−_−;)

"Uhh Sammy may itatanong daw si Michie," - China

"Huh? Meron ba?" - Michie

"Oo diba nga may itatanong ka?" - Maggie, nanlalaki ang mga mata nya.

"Hindi ko maalala eh, nu ba yon?" inosente parin na sabi ni Michie.

May sinenyas si China. Kulang nalang ay dalawang maliit na bandila sa kamay nya para maging taga-senyas sa pilot ng eroplano kapag lalanding na.

"Uy bagong sayaw ba yan?" - Michie

"Ano ba talaga ang itatanong nyo? China? Maggie?"

"Uhh..." - China

"Ah! Kung ano daw ang ginagawa nyo sa kwarto kanina?" - Michie

"Bading hindi yon!" - Maggie

"Ah oo nga pala! Kung gagamit daw kayo ng proteksyon? Baka daw kasi maaksidente at may mabuo pero ano ba yung mabubuo? May puzzle ba kayo na gagawin?" tinakpan ni China ang bibig ni Michie.

"He-he! H-Hindi iyon Sam" - China

"Kayong dalawa ano ba ang iniisip nyo?!" sigaw ko.

"Pero Sam! We support you, kaya mo yan! Fighting!" - Maggie, nakahawak sa dalawang kamay ko.

"Oo, Aja!" - China

"Kapag may nabuo, kaming tatlo ang Ninang!" - Maggie

"Goodluck! Aja!" - China

"We're so proud of you. Ang laki mo na Sammy. Nag-level up na kagad kayo," naiiyak na sabi ni Maggie at sumunod si China.

"Hwag mong isipin ang sasabihin ng iba. Atleast nawala mo ang V-card mo sa taong mahal mo at super duper hotness na si TOP. Aja!" - China

MGA BALIW!! Hindi namin gagawin ni TOP 'yon dahil mali! Hindi pa kami kasal! Pero bakit yung imagination ko ay gumagana ngayon?

"Tigilan nyo nga ako! Walang ganyang mangyayari!" umalis ako nang nagdadabog. Ano ba ang tingin nila sa akin? Hindi ako ganon kadali na maakit no! Kahit na.. nakakaakit naman talaga si TOP.

"GO SAMMY!! GALINGAN NYO HA!!" sigaw ng magkapatid.

Umakyat na ako ulit papasok sa kwarto ko.

Oh Gawd! Please be still my beating heart! (>.<) Heto na, nasa loob na ako ng kwarto kasama si TOP. Kasalukuyang pinapatuyo ni TOP ang buhok nya gamit ang twalya. Nakaupo sya sa may paanan ng kama at nakatalikod sa direksyon ko. Naka-sando at boxers lang sya. Biceps! Muscles! Hot! Smexy! Kasalanan 'to ng raging teenage hormones!

*drool.swallow.drool*

KYAAA!! Ano ba 'yan?! Bakit hindi ako mapakali?!

"Wifey."

Grabe ang init! Bukas naman yung aircon! Bakit ganito ang atmoshere?

"Wifey."

Oh hindi! Pinagpapawisan ako! Stupid Crazy Trios kung ano-ano pinasok sa isip ko! Pero pano kung may mangyari—

"Miracle!"

"Huh?! A-Ano yon?!"

"Matulog na tayo."

"Huh? M-Matulog?!!" (>.<)

Nagtataka nya akong tinignan.

"He-he!" tawa ko.

"Good night," tumayo sya.

"San ka pupunta?"

"To the couch," humiga sya sa couch.

"TOP, dyan ka matutulog?"

Hindi sya sumagot.

"TOP?" tumayo ako mula sa kama at nilapitan sya. "TOP?" I poked him

"What?" nakapikit na tanong nya.

"Dun ka nalang sa kama ko matulog."

"Pano ka?" he frowned.

"Eh tabi nalang tayo dun, malaki naman yung kama ko"

"Retard," he poked my head.

"Bakit?"

"I'm a guy wifey. I have urges," bulong nya sa husky na boses.

KYAAAH! Nuh ba yan! Oh tukso sinabi nang layuan mo ako eh! Well, guess what TOP, I have urges too. I think I'm going CRAZY!!

"Ehrm... you know... I trust you right?"

"Well I don't trust myself," pagtatapat nya.

"Pero.."

"Good night Miracle," humarap sya sa kabila at pumikit na.

And that's how we spent our first night together. Natulog kami nang magkahiwalay. Uso pa pala ang chivalry, akala ko patay na eh. Nalaman ko rin na si TOP pala ay isang.. old school. Nakangiti akong nakatulog nang mahimbing.

Nagising ako nang may mabigat na nakapatong sa tyan ko. Minulat ko ang mga mata ko at itinaas ang kumot para tingnan. Kamay. Nilingon ko ang may ari ng kamay at nakita si TOP na natutulog sa tabi ko. Napangiti ako at pinagmasdan ang mukha nya. Mukhang napaka-inosente nya at sobrang bait kapag tulog. Mahina syang humihilik. Cute. Gulo-gulo yung buhok nya at mapula ang kanyang labi.

Wait. Wait. Napakurapkurap ako habang nakatingin sa kanya. Sa couch sya natulog kagabi ah! Ano'ng ginagawa nya rito at nakayakap pa sa'kin?!

"TOP?"

No reaction.

"TOP?" I poked him

Tulog parin.

"TOP!"

Hindi man lang natinag.

Wa epek! Tulog mantika! Pano ba 'to gisingin? Ihulog ko kaya sa kama? *evil smile* Pero baka gumanti, masakit pa naman mamitik yan.

"TOP!" niyugyog ko sya

Grabe naman 'to matulog. Nakatulog kaya ito kagabi? Teka ano'ng oras na ba? Tumingin ako sa wall clock. Ten na ng umaga. Tanghali na pala! Gusto ko sanang bumangon pero nakapulupot yung kamay ni TOP sa waist ko. Ang higpit ng yakap nya. Hindi ako makaalis. No choice. Tinitigan ko ulit ang mukha nya. Ang gwapo naman masyado sumasakit ang mata ko. Unti-unti napatingin ako sa labi nya. Ang pula! Nag-lean ako at dahan dahan kong nilapat ang labi ko sa kanya. Ipinikit ko ang mga mata ko.

Nang lalayo na ako bigla syang gumalaw. Nilagay nya ang isang kamay nya sa likod ng leeg ko para hindi ako makalayo. Gising sya! Pinalalim nya ang simpleng halik ko lang sana. After ng napakatagal nyang pagkain sa lips ko humiwalay na sya. Minulat nya ang mga mata nya at ngumiti sa'kin.

"Good morning my naughty wife," hinalikan nya ako sa pisngi bago sya bumangon sa kama at nagdiretso sa bathroom.

Stupid gangster! Gising naman pala sya!