Pagkatapos namin bumangon at mag-ayos ng sarili namin ni TOP bumaba na kami. Ang ingay sa kusina. Sunday nga pala ngayon kaya wala si manang. Siguro nagtatalo sila kung sino ang magluluto.
"I-slice mo na yung strawberries," - Maggie
"Okay!" - China *chop.chop.chop* "Stop eating them Michie!"
"Eh masarap eh! Tsaka gutom na ako!" - Michie
"Maghintay ka! Malapit nang maluto yung pancakes." - China
"Grabe napuyat ako kahihintay kagabi!" - Maggie
"Ikaw lang ba? Pero bakit kaya ang tahimik ng kwarto nila kagabi?" - China
"Baka naman hindi nila ginawa?" - Maggie
"*chomp.chomp.chomp*" - Michie
"Michie kumuha ka pa ng isang strawberry at hindi kita bibigyan mamaya," - China "Oh baka naman soundproof yung kwarto?"
"Or hindi lang talaga wild makipag—" - Maggie
"Good morning," bati ko nang makapunta kami sa kusina. "Ano'ng meron?"
Umupo kami ni TOP sa harap ng lamesa. Biglang tumahimik ang Crazy Trios.
Silence...
"*chomp.chomp.chomp*" - Michie
"MICHIE SABI NANG HWAG KAININ!!" - China
"That's it! No more strawberries for Michie," - Maggie, nilayo ang bowl of strawberries mula kay Michie.
"Okay lang kakainin ko nalang yung share ni Sammy!" - Michie
"Ganito ba kayo araw-araw sa umaga?" tanong sa'kin ni TOP.
"Yeah," kakahiya man aminin.
"Hey wifey."
"Hmm?"
"I will cook your breakfast everyday" tumingin sya sa akin. "When we get married."
"I would like that," ngumiti ako. Shiz! Kinikilig ako. Isipin ko palang ang pagpapakasal ko kay TOP. (>.<)
"Handa na ang breakfast!" - Michie
This time ako ang nagsilbi kay TOP. Nilagyan ko sya ng pancakes sa plate at nagsalin ng orange juice sa baso nya. Nakatingin lang sya sakin habang ginagawa yon.
"Kung ipagluluto mo ako, pagsisilbihan naman kita."
Ngumiti sya nang malapad. Akala mo ikaw lang kayang magbitaw ng linya ha!
"On your eighteenth birthday, let's get married," he whispered.
Pagkatapos ng napakatahimik na breakfast. Ewan ko kung ano ang nangyari at behave sa lamesa ang Crazy Trios, kami nga lang ni TOP ang nag-uusap eh.
Nasa labas na kami ni TOP ngayon. Paalis na sya, tinawagan sya kanina ni Red at mukhang may emergency. Magkikita siguro silang dalawa kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.
"May laban na naman ba kayo?" tanong ko sa kanya.
"Yep," sagot nya na parang normal lang 'yon.
"Bakit?! Kanino?!"
"I don't know yet," inilagay nya ang gamit nya sa likod ng sasakyan.
"Sa Gang ni Piggy?"
"Piggy?" nag-isip sya. Don't tell me nakalimutan nya na si Piggy?
"Bakit ba ang hilig nyong makipag-away?! Masasaktan lang kayo!"
"We're gonna be fine."
"TOP naman eh! Seryoso! Hwag ka nang tumuloy!" (>.<)
"Sorry Wifey but this is important." Isinara na nya ang likod ng kotse nya at lumapit sa akin.
Sumimangot ako sa kanya. Ganon ba kahalaga sa kanya ang gang nya?
"Ganyan ba talaga kahalaga ang gang mo na 'yan?"
Bumuntong hininga sya. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at tinitigan nya ako.
"Hindi ko sila itinuturing na gang member ko lang Miracle, mga kapatid ko sila. At oo, mahalaga sila. Pamilya ko sila," seryosong sabi nya.
"Mas mahalaga kaysa... sa'kin?" Shiz Samantha bakit ganyan ang tanong mo?
Kumunot ang noo nya at naging cold ang expression ng mga mata nya. Nanginginig yung mga mata nya, parang ang daming emosyon masyado. Hindi ko alam kung galit ba sya o ano. Bumuntong hininga sya.
"Mas mahalaga ka kaysa sa buhay ko. Akala ko alam mo na 'yon," binitawan nya ako at tumingin sya sa kotse nya.
Naguilty naman ako. Eh sa nag-aalala ako sa kanya eh! At nagseselos ako! Pero hindi nga lang pala ako ang priority nya, pati din nga pala mga kaibigan nya.
"Fine pwede ka nang pumunta pero sasama ako!"
"Wifey!" sumigaw sya at galit na lumingon sa akin.
Natigilan ako. Yung tono kasi nya, hindi pa nya ginagamit sa'kin 'yon. Parang nagagalit na talaga sya sa'kin.
"Sorry," yumuko ako at tumalikod na papasok ulit sa bahay.
"Ah shit. Wifey, come here," naramdaman ko nalang niyakap nya ako mula sa likod. "I'm sorry sinigawan kita. Ayoko lang kasing mapahamak ka. At ayoko din na."
"Na?" huminga ako ng malalim at sumandal sa kanya.
"I don't want you to see my darker side. I don't want you to be scared. Ayokong mag-iba ang tingin mo sa'kin," hinigpitan nya yung yakap nya sa'kin.
"TOP hindi naman siguro magbabago ang tingin ko sa'yo. Boyfriend parin naman kita, hindi ako makikipag-relasyon sa'yo kung hindi kita tanggap," nakangiting sabi ko. "Nakita na kitang makipag-away diba?"
Binitawan nya ako. Humarap ako sa kanya.
"Thank you," nakangiti rin na sabi nya. "But still, you can't go with me. It's not right."