Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 48 - Chapter Forty-Eight

Chapter 48 - Chapter Forty-Eight

Pinanood ko si TOP habang palayo sa'kin. Kasama nya si Red. Ang sabi nya babalik daw sya mamaya. Yung mga mata nya, may coldness na bumabalot. Ano kayang meron sa kanila nila Kuya Lee at JG? Si JG. Gahd! Sana maging magkaibigan parin kami pagkatapos nyang malaman ang tungkol samin ni TOP. Kung bakit ba naman kasi... Gumamit pa sila ng japanese para hindi ko maintindihan ang pinag-usapan nila. Shiz! Parang may masama akong kutob sa mangyayari.

Tumakbo ako. Sinundan ko sila. Parang may nagsasabi sakin na kailangan ko silang sundan. At may kinalaman sa'kin ang nangyayari sa kanila. May narinig akong mga boses sa lumang playground. Luma na yon at wala nang pumupuntang mga tao. Nagtago ako. Positibo na sila nga 'yon.

"Ten years. After ten long years, hindi ko akalain na hindi ka parin sumuko sa paghanap," Sabi ni kuya Lee.

"I told you, you can't stop me," narinig ko na sagot ni TOP.

"Kaya ba pati Japan nilibot mo para lang makita sya? I wonder, kung sinabi kong nasa Zimbabwe sya, pupunta ka parin kaya?"

"What do you want?"

"You know exactly what I want."

"Pakshet ka talaga Lee!" galit na singit ni Red.

"Shut up Jared, wala kang kinalaman dito," Sagot ni JG.

"Bulag ka ba? Kasama ko si TOP na lumibot sa mundo mahanap lang sya. Oo nga pala maiba ako, ano'ng pakiramdam ng na-basted JG? Ano'ng pakiramdam ng natalo kay TOP?"

*PUK!*

Napatakip nalang ako sa bibig para hindi makagawa ng ingay. Sinuntok ni JG si Red!!

"Hahahaha!" tumawa lang si Red habang pinupunasan ang dugo sa labi nya.

"JG, tama na."

"F*cking red head."

"HAHAHA!! You hit like a girl, man. Halatang wala ka nang practice. Kung sabagay mahirap na talaga maging involved sa labanan ngayong may reputasyon kang iniingatan."

"Damn you."

"ENOUGH! BOTH OF YOU!!"

Shiz! Kakatakot talaga kapag sumisigaw si kuya Lee. Tumahimik sila. Ilang sandali lang at nagsalita ulit si kuya.

"TOP, you better leave my cousin alone or I swear to God—"

"No," matigas na sagot sa kanya ni TOP.

Sandaling natigilan si Kuya Lee.

"Is that your final answer?"

"She belongs to me. She's mine."

"Wrong answer."

"I don't care. Mind your own f*cking business. F*ck off!"

"Don't worry, I WILL mind my business."

Ano ba yung pinag-uusapan nila? Bakit pinapalayo ni kuya Lee si TOP sa'kin? At bakit nilibot ni TOP ang Japan? Umalis na ako sa playground bago pa nila ako mahuli. Umuwi ako sa bahay at hinintay ang pagdating ni TOP. Kapag dumating sya, magtatanong ako ng tungkol sa kanila ni kuya at JG. Tumunog ang doorbell makalipas ang isang oras at mabilis akong tumakbo sa labas. Pagkabukas ko, inaasahan kong si TOP ang makikita ko pero hindi sya ang nasa tapat ko ngayon.

"Dump him," ang unang salita na lumabas sa bibig ni kuya Lee.

"Huh?"

"Your boyfriend. Dump him."

"Kuya Lee!"

"Just dump him Princess."

"Why would I dump him?"

"Listen to me Princess. He's not good for you."

"I love him."

"No... you don't. You're just confused."

"Hindi ako confused okay?! Mahal ko sya kuya Lee!" nauubos na ang pasensya ko.

Mukha syang nagulat. Ito ang unang beses na sinigawan ko sya.

"You're too young, you don't know what you're talking about. You don't love him Princess. It's not love."

"Don't call me that," I said coldly.

"P-Princess."

"Stop treating me like a kid kuya. Alam ko kung ano ang ipinagkaiba ng like sa love! Malaki na ako para malaman ang tungkol don!"

He sighed, pinching the bridge of his nose with his eyes closed. Nagkaron ng napakahabang awkward silence sa pagitan namin. Bakit ba nya ipinagpipilitan na hiwalayan ko si TOP? Magkakilala sila? Paano?

"Bakit ba ayaw mo sa kanya? Okay naman sa'yo nung sinabi ko sa'yo kahapon. Pero nang makita mo kung sino ang boyfriend ko," I crossed my arms. "Tell me the truth, kilala mo ba si TOP?"

"Yes, I've known him for ten years now and he's not good for you Samantha."

"At bakit naman?"

"Hindi mo sya ganon kakilala. Trust me, he's dangerous," seryosong sabi nya habang nakatingin sa'kin.

"I trust you kuya."

"That's good," he smiled.

"But I trust him too," dugtong ko.

Nawala ang ngiti ni kuya Lee. "Princess, hindi ito ang oras para maging matigas ang ulo."

"Kuya, do you love me?"

"Of course."

"Then that means gusto mo akong maging masaya?"

He nodded.

"TOP is my happiness. Please don't take my happiness away from me. Just be happy for me if you really love me, because seriously I don't think I can live a day without him. I know na bata pa ako, kaming dalawa. Hindi ko nga alam kung bakit ko 'to nasabi. Parang ang bilis kaya naman ang hirap paniwalaan, pero Kuya alam mo ba yung pakiramdam ko na parang ang tagal ko na syang kilala? Parang matagal ko na syang kilala at ngayong nandito na sya.. hindi na ulit kumpleto ang buhay ko kung mawawala sya."

Tinitigan ko sa mga mata nya si Kuya Lee. Nakita ko na lumambot ang expression nya sa mukha, may nakita rin akong takot at napalitan iyon ng galit.

"Yow TOP narinig mo ba yung sinabi ng Wifey mo?"

Nagulat ako nang marinig ang boses ni Red. Lumingon ako sa likod at nakita sina Red at TOP. Si Red ang lapad ng ngiti at si TOP naman... KYAAH! Hindi ko kayang tumingin sa kanya! Nasabi ko yung mushy lines na yun nang hindi ko alam na nasa likod ko pala sya! UWAAHH!! Nakakahiya! Gusto kong matunaw sa kahihiyan!

"Pano ba yan Lee? May balak ka parin ba na paghiwalayin sina Romeo and Juliet? You lost, man," sabi ni Red na natatawa.

"For now."

"Potek! Tingin mo dito teleserye? At ikaw ang kontrabida?" tanong ni Red.

"I'll call you later Princess. We'll discuss this later," naglakad na papunta sa kotse si kuya

I nodded my head, still blushing furiously. KYAAH! Narinig ni TOP! Narinig nya yung sinabi ko!

"Yow Lee, tandaan mo ang mga kontrabida palaging talo sa ending at nakakarma! Bye! Madapa ka sana!" pahabol na pang-aasar ni Red sa pinsan ko.

Nawala na ang sasakyan ni kuya Lee at kumakaway parin si Red. May naramdaman akong nakatingin sa'kin mula sa likod ko. Parang may mga tumatama na arrows sa likod ko. AACK! Sya 'yon! Ayokong lumingon! Nakakahiya!

"Yow aalis na din ako baka kung ano na ang ginagawa ng mga yon sa condo ko! Bye-bye!" paalam ni Red nang maramdaman ang tensyon.

"Sige susunod na lang ako mamaya" narinig kong sagot ni TOP.

"Okidoki!" sumakay na sya sa motor at umalis.

NOOO!! Ngayon kami nalang ni TOP ang nandito! Kailangan 'kong tumakas!

"Wifey."

Napapitlag ako nang tawagin nya ako. Uwaaah!!

"Bye!" Tinakpan ko yung mukha ko at tumakbo papasok sa gate namin.

"Hey!" Hinila nya ako pabalik sa kanya.

"AAAHH!"

"Bakit ka sumisigaw?"

"H-Huh? Uh eh. Nagulat ako?"

"Turn around, look at me."

"I-I can't!"

"Why?"

"B-Because I—I have a pimple, a BIG one!"

"F*ck I don't care," inikot nya ako paharap sa kanya.

"TOP." Inangat nya yung mukha ko at ang una kong nakita ay ang ngiti nya sa labi at mata nya na may sparks.

"Repeat."

"Huh?" Napalunok ako.

"Repeat what you said."

"Ang alin?" Play dumb!

"Miracle."

"Waah! Gusto mo ba akong mamatay sa hiya?!"

"Ikinakahiya mo ako?"

"Hindi ganon Hubby!"

"Nevermind," mukhang disappointed na sabi nya.

"Hubby. Hubby. Hwag ka nang magalit please?" hinawakan ko ang kamay nya.

Hindi nya ako pinansin at tumingin lang sya sa malayo na may seryosong mukha.

"Waaah! Hubby! Talk to me!"

Dedma. Hindi nya ako pinansin.

"O sige na sasabihin ko na." Namumula ang mukha na sabi ko.

"I'm listening."

"K-Kasi hindi ko na maalala yung exact line na sinabi ko."

"Should I... go then?"

"Waaah! Hubby naman eh!"

"Hurry up and say it!"

"Y-You are my ha-ha-AAAHH! Hindi ko kaya! Ayoko na!"

Bumuntong hininga sya. Hindi sya tumingin sakin at biglang naglakad palayo.

"WAAH! Hubby! San ka pupunta?!"

"Kina Red. Bye!" he answered without looking back

"Hubby! I love you!" malakas na sigaw ko sa kanya.

He stopped abruptly. At parang si Flash, mabilis syang nakapunta sa harap ko.

"Again. Say it again Wifey," Nakangiting sabi nya.

KYAAAH! Hindi ko kaya! Ngayong nakatingin sya sa'kin nang ganito hindi ako makapagsalita!

"I-I uhh." Yumuko ako. WAAAH! Hindi ko talaga kaya! First time ko 'to! Eeeehh!!

"Alright, I'll turn around. Just say it. I won't look so just say it," he turned his back to me.

"I love you!"

"Say it again." Nahimigan ko ang saya sa boses nya at gumaan ang pakiramdam ko.

"I love you! You are my happiness and I don't think I can live a day without you! I love you!"

Humarap na sya sakin ngayon na may bright expression sa mukha. Nag-tu-twinkle yung mga mata nya at ang lapad ng ngiti nya.

"You really love me?"

"Oo," amin ko sa kanya.

"I'm happy to hear that. You dont know how much your 'I love you' means to me," he caressed my cheeks. "I love you more and I love you more than anything in this world. Je t'aime."

"Je t'aime, you can speak french?" I asked, surprised.

May pinindot sya sa cellphone nya.

*I love you! You are my happiness and I don't think I can live a day without you! I love you!*

Ngumiti si TOP habang hawak ang cellphone. He didn't! NO! Nirecord nya?! Kaya pala pinaulit nya! Kaya pala sya tumalikod!