Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 44 - Chapter Forty-Four

Chapter 44 - Chapter Forty-Four

Nanginginig ako sa lamig habang nasa loob ng kotse ni TOP. Binigyan nya ako kanina ng towel. Mabuti may mga nakahanda syang gamit dito sa kotse nya in case of emergency. Sinisipon ako.

"Retard, look what you did to yourself," sabi ni TOP habang nagmamaneho.

"I'm perfectly fine-Aachoo!!"

"You were saying something?" he smirked.

"Sabi ko nga."

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng condo nya. Malakas parin ang ulan at dahil mas malapit ang condo nya kaysa sa bahay ko, don muna kami titigil. Pumasok kami sa loob papunta sa elevator nang biglang mag-curse si TOP.

"Oh bakit? Ano'ng problema?"

"May nakalimutan ako sa kotse," may kinuha syang susi at ibinigay sa'kin. "Susunod nalang ako," sabi nya.

"P-Pero—" sabi ko pero nakaalis na sya.

Lumakad na ulit ako patungo sa elevator. Naiwan ko yung towel sa koste ni TOP. Walang tao sa loob pagpasok ko. Buti naman dahil ayokong may makakita sakin nang ganito ang hitsura. Nabasa ako mula ulo hanggang paa. Muntik pa akong atakihin sa puso nang makita ko ang repleksyon ko. Ang putla ko at bumabakat nang sobra ang damit ko sa katawan ko.

"Wait!" May kamay na biglang humarang sa papasara na elevator. Pumasok ang dalawang lalaki.

Teka! Pamilyar ang dalawang ito ah! Oh hindeee!!

Sila yung dalawang manyak! Yung una ay 'yung mukhang Sugar Daddy na sinigawan ni TOP nung unang punta ko dito. Yung pangalawang lalaki ay yung binugbog ni TOP. Gahd! Nagsama pa silang dalawa! Bakit ngayon pa?!

Hindi pa nila ako namumukhaan dahil nakayuko ako at nakaharap sa isang sulok. Ang malas! Malas talaga! Bakit silang dalawa pa ang nakasabay ko?! Maya-maya nagpatay sindi ang ilaw sa elevator at sa ikinamalas pa ng araw ko eh nagkaron ng power failure! Tumigil sa pagtaas ang elevator at nag-on ang emergency lights.

OH NO NO NO NO!! THIS CAN'T BE HAPPENING TO ME!!!

"May tao ba dyan?! Nag-stuck ang elevator!" sabi nung mukhang sugar daddy sa may intercom.

[Sorry Sir, inaayos na po namin ang problema. Hindi naman po ito magtatagal kaya naman—AAHHH!!] sumigaw yung guy sa speaker.

[F*CK!! WIFEY ARE YOU IN THERE?! ARE YOU ALRIGHT?!! WIFEY TALK TO ME!! ARE YOU OKAY?!!] boses ni TOP sa speaker.

"Hubby! WAAAHH! Hubby!" I cried pathetically. Save me!!

[Sir huminahon lang po kayo may—]

[F*CK IT!! DON'T TELL ME TO CALM DOWN DAMN IT! GUSTO MONG IPADALA KITA SA OSPITAL?! PANO AKO HIHINAHON KUNG NASA LOOB NG PESTENG ELAVATOR NA 'YAN ANG ASAWA KO HUH?!!]

[Sir ginagawa na po namin ang makakaya namin para maayos ang—]

[WELL IT'S NOT GOOD ENOUGH BECAUSE SHE'S STILL IN THAT GODDAM ELEVATOR, NOW SHUT UP AND LET ME TALK TO MY WIFE!!!]

[Sir sa pangatlong beses ko pong sinabi bawal po kayo dito—]

[WIFEY IT'S ALRIGHT I'M HERE!! DON'T BE SCARED—F*CK SHIT GET YOUR HANDS OFF OF ME!!]

[SECURITY! SECURITY!]

*BLAG!!*

[I'M COMING WIFEY SO DON'T WORRY—]

Natahimik. Naiimagine ko si TOP na nagwawala at nagcu-cuss.

"Sweeeet ikaw pala yan," sabi ng lalaking binugbog ni TOP.

Nakalimutan ko. Kasama ko nga pala ang dalawang manyak na to.

"Sa tingin ko ito na ang pinakamagandang pagkakataon para makaganti ako sa ginawa ng boyfriend mo sa'kin."

"H-Hindi ko alam ang sinasabi mo," tanggi ko.

"Naaalala ko na kung sino ka! Ikaw yung kasama ng walang galang na binata na yon!" sabi ng surar daddy.

"H-Hindi ako yun!"

"Oh c'mon baby don't be shy now. Wala kang dapat ipag-alala dahil wala nang iistorbo pa satin."

"Wait a minute, ako ang mauuna sa kanya."

"Ano? Hijo mas matanda ako dapat ako ang paunahin mo."

"And so? Malaki ang atraso sakin ng boyfriend ng babaeng ito."

"Magkano ba ang gusto mo at magbabayad ako?"

"Hindi ko kailangan ng pera mo tanda."

"Angel may problema ba kayong pinansyal? Baka makatulong ako pero syempre may kapalit." Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa at ngumiti.

"WAAAHH!! LUMAYO KAYO SA'KIN!!"

"See? Ayaw nya sayo tatang. Masyado kang matanda sa kanya!"

"AYOKO SA INYO PAREHO!! KAPAG DUMATING ANG HUBBY KO LAGOT KAYO SA KANYA!!"

"Iyon ay kung darating sya on time pero mukhang malabo na yon." Unti-unti silang lumapit.

"HWAAAAG!!"

"Hwag ka nang mahiya Angel."

"Please...don't! Dont touch me!!"

"Don't worry, dadahan-dahanin natin 'to."

"AAAAAAAAHHHHHH!!!!" sigaw ko nang lumapit silang dalawa.

*BLAG!*

Huh? Ano yun? Napatingin kaming lahat sa itaas ng elevator. Yumayanig. Hindi kaya mapuputol na ang tali at malalaglag ang elevator?! Ayoko pang mamatay! Bata pa ako!

*BLAG!*

"Teka ano yun?!"

"Parang—"

*BLAG!*

May nalaglag na piraso ng metal mula sa itaas ng elevator.

"AHHH!!" Nalaglag ang malaking square na metal sa dalawang lalaki.

"Wifey!" boses ni TOP.

Tumingin ako sa itaas. Nandon si TOP. Spiderman! Pano sya napunta don sa itaas?!

"Pano ka napunta dyan?!" tanong ko habang nanlalaki ang mga mata.

"That's not important! Are you alright? Did they hurt you?"

"O-Okay lang ako." Hindi ako makapaniwala na nandito sya.

"Ugh ang sakit non," bumangon sa sahig ang dalawang lalaki.

"YOU THERE!!" sigaw ni TOP.

"Huh? Sino yun?" tumingin sila sa itaas at na-shock dahil nandon si TOP.

"Ano'ng ginagawa nyan sa itaas?!"

"Kneel!!" utos ni TOP sa dalawa.

"A-Ano?!" tanong ng dalawang lalaki.

"Luluhod kayo ng kusa o bababa ako dyan at paluluhurin ko kayo? LUHOD!"

"TOP ano bang ginagawa mo?" gulat parin na tanong ko.

Hindi nya ako pinansin at muling sumigaw. Nakaluhod na yung dalawa at nanginginig sa takot.

"Ah shit! Lumuhod kayo ng maayos, yung kamay nyo ilagay nyo sa sahig na parang aso! Ikaw!" turo nya dun sa mas bata.

"B-Bakit?"

"Luksong baka!" sabi ni TOP

"A-Ano?"

"Tumalikod ka sa asawa ko. Aakyat sya sa likod mo."

Nanginginig sa takot na sumunod si #2. Binend nya ng kaunti ang likod nya.

"Wifey—"

"Ayokong lumuhod dyan! WAAAH!"

"Retard hindi ko sinabing lumuhod ka! Umakyat ka sa itaas na dalawang yan para maabot kita. Hihilahin kita pataas para makalabas ka na."

Napatingin ako dun sa dalawa. Mukha silang hagdan na may dalawang steps.

"Hubby..." TOP ang talino mo pala. Naisip mo yun?

"Hwag kang mag-alala hahawakan kita ng mahigpit para hindi ka malaglag," tumingin sya sa dalawa. "KAPAG NALAGLAG ANG ASAWA KO MALILINTIKAN KAYONG DALAWA SA'KIN!!"

Kawawa naman yung dalawa. Tinuntungan ko sila at inabot ni TOP ang kamay ko. Hinila nya ako paitaas at dumaan kami sa bukasan ng elevator sa 9th floor.

"Umikot ka," utos ni TOP.

"Huh?" Umikot ako at tinignan nya lang ako.

"Nasaktan ka ba?"

"H-Hindi. Ayos lang ako." Yumuko ako "Uhh... TOP?"

"Ano 'yon?"

"S-Salamat."

"Tss. Trabaho ko 'yon, hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa'yo."

"Ehh."

"Ano?"

"P-Pano naman ako? Ano'ng gusto mong gawin ko para sa'yo?"

"Just stay beside me."

"Yun lang?"

"Wifey, my heart is yours now. If you break it," lumapit sya sakin at seryoso akong tinitigan sa mata. "you'll regret it, aight?"

"Yes Sir!!"

"KAYONG DALAWA!!" may sumigaw na security guard. "Kayo ba ang sumira sa pintuan ng elevator?"

"Yeah, I f*cking did," sagot ni TOP na may annoyed expression.

"Kung ganon kailangan mong sumama sa'kin. Bawal ang ginawa mo at—"

"Kung ano man ang sasabihin mo pwede mong sabihin sa anak ng may ari ng building na 'to," sabi ni TOP at hinila ako palabas ng building.

"Pero Sir! Sir!" habol ng guard pero nakalabas na kami at dumiretso sa sasakyan.

"TOP san tayo pupunta?"

"Sa bahay nyo."

"Ano? Bakit? Bakit hindi nalang tayo umakyat sa unit mo?"

"Gusto mong umakyat sa top floor gamit ang hagdan?"

Nakalimutan ko, wala nga palang elevator. At wala rin yatang kuryente. Sumakay ulit kami sa koste nya at nag-drive na ulit sya.

"May kasama ka sa bahay?"

"Kasama ko sa bahay ang Craz-este-friends ko. Yung tatlong babae."

"Wifey hwag kang masyadong dumikit sa tatlong 'yon."

"B-BAKIT?!" sigaw ko.

"Scream and you're dead. You're making me deaf," diretso ang tingin nya habang nagd-drive "Eh bakit nga ba ayaw mo sa mga friends ko?"

"Dahil..." bigla nyang kinatok ang ulo ko.

"Aray ano ba?!"

"Nahahawa ka sa pagiging weird at retarded nila."

"Hindi ako weird at retarded. Ikaw lang ang nagsasabi nyan!"

"Don't worry wifey, I still love you even if you're weird and retarded."

"I AM NOT WEIRD. I AM NOT RETARDED!!"

"A strong denial is a strong confirmation wifey," he smirked.

Stupid gangster!

"Wait a minute! Bigla kong naalala yung sinabi mo sa guard kanina," tanong ko kay TOP.

"What about it?"

"Yung sinabi mo na kausapin nya yung anak ng may-ari ng building? Sino ba ang may ari ng building na yon?"

"Red's family."

"Ooohh~"

"We're here"

Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita na nasa bahay na kami. Tumigil kami sa tapat ng gate at in-off nya ang engine ng kotse. Lumabas kami pagkatapos. Umikot si TOP at binuksan ang pinto sa back seat at may kinuha syang duffel bag.

"Ano yan?" tanong ko habang binubuksan ang gate.

"Extra clothes in case of emergency," he shrugged.

"Haha! Wow boy scout laging handa! Hahaha!"

"Wanna die?"

Ehrm. Pumasok na kami sa bahay. Inabutan namin ang Crazy Trios na nanunuod ng Death Note the movie.

"Nuh ba yan namatay pa si L!" - China

"Ganon talaga para may effect!" - Michie

"Ang ganda ni Misa kaso pycho," - Maggie

"Ang pangit ni Light! Bwahahaha! Buti na-dedz din sya!" - China

"OO NGA BWAHAHAHA!!" sabay tawa nilang tatlo.

"EHEM!!" ubo ko.

Sabay-sabay na tumingin samin ang Crazy Trios.

"Sammy!" - Michie

"Sino yang—" natigilan silang tatlo at tumingin kay TOP. Bigla silang tumakbo sa kusina at nagbulungan.

"OMG nag-uwi ng lalaki si Sam!" - Maggie

"Ano'ng ginagawa ng gangster na 'yan dito?" - Michie

"Sa tingin nyo ano'ng gagawin ng dalawang yan dito?" - China

"Baka naman gagawin nila yung 'alam mo na' dito," - Maggie

"Huh? Ano yun?" - Michie

"Wait! Soundproof ba yung kwarto ni Sam? Ayokong marinig sila habang ginagawa nila yung 'alam mo na'," - China

"Ok lang naman kung gagawin nila yun eh basta ba gumamit sila ng proteksyon," - Maggie

"Ano yun? Hindi ko ma-gets!" - Michie

"Maiintindihan mo rin pagdating ng araw Michie," - Maggie

"Oh No! Mawawala na ang 'ano' ni Sam" - China

Stupid Crazy Trios! Rinig kaya namin ni TOP ang 'bulungan' nila! Nakakahiya! Tumingin ako kay TOP na nakatayo katabi ko sa may pintuan. Tumingin din sya sa'kin. At sabay kaming nag-iwasan ng tingin Hindi ko na pinatapos ang usapan ng Crazy Trios. Hinila ko si TOP sa second floor sa kwarto ko. Isinara nya ang pinto pagkapasok nya. Nilibot nya ng tingin ang kwarto ko. Awkward.

"What?" tanong ko ng nanatili syang tahimik.

"THE HELL?!" bigla syang sumigaw. Yung mukha nya galit na galit.

"B-Bakit?"

"Who the f*ck are those people?!" turo nya sa poster ng SUJU at BIGBANG sa wall.

"Mga—" pinutol nya ang sasabihin ko.

"Ex mo?!" tumaas na naman ang boses nya

"KPOP TOP. Mga artists ang mga yan sa korea."

"F*ck! Tanggalin mo yan!"

"No way!"

"Fine," then mabilis syang nakalapit at tinanggal yung mga posters sa wall ko.

"TOP!!" Na-shock ako sa ginawa nya. Punit na yung posters ko. "Bakit mo ginawa yon?!"

"Ayokong may ibang lalaki kang tinitignan. Dapat ako lang, sa'kin ka lang tumingin!"

I am speechless. Napaka-seloso nya. Kawawa naman ang posters ko. Nasa basurahan na.

"Now," may kinuha sya sa kanyang duffel bag at nilapag iyon sa bedside table ko. "That's better."

Tinignan ko yung nilagay nya. Rectangle. Picture frame. Kinuha ko. Picture ni TOP at ako sa Sweets House. Napangiti ako. Pano kami nagkaron ng picture? Mukhang stolen shot. Magkatabi kami at kumakain ng ice cream.

"Hubby umamin ka. Nag-hire ka ba ng photographer para kunan tayo?" Ang lapad ng ngiti ko.

Hindi ko sya narinig na sumagot. Bigla syang naghubad ng shirt. Holy Shiz!

"B-Bakit ka naghuhubad?!"

"What do you think?"