Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 39 - Chapter Thirty-Nine

Chapter 39 - Chapter Thirty-Nine

Bumuntong-hininga nalang ako. Ipinagpatuloy namin ang pagkain nang tahimik. Pagkatapos namin kumain tsaka ko lang naalala si TOP. Shiz! Lagot ako! Nagpaalam na ako kay kuya Lee at bumalik ako sa booth kung saan ko iniwan si TOP baka kasi nandon sya at naghihintay. Nakita ko naman na ang daming taong nakapaligid sa booth na yon, karamihan babae.

*Bang!Bang!Bang!*

"Shit! Manong sigurado ka bang walang daya 'tong baril nyo?!"

"Hijo ilang beses ko bang sinabi na wala?"

"F*ck it! Kailangan kong makuha ang osong yan!"

"Para ba doon sa nobya mo?"

"She's not my girlfriend.."

Ano raw?! Nakita ko si TOP na nasa booth at may hawak na blue na paperbag. Kausap nya yung may ari. Ganon ha?! Dine-deny nya ako sa harap ng mga babaeng audience nya!

"OMG! He's so HOT!!"

"You bet! I like his ass!"

"Shut up! I saw him first, he's mine!"

Mga walanghiyang babae to pinagnanasahan ang sa'kin! Kumukulo ang dugo ko!

"—she's my wife," patuloy ni TOP. Sinabi nya yon na parang normal lang at sanay na syang sabihin yon.

Pakiramdam ko nabuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig ko!

"F*ck! Asan na ba yung retarded na babaeng 'yon?! Bakit ba palagi nya akong pinaghihintay?! Siguro sumama na yon sa mga retarded na basura dito!"

Retarded na babae? Nakatalikod sya sa'kin. Nakaharap kasi sya sa booth at ang sama ng tingin don sa stuff toy na nasa display.

"Hindi ko alam kung anong nakita nya sa'yo, mas gusto ka ba nya kaysa sa'kin?" bulong nya sa sarili.

"TOP!"

Lumingon sya sakin at ngumiti pero agad din iyon nawala at napalitan ng inis. Bigla nyang hinila ang kamay ko at tumakbo kami palayo sa booth. Tumigil kami sa tapat ng Sharp X Drop. Isa 'yung ride kung saan ang upuan ay tataas ng dahan-dahan at kapag nasa tuktok na ay biglang babagsak. Isa yon sa mga rides na ipinagmamalaki ng LaLa Land dahil sila ang unang nagkaron nito sa Pilipinas.

"Teka lang TOP, dont tell me sasakay tayo dyan?" tumingala ako sa ride. Nag-sisigawan yung mga nakasakay. Nasa 80-100 ft yata ang taas nun.

"Gusto kong subukan."

"G-Ganun ba? Ah eh, i-ikaw nalang mag-try!" Unti-unti akong umatras. Masusuka yata ako tignan ko palang.

"Saan mo balak pumunta?"

"H-hihintayin nalang kita dito. Hehe!"

Bigla nyang hinatak yung braso ko. Bakit pati ako? Pumila kami sa ride na yun. WAAAH! Ayoko pang mawala sa mundong ito! NO! Naalala ko tuloy ang movie na Final Destination. Pano kung biglang magkaron ng problema tapos..

"Do you trust me Miracle?"

"Huh?"

"You trust me, right?"

Tumango ako. Pero pagkatapos nito baka hindi na.

"Say it out loud retard." -__-

"YES I TRUST YOU!!"

"Prove it."

"H-How?"

"Let's ride this thing together," he smiled.

"What?! Are you crazy?! Hindi ako sasakay dyan!"

"Then you don't trust me?"

"I trust you naman kaso.."

"If you trust me then don't doubt me."

"TOP," maiiyak sa takot na sambit ko.

"I'll hold you tight and keep you safe."

May kung ano sa tingin nya sakin at sa tono nya ang biglang nagpabago sa isip ko. May tiwala ako sa kanya.

"Okay."

Turn na namin para sumakay. Katulad ng sa rollercoaster ang model ng upuan, may bar at seatbelt. Nang makasakay na kaming lahat at nasiguradong okay na kami at safe, tumaas na ang upuan namin hanggang sa halos maabot na namin ang langit.

Napatingin ako sa ibaba. Naramdaman ko ang pagputla ng mukha ko. Nakakalula! Sa tingin ko mahihimatay ako! Nanunuyo ang lalamunan ko sa nerbyos.

"Give me your hand."

Walang imik na ibinigay ko kay TOP ang kamay ko.

"Are you scared?"

*nods* (>.<) (_._) (>.<)

"Don't be dahil habang nandito ako sa tabi mo walang mangyayaring masama sa'yo."

Bago pa mag-sink in sa isip ko ang sinabi ni TOP biglang bumagsak ang ride at ang sumunod na narinig ko ay sigaw ng mga tao.

"AAAAAAAAAAHHH!!" sigaw ko pati na rin ng mga nakasakay sa ride.

Patuloy sa pagbagsak ang upuan namin.

"MIRACLE SAMANTHA PEREZ!!" may sumigaw pero masyado akong abala sa pag-sigaw kaya hindi ko pinansin.

"AAAAAAAAAAAAHHH!!"

"I LOVE YOU! I LOVE YOU! I LOVE YOU!!"

"AAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!"

Biglang bumagal ang pagbagsak. Natulala ako. Gulo ang buhok ko pati ang isip ko. Nasa ibaba na kami. WAAAHH!! Hinding hindi na ulit ako sasakay sa ride na yan kahit kailan! Tinulungan ako ni TOP na umalis sa upuan ko. Nanginginig parin ang tuhod ko. Muntik na akong matumba.

"Uy ang sweet nung boyfriend nya!"

"Sila ba 'yon?"

"Oo sila yon! Ayyiee! Ang gwapo nung boyfriend nya!"

Ehhh? Napalingon ako sa mga babae at nagulat ako nang nakangiti silang tumingin sa direksyon namin ni TOP.

"Bakit sila nakatingin sa'tin?"

"I-I don't know," bigla syang tumingin sa ibang direksyon.

"Ano'ng problema? Bakit hindi ka makatingin sa'kin?" naiinis na tanong ko.

"Shut up and let's go," hinila nya ang kamay ko at tumakbo ulit kami.

Habang tumatakbo kami nakita ko yung tenga nya, sobrang pula. Ano'ng meron?

Umupo kami sa isang bench na malapit sa mga food stands. Hawak parin nya yung kamay ko at yung isa naman ay hawak nya sa paperbag. Tinignan ko si TOP, nakangiti sya.

May bigla akong naalala. ☆〜(ゝ.∂)

"TOP may narinig ka bang sumigaw ng pangalan ko?"

"H-Huh?" bigla syang umiwas ng tingin, pero bago 'yon nakita ko syang namula.

"Aminin mo! Ikaw 'yon ano?!"

"Ang alin?!" tumingin sya sa'kin at kitang-kita ang ebidensya.

"Hwag ka nang magkaila alam kong ikaw yung sumigaw ng I love you ng tatlong beses. Hahaha!"

"Ah shit. Alam mo naman pala bakit mo pa itinatanong?" mukhang nagagalit na naman sya.

"Ang sweet naman ng hubby ko. Haha! Para san naman 'yon?" kinurot ko sya sa pisngi.

"Si Red."

"Ano'ng si Red?"

"Ang sabi ni Red kapag isinigaw ng tatlong beses ang salitang 'yon habang bumababa ang ride..." tumigil sya sa pagsasalita. Mas lalo syang namula.

"Ano?"

"You'll be with the person you truly love forever"