Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 38 - Chapter Thirty-Eight

Chapter 38 - Chapter Thirty-Eight

*ring~ring~*

Ang aga! Inabot ko ang cellphone ko sa bedside table ko nang natutulog parin ang diwa. AAAHH!! Bigla akong nalaglag sa kama. Napatayo ako mula sa pagkakahulog mula sa kama. Sino kayang istorbo ang tumatawag?! Naman oh! Ano bang oras na? Gah! Nasira ang beauty sleep ko!

"HELLO?!"

[PMS-ing? Good morning to you too wifey] Alam ko naka-smirk sya habang sinasabi 'yon.

"You wanna die?" Haha! Take that you meanie!

[Do you have the guts to kill me?] -___-

"Ehh."

[Yeah, that's what I thought] he laughed.

"Bakit ka ba tumawag? May kailangan ka?" Change topic!

*Honk.Honk!*

Napatakbo ako sa veranda nang marinig ko ang busina ng sasakyan. Sa tapat ng bahay namin may itim na sasakyan at lumabas ang isang lalaking naka-shades. Good God! Hindi na yata ako masasanay sa kakisigan ni TOP. He was leaning against his black Aston Martin. One hand inside his pocket and the other was holding his cellphone. He was wearing a white t-shirt, it totally complimented his well-toned chest and biceps. Ang linis nyang tignan at sobrang sexy! (*0*)

[F*ck! You scared the living shit out of me Wifey! Hurry up and get dressed! We're going out today!]

Ehh?! Tumakbo ako papasok sa bathroom at muntik na akong mahimatay sa kahihiyan. Sabihin nalang natin na bad hair day. Natulog kasi ako na basa ang buhok.

"San tayo pupunta?" tanong ko matapos ang dali-daling pag-aayos. Nasa loob na kami ng sasakyan ngayon.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong nya habang nakatingin ng diretso.

"New car?"

"Yeah, saan mo gustong pumunta?" ulit nya.

"Hmm. Lemme think first," nilagay ko ang isang daliri ko sa chin at nag-isip. "AH!"

Biglang gumewang ang sasakyan. Haha! Nagulat yata si TOP.

"Shit!" he cursed.

"I'm hungry, let's eat first."

"Okay." -___-

"Yes!" ^^

"You high or something?" he gave me a weird look.

"No! Am just happy today. You do realize that this is our first date right? And where were you yesterday? May sakit ka ba talaga? Ha?" I poked his arm.

"Stop that, wifey." -___-

"You didn't answer my question," I poked his arm again, hard as a rock!

"We're here."

Tumigil ang sasakyan sa parking lot at pinagbuksan nya ako ng pinto. Gasp! How sweet! NOT! Ang totoo nyan hinintay kong pagbuksan nya ko ng pinto pero sinigawan lang nya ako na lumabas na.

"Hi!" bati ng perky waitress kay TOP nang makaupo kami sa isang table for two. "Ano'ng order mo?"

"Pancakes and Orange juice," sabi ko.

"Oh," parang nagulat pa sya nang makita ako. She looked at me with disgust.

Slut. =___=

"Just coffee," sabi ni TOP at ibinaba ang menu.

"Are you sure? Yun lang?" she asked in a flirty tone while batting her eyelashes. Landi!

"Yeah," biglang hinawakan ni TOP ang kamay ko na nakapatong sa lamesa.

Gulat na tumingin ako sa kanya. Nakatingin lang sya sa magkahawak na kamay namin. Pinipisil pisil nya ang kamay ko, tinitignan nya nang mabuti. Tumingin naman ako sa waitress. Nakatingin sya sa magkahawak naming kamay ni TOP. Tinignan ko lang yung babae with a smug look. Mwahahaha!

Isinulat ng waitress ang order namin. And with one last glance sa mukha ni TOP umalis na sya with a huff!

"Yung babaeng yun! Hindi maitago ang kalandian!" maktol ko.

"Who?" inosenteng tanong nya.

"Yung waitress, kainis!" sabi ko at hinigit yung kamay ko pero ayaw nyang bitawan.

"Let me hold your hand for a while," tinitigan nya ako sa mata.

Kyaah! Hwag mo akong titigan ng ganyan! Natutunaw ako! Nakatitig parin sya. Oh so romantic ng atmosphere! Nagtitigan lang kami.

"That wuss, he better not make a move on you or I'll send him straight to a f*cking hospital," he whispered.

Tumingin sya sa kabilang table, sinundan ko ng tingin and to my surprise may lalaking nakatingin sa amin. Tatlong lalaki. Ang sama ng tingin nya sa mga lalaking nandon. Parang gusto nyang sugurin. Nagseselos ba sya?

***

"Get it for me!"(^◇^)

"No." -___-

"Why?" ('・_・')

"Because it's gay." -___-

"Just do it!" @(・●・)@

"No." -___-

Nagtataka siguro kayo kung ano ang pinagtatalunan namin ni TOP ngayon. Stupid gangster ni hindi man lang maki-cooperate! Nandito kami sa isang amusement park, sa shooting range. Yung booth na kapag natamaan mo yung mga plastic ducks na target may prize na kapalit. Gusto ko yung bear pero ayaw nyang kunin para sa'kin. Hmph! Sinisira nya ang date namin!

"I want that bear!"

"How many bears do you want and I'll buy it for you? I'll give you the most expensive bear if you like," sabi niya, mukhang naiinis na sya.

"Ayoko! Gusto ko yun!" turo ko sa bear na may cap. Kanina pa kami sa tapat ng booth pati yung nag-babantay mukhang naiinip na.

"What's so special about that bear anyway? It's ugly!" -___-++

Kahit ipaliwanag ko sa kanya hindi niya maiintindihan. Gusto ko lang talaga na kunin nya yon para sakin, ayokong basta bumili lang sya tapos ibibigay sa'kin. Gusto ko yung pinaghirapan nyang kunin para memorable. It's a girl thing! And naiinggit ako dun sa dumaan na mag-partner. Binigyan nung guy yung girl ng bear galing dito! Ang sweet!

"Manong, magkano ba yang laruan at babayaran ko nalang?"

"Hijo, hindi to binibili," tila nainsultong sagot ni manong.

"Two thousand, siguro naman tama na to?" kumuha ng pera sa wallet si TOP.

"Hwag na nga lang!!" sigaw ko at nag-martsa papunta sa roller coaster. Kakainis!

"Wifey!" sigaw nya.

Che! Bahala ka dyan! Tumakbo ako palayo sa kanya.

"Ah shit! Miracle!" tumatakbo sya habang sinisigaw yung pangalan ko.

Dahil sabado ngayon, maraming tao kaya hindi nya ako makita. Nasa may roller coaster ako at nalagpasan nya ako. Kakainis kasi! Ano bang masama kung mag-exert man lang sya ng effort para dun sa bear?

"Miss beautiful hwag ka nang malungkot. Kung ayaw kunin ng boyfriend mo yung bear ako nalang ang kukuha," sabi ng lalaki sa likod ko.

Huh? Lumingon ako at nakita ang tatlong lalaki na mula sa restaurant kaninang umaga.

"Uhh... No thanks!" maglalakad na ulit sana ako pero hinawakan nung isa yung braso ko.

"Hwag ka namang suplada Miss, nakikipagkaibigan lang naman kami," ngumiti sya.

"I don't care! Let go!"

"Baka naman nahihiya lang sya," guy #2

"Haha! Hwag ka nang mahiya samin Miss, haha!" sabi ng may hawak sa'kin.

"Let go! Let go of me!" pilit kong binabawi ang braso ko pero ayaw nya akong bitiwan.

"Sshh... Hwag kang masyadong maingay. Pinagtitinginan na tayo," guy #1

"Iwan nalang natin yan. Mukhang natatakot na eh," guy #3

"Oo tama iwan nyo nalang ako dito!" sang-ayon ko.

"Hindi pwede. Kailangan samahan mo kami ngayon. Maglalaro ka kasama namin," guy #1

"Ayoko! Bitawan mo nga ako! Alam nyo bang leader ng isang Gang ang boyfriend ko?! Kapag nakita nya kayong kasama ako siguradong sa hospital ang bagsak nyo!!" pinipilit kong tanggalin yung kamay nya pero ang higpit ng kapit.

Waah! Asan ba palagi si TOP kapag kailangan ko?!

"Oohh... Yun ba ang inaalala mo? Siguro pinilit ka lang din ng lalaking yon para samahan mo. Hwag kang mag-alala mukhang wala naman binatbat yung boyfriend mo saming tatlo. Diba?" tanong nya sa dalawa na nasa likod.

"Oo," guy #2

"Hindi nya ako pinilit! Kayo nga itong namimilit eh! Bitawan mo nga ako!"

"Hindi nyo ba sya narinig? Bitawan nyo daw sya!" may sumigaw mula sa malayo.

"Sino ka ba?!" guy #1

"I'm your worst nightmare!!"

"Ano daw?! Worst nightmare?! Bwahahaha!" guy #1

"Lakas yata ng tama nitong gag*ng to eh!! Bwahahaha!!" guy #2

Parang kilala ko na kung sino ang maglalakas loob na sabihin ang line na yun ah. Kung ako sa tatlong ito tatakbo na ako ng matulin bago maging Hulk to. Lumingon ako at hindi nga ako nagkamali.

It's HIM. HE'S FINALLY BACK!! (・□・;)

"Kuya Lee?!" sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya.

"The one and only," nakasuot sya ng cap.

"Kailan ka pa bumalik! Bakit hindi ka man lang nagsabi na dadating ka?!" pinaghahampas ko sya sa braso.

"Ow! Ow! Ganyan mo ba iwe-welcome ang pinakagwapo mong pinsan sa balat ng lupa? Wow grabe mahal na mahal mo nga ako."

"Haha! Sira! Ikaw lang naman ang pinsan ko!"

"Sir, may problema po ba dito?" may dalawang men in black na sumulpot.

"Problema? Hmm?" tumingin sya sa tatlong lalaki. "Kayo? May problema ba kayo?"

"W-Wala! Aalis na nga kami eh, tara na tol!" guy #3. Nag-marathon walk silang tatlo palabas ng amusement park.

Si kuya Lee. Mas matanda yan sa'kin ng six years at nakapagtapos sa harvard. Mas matangkad sya kaysa kay TOP. Hmm.. Mga nasa 6'3 siguro sya. Gwapo. Chinito. Matalino (obviously). At sila ang may ari ng amusement park na ito. And umalis sya papuntang Japan para asikasuhin ang business nila.

"Pero seryoso, kailan ka pa nakabalik?"

"Ngayon lang," bumuntong hininga sya at inilagay ang dalawang kamay sa kanyang jean pockets. "Gusto ko lang tingnan kung ayos ang takbo nitong La-La Land. At syempre para bisitahin ang paboritong pinsan ko."

Kinurot nya ako sa cheeks.

"Ow!"

"Haha! Teka ano nga palang ginagawa mo rito?"

Ang sakit ng kurot nya ha! Pero teka, si TOP nga pala! Hala!

"Oh bakit ganyan ang hitsura ng mukha mo?"

"Huh? Ah eh! May nakalimu-"

"Ahh nagugutom na ako," inakbayan nya ako at kinaladkad papunta sa food court.

"Pero kuya Lee may kasama ako baka hinahanap na-"

"Okay lang 'yan Princess, makikita mo rin yung mga weirdong kabarkada mo mamaya. Kumain muna tayo, tagal natin hinda nagkita eh."

Hindi naman ang Crazy Trios ang kasama ko, si TOP! Pano si TOP? Waahh! Lagot ako dun! Sigurado nakaikot na yun sa buong LaLa Land! Ang date namin!

"Sya nga pala, nagkita na ba kayo ni JG?" tanong nya habang kumakain ng sushi.

"Sino?!" gulat na tanong ko.

"Si JG, nauna syang umuwi dito. Nag-kita kami sa Japan."

"Nandito sya?" mahinang sabi ko.

"Oh? Akala ko pa naman alam mo na. Nang magkita kami sa Japan tapos na ang world tour nila kaya pauwi na sila dito. Sa tingin ko three days na syang nandito baka nga dalawin ka nalang nya isang araw."

"Hindi nya ako tinawagan."

"May nakahandang sagot ka na ba sa tanong nya?"

Hindi ako nakasagot.

"Nag-hihintay parin sya sa'yo, alam mo ba?"

"May boyfriend na ako," yumuko ako at nahihintay sa pagsabog nya.

"Nakikita ko na mahal na ma—ANO?!!"

"May boyfriend na ako," ulit ko. (>人<;)

"Samantha kailan pa yan?! Bakit hindi mo sinabi sakin kapag natawag ako o sa mga e-mails mo?!!"

"Kuya. Hindi naman ganon katagal, kaka-start palang namin."

"Paano na si JG? Ang tagal nyang naghintay sa sagot mo at ngayong pag-uwi nya.." bumuntong hininga sya at sumandal sa upuan habang mina-massage ang noo.

Hindi ko naman masisisi si kuya Lee. Para kasi sa kanya, perfect boyfriend para sa akin si JG. Si John Gabriel Sy ang modern version ni Prince Charming. Isa syang sikat na singer. Good-looking, mabait at nanggaling sa isang magandang pamilya. He's too good for me! Parang nakikita ko sa kanya ang sarili ko dati at nasasakal ako dahil masyado syang perpekto!

Magkababata kami ni JG. Kasama ko sya at si kuya Lee sa america noon. Doon ako lumaki kasama sila pero nung six years old na ako bigla nila akong pinabalik sa Pilipinas. Ewan ko ba kung bakit. Masyado pa akong bata para matandaan 'yon. After two years sumunod sa'kin sina JG at kuya Lee. Nagkahiwalay lang kaming tatlo ng mag-highschool na ako at college si kuya Lee. Ako sa all-girls school, si kuya sa Harvard at si JG sa International School.

Pero bago kami magkahiwalay ni JG nagtapat sya sa'kin. Hindi ko pa alam kung ano'ng gagawin noon. Ang sabi nya mahal nya ako higit pa sa isang kaibigan at na maghihintay sya sa sagot ko. That was two years ago. And two years ago nang mag-umpisa sya sa career nya bilang singer/actor/model. Pero kahit na sikat na sya ngayon, hindi parin sya nagbabago lalo na pagdating sa akin.

"Anong plano mo ngayon?" tanong nya.

"Sasabihin ko sa kanya ang totoo."

"Damn, naaawa ako kay JG."

Nakaramdam naman ako ng guilt.

"Kailangan kong makilala yang poncho pilato mong boyfriend bago ako umalis papunta sa South Korea."

"Korea? Aalis ka na naman?!"

"Oo, may bubuksan na bagong branch ng hotel natin sa Seoul. Bilang general manager dapat nandon ako," magka-business partner nga pala ang parents namin. "Mukhang plano ng pamilya natin na ikalat sa buong Asia ang business natin."

"Kumusta naman sina mama at papa? Nakikita mo ba sila?"

"Oo, minsan sa mga gatherings o meetings. Uuwi naman sila ngayong Christmas hindi ba?"

"I see, matagal ko na kasi silang hindi nakikita."

"Hwag kang mag-alala, malapit mo na ulit silang makita," hinawakan nya ang kamay ko at pinisil.

"Kailan ka nga pala aalis?"

"Two weeks from now."

"Ang bilis naman"

"Haha! Masanay ka na ganito talaga sa pamilya natin."

"Minsan naiisip ko mas mahalaga ang pera kaysa sa pamilya—Aray!" binatukan nya ako.

"Hwag ka ngang ganyan, sya nga pala kumusta si.." hindi nya maituloy ang tanong nya.

"Si Michie ba? Mas ayos na sya ngayon. Nakapag-move on na sya simula ng iwan mo sa ere."

"May.. may boyfriend na ba sya?"

"Oo, ang sabi nya meron na."

"Sino'ng mas gwapo ako o yung lalaking 'yun?"

"Importante pa ba yon? Ang totoo hindi ko pa nakikita pero kuya Lee hwag ka nang umasa. Masyado mo na syang nasaktan noon, basta mo nalang syang iniwan ng walang dahilan."

"Alam mo naman kung bakit hindi ba?"

"Age doesnt matter kuya, six years lang ang gap nyo, sixteen and twenty-two, what's wrong with that? You're just being ridiculous."

"Gusto ko lang syang bigyan ng time to grow up. She's just too young for me."

"Whatever, hindi ko muna sasabihin sa kanya na nandito ka. Hindi sapat ang six months para makuha ka nyang harapin ulit."

Natahimik sya saglit.

"Galit ka rin ba sakin Princess?"

"Bestfriend ko sya, hindi mo alam kung gaano ka nya iniyakan. Sa umaga tumatawa sya pero sa gabi umiiyak. And to think na pinsan ko pa ang nanakit sa kanya? Ako ang dahilan kung pano kayo nagkakilala. Somehow pakiramdam ko kung hindi dahil sa'kin eh di sana hindi sya nasaktan. May kasalanan din ako."

"Hindi ko sinasadya na masaktan sya," malungkot na paliwanag nya. "At wala kang kasalanan Princess."

"Huli na kuya, nasaktan na sya."

"Mali ba ang ginawa ko?"

"Hindi. Tama na bigyan mo sya ng time pero mali na iniwan mo sya ng walang sinasabing rason. At hindi ako galit sayo kuya Lee, sa tingin ko hindi rin galit sa'yo si Michie."

"Alam ko. Salamat Princess."