Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 22 - Chapter Twenty-Two

Chapter 22 - Chapter Twenty-Two

***Next Day

"Sam umiyak ka ba?" tanong ni Michie nang makita niya ang namamaga kong mata.

"Sino may gawa at paiiyakin din namin?!" sabi naman ni Maggie na acting all tough habang sinusuntok ang kanyang palad.

"Oo, nga!" segunda ni China.

Kung sabihin ko kaya na si TOP? Magtatapang-tapangan pa rin ba kayo? Sigurado ako na bago pa kayo makalapit sa gang leader na iyon ay dadaan muna kayo sa twelve members ng Lucky 13. Tsk! I hate him! I hate him!

"Okay lang ako, nakagat lang ako ng ipis sa mata," pabulong na sabi ko at umarteng nahihiya.

"EEEEWWW!!" sabay na sabi ng 'Crazy Trios' at nagsibalikan na sa kanilang upuan.

Ayokong sabihin sa kanila na umiyak ako dahil nasaktan ako sa mga sinabi ni TOP. Nakakahiya eh. Pumasok na ang instructor at nagpatuloy ang klase habang lumilipad ang isip ko.

Natapos ang klase namin na wala ako sa sarili. Hindi rin ako gaano nakapag-participate sa recitation, puro si Audrey. Haay. Napabuntong hininga nalang ako. Kailangan kong bumawi sa susunod. Hindi ako pwedeng bumaba sa rank ko. Pagtatawanan ako ni Audrey! Magiging outcast ako at magiging emo! Waah! Ayokong maglaslas!

"Pupunta nga pala kami sa Sweets House ngayon. Gusto mo bang sumama?" tanong ni Michie sa akin pagkasara ko ng locker ko.

"I have no money today, I think I'll pass," sabi ko. Pero ang totoo baka makita ko lang doon si TOP. Ayoko siyang makita! Pero sayang yung parfait!

"Kailan ka pa nawalan ng pera Samantha?!" malakas na tanong ni China na dala ng gulat.

Lahat ng nasa hallway ay tumingin sa amin, particularly sa akin. Nagbulungan sila bigla.

"Uy, narinig mo ba 'yon? Wala na daw pera si Samantha?" tanong ni chismosa#1.

"Ano? Hindi naman yata kapani-paniwala yan!" sagot ni chismosa#2.

"Oo nga, diba nangunguna parin ang kompanya nila sa pinaka-succesful dito sa Pilipinas?" sabi ni chismosa #3.

"Ohoho! Look girls, tingnan ninyo ang mukha ng isang Samantha na nag-hihirap!" biglang sumulpot si Audrey at ang kanyang mga followers. "Isn't it obvious na mas mayaman talaga ang pamilya ko kaysa sa kanila? Kawawa naman siya, right girls?"

"You're right Audrey," they all said in unison.

"Cmon girls, mag-shopping nalang tayo, MY treat! Hindi ko kasi alam kung saan ko gagamitin ang napakarami kong pera," nagmamayabang na tumingin siya sakin.

Nilagpasan nila kami at rinig ko parin ang tawa niya mula sa malayo. Weirdo! Nagsimula na rin ako lumabas ng school matapos kong magpaalam sa Crazy Trios. Mag-isa na naman ako ngayon uuwi. Siguro naman walang mangangahas na kumidnap ulit sakin.

Lakad.

Tingin sa likod.

Walang tao.

Lakad.

Tingin sa kaliwa, wala ulit tao.

Lakad.

Tingin sa kanan, walang tao.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

May narinig akong yabag sa likod ko. Hindi ako lumingon, baka kung sino lang yan. Hwag kang praning Samantha!

Lakad.

Lakad.

Naramdaman kong may nakatingin sakin mula sa likod. Hindi ko parin pinansin. Binilisan ko ang paglalakad.

Lakad. Lakad.

Palapit nang palapit ang yabag na nasa likod ko kaya naman...

TAKBO! TAKBO!

Tumakbo din siya! WAAHH! Sino ba itong sumusunod sakin?! May biglang humila sa braso ko at nakita ko kung sino siya.

"Kumusta ka na, Sis?!" masayang bati sa akin ng isang babae na naka-shades at ponytail.

Napahawak ako sa dibdib ko. Huminga ako nang malalim. Nakakagulat siya! Naka-coat siya na pang-detective at halos umabot ito sa knees niya. Kamukha niya na si Sherlock Holmes dahil may suot din siyang hat. Kung hindi lang siguro siya naka-red lipstick at pink nail polish ay hindi ko maiisip na isa siyang babae.

"Uhh. Hi? Kilala ba kita?" Hindi ko yata siya kilala.

"Waaah! Sis! Ako 'to!" Tinanggal niya ang kanyang shades.

"Ah! Ikaw pala. Uhh." Bakit ba hindi ko matandaan ang name niya?

"Aphrodite, my name is Aphrodite," pakilala niya sa sarili niya. "Pero Sweety ang tawag sa'kin pag nasa cafe! Pasensya ka na nga pala kahapon ha? Ang totoo niyan gusto ko lang kasing makita kung magseselos ka ba o hindi. Actually kinulit ko pa nga ang kapatid ko para lang makilala kita! Nalaman ko kasi na may girlfriend na pala ang little brother ko at nilihim niya kaya naman binlack mail ko siya para isama ka. Hahaha!" bigla niya akong hinampas sa balikat.

"Ahh. Bakit mo naman ako gustong makita?" Aray ko! Ang sakit nun! Paano kaya natagalan ni TOP ang dami ng hampas ng kapatid niya kahapon? Ang bigat pala ng kamay niya.

"Ahahaha! Ikaw kasi ang unang girlfriend niya! Eighteen na siya pero wala pang girlfriend. Akala ko nga nababading na ang kapatid ko eh, puro kasi gwapo ang kasama niya! Hahaha! Mabuti naman ngayon eh sure na sure na akong lalaki nga siya! Hahahaha! Salamat dumating ka!" sabay hampas ulit sa braso ko. "Napaka-pihikan lang pala ng kapatid ko, gusto pala niya yung mala-Goddess of Beauty katulad ko! Ang super pretty mo naman little sis! Hahahaha!"

Ano kaya ang magiging reaksyon ni TOP kapag nalaman niyang akala ng kapatid niya ay bading siya? Pfft! Gusto kong makita! Pagtatawanan ko siya!

"S-salamat." Sasabihin ko ba na hindi naman talaga ako girlfriend ng kapatid nya??

"Teka pauwi ka na ba?" naka-smile parin na tanong niya.

Tumango ako.

"Ganon ba? Hindi ka ba manonood at mag-chi-cheer para kay Timothy?" Medyo nabawasan ang smile niya.

Cheer? Ah! May laro nga pala sila ngayon! Ayoko ngang makita ang taong 'yon! I hate him! I hate him! Di ko siya bati! I so hate him!

"I don't think so, he told me not to bother him today and besides—" naputol ang sinasabi ko nang hilahin nya ang kamay ko at naglakad kami sa kung saan.

"Ano ba ang sinasabi mo? Umaarte lang 'yon, pero ang totoo nyan gusto ka talaga niyang makita!"

"But—"

"Ang swerte mo ngayon alam mo ba? Kasi pwede kitang samahan papunta doon! Makikita mo na rin siyang mag-basketball! I'm sure mas lalo kang maiinlove sa galing nya! Hohoho!"

Bakit pakiramdam ko pinlano niya itong mabuti? At gusto niya lang talaga na may makasama sa pagpunta don? Ayaw! Sana pala sumama nalang ako sa 'Crazy Trios' Siguradong nag-papakabusog na sila ngayon sa parfait! Parfait ko!

"Teka Ate, kung nandito ka ngayon, sino ang bantay doon sa shop mo?"

"Si Juniel yung assistant manager ko dun, tara na! Yehey!"

Hinila niya ang braso ko. Napayuko ako at napa-mental face palm. Ano ba yan? Umiiwas nga ako eh!