Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 23 - Chapter Twenty-Three

Chapter 23 - Chapter Twenty-Three

Nakarating kami sa isang covered court. Ang hirap namang hanapin ng lugar na ito. Mga isang oras yata kami nag-lakad. Nang dumating kami wala pa namang naglalaro pero ang dami ng tao. Ang daming mukhang gangster! At nang pumasok kami sa loob pinagtinginan kami ng mga tao. Kasi naman eh. Ako, suot ko pa ang aking napakagandang uniform at ang kasama ko naman ay naka-dress up bilang detective.

Nang lingunin ko sya, ibinababa nya yung hat nya at parang gusto nyang itago ang mukha nya. Bigla na naman nya akong hinila at naupo kami sa pinaka-tagong bahagi.

Sinasabi ko na nga ba gusto lang nito magpasama sakin eh. Haay.. Tumingin ako sa paligid at nakita na wala pa ang Lucky 13 sa loob. Sa kabilang side naman ay puro maskuladong lalaki na mukhang college graduate na. Nakasuot sila ng red and white na jersey. Sila ba ang makakalaban ng Lucky 13?

"Parang nagugutom ako, gusto ko ng apple!" biglang sabi nya.

"Apple ba ang favorite fruit mo?" tanong ko.

"Oo!" masiglang sagot nya. "Pero si Timothy galit sa apples! Hahaha! Kalaban nya ang mga apples! Palagi nyang ibinabato sa malayo. May bad memory yata sya dun eh."

Wow. Ayaw ni TOP ng apples? Ngayon lang yata ako nakarinig na may ganong tao. Ayaw sa apples. Biglang tumahimik ang paligid nang may pumasok sa court ang Lucky 13. Nakasuot sila ng red at black na jersey.

Napapaligiran sila ng kakaibang aura. Katulad nang makita ko silang naglalakad sa school nila ay ganoon din ngayon. Lahat sila parang walang pakialam sa iba. Na parang sila ang pinakamakapangyarihan sa lahat at walang kahit na sinoman ang maaaring makatalo sa kanila. At syempre nakita ko na naman sya.

Walking with pride and authority just like a King, looking quite hot with his cold hard glare, he said; "F*ck, I'm pissed today so if you wanna live longer just f*ck off."

Anong nangyari sa kanya? Bakit parang sobrang sama naman ng aura na bumabalot sa kanya ngayon? At ang mga mata nya, sobrang cold. Hanggang dito sa pwesto ko nakakatakot syang tingnan. Sino kaya nagpasama sa mood ng halimaw na 'to? Buhay pa kaya 'yun?

"My little brother is so cool! Hmm. Pero bakit kaya mukhang may sumpong na naman sya? Hindi maganda to," sabi ni Sweety. "Wow! Look at those goodlooking guys beside him! Hahaha! I really thought they were his lovers! Hahaha!" she laughed whole heartedly.

Ano kayang reaksyon ni TOP kung malaman nya na iniisip ng kakambal nya na isa syang bading? Siguradong rumble ito!

"Mukhang mag-uumpisa na oh!" Nakatutok na naman ang kanyang binoculars sa mga players.

"Bakit ba tayo dito sa tago pumwesto? Doon nalang kaya tayo sa unahan? May mga unoccupied seats pa naman oh."

"Huh?!" bigla syang nagpanic. "Ano kasi! Ayaw ko matamaan ng bola! Oo, yun nga! Kaya dito nalang tayo sa malayo!" medyo lumakas ang boses nya tapos namula ang buong mukha nya at nag-iwas ng tingin sakin.

Bigla ko tuloy naalala si TOP. Ganito din ang reaksyon nya tungkol sa strawberries. Hmm. Akalain nyo yun, may pagkakatulad pa pala ang dalawa. Parehas silang inosente sa pag-sisinungaling. Kitang kita kapag nag-sisinungaling sila, hahaha! Hindi katulad ko, na-master ko na ang arts of deceiving!

"May tanong ako, marunong ba mag-luto ang kapatid mo?"

"Aba! Oo naman! Parehas kaming tinuruan mag-luto ni Nanay Mami noon nung nasa bahay pa sya. Alam mo ba na mas magaling pa syang magluto sa head cook ng hotel namin?" masayang kwento nya.

Eh ano kaya yung strawberries?

"Ano ang favorite fruit ng kapatid mo?" tanong ko.

"Strawberries!"

"Ahh. Talaga?" kung ganon tama ang hinala ko. (。-_-。)

Sya nga yung lalaking naka-strawberry apron nung nasa condo nya ako. Hahaha! Kakatawa naman! Kaya pala sya sigaw ng sigaw non! Denial king ka TOP!

"Uuuyy! Ngumingiti na sya! Bakit? Mas lalo ka na bang naiinlove sa kapatid ko?"

"Haaaa?"

"Hwag kang mag-alala! Secret lang natin dalawa ito! Hahaha!" Inilagay na naman nya ang kanyang binoculars.

Nag-umpisa na ang laro. Jump ball nakuha ng mga Lucky 13 ang bola. Si Chinito boy ang may hawak sa bola, nalagpasan nya ang nag-babantay sa kanya at lumapit sa ring para mag-shoot, pero may humarang sa kanyang malaking lalaki at binunggo sya. Nakuha nito ang bola at dinala sa kabilang side para mag-shoot. Ang akala ko bibigyan ng foul ang bumunggo kay Chinito boy pero walang nangyaring ganun! Oh my gosh! Isa nga kaya itong underground battle?

PUK!

BLAG!

BLAG!

Nagkakapisikalan na sa laro pero wala ni isa sa kanila ang nagreklamo. Kapag may bumabagsak sa sahig na player tinutulungan ng ka-teammate nya sa pagtayo at muli na silang babalik sa game. Ilang beses na rin natamaan si TOP. Minsan sa mukha o sa likod o sa dibdib pero hindi nagbabago ang ekspresyon sa mukha nya. Emotionless. Hindi siya nagpapakita ng sign na nasaktan sya. Pero bukod doon sya parin ang may pinakamaraming naipasok na bola sa ring.

Napapatayo na nga ako sa sobrang excitement lalo na kapag mukhang hindi papasok ang bola pero pasok din pala. O kaya naman kapag nasa kalaban na team ang bola. Grrr! Nakakainis talaga! Ang laki ng mga katawan nila kaya madali silang maka-shoot! Kaasar! 22-38 ang score. Lamang pa rin ang Lucky 13.

"UGH! DARN IT!" napasigaw ako nang maka-score na naman ang kabilang team. Kakainis naman oh! Three point shot pa! 25-38 na!

"GO TIMOTHY!!! KAYA MO 'YAN!!!" todo naman sa pag-cheer ang kapatid ni TOP.

Natulala ako sa suot nya. Nakapang-cheer syang damit at may hawak pa syang pompoms! Kanina binoculars ngayon naman pompoms! WAAHH!! Kaya naman pala balot na balot sya kanina. Yun pala ang suot nya sa loob! Ang dami sigurong bulsa sa loob ng coat nya na 'yon!

"GO TIMOTHY GO GO GO!!!!" gumawa pa sya ng ibang cheer dance steps.

Aaminin ko ang cute nya parin kahit may pagka-weird. Bigla naman napatingin sa direksyon namin si TOP.

Nanlaki ang mga mata ni TOP nang makita nya ang kapatid nya na todo parin sa pagsayaw. Lumipat naman ang tingin nya sa'kin tapos bigla syang umiwas.

Teka! Galit ba sya? Dapat ako yung galit ah!

Sablay...

Sablay...

Sablay...

Ano ba ang nangyayari kay TOP at puro sablay na ang tira nya? Kaasar! Bakit ganon? Eh kanina naman walang kahirap-hirap na nakakapag-shoot sya kahit na ang higpit ng bantay sa kanya. 55-4O na ngayon ang score. Lamang na ang kalaban. Si Red na nga lang yata at iba pa ang nakaka-score.

"Uwah! Ano'ng nangyayari kay baby brother? Nawalan sya bigla ng focus. Why oh why?" tanong ni Sweety sa sarili nya. Nakasuot na sya ng coat ngayon at gamit na naman ang kanyang binoculars. "Alam mo kasi nawawalan lang ng konsentrasyon sa laro si Timothy kapag kinakabahan sya. At dahil madali syang mainis naaapektohan nito ang mga galaw nya. Dahil don kaya hindi sya makapaglaro ng maayos."

"Kinakabahan? Bakit naman kaya sya kakabahan?"

Sobrang bilis, na akala ko nga hihiwalay sa ulo ang leeg ni Sweety, tumingin sya sa akin at ngumiti.

"Good question! Samantha, nauuhaw na ako!" nag-pout sya habang naka-puppy-dog-eyes sa akin. "Pwede mo ba akong ibili ng mineral water?"

Hindi ko akalain na may mas iku-cute pa pala si Sweety! Over Over! Bukod don, sa tingin ko tinablan ako ng technique na yun kaya naman pumayag ako agad.

Lumabas ako ng covered court para bumili. Tingin sa kanan, walang tindahan. Tingin sa kaliwa, wala din. Naglakad pa ako at naghanap pero wala talagang tindahan dito. Siguro kasi tago at nakakatakot ang lugar na ito. Napatingin tuloy ako sa paligid. Walang tao at madilim. Mapuno. OMG! Wala naman sigurong mumu dito diba?