Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 26 - Chapter Twenty-Six

Chapter 26 - Chapter Twenty-Six

Kinabukasan tinawagan ko sa cellphone si TOP nang lunch break para sabihin na hwag nang tumuloy sa school namin. Matagal syang nag-ring at may sumagot na mukhang bagong gising lang na TOP.

[F*ck! Who the hell is this?! Do you wanna die?!] came an angry voice then he yawned.

"Hubby~ Its me!" ginamit ko ang pinaka-sweet kong boses.

KYAAAAA! Ngayon lang ako nagka-boyfriend kaya lubusin na ang pagiging cheesy! Hihihi!

[Who?]

"Your very beautiful wifey! Don't you recognise my voice?"

[Damn it! Stop wasting my time! I don't have a beautiful wife! Tell me your name so I can beat the living shit out of your f*ckin ass!]

Anong sinabi nya? Wala daw syang wifey?! Eh ano ako?! Sya pa nga ang nag-insist ng tawagan na iyon eh! Don't tell me joke lang yun? O nakalimutan nya? Arrgghh! Stupid evil b@stard!! Ang akala ko ba magtatagalog na rin sya? Liar!

[Mr. Pendleton bawal gumamit ng cellphone sa loob ng klase! — Ah shit! Shut the hell up baldy!! You're hella making me angry! Just teach whatever you're teaching!]

Ehhh? Nasa loob pa pala sya ng klase? Wrong timing yata ang tawag ko?! Pero kung nasa loob sya ng klase ibig sabihin natutulog lang sya sa loob?

"TOP hindi ganyan makipag-usap sa matanda."

[Huh? Are you saying something? Speak louder! Shit! Are you my hella retarded wifey's friend? And why is your voice so f*ckin creepy? Why did you call? Give it to my retarded wife!]

"Hoy TOP! Ano ka ba ako kaya 'to si Samantha! Bakit ka ganyan? Akala ko ba magtatagalog ka na? At hindi sabi ako retard! Grr!"

[Mr. Pendleton give me your cellphone before I send you to the Principal's office! — Ah shit! Do you wanna lose your f*ckin job old hag?! Don't yell at me! I'm talking to my wife so — Tama na! Detention para sa'yo mamaya! — What the f*ck! Detention? I have a f*ckin date. Dammit give me my cellphone back—doo doo doo] biglang naputol ang linya.

Hindi ko akalain na ganon din pala sya makipag-usap pati sa mga matatanda. Pero bakit nga ba ako magugulat eh nagawa na nya yun dati? Waaah! Hindi ko nasabi na hwag syang pumunta ngayon! Ano'ng gagawin ko?!! Katapusan ko na ba?!

Hindi! Kailangan makaisip ako ng paraan! Hindi ako papayag na ito ang maging katapusan ko!! NO WAY!!

***

Sinubukan ko na tawagan ulit si TOP pero naka-off ang cp nya! Pano na 'to? Ano'ng gagawin ko? One hour nlang at five pm na! Kinakabahan na pinanood ko ang pag-galaw ng kamay ng orasan. Sana hindi nalang mag-five! Nasa loob kami ng classroom ngayon at pinapanood ang walang kamatayan na Romeo and Juliet! Nu ba yan?! Kaasar! Ilang beses ko nang napanood yan at iisa lang ang ending! Parehas silang namatay!

Kailangan kong makaisip ng paraan. Hindi na talaga ako mapakali sa upuan ko at napansin ito ni Michie na malapit lang ang mesa sa akin.

"Sammy, bakit mukha ka na namang constipated?" bulong nya.

And then it hit me. "Oh my gosh! Michie hindi ako makapaniwala na sasabihin ko 'to pero, isa kang henyo!" bulong ko din sa kanya.

"Wow talaga Sammy? Salamat ha," kumikinang ang mata na sabi nya.

Alam kong nakakahiya pero kailangan ko tong gawin! Itinaas ko ang kamay ko para mapansin ng instructor. Waaah! Heto na. Pero mas gugustuhin ko na ito nalang kaysa pumunta si TOP dito looking all gangsterish with his gang. Kaya ko 'to! Kaya ko 'to!

"Yes Ms Perez?" tawag ng instructor tumingin sakin ang buong klase. Kaya ko to!

"Ms. Dale... I-I need... to go home," umarte ako na may masakit sa'kin.

"Why? Are you not feeling well Ms Perez? Want me to take you to the clinic?"

"NO!" Oops! Napalakas yata. "I mean, no. I'm fine but... I-I think."

"Yes?" nakatingin silang lahat sakin. Waaahh!!

"I think... I-I'm constipated."

Natahimik silang lahat. Natulala sila sa akin. Maya-maya lang ay nagkaron ng ilang tawanan sa klase. Oh Gaaahd! Gusto kong lamunin na ako ng lupa!

Lahat gagawin ko para lang hindi mabawasan ang popularity ko. Kahit na ipahiya ko pa ang sarili ko sa buong klase. The bright side, hindi nila malalaman ang tungkol samin ng gangster kong boyfriend. Mas maganda nang ganito na lang atleast madaling kalimutan. I mean, normal lang naman ang magkaron ng constipation. Right? Right? Oo, Sam tama ka! Mabigat na desisyon pero kinaya mo. Handa mong gawin mapanatili lang ang magandang record mo! I'm so proud of you girl! Aja!

***

Walang tao sa paligid pag-dating ko sa school nila TOP. Waaah! Grabe, ang layo ng tinakbo ko makarating lang dito. Malapit nang mag-alas singko. Pero bakit kaya ang tahimik? Parang walang tao? Ma-check nga! Parang syang abandonadong eskwelahan.

Tumayo ako sa tapat ng malaking bakal ng gate. Hindi kaya wala na sila? Uwian na kaya? Hindi kaya nagka-salisihan kami? Pero dapat nakita ko sya papunta dito. O baka naman gumamit sya ng ibang daan? Isang underground tunnel?

Haaayy. Sumandal ako sa gate pero hindi ko inaasahan na bukas pala kaya naman napaupo ako sa lupa. Ouch! My butt! My poor butt!

Tumayo ako at pinagpagan ang uniform ko. Ahah! Bukas ang gate meaning, pwede akong pumasok sa loob! Tama! Hahanapin ko nalang si TOP sa loob! Gusto ko syang makita habang nasa loob ng klase! MOUHAHAHA! Ayos toh!

Pumasok ako sa loob at may dalawang building. Isa sa kaliwa at isa sa kanan. Hmm. Kaliwa muna! Kaya naman pumunta ako sa kaliwa at mala-espiya akong sumilip sa mga bintana. Walang tao sa loob, pero may mga gamit at mukhang dinaanan ng ipo-ipo ang room. Ang kalat, at ang mga silya ang gulo ng pwesto. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Puro gangster nga pala nandito.

Dumiretso ako sa kanan na building. Umabot nga pala ito hanggang fourth floor katulad ng kabila. Sumilip ako at wala ring tao?! Ano ba yan? Asan ang mga estudyante dito?! Binuksan ko ang sliding na glass window at pumasok sa loob. Hindi naman siguro ako mahuhuli dito diba? Para lang akong professional ninja!

Binuksan ko ang pinto para i-check ang hallway kung may tao. Pagkabukas ko ng pintuan, tumambad sa'kin ang mga estudyante na papasok sana sa room. Lahat sila puro gangster at gulat na gulat nang makita ako. WAAAHH!

"WHOOO~~!!!" nag-whoo silang lahat at pagkatapos sumipol.

Mabilis kong isinara ang pinto, ni-lock at tumalon palabas sa bintana. Tumakbo ako sa kung saang direksyon. ANO BA YAN?! ANG MALAS KO NAMAN NGAYON!

Tumakbo lang ako nang tumakbo. WAAAH! TOP! Save me! Asan ka na ba?! May nakita akong gym sumilip muna ako bago pumasok! Buti nalang walang tao! Magpapaahinga muna ako. Napagod ako sa pagtakbo. Kinabahan talaga ako kanina akala ko mahuhuli nila ako! Napalibot ang tingin ko sa paligid. Ang ganda naman ng gym nila. After five minutes kong pagkakatunganga may narinig akong mga yabag at boses. Mabilis akong nakapagtago. Nakita kong lumabas mula sa changing room ang dalawang matangkad na lalaki. Mukhang kakagaling lang nila sa shower.

"Dude, narinig mo ba? May nakapasok daw na chix dito, hinahanap na daw sya ngayon." - Dude #1

"Talaga? Malas naman ng babaeng 'yon. Siguradong hindi na makakalabas ng virgin! Hahaha!" - Dude #2

Mga pervs! Kapag nakilala ko kayong dalawa ipapabugbog ko kayo kay TOP! WAAHH! Hubby ko asan ka na ba?! Please save me bago pa nila ako makita! Waah!

Lumabas ang dalawang pervs na ako parin ang pinag-uusapan. Safe na naman siguro ako dito right? Hmm. Paano kaya ako makakalabas dito? Hindi naman ako pwedeng lumabas ng gym na 'to ngayon siguradong mas marami nang nag-hahanap sakin sakin sa labas. WAAHH!! kung bakit pa kasi ako pumasok dito eh!

Friday the 13th ba ngayon? Hmm. Matingnan nga sa cellphone. Pagka-check ko. Hindi naman. Haayy. Try ko kaya ulit tawagan si TOP?

Tinawagan ko ang cellphone nya, pero ganon parin. Naka-off, siguro na-confiscate ng teacher nya? Teka! Hwag nyong sabihin na nasa detention sya ngayon?! WAAAHH!! Pano na ako ngayon nyan?! Pano nya malalaman na nandito ako?! Pano nya ako maililigtas?! TOP!!! Ayokong mabulok dito!!

Maya-maya nakaramdam ako ng tawag ni Mother Earth. Lagot! Saan kaya ang CR dito? Ehh?! Pero All Boys School ito! Ibig sabihin. Walang CR for girls! Ang malas ko talaga ngayon!

Hindi ko na kayang magpigil, kaya naman pumasok ako sa loob ng CR, katabi lang sya ng changing room. Buti walang tao. AT MAY CUBICLE!! Dali-dali akong pumasok sa isa sa mga cubicle at ginawa ko ang dapat kong gawin. Palabas na sana ako kaso may narinig akong boses ng lalaki.

LAGOT NA! Lagot na! May mga pumasok na lalaki! Anong gagawin ko! Lord! Hindi pa ako pwedeng lumabas dito dahil kung hindi.

"Hoy! May tao ba dito?! Labas na! Gagamit kami!" May kumatok na lalaki sa pinto ng cubicle.

Hala! Ano nang gagawin ko?! Hindi pwede to! Kapag lumabas ako—NO!

"Pare bingi ka ba?! Bilisan mo nga dyan sa loob! Ang tagal mo gumamit ah!!"

*BOOM!BOOM!BOOM!*

Malakas nyang hinampas ang pintuan. Waaahh! Kailangan kong makagawa ng paraan. Baka biglang bumukas ang pinto! TOP! You stupid b@stard bakit kasi sa lahat ng araw na pwede mong i-off ang phone mo bakit ngayon pa?!!

*BOOM!BOOM!BOOM!*

"HOY!! ANO BA?!! ANG TAGAL MO DYAN AH!!"

"Pare, baka naman jumejebs?"

"Shit naman oh! Badtrip kumukulo na tyan ko. Tara na nga!"

"Sabi ko naman kasi sa'yo hwag mo nang kainin yung siomai na nalaglag eh. Patay gutom ka talaga."

"Ano'ng sabi mo? Gusto mo bigwasan kita dyan? Shatap!"

Narinig ko na sumara ang pintuan. Yeah! Ayos! Pwede na akong lumabas! Yahoo! Yeah yeah yeah! Lumabas na ako ng cubicle.

Napa-nganga naman ako paglabas ko ng cubicle. May tatlong lalaki sa loob. Naka-jingle position at may mga sigarilyo. Hindi pa nila ako nakikita kaya naman nag-tip toe ako papunta sa pintuan.

"Pare, ano na nga palang lagay ng balikat mo? Ayos na ba?" jingle boy no.1

"Syet! Gago ka ba pare paano ito gagaling nang ganon kadali?! Nung isang araw lang to nabali?!" jingle boy no.2

"So reresbakan ba natin ang maangas na TOP na yan?" jingle boy no.3

Napatigil ako sa pagtakas nang marinig ko ang pangalan ni TOP. ANO?! RERESBAKAN?!!

"Natural! Hindi ako makakapayag nang hindi nakakaganti sa gag*ng 'yon!" jingle boy no.2

"Ano'ng plano mo? Wala ka naman laban sa kanya. Maswerta ka nga at 'yan lang ang ginawa nya sayo nang tapakan mo ang sapatos nya," jingle boy no.1

"Ang alam ko customized yung sapatos nun eh. Armani daw gumawa." jingle boy no.3

Ano? Yun lang yun? Dahil natapakan ang paa nya binalian nya ang isang tao?! Note to self; iwasan maapakan si TOP.

"Eh di gaganti ako dun sa magandang syota nya! Papatayin ko sya." jingle boy no.2

Magandang syota?! Papatayin?! WAAAHH! AKO YUN AH!! PAPATAYIN NILA AKO?!

"Gago ka pare papatay ka ng inosente?!" jingle boy no.1

"Gunggong ka talaga! Ang ibig kong sabihin papatayin ko sa ligaya!" jingle boy no.2

"Re-Rape-in mo pare?! Makukulong ka dyan! Ayokong makulong pare! Balita ko pa naman mayaman yun!" jingle boy no.3

Mga pervs na lalaking ito!! Hinding hindi ko kayo mapapatawad sa mga sinabi nyo!

"AACCKKK!!" sumigaw ako ng malakas at inatake ang tatlong lalaki lalo na ang nasa gitna! Si jingle boy no.2. PREPARE TO DIE YOU SON OF A *BLEEP*!!! Lahat ng natutunan ko na pang-self defence ay ginamit ko sa tatlo. Ang hirap nila mapatumba! Sanay na talaga sila na makipag-away.

"Shit sino ka bang bitch ka?!!" jingle boy no.2 May dugo na ang pumutok na labi nya dahil sa sipa ko sa mukha nya.

"Ikaw! Ikaw ang babaeng nakapasok sa school namin." jingle boy no.1 puro gasgas lang sya dahil hindi naman sya masyadong lumaban kaya di ko nalang pinatulan.

"Ang tapang mo naman na pumasok sa loob ng campus namin. Nag-iisa ka pa naman at dito ka pa talaga nag-tago." jingle boy no.3 sa tyan ko naman sya sinipa dahil nanlaban sya.

"Hah! Eh ano naman ngayon kung nag-iisa ako? Wala naman kayong binatbat sa'kin eh. Para lang akong nakikipaglaro sa mga bata," nag-smirk ako.

Mabilis na nag-iba ang mga expressions sa mukha nila. Lahat sila ay mukhang nagalit sa insulto ko. Mas naging dark ang mga aura nila at nakatingin silang tatlo sakin na animoy babalatan nila ako ng buhay. Patay kang bata ka! Sam kasi bakit ba napakadaldal mo?! Katapusan ko na talaga!

"Kung kanina nagpipigil pa kaming patulan ka. Ngayon hindi na," guy no.2

Ni-lock nila ang pintuan ng CR at unti-unting lumapit sa akin. Kinuha ko ang aking pepper spray sa bulsa at ginamit kay no.2!

"AHH!! ANG MATA KO!! BITCH LAGOT KA SA'KIN!!"

Tumakbo ako pero nahawakan ako ni no.3 at binigyan ng malakas na suntok sa tyan. Pakiramdam ko isusuka ko ang kinain ko simula umagahan. Namimilipit na napahiga ako sa malamig na sahig.

"Kailangan mong maturuan ng leksyon at kami ang gagawa non."

Tumawa sila habang nakatingin sa akin. TOP! Nasan ka na ba?!