Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 21 - Chapter Twenty-One

Chapter 21 - Chapter Twenty-One

Pinanood ko ang Crazy Trios na muling um-order ng dessert. Plano yata nilang tikman lahat ng nasa menu. Ang akala ko ba nagda-diet sila? Kaya nga hindi sila kumain ng lunch kanina. Pang-apat na order na yata nila. Samantalang ako, hindi ko pa tapos itong unang order ko.

May gamot pa kaya sa bahay? Siguradong sasakit ang tyan nila mamaya sa dami ng kinain nila.

"Bunch of wusses. I'm gonna f*ckin' kill all of them if that's what they f*ckin' want," sabi ni TOP. Ang dilim ng aura niya.

Kung tingnan niya yung parfait niya ay parang may ginawa itong mali sa kanya. No wonder kung bakit ang bilis matunaw non. His angry face is enough to make anyone pee in their pants. Sino naman kaya ang kaaway nito? Sigurado akong lagot 'yon.

"Wala naman silang magagawa dahil wala dito ang leader nila. Gusto lang talagang magpasikat ng gagong 'yon," naka-smirk na sabi ni Red at kinain ang kanyang parfait.

"F*ck! Those f*ckin dogs should f*ckin' know who they're f*ckin messing with!" iritadong sabi ni TOP.

"Hwag kang mag-alala," masayang sabi ni Red na patuloy sa pagkain.

"Ano ba ang pinag-uusapan ninyo? Teka nga, makikipag-away na naman ba kayo?" nakataas ang isang kilay na tanong ko.

"Hindi Sam! May laban lang kasi kami sa basketball bukas ng hapon," nakangiting sabi ni Red habang may kutsara sa bibig.

Bigla akong na-excite. "Talaga? Pwede ba kaming manuod?" tanong ko.

Tumingin si Red kay TOP.

"No," sagot ni TOP.

"Hindi pwede? Bakit naman?"

Hindi siya sumagot at tinignan lang ako nang masama. Eh?

"Maglalaro na naman ba kayo ng basketball?" biglang sumulpot ang kakambal ni TOP na si Sweety.

"Yeah," sagot ni TOP.

"Okay! Kayo sana ang manalo!"

"When did we ever lose?" naka-smirk na tanong ni TOP sa kapatid.

"Napaka-humble talaga ng kapatid ko!" tumatawag sabi ni Sweety.

***

"You can't meet me tomorrow," sabi ni TOP.

Nandito kami sa tapat ng bahay namin ng 'Crazy Trios'. Nasa loob na ang tatlo, naunang pumasok dahil sa sakit ng tyan nila. Ang dami ba naman kasing kinain. Gusto pa nila iba't-ibang flavors. Sino ang hindi sasakit ang tyan sa ginawa nila?

"Who said I wanted to meet?" nakahalukipkip na tanong ko.

"Don't talk back!" Bigla nyang pinitik ang noo ko.

"ARAY!" Hinawakan ko ang noo ko. "Meanie."

"Retard." Bigla niya akong tinitigan sa mga mata at bigla akong napatahimik. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Noong una nakakatakot pero ngayon... Hindi ako makapag-salita. Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya.

Click! Snap! Nakita ko nalang na may sinindihan na sigarilyo si TOP. Agad ko iyong inagaw at tinapakan sa sahig.

"Ilang beses ko ba na sasabihin na masama ang manigarilyo?" patuloy parin ako sa pagtapak sa stick.

"The hell is your problem? Shit!" Kumuha ulit siya ng sigarilyo at muling sinindihan.

"Sabi nang masama nga yan eh!" Inagaw ko ulit at kinuha ko na rin ang buong pakete at itinapon sa kung saan.

Tinignan niya ako nang masama. Parang napipikon na siya sa akin. Napalunok ako sa kaba. Eh kasi naman masama naman kasi talaga 'yon sa health. Cancer 'yon na nasa stick! Doon namatay ang janitor ng school namin last year.

"Why the f*ck did you do that?"

"B-because." Waaahh! Ano dapat ang sabihin ko? Concerned ako? Ayoko nga. Baka mamaya isipin pa niya na crush ko siya.

"What? You f*cking what, huh? Stupid barbie doll," he muttered under his breath.

I looked at him, shocked. Pano niya nasabi sa'kin 'yon?! Ako na nga itong nag-aalala sa health niya tapos sasabihan pa nya ako nang ganun?! Ang lalaking ito! WALANG PUSO!

"Sorry ha," I said coldly. "Pasensya ka na kung nakialam ako. Concerned lang naman ako sa health mo. Sorry sa pag-aalala at sorry dahil itinapon ko ang stupid cancer sticks mo! Don't worry, sa susunod hindi na kita papakielaman pa. Hindi na talaga ako makikialam pa sa buhay mo kahit na kailan!"

Ewan ko kung bakit napaka-sensitive ko ngayon. Siguro kasi malapit na period ko? Malapit na akong maiyak!

"Alam mo, sayang eh... ang lapit na sana.. konti nalang..." sabi ko at tinalikuran na siya para pumasok sa loob. Isinarado ko ang gate pagkapasok ko at tumuloy na sa loob ng bahay.

Konti nalang at mahuhulog na ako... Huh? NO! UNDO! UNDO! I hate him! Nasaktan talaga ako sa sinabi niya. Buong gabi wala akong ginawa kung hindi ang umiyak. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa makatulog ako. Iyon na yata ang unang beses na umiyak ako dahil sa walang kwentang salita ng isang lalaki. I hate him!