Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 9 - Chapter Nine

Chapter 9 - Chapter Nine

"Nandito na naman siya, Sammy," bulong ni Michie nang makalabas kami ng school building.

May ilang lalaki na naka-motorbike sa tapat ng gate ng school namin. Ang Lucky 13 or more like Friday the thirteenth! Teka friday the thirteenth nga ngayon! Kaya pala minamalas ako! Kahapon lang pinagbabaan niya ako ng telepono tapos ngayon andito na siya? Ano ba kasi ang kailangan niya sa'kin? Lubayan mo na ako please!

"Bakit nandito na naman sya?" tanong ko habang nagpapanic. Baka nandito si Audrey.

"Dumaan tayo sa back gate," suhestyon ni Maggie.

"Bakit mo ba siya tinatakasan Sam? Ang swerte mo nga eh, ang super duper mega ultra hot niya!" sabi ni China.

"Ano? Ang isang katulad ko papatol lang sa isang delinquent? No way!" sabi ko.

"Minsan talaga Sam OA ka na. So, kung delinquent siya? I think he's good enough, and besides he's from a wealthy clan too. So that's good right? He's a good catch Sam," sabi ni China.

"Psh! Nasasabi mo lang yan kasi hindi naman ikaw ang makikisama sa kanya. That crazy grey-eyed gangster and his dirty temper. Hwag nalang!"

"Sobra ka naman. Alam mo kaya hindi ka pa nagkaka-boyfriend kasi lahat ng guy nilalait mo. Hala Sammy tatanda kang dalaga," sabi ni Michie.

"Michie!" tawag ko.

"Bakit?"

"Shut up."

Tumakas kami at dumaan sa backgate. Successful naman. Hindi yata nila alam na may daanan dito sa likod. YEHEY!!

Pumunta kami sa mall para mag-shopping, kumain at gumala. Naghahanap sila ng gwapong lalaki sa mall. Baka may balak na naman silang biktimahin na gwapo pero may girlfriend. Kapag nagkagulo na naman, magkukunwari nalang ako na hindi sila kakilala.

Ah, wait. Girlfriend? Nakalimutan ko. May girlfriend na si TOP ah. Pero bakit niya ako ginawang girlfriend? Nag-break kaya sila? Imposible, mukhang inlove na inlove sa kanya yung babae. Ano kayang nakita nun at pumatol sa isang delinquent? Dahil gwapo kaya? O dahil mayaman? Huh? Bakit ko ba iniisip 'yon? Wala naman akong pakialam dun eh. Psh! Di ko siya totoong boyfriend. Ni hindi nga niya ako niligawan.

"Crazy Trios, umuwi na tayo. Pagod na ako eh."

"Sandali lang Sammy," sabi ni China habang tinitignan ang window display ng isang kilalang clothing line.

"Bakit ang mannequin na ito walang abs?" usisa ni Maggie na nakatingin sa display.

"Abs? Kasi siguro hindi sya nag-exercise?" sagot ni Michie habang kagat ang straw ng milk shake niya.

"Hahaha! Pati siguro kaya siya maputi kasi hindi nasisikatan ng araw!" dagdag ni China.

Haha. Ang labo nila. Bahala sila aalis na ako. Iiwan ko na sila. Tumingin na ako sa harap ko at na-estatwa nalang ako bigla.

Nakaharap ko si TOP kasama si Red Ranger. May kasama silang dalawang babae. Yung isa hindi ko kilala, nakayakap siya sa braso ni Red. Yung isa namang babae ay ang palagi kong nakikita na kasama ni TOP. Kung ganon hindi naman pala sila nag-break. Eh ano ako? KABIT?!! Hindi ako pwedeng maging kabit! Pero sa sa mag-asawa lang yata 'yon. Kung ganon ano ako?

"Nandito naman pala ang girlfriend mo TOP, eh," sabi ni Red.

"What are you talking about, Red? Kanina pa ako rito," sabi ng girlfriend ni TOP.

"Hindi ikaw ang girlfriend ni TOP, Hershey," inikot ni Red ang mata niya na tila napakaraming beses na niya itong nasabi sa babae.

Hershey pala ang pangalan niya. Chocolate.

"Ako ang girlfriend niya, Red," ipinagdiinan ni Hershey ang salitang 'girlfriend'.

Lumapit sa akin si Red, hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at iniharap ako kay Hershey. Napalunok ako nang magtagpo ang mga mata namin ni TOP. Eek! Nakakatkot talaga siya kung tumingin. Masyadong matalas ang mga mata niya. Huhu!

"Ito ang girlfriend ni TOP. Diba TOP?" tanong ni Red sa kaibigan nyang wala man lang emosyon sa mukha.

"NO!" sigaw ni Hershey sabay kapit nang mahigpit sa braso ni TOP. "Ako ang girlfriend mo, right TOP?"

Walang emosyon na tinignan lang siya ni TOP bago alisin ang kapit niya sa braso nito. Lumapit sa akin si TOP at hinigit ako sa braso. Bigla niya akong inakbayan. Ngayong sobrang lapit na namin, naamoy ko ang pabango niya. Alam kong hindi ako dapat na mag-enjoy pero... ang bango niya kasi!

"This is Miracle," pakilala sa akin ni TOP kay Hershey. Tumingin siya sa akin bago idinugtong ang mga salitang; "My girlfriend."

At sumabog ang mayon volcano sa katauhan ni Hershey. Patay. Kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa akong pinaglalamayan. Gusto talaga akong patayin ng lalaking 'to, pero gusto niya iba ang gagawa ng trabahong 'yon.

***

"Sam! Narinig mo na ba ang bagong balita tungkol sa karibal mo?" hinihingal na salubong sa amin ni Cheska pagpasok namin sa room kinaumagahan. Isa siya sa mga natural na chismosa sa school. Kaya naman nakapasok siya sa newspaper club ng school namin.

"Si Audrey?" tanong ni Michie.

"Ano naman ang bago kay Audrey na wala si Sam?" tanong ni Maggie na naka-smirk pa.

"Oo nga," segunda ni China.

"Girls, hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko. Si Audrey, may boyfriend na gangster! Kahapon lang inaakusahan niya si Sam na may boyfriend na taga-Pendleton High. Iyon pala, siya ang meron!" mabilis na kwento ni Cheska.

Nagkatinginan kaming apat. "WHAT?!"

"Uh-huh. I know right, ang hirap paniwalaan? OMG! I mean si Audrey may boyfriend na super gwapo na akala ko nga noong una, model ng penshoppe o bench," kwento ni Cheska.

Penshoppe at bench model? Ganon din ang description ko kay TOP ah.

"Nakita mo? Alam mo ba kung ano ang pangalan?" tanong ni Maggie.

"Uhh. Matangkad na lalaki, gwapo at sa pagkakarinig ko, leader daw siya ng isang gang?"

Posible kaya na si TOP 'yon?! Boyfriend niya rin ang boyfriend ko na boyfriend din ni Hershey na umagaw sa ex ni China?! Ilan ba talaga ang girlfriend ng gangster na 'yon?! Ano ba talaga ang nangyayari?!