Isang eleganteng italian restaurant ang pinuntahan namin. Kaya pala pinagsuot ako ng dress ni TOP. Pupunta pala kami dito. Pero bakit niya ako sinama dito? Kasama pa namin ang parents niya. Hmm..
"So ikaw pala ang girlfriend ng anak ko?" tanong ng kanyang Mama.
Girlfriend?! Nilingon ko si TOP. Tumingin lang siya sakin saglit at muling ipinagpatuloy ang pagkain. Kaya pala! He is so evil! Ginagamit niya ako.
"Yes I am, Ma'am." I answered, smiling broadly. Ngiti lang Sammy. Ngiti!
"Oh, you are very pretty and polite. Please call me Tita, feeling ko matanda na ako kapag Ma'am," sabi niya na nakangiti rin.
Ang ganda ng Mommy ni TOP. Pero hindi sila mag-kamukha. Elegante ang dating ng ganda niya pati na rin ang mga kilos niya.
"Of course Tita, but you have to believe me when I say you don't look old enough to be my boyfriend's mother. You look so much younger," I said convincingly. TOP snorted beside me. Rude jerk.
"Haha! I like you. Isn't she charming Frank?" tanong niya sa asawa niya.
"Indeed. So tell us something about your self," sabi ng Dad ni TOP.
Medyo intimdating ang ama niya. Sa kanya siguro nag-mana si TOP. Pareho silang may mabigat na atmosphere. Ang hirap huminga. Napalunok ako.
"Samantha. My name is Samantha and I'm a senior at St. Celestine High—"
"St Celestine High? Isn't that the private school for girls?" Tita asked, shocked.
"Yes Tita," I said proudly. Ipinagmamalaki ko talaga ang school ko. Feeling ko ang taas taas ko dahil kilala ang school ko.
"Oh, I guess we'll approve then," Tita said smiling widely at me then turned to her husband. "We know that school Frank. Kilala ang school na 'yon sa pagiging disiplinado sa mga students nila."
"And your parents? Are they still alive? Do they also run their own company?" Tito asked curiosly.
"Why don't you just ask her about her bank account and check it yourself?" TOP suggested.
"Are you trying to imply something?" his father asked seriously.
"You know what I mean. Stop interrogating my girlfriend."
"You haven't changed a bit son. You are still disrespectful."
"Why should I respect the man who killed his own wife?" Matalim ang tingin ni TOP sa ama niya.
Ramdam na ramdam ang tensyon sa lamesa namin. Nahapit ko ang hininga ko sa narinig ko.
Nakita kong namula sa galit si Tito. "You insolent—"
"Frank," awat ni Tita. Hinawakan niya ang kamay ng asawa niya. "Please."
Nanahimik ang ama ni TOP. Inangat nito ang wine glass at ininom ang wine. Tumingin sa akin si Tita and she smiled apologetically. Mukhang hindi talaga magkasundo ang mag-ama.
"Now, do tell me," sabi ni Tito sa akin. Kalmado na siya. "About your parents?"
"My parents are Crisostomo and Selene Perez. And yes we run our own company."
Natigilan silang mag-asawa saglit. Unang nakabawi ang ama ni TOP. "You mean the Perez group of companies? The owner of SGH Corporation?"
"Oh! You know my family? This is great," I commented while putting a huge fake smile on my face. I am really nervous. Ayoko talaga na pinag-uusapan ang pamilya namin.
TOP didn't look at me pero naramdaman ko siyang na-tensyon. Parang bang pinag-aaralan niya ako nang mabuti kahit na hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin siya sa pagkain niya na parang may iniisip siyang malalim while his mother and father both gaped at me. Kilala ang pamilya ko sa business world bilang pangatlong pinaka-successful sa Asia.
"May problema po ba?" tanong ko.
"Oh no, no, no. Everything's okay hija lets eat." Tita smiled widely.
Kilala nga nila ang parents ko. Well, that's the usual reaction. I'm used to it. Pero hindi parin nawala ang tensyon sa lamesa namin. Parang nadagdagan pa nga.
*** ~***
Mabilis rin natapos ang dinner. Nang makaalis ang mga magulang ni TOP ay dumiretso sila ni Samantha sa isang kilalang bar. Pagmamay-ari ito ni Enzo, isa sa mga kaibigan ni TOP. Naka-upo silang dalawa sa high stool sa harap ng bartender.
"Vodkaaa, straight up," order ni Sam sa bartender. Tinitigan siya ng bartender bago ibigay ang order niya.
"It's over," sabi ni TOP at diretsong uminom ng beer mula sa bote.
"Huh?" wala sa konsentrasyon na tanong ni Sam at ininom ang vodka. Tinignan niya ang katabing si TOP at pilit na inaaninag ang mukha. Unti-unti na siyang nahihilo dahil sa dami ng nainom.
"Whatever is going on between us, it's over," kalmado at malamig na sabi ni TOP sa kanya.
Ilang segundo ang nakalipas bago pumasok sa isip ng dalaga ang ibig sabihin ng binata.
"Wha—AHAHAHA!! Are—haha! Are you—duuumping meee?"
"If you want to put it that way," he shrugged.
"Oh! I get it! I am not stuuuupid. So, you used me, huh? Ahaha! This is soooo fuuunnnnyyyy! Ahahaha! So tell me, why me?" she asked while clapping her hands.
TOP frowned at her reaction. "You know why. Are you drunk?"
"So, you hate me. Why do you haaaate me so much?! Hey, bartender another beer! Gimme anotheeeer beeeer, hurry up! Por favor, mi amigo!"
Pinagmasdan ni TOP si Sam bago umiling. Hindi niya alam kung tama bang makipag-usap sa lasing. Maaalala kaya nito ang usapan nila kinabukasan?
"Hah?! I asked you a-a-a question! Whhyyy? Is it—is it because I slapped you? Hahaha!"
Nanatiling tahimik ang binata habang paunti-unting iniinom ang malamig na alak.
"I hate you too... you know that? Hahaha! But I-I-I hate my life more thaaaan you. You waaant to know why? Ask me why, you jerk!" Nang hindi sumagot si TOP ay nagpatuloy parin sa kwento niya si Samantha. "I'm pretendiiiing to be someone I'm not. I hate it, you know how much I hate my liiiiife? Huh? Huh? Hahaha! Buuut that's okaaay... because-because... uhhh... because... my parents aaaare happyyy... They—Many people loved me.... because... I... I'm a goooood girl... a veeeeryyy good giiiirl." Nakita niyang wala nang laman ang baso niya kaya kinuha niya ang baso ni TOP. "I'm a good girl!" sabi niya bago diretsong ininom at inubos ang laman ng baso.
"Stop it, you had enough." Binawi ng binata ang baso mula sa dalaga.
"Heeeyy! That's miiiiine! Gimmeeee myyy beeeer back! You biiiiig meanie, I'm noooot—ugh!" she collapsed.
Muntik na siyang malaglag sa inuupuan ngunit mabilis siyang nasalo ni TOP. Saglit na tinignan ng binata ang mahimbing na natutulog na si Samantha. Napabuntong hininga siya.
"Retard."