Nakalimutan ko na ang nangyaring yon sa labas ng school. Hindi ko na nakita pa si TOP. Hindi niya ako sinundo sa school na ipinagpasalamat ko naman. Kaso ngayon ay nasa harapan ko siya sa tapat ng bahay namin.
"I will hit you..." ang mga unang salita na lumabas sa bibig ni TOP matapos ko syang labasin.
Alas tres ng madaling araw nang bigla nalang siyang tumawag at pinuntahan ako sa bahay ko. Naiinis ako dahil naistorbo ang panaginip ko kasama si Lee Minho. Malapit ko na siyang mahalikan eh! Sayang 'yun! First kiss ko dapat siya! Kasalanan ng gangster na 'to!
"Huh?" napakurap ako. Sasaktan niya ako?!
"If you try to run away again from me, you're dead."
"O-Okay! Fine!" Sa susunod na tatakbo ako yung siguradong hindi mo na ako mahuhuli. Kung bakit kasi nasa mall ka. Kasama mo pa yung babae mo na gusto akong murderin kanina. Tumakbo tuloy ako. Napahikab ako. I'm tired!
"Don't think I won't..." he said seriously.
"Psh! Let's break-up then. I don't like guys who hit girls," I said bluntly not even realizing what I just said.
"Shit! Didn't I warn you not to talk back?" masama ang tingin na ibinigay niya sa akin. Ang talim ng tingin niya.
"J-Joke lang! Hehe joke joke joke?"
"F*ck! You think that's funny?! And why didn't you answer my damn f*cking calls?! I even texted you! You dimwitted half brain barbie."
"Don't cuss!" saway ko sa kanya. "At ano'ng dimwitted? Sipain kita dyan!"
"Don't change the f*cking subject!" galit na naman siya. Ipinaglihi sa highblood ang prinsipe.
"Na-confiscate ng teacher ko nung tumawag ka. Bawal sa'min ang gumamit ng cellphone kapag nasa loob ng classroom." Kapag siya galit okay lang, kapag ako galit di pwede. Daya.
"Why didn't you visit me at the hospital?"
"Eh kasi..."
Naalala ko kung ano ang nangyari sa hospital.
"Talk back and you're dead!"
Stupid gangster! Pagkasara ko ng pintuan sa room ni TOP nakita ko ang doctor na nagsabi sa akin na may cancer si TOP. Nakita naman niya ako na lumabas at tinignan niya ako na parang nag-tataka.
"You said he was dying!!!" tinuro ko siya at sinigawan.
"Oh, uhm... Hindi ka ba kamag-anak ng nasa room 203? Diba sabi mo, TOPS?"
Pambihira! Ako pa ang sinisi! Kahit na mali ako, kasalanan niya parin!
"AARRGGHH!!!" sa sobrang galit at inis ko sinugod ko ang doctor at sinabunutan siya. Maling pasyente yung sinasabi nya na may cancer! Hindi nya alam kung gaano kalaki ang problema na naidulot nya sa'kin!
"OW!! AAHHH!!! SECURITY!!! NURSE! CALL THE SECURITY!!!" sigaw nya.
"Yes doctor," sagot ng nurse at tumakbo para tumawag ng security.
Hinila ko nang mabuti ang buhok niya hanggang sa bitbitin ako ng guard palabas ng hospital. Tumingin ako sa kamay ko na napupuno ng kulay puti at itim na buhok. Hah! Sana makalbo siya!
Haay. Ang sama ng ginawa ko. Sobra kasi akong nagalit kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Iyon ang reason kung bakit hindi na ako pwedeng pumunta sa hospital na 'yun kahit na kailan. Bayolente talaga ako minsan eh. Isa sa mga itinatago kong ugali sa school.
"Retard, don't ever lie again. You are still my girlfriend. Only I can dump you."
"Fine!" Ano ba ang problema ng isang ito? Psh! Girlfriend? Yeah right!
"And don't play games with me anymore. If you do, you die. Got that?"
Ano ba ang pinagsasasabi nito? Lasing na yata tapos sa motorbike pa siya nakasakay. Hindi kaya maaksidente 'to? Naaninag ko ang mukha niya sa lamp post. May pasa siya sa mukha malapit sa kaliwang mata. Nakipag-away na naman siguro 'to. Tsk! Tsk! Tsk!
"And one more thing."
"Ano? Talk back and you're dead?" tanong ko at nakakuha ng isang matalim na tingin mula sa kanya. Scary.
"Don't get caught," sumakay na siya sa motor at pinaandar iyon nang mabilis.
Get caught? Saan? Cheating? Hwag akong papahuli na may ibang kasamang lalaki? Ano?! Ano ba ang akala niya sa'kin? Cheap? Di ako two timer...wait. Hindi naman kami talaga.
***
KINABUKASAN
"Audrey, ano ang feeling ng may boyfriend?" tanong ng isa sa mga kaklase namin.
"Oh geez, kahit siguro ipaliwanag ko pa sa'yo hindi mo maiintindihan. Pero sige sasagutin ko ang tanong mo," mayabang na sabi ni Audrey. Ang mean talaga niya. Himala nga na may mga fans pa siya na halos kasing dami ng sa'kin. Well, mahilig kasi siyang mag-organize ng mga parties.
Nakakainis. Feeling naman niya mas sikat na siya ngayon dahil may boyfriend siya. Pareho lang naman kami ng boyfriend ah! Naiinis ako! Kumukulo ang dugo ko. Kainis! Bakit ba ako nababahala? Eh ano naman ngayon kung sila ni TOP? Psh! Like I care. Alam ko naman na hindi seryoso ang agreement namin ng TOP na 'yun. Pero isipin ko lang na pinagsasabay niya kami ng mga babae niya, naiinis ako.
Naiinis ako! Sobrang naiinis ako! Yung boyfriend ko kasi mukhang boyfriend pa yata ng bayan. Lahat nalang, siya ang boyfriend! First boyfriend ko pa naman siya! Pero wait, fake lang naman 'yon kaya siguro di counted?
"Makikita ba namin mamaya ang boyfriend mo Audrey?" tanong ng isa sa mga estudyante.
"Ahh. Hindi ko alam, ang sabi kasi nya... busy siya," umiiwas na sabi ni Audrey. "Pero malay ninyo, i-surprise niya ako! Right girls?" sabi niya sa kanyang so called group of friends.
"Yes Audrey," they said in unison.
Nahuli ako ni Audrey na nakatingin sa kanila. Nag-smirk siya at taas noo na sinabi na; "Ikaw Sam? Kailan ka magkakaboyfriend?" Nagmamalaki ang tingin niya.
Feeling niya natalo na nya ako dahil meron sya ng isang bagay na wala ako. Isang boyfriend!
"Naku Audrey, hindi naman ako nagmamadali eh," I showed my one million dollar smile while contemplating whether to strangle or not this mean girl right now! Kainis!