Chereads / The Casanova’s Queen / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

Nasa grocery ako ngayon kasama si Kennedy. Namimili kami ng mga stocks para sa condo ko. Wala siyang pasok kaya hindi na rin ako pumasok at nag decide nalang kami na mag grocery. Gaya gaya ako e. BB? /Bakit ba/

"Bru, parang nitong mga nakaraan hindi mo na ako tinatawagan. Busy ka ba?"

"Huh? Hindi naman. Bakit? Miss mo na ako?"

"Oo naman."

"Crush mo lang ako e."

"Iww ka. May crush kaya akong iba."

"Ano? Nabingi yata ako?"

"Ito sakto nasa may mga bulak tayo. Kuhanan kita ng cotton buds para naman hindi ka nabibingi. Linis linis din kasi ng tenga kapag may time."

Kumuha naman ang baliw ng sampung pakete ng cotton buds at inilagay sa cart ko na tulak tulak niya. Wtf?

"Anong gagawin ko diyan?! Ang dami naman!"

"Para hindi ka maubusan. Huwag ka ng magreklamo bru. Hindi na baling sumobra, basta huwag lang kumulang."

"Sabagay. Ako nga sobrang ganda at sexy ko pero hindi ako nagreklamo."

"Tara na. Naglolokohan nalang tayo dito."

After namin magbayad sa cashier ay dumiretso  kami sa isang restaurant malapit dito sa may supermarket. Gutom na gutom na ako at hindi na ako makakapaghintay pa. Kailangan ko ng matinding kainan. I mean yung kain na food not the other way around. HGM! /Huwag green minded/

Umorder kami ng maraming pagkain at hinintay naming dumating ito.

Ilang sandali lang naman ang hinintay namin at agad din namang dumating ito.

"Bru, may crush talaga ako."

Muntik ko ng maibuga ang pagkain sa bibig ko dahil sa sinabi niya. Si Kennedy? May crush? TBT? /Totoo ba ito/

"Seryoso ka ba?"

"Kailan ba ako hindi nag seryoso bru?"

"Ngayon siguro?"

"Bru naman! Pero totoo nga may crush ako. Ka churchmate ko."

"SML?"

"Anong sml?"

"Share mo lang."

"Huwag na nga! Wala ka naman yatang balak makinig sa akin. Pero kapag ikaw, lahat nang sinasabi mo pinapakinggan ko. May kwenta man o wala! Lahat din ng problema mo kahit happy moment pa yan pinapakinggan ko. Pati pag naghihingi ka ng advice, binibigyan kita. Tapos ako? Gusto ko lang naman ibahagi ang crush ko sa iyo ngunit parang hindi ka interesado! Ganyan ba ang bestfriend bru? Ganyan ba? Hindi ako nanunumbat ha. Sinasabi ko lang ang nararamdaman ko."

Napapoker face naman ako sa mahabang litanya niya. Ito kasi ang unang pagkakataon na mag open up siya sa akin about sa mga crush and all. Jusko! Si Kennedy pa? E kaunti na nga lang mag pari na yan sa sobrang pagka conservative tapos ngayon sasabihin niya may crush siya? OMG lang.

"Hindi nga, bru? Seryoso ka ba? Hindi kasi ako makapaniwala. Baka mamaya kasi niloloko mo lang ako."

"Bru, hindi kita niloloko. Masama iyon hindi ba? So hindi ko gagawin yun. Never."

"E kasi ngayon ka lang nag open about sa crush, crush na iyan. Akala ko nga ako ang crush mo. Nahihiya ka lang sabihin sa akin. Ganun."

"Pwede ba, bru? Walang talo talo. Magkaibigan tayo dito."

"Magkaibigan pero kapag nalalasing minamanyak ako." Bulong ko sa tabi.

"Anong sabi mo? Hindi ko narinig."

"Wala. So sino naman itong crush mo? Maganda ba?"

"Oo bru. Para siyang anghel na bumaba sa langit. Mabait. Matalino. At higit pa room ay pinagpala rin siya sa lahat. Kaya pakiramdam ko siya na talaga ang para sa akin."

Pucha! Kanina crush lang niya tapos ngayon, para sakaniya na? Hahahaha. Ibang klase rin talaga itong si Kennedy. AMI. /Advance mag isip/

"So gusto mo na? Edi ligawan mo! Weak mo naman bru."

"Bru, hindi pa ako handa. Atsaka, oo matalino ako. Gwapo. Maginoo at hindi bastos. Pinagpala ako sa lahat pero hindi ako marunong manligaw bru. Turuan mo kaya ako?"

"Gago ka ba? Ginawa mo akong tomboy! Tsaka hindi ako nanliligaw no. Lalaki ang naghahabol sa akin, fyi."

"Bibig mo. Kababae mong tao mura ka ng mura. E kanino naman kaya ako mag papatulong?"

"Kay Dred. Malay mo matulungan ka niya."

"Busy yun e."

"Kay Javier kaya?"

"Makanto lang mukha nun. Pero hindi yun marunong manligaw."

"Kay Martinez?"

"Bakla yata yun bru. Baka ako ang ligawan niya. Naku po! Kasalanan iyon."

"Ah! Alam ko na! Patulong ka kaya kay Eggplant?"

"Sinong Eggplant? Talong yun diba? Nakakausap ba ang talong?"

Sasagot pa sana ako nang bigla mag ring ang cellphone niya. Mabilis naman sinagot ni Kennedy iyon.

"Hello po, Pa?"

Napakabait na bata. Nagapapa po sa tatay. Samantalang ako, kulang nalang murahin kona ang tatay ko sa sobrang inis ko sakaniya. Like what I have said, I don't respect him anymore. I hate him so much.

"Sige po. Kasama ko po si Lucia. Punta na po ako diyan. Okay po, Pa. Bye. I love you."

Binaba naman niya ang cellphone pagkatapos nilang mag usap ni Tito.

"Bru, alam kong masamang iwan ang pagkain lalo na't kung hindi pa tapos. Pero kailangan ko munang umuwi at may importanteng pinapagawa si Papa. Ikaw na umubos lahat nang ito ha? Para hindi ako makonsensya na hindi ko inubos ang pagkain ko."

"Oo na. Kaya ko naman sigurong ubusin lahat ng ito."

"Sige bru. Maraming salamat. Pagpalain ka na wa ng Panginoong Diyos. Ba-bye."

Sinundan ko na lamang ng tingin si Kennedy hanggang makalabas siya ng restaurant. Naiwan nalang akong mag isa dito. Napaka dami pa naman ng pagkain na inorder namin tapos ako lang uubos ng lahat ng to? Hindi bale. Kaya kong ubusin ito. F! /Fighting!/

Inumpisahan ko ng kumain! IE! /inhale, exhale/

Abala na ako sa pagkain nang biglang may umupo sa harapan ko.

"O bru may nakalimu- ?"

"Hey."

"Why are you here?!" Galit kong tanong sa lalaking kaharap ko ngayon. Akala ko bumalik si Kennedy at baka may nakalimutan lang pero nagkamali ako.

Sa lahat ng taong nabubuhay sa mundo. Itong lalaking nasa harap ko ang pinaka ayaw kong makita. Punyeta! Anong ginagawa niya dito?!

"Why? Am I not allowed to come here? You should welcome me. Nagbalik na ako matapos mo akong paalisin 2 years ago. Don't you miss me?"

"I don't want to see your face. Fucker. Pina alis na nga kita diba? E bakit bumalik ka?"

Tumawa naman siya kahit wala naman talagang nakakatawa sa sinabi ko. Pakiramdam ko lahat ng sakit na naramdaman ko 4 years ago ay bumabalik sa akin ngayong nakikita ko ang pagmumukha niya.

"You're so sweet, as always."

"Shut up, Luke! Get out of here!" Sigaw ko sakaniya.

"I heard you won the race last night. Well, congrats. Sayang at hindi ko naabutan."

"Kung iyon lang ang sasabihin mo, makaka alis ka na."

"You're so mean to me. Hindi ka pa rin ba nakaka move on? Why don't you just accept me again?"

Tinignan ko siya ng masama habang naka smirk siya sa akin. Itong lalaking nasa harap ko ngayon ang dahilan kung bakit ako sumali sa Underworld. He's the main reason of all. Sa kaniya ko gusto ipakita at patunayan na I'm the best.

"Accept my ass. Sapalagay mo ganoon nalang kadali iyon? You ruined my life!"

Kinuha ko ang baso na nasa table ko at binato iyon somewhere. Naka ngiti pa rin siya sa akin ngayon samantalang parang gusto ko ng sumabog sa galit.

"What a bad temper you have." Sabi niya habang umiiling. "I didn't ruin your life. It's your choice. Not my fault."

"Ma'am okay lang po ba kayo?" Tanong sa amin ng waiter dito.

Hindi ako kumibo at mabilis kong dinampot ang bag ko at tumayo.

"Fuck you. Don't you ever show your face to me again. Bastard."

"I'm so sorry but you'll see my face more often this time. Pinagbigyan na kita noon nang paalisin mo ako. Now that I'm back wala ka ng karapatang paalisin ako ulit."

Hindi ko na siya pinansin at iniwan ko siya doon. Mabilis akong lumabas ng restaurant at pumasok sa kotse ko. Pagpasok na pagpasok ko sa kotse ay hindi ko na napigilan ang luha kong bumagsak na kanina kopa pinipigilan.

Lahat ng sakit na naramdaman ko nandito nanaman sa dibdib ko. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. I've never seen him for 2 years and those years are the happiest day of my life. Him without showing his fucking face to me. Dahil kada makikita ko ang pagmumukha niya, bumabalik at bumabalik lang lahat ng sakit na naramdaman ko noon. I hate him! I hate him to death!

I wiped my tears and started my car. Ang swerte niya para iyakan siya ng isang Lucia Dela Rosa. I looked at my watch and its already 1:12 in the afternoon. I start driving going sa isang bar. I know it's a little bit early to drink. But I need alcohol. That's all I need for now.

I arrive in the bar at pumasok doon. Kilala na ako ng mga nagtatrabaho dito kaya kahit hindi pa sila open ay malugod nila akong pinapasok. I ordered lots of alcohol and start drinking all of it.

What does he need? Bakit kailangan niya pang bumalik? What? Hindi pa ba siya nakuntento na sinira niya ang buhay ko?

Putangina. Wasak na wasak ang buong pagkatao ko dahil sakaniya! Nang dahil sakanila! Tapos ngayon babalik siya ng parang wala lang nangyari? If he thinks I'll accept him nagkakamali siya. I will never accept that bastard in my life!

"Aaaaahhhh!" Napasigaw ako sa galit at ibinato ko ang bote sa pader.

"Oh? Ang aga aga nagwawala ka diyan? Oh my god! Are you crying?! Hahahaha."

"Nakakatawa iyon, Lancie? Anong ginagawa mo dito?"

"Wala. Gusto kolang mag door to door sa mga bar dito. Naiinip ako e. Swerte mo at dito ako napadpad.

"Iba rin ang tama mong babae ka. Abnormal ka talaga."

"But anyways, what's wrong with you? Bakit ka umiiyak at umiinom? Katanghaliang tapat girl!"

"Luke is back."

"What?! Tama ba narinig ko? Luke is back?"

"You just heard me right."

"Oh I see. Kaya pala you look so wrecked now. Well, my friend. Don't you think it's time to move on? You know it's been 2 years since umalis siya ng bansa."

"It's not that easy, Lancie. Nasasabi mo lang iyan dahil wala ka sa sitwasyon ko."

"Hmm. Sabagay may point ka. O sige na nga! Samahan na lang kitang uminom dito. And besides, fix yourself nga! You look so ugly! Sunugin ko kaya hair mo para forever pangit ka na? Smile bitch!"

"Ulol. May kasalanan ka pa sa akin baka nakakalimutan mo."

"Omg! Nag enjoy ka namang bakla ka so okay lang yan! So nasan na ngayon si fafa Luke?"

"Aba malay ko. Wala akong pakialam sakaniya. Tsaka huwag mo nga sinasabi ang pangalan ng hayop na yan! Nababadtrip ako."

"Ohh poor you. Look oh. May tears ka nanaman sa eyes. Stop it na nga girl! Mygosh!"

Kailan ba mawawala ang sakit na nararamdaman ko? Hanggang kailan ako magtitiis at magtatanim ng galit?

Lumipas ang walong oras at umiinom pa rin kami ni Lancie. Hindi niya nga ako iniwan at sinamahan niya nga ako dito. Puro tawanan kami dahil kinikwento niya ang mga pinagagawa niyang kabalbalan sa buhay. Lasing na lasing na siya ngayon at ganoon din ako.

"Besh, uwi nako. Yari nanaman ako sa tatay ko nito. Uwi na tayo. Tinawagan kona ang driver ko para sunduin tayo. Nandoon na siya sa labas. Tara na. Hilong hilo na ako."

"Sige. Tumayo ka na diyan. Tara na."

Magka akbay kami sa isa't isa at pakiramdam ko ay umiikot ang mundo ko. Lasing na talaga ako. Muntik pa kaming madapa at buti nalang ay napahawak ako sa bakal dito sa may gilid. Wala na kami sa wisyo. Ang saya saya!

"Nasan na ba yung driver? Lasing na nga ako pahahanapin pa ako. Yari yan sakin mamaya!"

"Bitch ayun oh. May kumakaway. Siya ba iyon?"

"Oo tara. Siya nga iyon. Look at his kalbong hair. Ako nag gupit niyan!"

Sumakay kami sa kotse at ibinagsak ko ang katawan ko doon. Ipinikit ko ang mga mata ko at antok na antok na ako. Gusto ko nalang matulog. Gusto ko nalang itulog ang lahat.

"Lucia! Sagutin mo nga iyang cellphone mo. Ang ingay naman!"

May tumatawag ba sa akin? Iminulat ko ang mga mata ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Sino ito? Sinagot ko nalanamang ang tawag.

"Lucia? Where the hell are you?! Don't tell me nakalimutan mona ang pinag usapan natin!"

"Anong deal? Sino ba ito?"

"It's me! Evan! Go here now. I'm waiting outside my building. Kanina pa ako dito."

"Endanger, ikaw pala. Hihi. Sige puntahan kita diyan! Driver doon nga tayo magpunta kina Evolution. Ibaba mo ako doon."

"Ma'am sino po si Evolution?"

"Evan iyon, driver." Singit naman ni Lancie.

"Saan po ang exact place?"

"Sa ***** Building. Hahahaha."

"Are you drunk?"

"No! I'm not drunk. I'm Lucia. Hahahaha."

"Yes! She's Lucia and I'm Lancie. And we are the super twins! Kapangyarihan ng araw taglay ay liwanag!"

"You're fucking drunk! I'll wait you here. Hurry up!"

"Don't say hurry up. I'm not the driver. Driver! Hurry up!"

"Ma'am nandito na po tayo."

"Lancie! Lancie! Huy! Gising ka nga diyan. Alis na ako ha? Babye."

"Sige bitch ingat. Laging tandaan, magcondom ha."

"Hala! Wala akong condom dito. Driver may condom ka ba diyan?"

"P-po? W-wala po!"

"Here. Take this. Sige na layas kana. Baba na!"

Evan's POV

I'm actually worried now about Lucia. Base on her voice, she's fucking drunk. Dalawa pa sila ng kaibigan niya ang lasing. Super twins? What the hell is that? Paano nalang kung pagsamantalahan siya ng mga lalaki doon? Fuck. Ako lang dapat ang magsamantala sakaniya. Kababaeng tao iinom inom nang hindi naman kaya. Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng building. 10:00 pm ang usapan namin and she never called. Damn it! I sound like a worried boyfriend here. Geez. This is not so me.

"Bye!!"

"Bye!!"

"Byeeee na talaga!"

"Babyeeee!"

"O sige na bye na nga!"

"Oo nga! Bye na nga! Hahaha."

Napatingin ako sa may bandang kanan ko at nakita ko si Lucia na gumigewang habang naglalakad patalikod at panay ang bye sa isang babae na nasa loob ng kotse. What the hell? She's really drunk as fuck. Umalis naman na ang kotse at naiwan si Lucia mag isa. I immediately walk towards her.

"Lucia."

She face me and fuck it. Her hair is so messy but it doesn't make her look ugly. Mas lalo lamang siyang gumanda sa paningin ko. What a seducing look.

"Oh hi Eleven!"

"You're drunk. Let's go inside. I've been waiting for you. Anong oras na?"

"Ewan. Wala akong relo e. You sound like my mother."

I grab her hand and walk inside the building.

"Wait, wait, wait, nahihilo ako. Buhatin mo ako. Dali. Buhatin mo ako."

"Damn it."

I carried her all the way from the elevator papunta sa unit ko.

Pumasok kami sa unit ko at iniupo siya sa may sofa. Nakapikit ang mga mata niya at talagang wala na siya sa wisyo. The fuck? Paano ako makaka the moves nito kung ganitong lasing siya? Ito pa naman ang sinet kong condition para maka score ako. Muntik pa akong mamatay nang dahil sa drag racing na iyon tapos mauuwi lang sa wala?

"Lucia. Are you sleeping already?"

She suddenly opened her eyes and pulled out something inside her chest.

"Tadaaaa! May condom akong dala. Baka kasi gahasain mo ako tapos wala kang condom mabuntis mo pa ako."

"What?!"

"Why?! You want to fuck me right? Kaya nandito ako ngayon at kaya mo ako pinapunta? Ayan. Kunin mo na. Nagbaon ako. Para may proteksyon ka kapag binaon mo yang ano mo sa akin. Hahahaha."

This girl is really crazy and it's driving me crazy. Kinuha ko ang condom na inaabot niya sa akin. What does she think of me? Hindi BSP? I'm always ready. But no, I don't want to have sex with her with this kind of situation. She's drunk and I don't want to take advantage. Pero kung pipilitin niya ako, hindi naman ako tatanggi. Who am I to say no?

Umupo ako sa tabi niya.

"Why are you drunk?"

"Masama bang uminom at magpaka lasing paminsan minsan? WOLO!"

"What WOLO?"

"We only live once, Eardrums. So we need to enjoy our lives right?"

Bigla siyang tumayo at kumandong paharap sa akin. She suddenly kiss me and who I am to refuse? This is a blessing! Never say no to blessings.

I grab her ass and squeeze it while we are kissing torridly. She smells really good. Her scent mix with the smell of alcohol drives me insane. She's really different. I don't know what's into her that makes me so addicted. I want more when it comes to her.

She stops kissing me but what makes me shocked is when she started planting kisses on my neck. Oh. Love bites. I like it.

"Eroplano..."

What the hell? Until now iba't ibang pangalan pa rin ang binibigay niya sa akin. Hindi ko nalamang iyon pinapansin. Hindi ko alam kung sadya ba iyon pero parang natural naman na iyon sakaniya. Gaano ba kahirap tandaan ang pangalan na "Evan"? E halos lahat ng babaeng naikama ko ay hindi makalimutan ang pangalan kong iyan. They forget their names while I'm giving heaven to them but they won't forget mine. Never.

Sunod naman niyang ginawa ay hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at ipinantay niya ang mukha ko sa mukha niya. I saw tears falling down from her eyes. What the hell again?

"Eroplano... I want to enjoy my life. I want to be happy. I really do. Pero bakit nasasaktan ako ng ganito? Ang sakit sakit dito oh." Itinuro niya ang dibdib niya.

What the fuck is going on?! Why is she crying?

"Hey, Lucia. What's wrong? Why are you crying?"

"He's back. He's back and all the pain came back again."

He's back? May ex ba siya? Putangina! Sino iyon?!

"What? What are you talking about? Hindi kita maintindihan. What's the problem?"

"All I want is to be happy. To be genuinely happy again. Is it too much to ask for? Wala na ba akong karapatan hilingin iyon? Tell me, wala ba akong karapatan sumaya?"

I thought she was strong because of her personality. Seeing her with this kind of condiotion makes me wonder. I didn't know that she's bearing pain inside her chest. Maybe it's true na kung sino pa ang mukhang matapang, sila talaga ang may pinaka masakit na pinagdadaanan.

"Lucia, everyone deserves to be happy. You deserve the best. So stop crying." I wiped her tears on her face.

"Tignan mo may sipon ka pa. Hindi ko man alam iyang pinagdadaanan mo ngayon but I know you'll overcome it."

"I don't know. I don't know anymore."

Ipinikit naman niya ang mga mata niya at sumandal sa dibdib ko at niyakap ako. Narinig ko nalang na malalim na ang paghinga niya marahil ay tulog na siya.

"Lucia, who ever he is. I know you'll overcome it. I'm here. I'll help you to forget the pain."

Kung ex niya man iyon, humanda siya dahil buburahin ko siya sa puso niya. Who ever damn he is, I don't care. I'll make sure Lucia will fall inlove with me. She'll be mine and that's for sure. Well, this is getting more interesting than I expected.