Chereads / The Casanova’s Queen / Chapter 9 - Chapter 8

Chapter 9 - Chapter 8

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Shit. Sobrang sakit ng ulo ko. Inilibot ko ang paningin sa kwarto. What the hell? Kaninong kwarto ito?

Naka ilang hard drinks ba ako kahapon? Sa pagkakatanda ko pa e magkaiba kami ng alak na iniimom ni Lancie. I want to get wasted last night to forget some things. Para kahit saglit lang ay makalimutan ko sila. At kung iinumin ko ang alak na iniinom ni Lancie malamang sa malamang ay hindi ako malalasing. Magkaiba kami ng alcohol tolerance. So ako na ang nag adjust. NNE. /Nakakahiya naman e/

Bumukas ang pinto at napatingin ako sa lalaking pumasok.

"Gising ka na pala. Bumangon ka na diyan para makakain ka na. It's already afternoon."

"Why am I here? Is this your room?"

"Yes. We had a condition right? That's why you're here. Aahh. Look at you. Just by starting at you lying in my bed makes me want to fuck you again." Sabi niya habang tumitirik ang mga mata niya. What the hell?

Again? Bingi na ba ako o talagang sinabi niya iyon?

"Paki ulit nga ang sinabi mo."

"Ang alin? Yung makes me want to fuck you again?"

Shit!

"Walanghiya ka! Hayop ka! Anong ginawa mo sa akin?!"

Sinunggaban ko siya agad agad, niwrestling at pinagsusuntok dito sa kama niya. Hayop! Pinagsamantalahan niya ako habang lasing?! Walanghiyang lalaking ito! Papatayin ko to. Kaya gusto niya dito ako matulog dahil sa agenda niya! PNAMKTT! /Pigilan niyo ako mapapatay ko talaga to/

"Shit! Lucia! Get off me! Masakit! Aray ko!"

"Bakit mo ginawa iyon?!"

"W-wait! Nagbibiro lang ako! Hindi totoong may nangyari sa atin kagabi. Kahit inakit mo ako at may dala kang condom hindi ako nag pa akit!"

"Totoo ba iyang sinasabi mo?"

"O-oo! Totoo nga! Hindi naman masakit katawan mo diba?! Kung may nangyari sa atin baka hanggang ngayon tulog ka pa dahil wawasakin talaga kita!"

"Nag sasabi ka ba talaga ng totoo?"

"Do you think makakapag sinungaling pa ako sa ginagawa mo sa akin ngayon?! Fuck it Lucia! Let go! You'll break my bones!"

Binitawan ko naman siya at tumayo ako sa kama. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo and besides tama siya dahil hindi masakit ang katawan ko. So hindi niya nga ako nawasak. TGISV. /Thanks God I'm still virgin/

"Good. Ayaw kong may mangyari sa atin ng lasing ako."

"Ouch. My back." Humiga naman siya ng maayos sa kama at nag inat inat. "So okay lang na may mangyari sa atin kapag hindi ka lasing? Gawin na kaya natin ngayon? Tara na? Game! Kahit bagong gising ka at hindi pa nag tooth brush, lalaplapin talaga kita."

"Gago ka ba? Ang bastos mo! Tara na nga kumain na tayo."

"Ako nalang kainin mo. Mas masarap ako."

"Gusto mo ulit ma wrestling?"

"Sabi ko nga tara na't kumain na tayo sa baba e. Pero kapag nagbago isip mo, pwede ko namang kainin yang baba mo."

"Fuck you."

"Yes. Fuck me. Ohh~~ Ugh! Ugh."

Ang bastos talaga ng bastos na ito. Bumaba kami sa kusina at kumain ng brunch. Tanghali na rin kasi. Pilit ko namang ina alala ang nangyari kahapon habang kumakain ako kung paano ako napunta dito sa unit niya pero wala akong ma alala. Effective talaga ang ginawa kong paglimot kahapon.

"Eat many."

"Wow! Ang caring."

"Syempre."

"Paano pala ako napunta dito?"

"You were so drunk last night and then I called you at may naghatid sayo dito and then suddenly you were crying because of a guy. You said he came back and all the pain is coming back too. Ni hindi nga ako nakatulog sa tabi mo! Hmp."

Shit. Sa sobrang dami kong nainom nakapag drama pa ako sakaniya!

"Okay. Thank you anyway."

"Is he your ex boyfriend?"

I didn't answer. I don't want to talk about him. I'm not in the mood para pag usapan ang hinayupak na iyon.

"By the way, where's my phone? Have you seen it?"

"Nandoon sa sofa. Wait, I'll get it."

Umalis siya sandali at kinuha sa living room ang cellphone ko.

"Here."

I checked my phone and I've got a lot of messages from Kennedy. Napakunot ang noo ko so I open his messages.

Bru ❤️

Bru, nasaan ka? Tumawag Papa mo. Umuwi ka daw.

Bru, ano sasabihin ko sa Papa mo? Wala ka daw sa Unit mo.

Bru, stay ka daw muna sa Mansion niyo ng 3 days sabi ng Papa mo.

Wala ka bang load?

Bru, nanakaw na ba cellphone mo?

Bru, bumili na ako ng cellphone at load mo. Punta ako sa unit mo ng 12pm.

Bru, bakit wala ka sa Unit mo? Umuwi kana daw muna.

Napakunot ang noo ko sa mga nabasa ko. There's no way I'll go home! Alam ko kung bakit nila ako pinapauwi. Just because of Luke!

"Oh? Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang sinasapian."

"Ecstacy! May kasama ka ba dito sa Condo mo?"

"Wala. I'm alone. Why?"

"Yung condition na inask mo sa akin that I'll sleep with you, I'm so sorry if it didn't happen at lasing ako. But, can I stay here? Dito muna ako titira. Ano? O ako na nag level up ng condition natin."

"Ohh. What a nice idea. Gusto mo na bang mag live in tayo? Ang quick mo ha. Hokage moves."

I gave a fake smile. It's just that, I can't stay in my condo dahil susunduin at susunduin ako ng mga yun. I know them. It's better to stay here dahil hindi naman nila kilala si Egg. They don't know this place. Kung kay Kennedy or Lancie naman ako tutuloy mahahanap din nila ako.

"I'll stay here for 1 week only. Okay? I'll give you money for the expenses."

"What? Minamaliit mo naman yata ako, Lucia. You can stay here and it's all free. Kung gusto mo magbayad, katawan mo nalang ibayad mo."

"Sipain ko kaya bayag mo para hindi ka na makaradam ng libog?"

"Anyway, what make you decide para mag stay dito? May balak ka bang gahasain ako?"

"Just. Gusto ko lang muna tumira dito."

"Lucia, I know you have a problem kahit hindi mo sabihin. So, I will let you stay here." Napatitig ako sa sinabi niya. Ang seryoso ng mukha niya ngayon. Wow lang. Ganon ba kahalata na may problema ako?

"So kung wala akong problema hindi mo ako papatuluyin kung sasabihin kong dito ako mag stay?"

"You will never do that if you don't have problem."

Tama siya. Bakit ko naman isa suggest na dito tumira sa loob ng isang linggo kung wala akong pakay? Napaka delikadong tumira dito. Dahil malaki ang chance na maging tatlo kayo dito sa unit. Siya, Ikaw at ang baby. Sa manyak ba naman nito e talagang mabubuntis ka. But it won't happen to me! Uuwi akong virgin sa unit ko after 1 week.

"I have family issue." Nakayuko kong sabi sakaniya.

"Well, I think everyone has."

"Yes I know. That's all I can say now because I don't want to talk about it."

"I know you don't want to talk about it. That's why you're doing this right? You're escaping the problem."

It hit me. I'm escaping the problem, yes. Dahil hindi pa ako ready. Hindi pa ako handa na harapin silang lahat.

"I'll just get my things in my unit after this."

"Want me to help you?"

"No. It's okay. I'll just call Kennedy."

Binilisan kong kumain at naghilamos tsaka umalis. Hiniram ko na rin ang sasakyan ni Electric dahil wala akong dalang sasakyan at hinatid lang ako dito ni Lancie. Mygosh! Ang kapal na ng mukha ko sa lahat ng pabor na hinihingi ko sakaniya. But I'm desperate! I'm really desperate.

Nandoon na si Kennedy sa Unit ko at inaayos niya na raw ang mga gamit ko. Napaka bait na kaibigan talaga. SBF! /Supportive bestfriend/

Pagdating ko sa building ay mabilis akong pumasok at sumakay ng elevator. Tinakbo kona ang hallway papunta sa unit ko at mabilis na tinype ang passcode.

"Kennedy! I'm here!"

"Bru! Nandito ako sa taas!"

Umakyat ako sa taas at naabutan ko siyang nilalagay ang mga damit ko sa bag.

"Bruuu! Life saver ka talaga." Tsaka ko siya yinakap.

"Bru, ginagawa ko ito dahil mahal kita at kaibigan kita. Hindi kita kinukunsinte sa mga desisyon mo sa buhay pero wala naman akong magagawa diba?"

"Sorry bru. Pero hindi ko pa talaga kaya."

"Bru, isipin mo nalang pamilya mo sila."

"I know. But, I just can't."

"Sana dumating ang araw na maka move on ka na sa nagyari sa inyo. Ilang taon na rin ang lumipas bru. Wala ka na rin namang magagawa kung hindi tanggapin iyon. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Maawa ka sa Papa mo."

"Bakit ako maaawa sakaniya? E siya lahat may kasalanan nito."

"Hay nako, bru. Sige bahala ka. Pero masama yang ginagawa mo. Mag simba ka pa minsan minsan para matauhan ka. O ayan. Ready na gamit mo. Umalis ka na baka maabutan ka pa dito."

"Bru, maraming salamat talaga."

"Saan ka nga pala tutuloy niyan?"

"Sa kaibigan ko. Hindi nila siya kilala kaya hindi nila ako mahahanap."

"Bru, paki kuha nga pala yung kotse ko dun sa bar na pinuntahan namin ni Lancie kagabi. Malapit sa **** building. Iniwan ko kagabi e."

"Sige bru. Ako na bahala. Mag iingat ka ha? Dito muna ako at pag dumating Papa mo sasabihin ko nalang na hindi ka pa umuuwi."

Kinuha ko ang bag ko at mabilis na umalis sa building. Tinakbo ko ulit ang parking lot at baka maabutan pa ako dito. Mahirap na.

Bru ❤️

Buti naka alis ka ka agad. Dumating Papa mo kasama si Luke. Sabi ko hindi ka pa umuuwi. Nagsinungaling pa ako. Huhu simba nalang ako mamaya para humingi ng tawad sa Diyos. Ingat ka bru. I love you.

I rolled my eyes and smiled. Buti nalang nandiyan talaga si Kennedy para tulungan ako sa lahat ng bagay. Bumaba agad ako sa kotse pagdating ko sa building at pumasok na sa loob. Pinapasok agad ako ng guard dahil nasabihan naman na siya ni Eclipse kanina. Sumakay na ako ng elevator and press the floor of his unit.

Malaki talaga ang pasasalamat ko kay Espasol at hinayaan niya ako mag stay sa unit niya. I realized na he's not bad at all. Pero iniisip ko na baka pumapayag lang siya sa lahat ng gusto ko at favor na hinihingi ko dahil may gusto siyang makuha sa akin. Which is my body. PPKSY! /Punyetang pustahan kasing yan/ But nevermind, what's important is may naidudulot siyang maganda sa akin. And I need to win sa bet namin ni Hong. Sayang din yun.

I press the doorbell dito sa Unit niya and he opened the door. Pumasok na ako sa loob.

"Seryoso ka na talaga na titira ka dito?"

"Bakit ayaw mo ba? Aalis nalang ako kung ayaw mo." Pinalungkot ko ang mga mata ko para maawa siya sa akin.

"No. Gusto ko nga e. Pero hindi na talaga joke ito?"

"Kinuha ko na nga bag ko diba? Titira ako dito pero huwag mo akong titirahin."

"Advance ka mag isip."

Hindi ako advance mag isip. Sa landi ng lalaki'ng to imposible na hindi niya maisip yun.

"I have two bedrooms here. But if you want, you can stay in my room. We'll share bed, we'll sleep together and we'll make love through the night."

"Nakikita mo ito?" Pinakita ko ang kamao ko sakaniya.

"Hindi ka naman mabiro. Pero kapag nagbago isip mo ha. Pasok ka lang sa kwarto ko."

So this is final. I'll stay here for 1 week para taguan sila Papa. Huwag sana magalit si Mama sa ginagawa kong ito. I have no choice. I don't want to go home.

"Pero bakit dito mo pala naisipan na mag stay?"

"Ikaw unang pumasok sa isip ko e."

I don't have enough friends na matatakbuhan kapag may ganitong problema. Lalo na't kilala na nila Papa lahat ng mga kaibigan ko na pwede kong malapitan.

"Siguro mahal mo na ako no? Aside from na ako ang una mong naisip e gusto mo akong makasama 24/7."

"Assuming ka din no?"

"Nahihiya ka pa sigurong umamin ngayon. Pero okay lang. Hihintayin ko ang pag amin mo pati na rin ang pag surrender mo sa katawan mo sa akin."

Tinignan ko siya ng masama at iniwan siya sa living room. Umakyat na ako sa ibabaw at pumasok sa magiging kwarto ko.

Humiga ako sa kama at nag isip isip. 1 week ako mag stay dito so 1 week din akong hindi papasok sa School ko. Ayaw kong pumasok dahil baka nandoon ang mga iyon at inaabangan ako. Knowing my father? He'll do everything masunod lang ang gusto niyang mangyari. But not on me. Hinding hindi niya ako mapapasunod. Kung nauuto niya si Mama pwes ibahin niya ako. INLMM. /I'm not like my mother/

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si B. Kailangan ko ng medical certificate na ipapakita sa School. 1 week din yun. Maybe sa loob ng 1 week magfofocus muna ako sa gang ko and to other things. Lalo na't nagbalik ang walanghiyang lalaki na iyon. Sigurado akong hahamunin ako ng hinayupak na iyon! Iniisip ko palang nabibwisit na ako.

Mabilis naman nagreply si B.

"Got it Queen. Anyway, there's a gang fight later. You should come. Cheer us. Lol. At 10:00 pm. Same place."

Oh. So may laban pala mamaya. Wala naman akong gagawin doon kung hindi tumayo. Knowing my gang mates? They never lose.

I should prepare. Kailangan ko ng energy for the event later. So what I need to do now is to sleep.