After he said those words last night he fell asleep. Hindi ako nakatulog dahil iniisip ko kung bakit niya nasabi iyon? Naglasing ba siya dahil nakita niyang nakikipag halikan ako sa ibang lalaki?
If that's the case, is he jealous? Nanlaki ang mga mata ko nang may marealize ako. Kung nagseselos man siya, malaki ang pag asa na inlove na siya sa akin! Isn't? Pansit? HHHNBI? /Hello Hongstar Hotel na ba itu/ I'm so excited! Sinasabi ko na nga ba at mananalo ako. Magkano kaya babalato ko kay Kennedy at Lancie?
But I don't want to assume yet! Ayaw kong maging assumera ng taon. Pero parang ganon na rin naman yun diba? Napapadyak ko ang mga paa ko sa kama habang nakahiga.
"Lucia... may lindol ba?" Tanong ni Elektosil sa tabi ko habang nakapikit pa ang kaniyang mga mata.
Shit. Natutulog pa nga pala siya. This is the third time na tabi kaming matulog. Parang common nalang sa amin ang mag tabi sa kama. I didn't sleep with any man except Kennedy. I feel comfortable with Kennedy because he's my bestfriend. Walang malisya. Except kapag nalalasing siya. And I din't expect that I'll feel comfortable with this guy next to me. I just don't know the reason why.
Nag ring ang cellphone ko na nakalagay sa side table so I get it. I looked on the screen at parang nasira ang mood ko when I saw who is it. I declined the call but he's calling again. None other than my father.
"Oh?" Sagot ko sakaniya. Wala akong paki alam kung sabihin na ng iba na wala akong modo. I just don't care.
"Lucia, anak. Where are you?"
"In my boyfriend's bedroom. Specifically on his bed."
"Lucia!"
"Why?"
He didn't answer for a minute so I waited.
"Please come home."
"Home? The last time I checked I don't have home."
Pinatay ko ang tawag. Nakaka badtrip. Anong karapatan niyang sabihin ang salitang HOME? E siya mismo sumira ng salitang iyon. Home? Home my ass.
Baka masabi ko pang home itong bahay kung nasaan ako. Because I can feel that even though they aren't my real family, I can feel that I'm welcome. I can feel the love and happiness. I become a part of a real ideal family. E sila? What did they give? Just all plain bullshit.
Ahh! IDWTTAI! /I don't want to talk about it/ Mas lalo ko lang nararamdaman na napaka kawawa ko. Like I'm a homeless child longing and seeking for something I couldn't have. I don't want to become pityful. But if everyone will know about this, I'm sure they'll pity me.
Tumayo na ako sa kama at nag ayos. I feel so lonely and angry now at the same time. I want to release my stress. And the only way to release this is to meet my gangmates.
Nagpa alam ako sa parents ni Endo na imi-meet ko ang mga friends ko. Hindi na ako nagpa alam kay Endorse dahil tulog pa siya. At ayaw ko siyang gisingin. Lasing siya kagabi so he needs to rest. Baka magka hangover pa siya e ako pa sisihin niya.
"Queen, may problema ka ba?" Tanong sa akin ni C habang naka upo siya.
Nandito kami ngayon sa hide out namin which is our secret place. They are always here. Minsan iniisip ko kung wala na ba silang ibang ginagawa sa buhay dahil lagi sila dito nakatambay.
"Meron yan. Lahat naman meron. Ikaw nga meron diba?" Sagot ni A.
"Queen, napalitan ko na nga pala passcode ng condo ni Evan mo. Hindi na yun agad agad malalaman." Si B. Maasahan ko talaga all the time. Siya may pinaka kwenta sa mga kasama ko dito.
Kung si B ang may pinaka kwentang kausap dito, si D naman ang pinaka wala kwenta kausap. Emo kung emo ang peg ng kyah mo.
He's always wearing black mask idagdag mo pa yung bangs niyang tumatakip sa mga mata niya. Minsan nga nakakalimutan ko na ang mukha niya because he loves to cover his face. Gwapo naman siya. So I don't know why he's hiding it.
"We have transaction later, Queen. Sama ka?"
"Transaction? Saan?"
"Sa isang abandoned ship port. We will just deliver some guns."
"What?!" Napatayo ako sa kinauupan ko dahil sa narinig ko.
Guns?!
"We already talked about this B! We are not going to involve ourselves when it comes to selling drugs or other things like this. Right?"
"Queen, it's delivering. Not selling. There's difference." Singit ni D.
Gusto ko magpasalamat sa Diyos at yan na yata ang pinaka mahabang salita na narinig ko sakaniya ngayon. IFSP. /I feel so proud/ Pero hindi ito ang tamang oras para don.
"Yes, I know delivering is different to selling. You don't need to tell me that. It's just that I don't want this group to involve in this kind of transactions. Who made this transaction?"
"Me."
"Why didn't you ask me first, D?"
"No choice."
"Kahit ngayon man lang habaan mo sinasabi mo bro. Wala kaming maiintindihan saiyo."
"A is right. Banaman yan!"
"I'll explain, Queen. Ako na."
"So you know about this?" I asked him.
"Oo. Eexplain ko ba kung hindi? Hehe."
Aba't sasampalin ko to. Napaka pilosopo.
"Ganito kasi yan Queen, remember the last time we got offer. The hacking? Nagka bulilyaso. Nalaman nilang kami yun and gusto nilang gumanti. It's a big group and we can't fight against them. So nakipag settled kami and they decided na kami ang mag deliver ng next transaction nila."
Ito na nga ba ang sinasabi ko e. This is the first time na may mangyaring ganito. Stress na ako sa pamilya ko, na stress pa ako dito.
"Diba ang sabi ko sa inyo mag iingat kayo? My god! What happened?"
"Nobody's perfect."
"I didn't tell you to be perfect D. What I want is for you to be careful!"
Sumasakit ang ulo ko sa kanila. Lalo na sa lalaking to.
"I'll come with you tonight."
"Queen, I think it's better kung kami nalang apat. I don't know about this but we can manage." Suggest ni C.
"No. Sasama ako."
That transaction will be dangerous. We don't know what might happen. Underworld are full of demonic people. You don't who'll betray you or kung sinong susugod sayo. I can't just stay in one side praying for my gangmates lives. They are like a family to me. Para ko na silang mga kuya. At hindi ako matatahimik habang hindi ko nakikita na successful ang gagawin nilang mamayang gabi. I want to be there.
"So fix yourself, Queen. We only have 30 minutes left to go."
Jusko. AA? /Agad agad/
Good thing I'm wearing black jeans and white tshirt today. Hindi ko na kailangan pang palitan ang damit ko dahil komportable naman na ako dito.
"Bwisit ka talaga e no? Kaunting minuto nalang pala ang natitira tapos ngayon niyo lang sinasabi sa akin? Sampalin ko kaya kayo nang tig dadalawa?"
"Sorry na, Queen."
Kung hindi pa ako nagpunta dito may balak kaya silang sabihin sa akin? Sumasakit ang utak ko sa mga lalaki na to.
"Umamin nga kayo B at D. Wala kayong balak sabihin sa akin ito no?"
"Queen, hindi naman sa ganon. Ayaw ka lang namin ma involve dito lalo na't delikado. We're just protecting you."
"Protecting me? E kayo mismo nilalagay niyo sa kapahamakan mga sarili niyo. I'm your leader, so I should be the one protecting you."
"Lucia, you are our Queen. That means we need to protect you. Okay? Kaya kung gusto mong magpahinga ngayon, just rest. You don't need to come with us."
"Bro, yan na yata pinakamahaba mong nasabi at may kwenta. Iyak na ba kami?"
Nasapo ko ang noo ko.
"No. I don't care if this is dangerous. Let's go. We're going together."
"Sasama ka talaga?"
"Oo. Tara na. I'll drive you four idiots."
I know they want to protect me. I know they really care about me. I was so vulnerable when I first met them. Pakiramdam ko noon ako na ang pinaka mahinang nilalang sa mundo because I was so broken. But they helped me out. They help me to become a better and strong person.
Sumakay na kaming lima sa sasakyan at ako na ang nag maneho. They are discussing all their plans. Plan A to Plan I don't how many letters na. They prepare alternatives plans kung may aberya mang mangyari. I'm just silently listening to them.
"Queen, sa kotse ka lang. Babantayan mo ang kotse." Sabi ni A.
"Ano?! Ano ako? Driver?!"
Sana pala nag book nalang sila ng grab! Pucha. Leader ako pero bakit ganito ang role ko?
"No, Queen. Ikaw ang may pinaka magaling na driving skills sa ating lima kaya maiiwan ka. Para pag nagka aberya tatakbo kami sa sasakyan at bahala ka ng mag isip kung paano tayo makakatakas."
"Tama yun!" Pag sang ayon naman nila.
"I disagree with this. Minamaliit niyo naman yata ako masyado."
"No. Hindi sa ganon Queen. Iniisip lang namin ang—"
"Enough." Seryoso kong sabi sakanila.
This is what I hate. People caring and thinking that I'm weak. I didn't go far with this fucking gangster thing if I can't handle myself. I know what are the things I'm capable to do. I know myself.
"I'll go with you. During the transaction."
"But.."
"Isa pang angal na maririnig ko sa inyo, makakatikim kayo."
Dumating kami sa isang abandonang port ship. Wala nang nagsalita sa kanila at bumaba na kaming lima.
We are all wearing mask. Hindi pwedeng makita nila kung sino sino kami. It will be dangerous for us. Though this thing that we are doing is already dangerous.
Pumunta na kami sa area kung saan namin imi meet ang mga ka transaksyon namin and they are already here. They don't wear mask except sa isang lalaki na naka upo sa dulo na marahil ay leader nila. By the way he sits, his posture and body, I can see that he has a sexy body. But I don't want to judge. May cover ang mukha niya. Baka mamaya hipon pala siya.
All of the people here are equipped with guns so do us. We need guns dahil mahirap na. Mahirap pumasok sa mundong ito nang wala kang kalaban laban. Dahil mamatay kang kawawa.
"Well, well you're just in time." Sabi ng isang lalaking mga nasa 40's na siguro.
"We brought you the guns that you are ordering from Cecilian Mafia. Give us the money, para tapos na." Si A ang nagsalita.
"Are you in hurry? Nagmamadali yata kayo mga bata. Baka gusto niyo munang mag meryenda."
"Busog kami. Daming foods sa bahay." Loko loko talaga itong si C.
"Ganon ba? Sayang naman. Gusto pa naman sana namin kayo makilala." Nalipat naman ang tingin niya sa akin. At mukha siyang amaze na amaze. "Oh, may babae pala kayong kasama?"
Hindi kami sumagot. Tumayo ang lalaking naka upo na may maskara ang mukha at lumapit sa amin.
"Are these complete?" He asked.
"We didn't touch these boxes. We're just delivering what they want us to give to you." Sagot ni B.
Tumama naman ang mga titig sa akin ng lalaking naka maskara. Hindi niya inalis ang mga tingin niya sa akin. Why is he staring at me like that?
"Are we done now?" D asked.
"Check the guns." Utos niya sa mga tauhan niya.
Chineck ng nga tauhan niya ang mga boxes at okay naman ang lahat nang ito.
"Take the money."
Inabot sakaniya ng tauhan niya ang dalawang briefcase na nakabukas at naglalaman ng napaka raming pera. Isinara niya iyon at inabot kay D.
Pasimple akong tumingin sa paligid ko dahil pakiramdam ko ay may madaming mata ang nanonood sa amin ngayon sa bawat sulok. What is this?
Nahagip ng mga mata ko ang dalawang lalaki na nagtatago sa may isang sulok sa may bandang kanan at may mga baril habang nakatutok dito sa may gawi namin.
Sa kaliwa naman ay may tatlong lalaki na may mga baril din at nakatutok sa lalaking nasa harap ko.
"Be alert, A, B, C and D." Bulong ko sa mga ka gang ko.
"Why?" Tanong ni A.
"There are some guys out there pointing their guns to us."
Malakas ang pakiramdam ko na hindi mga tauhan ito ng lalaking ka transact namin ngayon. Sino ba namang abnormal ang itututok ang baril sa leader niya? They are aiming their guns to the both of us.
"They are Cecilian's people. Maybe they want to hit two birds using one stone." Seryosong sabi ng lalaking kaharap ko habang pasimpleng inililibot ang mga mata niya sa paligid.
Sumenyas siya sa lalaki kanina na kanang kamay niya at tumango naman ito agad.
"So they planned all of this huh?" Mga traydor. " I'll count to three then let's spread." I said to them.
"Okay." Sagot niya.
"Three."
Mabilis kong niready ang baril ko at ipinutok iyon sa dalawang lalaki na nakita ko sa kanan.
Patawarin niyo po ako, Diyos ko. At makakapatay ako ng tao. Malamang sa malamang isusumpa ako ng bestfriend ko nito.
"Queen! Be safe!" Sigaw sa akin ni B na busy'ng busy makipag barilan.
Inirapan ko nalamang siya. I'm good at guns. I trained myself before and I'm a sharp shooter.
Panay puntok ng baril ang maririnig mo ngayon dito sa paligid. Shit. Good thing naramdaman namin sila agad or else we're dead. Hindi ba nakita o namatyagan man lang ng mga ka transact namin na may ibang mga tao pala dito?
Nag punta ako sa may bandang taas para makita ko lahat ng tao. I'm aiming those people who are wearing white bracelets. That's the cue that they belong to Cecilian Mafia. Ang bobo naman ng mga to. Mas napadali tuloy ang pagbaril sakanila.
"Stand up." Naramdaman kong may malamig na bagay na nakatutok ngayon sa may bandang batok ko. Shit. Bakit hindi ko naramdaman ang presensya niya? Swift move.
I stood up and face him.
"Oh. A girl. What a brave one." He said.
He is also wearing mask. Marahil ay siya ang namumuno sa mga taong nandito.
"Yes. And a weak man pointing out a gun to a girl."
"Funny. You look sexy. Baka naman may gusto ka munang gawin bago kita patayin. Like farewell sex?"
Kamag anak ba ito ni Echo? Napaka bastos e. At bakit ko nga ba iniisip ang lalaking yun ngayong nasa bingit na ako ng kamatayan?
"That will be nice." Sagot ko sakaniya. "But I'm so sorry because I'll kill you first."
Mabilis kong inalis ang pagkakatutok ng baril niya sa akin. Damn it. Tumilapon ang baril niya sa may bandang kanan at mabilis ko siyang sinipa at sinuntok sa mukha.
"You're so strong." He said habang pinupunasan ang dugo sa bibig niya gawa ng pagkakasuntok ko.
He attacked me at todo iwas ako sa mga suntok at sipa na binibigay niya sa akin. Shit. He's really fast. No wonder siya ang pinadala dito.
Nasipa niya ako sa may tagiliran ko at na out of balance ako. May binunot siyang kutsilyo sa may likod niya at tinutok niya ito sa akin.
Susmaryosep! Gg na ito!
"I'll make sure that you'll die today."
"Don't be so sure fucking mo-."
Umatake siya agad agad sa akin ma wala man lang pasabi. Bwisit. Hindi pa ako tapos magsalita!
Sinipa ko siya sa bandang baba niya at nasuntok ko ang ilong niya that causes him para dumugo ang ilong niya.
"Fuck you." Mura niya sa akin at umatake nanaman.
Napasigaw ako sa sakit ng natamaan ako ng kutsilyo niya sa may bandang tiyan.
"Putangina mo!" Galit kong sigaw sakaniya.
Dumudugo ngayon ang tiyan ko. Pakiramdam ko ay hindi naman siya ganon kalalim pero mahapdi ito. Gusto kong sabihin ang salitang, "Hindi naman masakit." Pero masakit siya.
Sumugod nanaman siya and aim his knife to me. Nag focus ako lalo dahil baka matamaan nanaman ako ng kutsilyo niya. I catched his right hand and twist it so hard. Nabitawan niya ang kutsilyong hawak niya at mabilis kong pinulot iyon at sinaksak sa may binti niya.
"Fuck you. You son of a bitch."
Sunod ko namang sinaksak ang isang binti niya causes him to fall down.
"So who'll die now? Me or you?" I asked him.
Sasaksakin ko na sana siya pero natumba na ito kasabay ng pag putok ng isang baril. Natumba ang lalaki na kalaban ko sa sahig at napuno ito ng dugo.
It was the guy who's wearing mask a while ago who shot him.
"Thanks." Pasasalamat ko sakaniya.
Lumapit naman siya sa akin and pulled out his handkerchief on his pocket at inalis niya ang belt na soot soot niya.
"What are you doing?" I asked.
"You're bleeding." He answered.
Tinignan ko ang tiyan ko at may dugo na ang damit ko. Inabot niya sa akin ang panyo at kinuha ko iyon. Inayos ko ang pagkakatupi nito at itinaas ko ang damit ko at inilagay sa may tiyan ko ang panyo. Shit malaki laki din pala ang sugat ko. Lumapit siya sa akin at siya ang naglagay ng belt sa may tiyan ko. Napa aray ako ng kaunti ng higpitan niya ito.
"Thanks."
"Go down. Your gangmates are all there now waiting for you."
Bumaba ako at naka sunod siya sa akin. Sinalubong ako ng mga ka gangmates ko. Inilibot ko ang paningin ko at maraming nakahandusay na katawan na nandito.
This kind of surrounding is not new to me. I witnessed lots of people dying.
"Queen?! Are you okay?"
"You're bleeding."
Tinignan ko ang damit ko at halos mapuno na ito ng dugo ko gawa ng sugat ko sa tiyan.
"Are you all okay?" I asked them.
"Yes we are okay. What happened to you?"
"She fought with the leader of Cecilian group."
"Where is he now?" Tanong ni D sakaniya.
"He's dead."
"Cecilan is a traitor. Pina deliver nila sa amin ang baril na ito pero ito rin pala ang inihanda nila para patayin kami."
"I already assumed that this will happen. I heard that you messed up with them by hacking their system. This was their good oppurtunity to vanish the five of you and my group as well. Good thing we were ready or else we are all dead meat now."
Napa isip naman ako. Tama siya. Ito nga naman ang magandang pagkakataon para patayin kami na kumalaban sa kanila at patayin ang isa sa mga Mafia group na maari nilang maging kakumpitensya sa mga business at makalaban.
"Wala naman ba kayong balak na patayin kaming lima?" I asked to him.
Natawa naman siya sa tanong ko. Well, it's a good thing to ask now para naman ready kami. Hindi ko alam kung tuso rin ba ang lalaking ito. Malay mo binabalak na niya din kaming patayin to get the money. Millions din yun. They can take the money and the guns for free.
"No. I don't have. Baka may magalit sa akin kapag ginawa ko yun."
"At sino namang magagalit saiyo?" Hindi niya sinagot ang tanong ko.
"You can take the money and I'll take the guns. It's up to you now if you will keep it or you'll still give it to them. It's your decision."
"We should go now." Singit ni B.
"Nice meeting you all. I hope we can see each other again." Nakatitig nanaman siya sa akin ngayon. Bakit ba panay titig nito sa akin?
Tumango nalang ako at naglakad na palayo. Nakasunod sa akin ngayon ang mga ka gang ko habang papunta sa kotse.
"Queen, I'll drive."
"Salamat naman. Akala ko ako pa papagdrive mo gayong ganito na ang kalagayan ko."
Sumakay na kami sa sasakyan at umupo ako sa may likod habang nakapagitna ako kay C at D. Nasa harap si B na siyang nagda drive at si A naman ang nasa front seat.
"What are we going to do now with the money?" Tanong ni A.
"Give it to them." D answered.
"What about you Queen? Anong desisyon mo?"
"Tama si D. I think it's better if we will give their money. Ginawa natin ang pinapagawa nila sa atin. Ang magdeliver and to get the money. Sila ngayon ang may atraso sa atin dahil sa pag planong pag patay sa atin."
Cecilian is a big group. Ayaw kong mainvolve nanaman ang grupo namin sakanila kung hindi namin ibibigay ang pera na sakanila naman dapat. I don't know kung anong mangyayari sa amin once gumawa nanaman kami ng bagay na hindi nila magugustuhan. Sila ang may atraso sa amin ngayon by trying to kill us. Hindi na namin kasalanan kung may namatay man sa mga miyembro nila because it's their fault in the first place. We did the thing that they want us to do. Pero sila itong nagpaka tuso.
"But Queen, are you the one who killed their leader?" D asked. Seryoso siyang nakatitig ngayon sa akin.
"No. Yes I fought with him and stabbed his two legs. I was about to kill him but that guy with a mask came out and shoot him. Siya ang pumatay not me."
"Good then."
"Why?"
"Because if you were the one who killed that Cecilian leader. You'll die. Babalikan at babalikan ka ng mga yun mapatay ka lang."
"Well, it's their leader. You know how much leader important is when it comes to Mafia groups. They are the second powerful when it comes to position. Next to their Big Boss."
"So that means hahabulin nila ngayon ang lalaking yun?"
"Yes. Some of Mafia groups they don't care if mapatay ang leader nila because it will just cause a commotion between two groups. But not the Cecilian. Leaders are very important to them. They can't function well if they will lose one of their leaders."
"But Blockers Mafia is a strong group right? It will be hard for them to chase that man."
"Anong sabi mo? Blockers Mafia?"
"Yes, Queen. Nakalimutan kong sabihin sa iyo na Blockers Mafia pala yung ka transact natin kanina."
Hayup! Kaya pala ganoon nalang makatingin sa akin yung lalaki kanina. Malamang sa malamang they already know us. Nagpa mask mask pa kami!
"Walanghiya kayo. Bakit hind niyo agad sinabi?"
"Bakit Queen? E nakalimutan ko e."
"Blockers Mafia ang mafia group dati ni Luke. Mga gago."
"Wow talaga?! Kaya pala ganoon nalang tumitig saiyo yung leader nila. Kilala ka naman pala." Sagot ni C.
"Pero tangina niyo. Bago tayo magkalimutan dalhin niyo muna ako sa hospital."
Putragis. Nag eenjoy sila masyado nakalimutan na yata nilang may sugat ako at puno ng dugo ang damit ko.
"Ayan kasi! Pabibo ka kasi Queen!"
"Kalabanin ba naman ang Leader?!"
"Pasikat!"
"Gusto siya lagi bida."
"Mga gago!"
"Hahahahaha"
Nagtawanan naman silang lahat na nandito sa sasakyan. Gusto kong tumawa pero masakit masyado yung sugat ko. This is what I love about my group. Nalalagay man kami madalas sa piligro pero nakukuha pa naming magjoke and all.
"Tangina. Bilisan niyo. Sa pinakamalapit na hospital niyo nalang ako dalhin. Mauubusan na ako ng dugo."
"Ready kaming mag donate Queen!"
Pucha ang sakit na ng tiyan ko.