Chereads / The Casanova’s Queen / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Sabado ngayon at walang pasok. Kaya naisipan namin ni Kennedy na magpunta sa isang beach resort. Magsiswimming kami. WWEOWW!

/We will enjoy our weekend/

Anyway, siya ang nag plano nito dahil gusto niya daw ng internal peace, spiritual peace at kung anong peace peace pa ang sinabi niya. Meron daw bumabagabag sakaniya at nung tinanong ko siya kung ano ba 'yun, ayaw naman niyang sabihin. Kaya pumayag na ako. Tsaka libre niya rin 'to. SNN! /Sayang naman no/

"Bru, basta kung ready ka ng sabihin sa akin kung ano mang gumugulo sa'yo sabihin mo lang. Makikinig naman ako e."

Nandito kami ngayon sa kwarto namin at nag aayos ng mga gamit. 2 days kaming mag i stay sa beach resort na 'to. Magkasama kami at oo sa iisang kwarto lang. Dahil wala namang malisya 'yon samin. Mag kaibigan kami at si Kennedy ang tipo ng lalaking kahit mag hubad  ka sa harapan niya ay hindi ka pagsasamantalahan. TSDY! /Takot sa Diyos yan/ Amen!

"Hehe basta bru. Ang mahalaga enjoy-in mo tong araw na 'to. Libre ko 'to e. Mag thankyou ka naman diyan bru."

"Edi TY!"

"Bilisan mo na mag bihis bru. Para makababa na tayo. Excited na ako. Galak na galak na ang aking puso para makalangoy."

"Tigil tigilan mo nga ako sa tagalog mong 'yan. Sumasakit ang ulo ko."

"Patawarin mo ako mahal kong kaibigan. Pero ang taong hindi marunong mag mahal sa sariling wika ay higit pa at masahol sa malansang isda. Hindi ako malansa, at hindi ako isda kaya mahal ko ang ating wika."

"PKG."

"Anong PKG? PUBG lang ang alam ko. 'Yung laro."

"Para kang gago."

Lumapit naman siya sa akin atsaka niya pinag sasampal ang bibig ko. Mahina lang naman. Tawang tawa ako sakaniya. Ayaw na ayaw niya kasi ng mga taong nag mumura. Just like what I've said, mabait siyang tao. Sobra! Pwede na nga maging santo.

"Leggo na bru!"

Lumabas kami ng kwarto namin at sumakay sa elevator para makababa. Lumabas kami ng hotel at dumiretso sa beach. Naka rash guard kaming pareho ni Kennedy. Huwag na kayong umasang makakapag two piece ako kapag siya ang kasama ko. Mas mahinhin at conservative pa yan sa akin.

"Bru! Kuhanan mo ako ng picture." Inabot ko sakaniya ang dlsr.

Nag pose naman ako at kinuhanan niya ako ng sandamakmak na pictures. Bestfriend slash Chef slash Photographer. SKP? /San ka pa/

"Alam mo bru, swerte magiging asawa mo. Napaka talented mo talaga!"

"Ikr."

Tumawa naman ako sakaniya dahil ginaya niya ako. Ewan ko ba kung bakit ang hilig ko sa initialism. IFCWI. /I feel comfortable with it/

"Ang sweet niyo naman. Mukha kayong couple."

Napalingon kami ni Kennedy sa taong nag salita. Medyo nagulat pa ako nang makita ko siya. Anong ginagawa ng Eden na 'yan dito?

"Bakit ka nandito Evan?" Inis na tanong ni Kennedy.

"Ikaw naman bro. Masama bang mag punta rito?"

"Oo masama."

"What's wrong with that? Ikaw ba may ari nito?"

Nagpalit palit ang tingin ko sakanilang dalawa. Naka ngisi si Electricfan habang naka pout naman si Kennedy. Naku! Ang cute cute talaga ng bff ko.

"Sasabihin ko bang masama kung hindi kami ang may ari nito."

Napa nganga  naman ako sa sinabi ni Kennedy. Oo mayaman sila at afford nila ang bumili ng isala. Pero punyemas na lalaking 'to. Kaya pala ang lakas ng loob manlibre kuno at mag aya dito ay sila pala may ari. NINADA. /Naisahan niya ako dun ah/

"Tama na 'yan bru." Hinawakan ko sa balikat si Kennedy. Pinigilan ko na siya dahil kung hindi ko pipigilan 'yan at napa away ay baka bukas mag hapon siyang nakaluhod sa simbahan habang humihingi ng tawad sa Diyos. NJ /No joke/ pero totoo yan.

"At ikaw naman Elsa umayos ayos ka ha. Tatamaan ka sa akin."

"What the fuck? Evan is my name not Elsa."

"Whatever Energen. Let's go bru."

Hinila ko na si Kennedy at lumayo sa lalaking malandi na 'yun. Nag lakad kami sa kabilang direksyon para makalayo. Nilingon ko si Espasol at nag flying kiss pa siya sa akin sabay wink. SDOMG! /So disgusting oh my god/

Nag middle finger naman ako sakaniya biglang sagot. F you siya.

Badtrip na badtrip naman si Kennedy habang papasok kami sa  cottage. Ano ba kasing pinoproblema niya? Bakit siya nag papa apekto sa lalaking 'yun?

"Bru! Chill ka nga lang. Para kang tanga diyan."

"Naiinis ako sakaniya bru."

"Bakit ba?"

"Basta bru." Inabutan ko naman siya ng tubig at uminom naman siya.

"Bru huwag ka na nga mainis! Baka bukas pagka tapos natin dito nasa church ka nanaman at nangungumpisal sa Pastor niyo. Naiistorbo mo na ang Pastor."

"Hays. Tama nga naman! Dapat mag enjoy tayo ngayon. Bakit ba ako nagpapa apekto don? E mas gwapo naman ako. Kailangan ko nga pala ng kapayapaan. Tara na nga bru!"

Nag enjoy kami ni Kennedy sa abot ng makakaya namin. Nag island hopping kami, snorkeling at kung ano ano pa. Pagkatapos lahat ng activities ay bumalik na kami sa kwarto namin at naligo dahil gabi na rin.

"Bru, kanina pa ring ng ring 'yang cellphone mo. Baka si mama mo 'yan. Hindi ko na sinagot dahil ayaw kong i invade ang privacy mo."

Alam ni Kennedy na ayaw kong pinakiki alaman ang mga gamit ko.

Chineck ko ang phone ko. Bakit ang daming messages? Shit ha. 156 messages and 69 missed calls. Iisa lang ang number. Seriously? Sino 'to?

0916*******

Inopen ko ang ang mga messages and damn!

Hi pretty! Want to hang out?

Babe sup? You busy?

I want to kiss your fucking lips.

Wanna hear your voice shouting my name.

I wonder what your boobs taste like.

Hi beautiful! I gave you 69 missed calls, but if you want we can do the 69 position too.

Putangina! Sino 'tong hayop na bastos na to?! Private ang number ko at iilan lang ang may alam. Paano nakuha ng demonyong 'to ang number ko?

Sa pagkaka alam ko ang mga ka gang ko lang, si Kennedy, Mama at Papa lang may alam ng number ko pati ang iilan kong kamag anak at kaibigan. Nabibilang lang sila sa mga daliri ko, because I don't wanna talk sa mga NSIP. / Not so important person/

"Bru! Tara na sa restaurant. Mag hapunan na tayo. Nag request ako ng paborito mong seafood sa Chef." Aya sa akin ni Kennedy.

"Bru, mauna ka na sa baba saglit. May tatawagan lang ako."

"Sige. Hintayin kita dun." Lumabas naman siya at naiwan ako mag isa dito sa kwarto namin.

Dinial ko ang number ng isa kong ka gang na si B. Yes, we are using code names. At dahil mahilig ako sa initials A, B, C at D ang codenames nila. IIF? Isn't it fantastic/

"Yow Queen! Napatawag ka?" Sagot niya sa kabilang linya.

Magaling si B when it comes to tracking, kaya siya ang tinawagan ko. Kung sino man 'tong hampaslupang nang gugulo sa akin, makakatikim talaga siyang hayop siya.

"Someone is texting me. I want you to trace him or her or who she/he ever he/she is!"

"Chillax Queen. Iilan lamang may alam ng number mo 'diba? How did it happen?"

"I don't know. Palalampasin ko nalang sana kaso nang gigigil ako dahil ang bastos ng mga texts niya sa akin."

"Queen, huwag ka ngang pavirgin. Edi bastusin mo rin. Baka may namigay ng number mo?"

"Gago ka? Baka mamaya 'yung janitor pala yan tapos babastusin ko? Baka kayo? Baka pinamigay niyo!"

"Marami nang hihingi ng number mo sa akin, but I haven't given it to anyone. Just give me the number. I'll call it so that I'll know the whereabouts of that person."

"Sige. Isesend ko nalang sa'yo. Thanks." I ended the call.

Sinend ko naman ang number sakaniya at mabilis siyang nagreply ng, "Give me a minute."

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa may Restaurant ng resort. I'm so hungry na rin tapos ang pina order pa ni Kennedy ay ang favorite ko. Natatakam na tuloy ako.

Pag dating ko sa restau ay natanaw ko agad si Kennedy habang kumakain na ito.

"Grabe ka bru! Hindi mo man lang ako hinintay." Sita ko sakaniya at umupo na ako sa may chair.

"Bru, patawarin mo ako pero gutom na gutom na talaga ako."

"Bru, hindi ba sabi mo mag enjoy tayo? Mag bar kaya tayo after natin kumain?"

"Bru, ayaw kong uminom. Magagalit na sa akin si Mama."

"Wala naman dito ang mama mo. Susmaryosep!"

Jusko. Hindi ko alam kung Mama's boy na ba 'tong friend ko or what?

"Kahit na. Faithful ako kay Mama."

"Sige bru. Ganyan ka naman pero kapag kainuman mo sina Alex at mga kaibigan mong iba g na g ka."

Pa minsan minsan naman ang dali niyang demonyuhin. Pero may mga time talaga na kailangan mo pa siyang i blackmail mapapayag lang. Tulad ngayon. Kailangan may pa tampo effect ka pa.

"Jooooke! Sige na huwag ka nang mag tampo. Magbabar na tayo."

Alam na alam ko kung paano mapapa oo 'tong bestfriend ko. Magtampo ka lang then viola, susunod na siya kahit ayaw pa niya. ISB! /I'm so bright/

Binilasan ko nalang kumain para makapunta na kami agad sa bar.

"Wag ka masyadong iinom ng madami ha."

"Bru, ikaw ang huwag masyadong iinom. Ayaw kong makita kang lasing. Iba ka e."

Kung alam niyo lang ang nangyayari kapag nalalasing si Kennedy. Gusto ko maiyak sa tawa.

"Bru, alam ko ang ginagawa ko pag nalalasing ako. Huwag mo akong-"

"Talaga ba? E 'diba nung last kang nalasing hi-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil tinakpan niya ang bibig ko.

"Tama na!"

Pagka tapos naming mag dinner ay nag punta nakami agad sa bar. Pumasok kami sa isa sa mga bar dito at malakas na music ang sumalubong sa amin.

"Bru ang daming taong umiinom ng alak."

Bulong niya sa akin. Napa poker face naman ang maganda kong mukha.

"Gago ka ba? Malamang bar 'to! Ayan nanaman tayo sa ganyan mo e."

Umupo kami sa isang table. Umorder naman agad ng alak si Kennedy. Ang daming tao ngayon dito.

"Pero mas maganda pa rin ang bar niyo." Pamumuri ko sa bar nila. They have their own bar kasi.

"Syempre. Gwapo at pinagpala sa lahat ang may ari e. Nga pala mag sasabihin ako sa'yo bukas."

"Ano 'yun?"

"Bukas nga diba?"

"Bakit hindi pa ngayon? NN!" /Now na/

"Bukas nga kasi 'diba?"

Inirapan ko nalang siya. Sakto namang dumating na ang mga alak na inorder niya. Binuksan ko agad ang dalawang bote.

"Woooh! Let's get wasted!" Sigaw ko.

"Bad influence ka talaga sa akin." Inabot ko sakaniya ang bote at ininom niya naman 'yun.

"Masaya maging masama minsan bru. Masyado ka kasing pa good!"

Bigla namang nag stop ang music dito sa bar. Nag react ang lahat ng tao pero may isang lalaki sa stage ang nag salita.

"Okay guys! I'm so sorry to cut off your enjoyment. We just want to announce na meron tayong game. We did this one last year and tonight is the night na gagawin natin siya ulit!"

"Anong game to bru?"

"Palakasan uminom bru. Isang dosenang bote ng alak ang uubusin. Kung sino ang sumuko talo. Matira matibay."

"So who wants to join?"

"Me!" Sigaw ko agad sa crowd habang nakataas ang kamay ko. Napatingin naman lahat ng tao sa akin.

"Woooh! Bestfriend ko 'yan!!" Sigaw ni Kennedy habang papalapit ako sa stage.

May tatlong lalaki rin ang umakyat sa stage at isang babae. Humanda kayo sa akin. Never kayong mananalo.

"Go babe!" Sigaw ng lalaking kasama niya. Wait, si Enervon 'yun ah? Girlfriend niya ba 'to? Nahiya ang tela sakaniya. Halos wala ng damit e.

Inexplain naman agad ng MC ang rules sa amin kung ano ang gagawin. So kada bote ng alak ay may 30% aclcohol percentage. Tig 12 bottles ang isa sa amin. Ang pinaka mechanic ng game ay ang ubusin ang 12 bottles. Paunahan. SE! /So easy/

"Okay! I will count to three before you start! One! Two! Three! Staaaaart!"

Tinungga ko ang unang tatlong bote ng alak. Kung iniisip niyo matatalo niyo ako pwes HINK! /Hanngang isip nalang kayo/

Chill lang ako habang umiinom. Syempre dapat may poise pa din dahil maganda ako. Napatingin naman ako sa mga katabi ko at tumigil na sa pag inom ang dalawang lalaki. Tatlo nalang kami dito. Yung isang lalaki na may malaking tiyan. Tanggero siguro 'to sakanila. At 'yung babae ni Elisi na halatang pinipilit nalang ang pang pito niyang bote. WNTG. /Weak naman this girl/ PSK! /Pa strong kasi/

"Go bru! Lunukin mo na pati bote!"

"Ayaw ko na! Okay talo na ako. Sorry babe." Bumaba naman si girl at pinuntahan ang pokpok niyang boyfriend.

Sinalubong siya ni Eklabush pero naka titig pa rin siya sa akin at pinapanood ako. Kitang kita ko ang pagka amuse niya  sa mukha niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Sige mamangha ka lang sa akin. Lodi mo na ako.

Kami nalang dalawa ni Kuya na malaki ang tiyan ang nandito.

Sabay naming naubos ang pang 12 na bote.

"Kuya! Mag patalo ka na. Kawawa ang baby mo sa tiyan. Papanalunin mo na ang bestfriend ko."

"Anong sabi mo?!" Sigaw ng lalaki kay Kennedy. Akmang tatayo na sana siya pero tinapik ko ng napakalakas ang balikat niya at tinapakan ko ang paa niya.

Napa aray siya sa sakit.

"Dahan dahan ka kuya. Kaibigan ko 'yang sinisigawan mo." Nag smile ako sakaniya ng ubod ng tamis at napatihimik siya. Good. Madaling kausap.

"So we decided to have a second round! Hindi pwedeng dalawa kayo ang manalo sa laban na to. So here! We have this alcohol that has 50% Alcohol!" Nag sigawan naman ang crowd.

"Sinisigurado kong ako ang mananalo rito. Babae ka, lalaki ako."

"EW."

"Anong EW?"

"Edi wow." Tsaka ko siya inirapan.

Ang yabang yabang. E halata naman sa mukha niya na patumba na siya. Well, let's see kung kaya mo nga ba akong mapatumba sa inuman.

"Okay! 1st shot!" Sabay naman naming ininom ang shot na binigay sa amin. I've tasted this one before. At sasabihin kong malakas ang tama nito. Nag karoon pa nga ako ng hang over kinabukasan.

"2nd shot!"

"3rd shot!"

"4th shot!"

"Kaya niyo pa ba?" Tumango naman ako at tinignan ko ang katabi ko at nakayuko na ang ulo niya.

"5th shot!"

Ininom ko ang pang lima na shot. Nag sigawan ang crowd. Sige, SNLA. /Support niyo lang ako/

"We have a winner! Patay na yata si Kuya." Inalog alog siya ng mc pero hindi na nito naiangat ang ulo niya. Nakatulog na siya sa lamesa.

"Talaga namang nakaka amaze 'to dahil babae pa ang Champion natin for this year event! So here's your prize from our Bar!" Inabot naman sa akin ni Kuya ang isang sobre. Magkano kaya ito?

Umakyat naman sa stage si Kennedy at niyakap ako. Proud na proud siya! Nagpa picture kami and all. Bumaba na kami sa stage.

"Congrats. You're really awesome." Bati sa akin ni Escalator. Hindi ko siya pinansin at dire diretso lang ako. Ecalator who?

Bumalik na kami sa may table namin. Marami ang bumati sa akin at may iba pang nag punta rito sa table namin para magpa picture. IFSF. /

I feel so famous/

"Grabe bru! Anong meron diyan sa tiyan mo? Bakit ang lakas mong uminom?! Ako na uubos sa alak na inorder natin. Huwag mo na akong agawan."

"Bru? Sinasabi ko sayo ha. Baka malasing ka tapos hahahaha"

"Bru naman!"

Hindi nga ako nagka mali dahil lasing na lasing ngayon si Kennedy. Akay akay ko siya habang pabalik kami sa Hotel. LNT. /Lintik na to/

"Ano ba naman 'yan bru! Ang bigat mo. UK!" /Umayos ka/

"UK? You kiss me?"

"Gaga! U as in letter U! Yan na nga ba sinasabi ko. Nagiging manyak ka ng punyemas ka!"

Tumawa naman siya. Yung tawa na nang aakit. Ito ang ayaw ko kay Kennedy e. Yung good boy siya tapos pag naka inom nagiging wild! Ako nalang lagi ang biktima ng pagiging manyakis niya kapag nakainom siya. Kaya hindi 'yan umiinom ng parang walang bukas kapag may kasama silang ibang babae ng mga kaibigan niya. Magpapakamatay lang siya sa alak kapag ako ang kasama niya.

"Bru, make out tayo sa kwarto natin mamaya. Ano?"

Binatukan ko naman siya kahit naka akay siya sa akin. Naka dating naman agad kami sa may hotel at pumasok kami sa may elevator. Naka akay pa din siya sakin pero yung kamay niya ay nasa may pwetan ko na.

"Hayop ka talaga Kennedy! Sa susunod huwag ka na talagang iinom ng sagad. NSAS!" /Na stress ako sayo/

"Bakit ang hot mo magmura, Lucia? Parang... parang gusto kitang-"

Bumukas naman ka agad ang elevator at lumabas na kami. Hindi ko na siya pinagsalita pa at dumiretso kami sa may room namin.

Binuksan ko ang kwarto at pumasok na kami. Dalawa naman ang kama dito sa may kwarto namin at tag isa kami. Inihiga ko siya sa may kama niya pero hinila niya agad ang kamay ko at napapatong tuloy ako sakaniya. Oh my god!

"Punyemas ka Kennedy. Kapag kinwento ko sayo 'to bukas sinisigurado ko sayong tatlong araw kang hindi makakatulog dahil sa konsensya."

"Bru, kiss me now please." Naka tingin siya sa mga mata ko at ang lalim nang mga titig niya. His eyes are full of lust!

Hindi na ako nag pabebe at hinalikan ko agad siya. SAPT? /Sino ako para tumanggi/

Yes we are bestfriends but masyadong hot itong si Kennedy at hindi ako maka hindi kapag ganitong lasing siya. I don't know what's into him at nagiging wild siya kapag nalalasing.  Tapos hindi niya ma aalala ang mga kamanyakan na ginawa niya kinabukasan.

Akala ko noon nahihiya lang siya ilabas ang kamayakan niya kapag normal siya at hindi nakainom, kaya inakit ko siya at hinubad ko sa harap niya ang damit ko. I was half naked in front of him that time and I was just wearing my undies. Pero hindi, nagka mali ako ng pang husga. Dalawang buwan niya akong hindi kinausap noon at galit na galit siya sa akin.

Aminado naman akong may kalandian din akong taglay at pati ang bestfriend ko ay napapatulan ko kapag ganitong inaakit niya ako tuwing lasing siya. I know this is wrong but its just that... ICE! /I can't explain/

I'm marupok in its finest.

But don't get me wrong. Wala akong romantic feelings towards him. At hanggang make out lang ang ginagawa naming dalawa kapag lasing siya. Kahit naman papaano ay ayaw kong tuluyang ma invade ng lust ang friendship naming dalawa. Mabait na tao si Kennedy at masarap din ang lips niya actually. VD! /Very delicious/

Alam ko rin naman na kapag normal siya at hindi nakainom ay hinding hindi niya magagawa ito.

Kennedy is the kindest person I've ever met. Pero iba talaga siya kapag nalalasing. This is not the first time na nangyari 'to. At kapag kinikwento ko sakaniya kinabukasan ang ginawa namin ay agad siyang pupunta sa simbahan at mangungumpisal. Hindi rin siya iinom sa loob ng isang buwan.

Naramdaman ko namang bumaba ang halik niya sa may leeg ko at napapadpad na kung saan saan ang mga kamay niya. Shit na 'to. I stop him before I lose my control.

"Kennedy, stop it now." Hindi pa rin siya tumitigil at hinalikan nanaman ako sa may labi.

This time it is wild and it's driving me crazy. Pinasok niya ang dila niya sa may bibig ko.

Bigla namang nag ring ang phone ko. Hindi ko 'yun pinansin pero nag ring nanaman ito.

"Kennedy, wait." Tumayo na ako sa kama at iniwan siya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa may table at si B ang tumatawag. Sinagot ko ito.

"Hello? What's up?" Tinignan ko si Kennedy sa kama niya at nakita kong nakapikit na ang mga mata niya.

"Queen, nasa beach ka no?"

"Yes. Dito sa may Batangas. Pag mamay ari nila Kennedy. Why?"

"Yung number na nagte text sayo, he's a boy. And he's in Batangas too. What's the name of your Resort? Is it KS Resort?

"Yes it is."

"He's in KS Resort too. Room #478 and your room # is 480."

What? Nandito rin ang ang taong nag tetext and call? Fuck. Hindi kaya sinusundan niya rin ako or what?

"Okay. Got it. Thanks sa info." I ended the call.

Maasahan talaga si B sa mga ganitong sitwasyon. He's really genius. He never fail me.

Sinilip ko muna si Kennedy at mahimbing na ang tulog niya. Walanghiya ka Kennedy! Napalaban nanaman ako sa'yo. Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan ang room number ng nagtetext sa akin. Who ever you are, HKTSA!

/Humanda ka talaga sa akin/

Kumatok ako sa pintuan ng room nila pero walang lumalabas. Huwag lang talaga nilang hintayin na gibain ko tong pinto.

"Hoy lumabas ka riyan!" Nilakasan ko na ang pag katok. Actually hindi na katok ang ginagawa ko kung hindi pahampas na.

Bumukas naman ang pinto at bumulaga sa akin ang lalaking naka boxers at may humahalik na babaeng linta na naka akay sakaniya.

"So it's you." Sabi ko sakaniya.

"What?"

Hindi parin tumitigil ang babae sa paghalik sakaniya. Bakit ba lagi kong nakikitaan ng may kahalikan ang Eskelan na 'to?

"Huwag mo akong ma what what diyan, Emperador! I already know that you are the one who's texting me. Really?"

"Who's Emperador? And who are you by the way?" Tanong naman ng babae niya.

"I'm not talking to you, bitch. You better shut your fucking mouth kung ayaw mong paputukin koyan. PWNT." /Pakyung whore na 'to/

"Can you go outside?" Sabi niya sa babae niyang mukhang linta kung makakapit.

"What?! But we didn't do anything yet Evan!"

"Just go. NOW."

Kinuha naman ng babae ang bag niya sa kwarto nitong hampaslupang malanding lalaki na to at tuluyan ng lumabas.

"Is this how you easily throw girls?" I asked him. Just wow.

"If you wanna talk to me, let's go inside." Hinawakan niya ako sa bewang at mabilis ko namang hinablot ang kamay niya at pinalipit ito.

"Not so fast you idiot! Why are you texting and calling me? Take note, ang bastos mo pa ha." Tinwist ko pa lalo ang braso niya at napa aray siya sa sakit.

"Ouch! Fuck. Let me go!"

"Sa kalandian ka lang pala magaling."

"Magaling din ako sa kama. If you want to check, let's go in my bed. Shit! You're hurting me."

Ibang klase rin pala talaga 'to. Hindi ko kinakaya. May kalandian din naman ako sa katawan pero hindi ganito. Masasabi kong may delikadesa naman ako.

Sinuntok ko siya sa mukha at napahiga naman siya sa sahig.

"You better fix yourself. Isa pang pagkaka mali mo makakatikim ka na talaga sa akin ng mas higit pa riyan. Not me, Elephant. Not me."

And with that, iniwan ko siya. Pumasok ako sa kwarto namin at pabagsak kong sinara ang pinto. LS! /Letse siya/ GNA! /Gigil niya ako/

Pero infairness ang laki ng hotdog niya ha. Nakabakat don sa may boxers niya ih. SBSG! /So big so good/