Chereads / Self Healing Magic / Chapter 31 - Wrong Moves

Chapter 31 - Wrong Moves

Pagkatapos makapag shower ay mabilis na nagbihis ng damit si Yman. Hindi naman napigilan ni Yman na mapatawa siya nang makita si Rea na nakaupo at walang kaimik-imik. Habang naka straight ang makurbang likod. Halatang medyo kinakabahan ito. Biglang namula tuloy ang pisngi ni Yman. Agad naman niyang pinailing-iling ang ulo para iwaksi ang hindi magandang pag-iisip na nagbabalak pumasok sa kanyang isipan.

"Uhm Rea?" Mahinang pagtawag ni Yman para hindi maalarma si Rea.

"Ye-yes!" Mabilis na sagot ni Rea pero hindi gumagalaw ang ulo at katawan. Para itong robot.

Napaka-cute ng reaksyon ni Rea hindi tuloy maiwasan ni Yman na isiping. "Ang sarap siguro yakapin ni Rea." Agad naman niyang pinailing-iling ang ulo at tinapik tapik kunti para hindi makapag isip ng hindi maganda.

"Let's go?" Mahinang tanong ni Yman.

"Huh?" Ngunit mukhang iba ang nasa utak ni Rea at mukhang robot parin ito. Sumasagot lang at hindi gumagalaw ang ulo at katawan. Naisip ni Yman na baka inakala ni Rea na hindi pa siya nakapagbihis. Kaya humakbang siya sa harapan ni Rea para makita nito na nakabihis na siya. Kailangan na nila lumabas ng silid na ito bago pa masakop ng kasamaan ang kanyang isipan dahil sa temptation na dala ng napakaganda at cute na mukha at may maganda ring katawan na engkantada sa kanyang harapan. Baka magiging lobo pa siya ay hindi sadyang masunggaban si Rea. At pagktapos ay mapapatay siya ni Headmaster Laura.

"Nooooooooo!!!" Malakas na sigaw sa isip ni Yman. "At bakit kaya medyo maiksi ang dress na suot ni Rea ngayon? Makikita tuloy ang mapuputi na malalaking hita" Pagrereklamo ni Yman sa isipan. "Hindi maganda to kailangan ko na tumakas sa silid na ito." Mga laman ng isip ni Yman. "Kahit papaano ay isa akong ordinaryong binata na nangangarap din ng romance sa napakagandang dalaga kagaya nalang ng babaeng nasa harap ko ngayon." Napansin ni Yman na mabilis tinakpan ni Rea ang kanyang namumulang mukha gamit ang kanyang kamay. Kaso nga lang nakasilip parin ang isang mata sa espasyo sa gitna ng mga daliri.

"Puffft! Hahaha!" Hindi napigilan ni Yman na matawa.

"Eh? Ba-bakit?" Namumulang tanong ni Rea.

"Haha! Wala wala, i mean nagugutom ako pwede samahan mo muna ako mag-almusal sa bar?" Nakangiting sabi ni Yman.

"Ah? Uhm su-sure." Mahinang sabi ni Rea.

Mabilis na bumaba sila sa second floor at pumasok sa bar. Medyo marami rami ang tao ngayon.

Pagkatapos maka order ng tatlong malalaking piraso na karne ay mabilis na pumuwesto sa bakanteng mesa at upuan si Yman. Ito yung inupuan niya nakaraang gabi. Nasa pinakasulok ito at makikita pagpasok mula sa pinto sa pinakakaliwa at pinaka unahan na corner. Makikita naman ang counter sa gitna ng kanang bahagi. Malawak ang espasyo sa loob ng bar. May tatlumpung mesa ang nakahilira sa loob nito.

Naka talikod sa ding ding ang likod ni Yman. Habang sa kanyang harapan ay makikita ang magandang Engkantada na umiinom ng juice. Nagulat naman si Rea nang makita ang pagkaing inorder ni Yman.

"U-uhm Yman, ka-kaya mo ubusin yan?" Hindi napigilan na magtanong ni Rea.

Ngumiti lang at tumango si Yman sa tanong ni Rea. Napatitig naman si Rea kay Yman habang kumakain ito.

"Siya nga' pala. M-may nalimutan ako sabihin sayo." Medyo nahihiyang sabi ni Rea.

"A-ano yun?" Napatigil sa pagsubo at tumingin si Yman kay Rea.

"Pa-pagkata.. errm! Pasinsya na. P-Pagkatapos ng laban mo sa ghoul may mga drops kaming napulot." Sabi ni Rea.

"Ganun ba?"

"Oo, pero dahil nasira ang iyong External Backbone ay hindi gumana ang iyong cyber storage. Kaya pinulot namin at tinago sa storage ko. Para ibigay sayo kapag ok kana." Sabi ni Rea kay Yman.

"Ganun ba? Pwede ko makita Rea?"

"Uhm s-sayo naman to kaya syempre pwede." Sabi ni Rea habang nakangiti.

Ngumiti rin si Yman at tumingin kay Rea...

"Maraming salamat Rea." Biglang sabi ni Yman.

"Uh? Ba-bakit ka nagpasalamat?"

"Hehe dahil niligtas n'yo buhay ko syempre."

"P-pero nagpasalamat kana sa amin." Nahihiyang sabi ni Rea.

"Kulang pa yun, hehe." Nakangiting sabi ni Yman.

Uminom muna ng malamig na juice si Rea bago nagsalita ulit.

"H-hindi mo na kailangan magpasalamat pa." Sabi niya habang nakangiti kay Yman.

"Sige."

"Ito na pala." Inisa-isa na nilabas ni Rea ang mga drops.

Eh?!

Nagulat si Yman. Dahil napakarami pala nito.

"Uhm Rea, ano itong bilog na parang bolang crystal?"

"I-isa yang cryst." Bulong ni Rea kay Yman. Sinadya niya na hinaan ang boses para hindi marinig ng mga tao sa paligid.

"Crsyt?! Para saan to?"Napalakas naman ang boses ni Yman. First time makakita nito. At wala siyang nabasa tungkol dito.

Bigla namang nagtinginan ang ibang adventurers sa paligid sa direksyon nila Yman at Rea.

"Y-Yman, h-hinaan mo boses mo." Mahinang sabi ni Rea.

"Eh? Pa-pasinsya na. Pa-para saan pala to?" Kinamot ni Yman ang ilong gamit ang likod ng kanyang kamay.

"Para sa mga high grade equipments yan. At may tatlong klase ang cryst. Ito ay pula, green at gold. Ang pula ay para sa high grade weapon. Sunod ay green para sa high grade armor at pang huli ay gold, ito ay para sa mga high grade na accessories." Mahabang paliwanag ni Rea.

"Ah ganun ba. Mukhang maganda nga to." Nilagay ni Yman sa storage ang cryst para tingnan ang details nito.

[Elder Ghoul Cryst]

•+25% magic attack

•+25% healing effect

"Ahahaha mapagbirong tadhana." Hindi niya alam kung matawa o iiyak.

"Eh?!" Nabigla naman si Rea. Sa sinabi ni Yman.

"Mukhang isinumpa nga ako. He he he." Biglang nag dot ang mga mata ni Yman. Sa isip niya "Bakit ba ako pinaasa lagiiiiiii?! Anong +25% magic attack? Eh puro healing magic ko! At binigyan na naman talaga ako ng +25% healing effect?????" Hindi alam ni Yman kung iiyak ba siya o tumawa ng malakas. Biglang na badtrip ang mood niya nang makita ang stats.

Haaaah!!! Nagpakawala nalang siya ng malalim na buntong hininga.

Hindi alam ni Rea kung bakit, pero feel niya ay hindi masaya ang mood ni Yman nang makita ang stats ng Cryst. Para kay Rea ito ang pinaka swerty na stats para sa mga healer na kagaya niya.

"M-may problema ba?" Mahinang tanong ni Rea.

"U-uh wala pasinsya na." Sabi ni Yman.

"Uhm pwede magtanong?" Tanong ni Rea kay Yman.

"Oo naman, ano yun Rea?"

"Ano pala class mo?"

"Uhm he-healer." Nahihiyang sabi ni Yman.

"Eh? Sure ka?!" Napalakas ang bosses ni Rea sa pagkabigla sa sinabi ni Yman.

"Oo totoo yun. Pasinsya na kung hindi ako malakas gaya ng sinasabi n'yo." Sabi ni Yman. Pero mukhang hindi ito narinig ng kausap. Dahil biglang kuminang ang mga mata ni Rea.

"Kung ganun pareho pala tayo! Uhm, magic attack mo ba yung itim na... eh pasinsya na." Biglang natigil sa pagsasalita si Rea nang mapansin niya pinagtitinginan sila ng mga adventurers sa paligid.

"Rea may magic attack skill ka ba?" Biglang tanong ni Yman.

"Oo pero isa lang."

Gusto maluha ni Yman. Sa sobrang selos na ang ibang healer ay may magic attack skill. Sa kanya naman ay puro paasa skill.

"Kung ganun sayo nalang to." Sabi ni Yman sabay abot ng cryst kay Rea.

"Eh?!" Nagulat naman si Rea sa sinabi ni Yman. Sa isip ni Rea ay, "Bakit kaya ibibigay ni Yman ito? Hindi ba healer siya? Ito ang pinaka magandang stats para sa mga healer!"

"Hi-hindi ko matatanggap yan Yman. Bagay sayo yan dahil healer ka rin."

"Uhm medyo komplikado ang pagiging healer ko. At hindi ko rin magagamit to." Sabi ni Yman habang nakangiti.

Lalong naguluhan si Rea sa sinabi n Yman.

"Pe-pero..."

"Huwag ka nang magpero pero pa, hindi ako nagbibiro sayo na talaga." Sa kaloob-looban ni Yman ay, "Please tanggapin mo na bago ko itapon sa labas ang trash na ito! Nakaka highblood ang stats nito!" Sigaw ng isip ni Yman.

Biglang inilapit ni Rea ang kanyang ulo para bumulong kay Yman. Akala naman ni Yman ay hahalikan siya ni Rea. Napalunok nalang siya ng laway.

"Alam mo ba na 1-2billion dollars ang presyo niyan." Mahinang bulong ni Rea sa tenga ni Yman.

Wha—t?!

Biglang tumigas ang buong katawan ni Yman sa narinig. Na para bang nasa loob ng matigas na ice block. Gusto niya bawiin ang mga sinabi nitong nakaraan na ilang minuto. Sa isip niya ay hindi pala ito trash, kundi treasuuuuure!!! Pinagdasal niya na sana babalik ang oras.

Ilang sanadali ay sumuko nalang siya dahil mukhang hindi na talaga babalik ang oras.

Hah! Nagpakawala nalang siya ng buntong hininga sa bibig. Wala na, nasabi na niya na ibibigay ito kay Rea. Pangit naman kung babawiin pa. "Knowledge is poweeeer!!!" Sigaw ni Yman sa isip. Sana inalam muna niya ang presyo bago sabihin na ibigay. "Kuku wrong moves ako dun ah, biglang yaman na sana ako. Pero pangit na kung babawiin ko pa. Kailangan ko mag-ingat at hindi papadala sa emosyon sa susunod." Sabi sa isip ni Yman.

Kinalaunan ay tinanggap din ni Rea ang cryst na bigay ni Yman. Pagkatapos kumain ni Yman ay dumiretso na sila sa baba. Para umpisahan ang tatlong pagsubok. Ang nakalagay sa note ni Yman ay:

Unang pagsubok

•Kill 20 hybrid rats

Pangalawang pagsubok

•Kill 30 hybrid snakes

Pangatlong pagsubok

•Collect 50 blue beak from Blue Beak Bird

Kumunot ang noo ni Yman sa mga pagsubok.

"Bakit parang mahirap ang mga ito? Uhm Rea alam mo saan makikita ang mga quest na ito?"

"Oo, ako nang bahala."

"Sige."

Dinala ni Rea si Yman sa underground tunnel sa gitna ng siyudad. Nagsuot sila ng mga mask dahil sobrang sama ng amoy dito. Naghalo halo ang iba ibang klase na dumi na makikitang dumadaloy sa pinakagitna ng tunnel. Naglakad sila sa pinakagilid ng tunnel. Dahil sa sobrang sama ng amoy ay hindi manlang nila magawang mag-usap. Kaya sumisinyas lang silang dalawa kung saan daan.

Sa isip ni Yman ay naka isang daan na hakbang na sila. At lumiko ng tatlong beses sa kanan at limang beses sa kaliwa. Tanging tunog ng mga yapak nila at tunog ng mga tumutulong tubig lang ang maririnig sa paligid ng tunnel.

Ilang sandali ay nakarinig narin sila ng *hissing* sound na papalapit. Mabilis na kinuha ni Yman sa inventory ang Bonesword at niready sa kamay. Nagulat naman si Ria dahil gumamit si Yman ng espada. Dahil pagkakaalam niya, mas malakas ang healer kung gagamit sila ng magic spell kaysa espada.

*squeak*

*squeak*

Dalawang Hybrid rats ang mabilis na sumugod kay Yman.

Narito lang si Rea para maging saksi sa pagsubok ni Yman kaya bawal siya tumulong kung hindi kailangan.

Rank -D lang ang mga halimaw na ito. Ang Bonesword ni Yman ay naglalabas ng kulay brown na aura. Isa itong earth element.

Nang nasa 10meters nalang ang mga halimaw mula kay Yman ay makikitang lumitaw ang mga red bar sa ibabaw ng kanilang ulo. Mabilis na tinadyak ni Yman ang kanang paa. Kalahating sigundo lang ay nasa harap na siya ng dalawang Hybrid rats.

Mabilis na hinampas ni Yman ang kanyang Bone Sword mula taas pababa.

*Shiiing!*

*Squeak!*

At binalik din agad sa itaas ng naka-slant bahagya habang nakaharap sa taas ang talim nito para tamaan ang isa pang hybrid rat.

*Shiiing!*

*Squeak!*

Gumuhit ang kulay brown na aura ng malaking 'V' sa ere dahil sa bilis ng atake ni Yman.

[You've killed rank -D monster Hybrid Rats!]

[Exp gained +1000]

[Level Up!]

[You've killed rank -D monster Hybrid Rats!]

[You've got rat's tooth]

[Exp gained +1000]

[10 additional points available]

[Skill promotion available!]

[New skill acquired!]

Insta kill ang dalawang hybrid rats at naglaho na parang itim na usok.