Chereads / Self Healing Magic / Chapter 30 - Meeting

Chapter 30 - Meeting

Sa grupo naman nila Kiko ay may naganap naman na pag-uusap. Kasalukuyan silang nasa loob ng barracks ng YSIM guild.

"Hey Kiko bro! Nabalitaan mo na ba ang nangyari kay sukaman?" Tanong ng kaibigan ni Kiko na si Marco.

"Hehe may bago ba kay ihiman dude?" Tanong naman ng isa pang kaibigan ni Kiko na si Bruno.

"Haha nabalitaan ko lang naman na inatake ng halimaw si sukaman habang naglalakbay papuntang Engkantasya." Sagot naman ni Marco.

"Really? So kinain naba si ihiman ng halimaw dude? Haha kawawa naman yung halimaw, sigurado nalason na yun!" Malakas na tawa naman ni Bruno.

"Hindi bro, mukhang sinuwerte pa si sukaman." Sabi ni Marco.

"Bakit dude?"

"Mukhang saktong napadaan si Black Magician nung inatake siya ng mga halimaw. Kaya nakaligtas pa si sukaman." Sabi ni Marco habang ibinuka ang dalawang kamay at itinaas ng bahagya ang mga balikat na para bang nanghihinayang sa pagkaligtas ni Yman.

"Eh? Talaga ba? So yung kumakalat na video ni Black Magician, yun din yung time na inatake si Ihiman?"

"Mukhang ganun na nga."

"Sayang hindi nakita sa video ang nakakadiring hitsura ni Yman." Biglang sambit ni Kiko.

"Haha oo nga dude siguradong naihi nanaman yun! Hahaha."

"At siguradong napasuka na naman! Hahaha!"

Hahahaha!

Sa isip ni Kiko ay, kung nakita lang sana sa video ang nakakadiring hitsura ni Yman ay siguradong mandidiri si Mina dito. At siguradong matu-turnoff ito kay Yman. At yun din ang chance ni Kiko para mapansin ni Mina.

Hah! Nagpakawala nalang ng hangin sa bibig si Kiko.

Sayang talaga! Sambit niya sa isip.

"Bakit Kiko? Kilala mo ba ang Yman na ito?" Malamig na boses ng isang babae na may badge na bungo at makikita sa noo ng bungo ang malaking YSIM initials. Naiiba ang kulay ng badge nito. Dahil kulay gold ang kanyang badge. Ang babaeng ito ay walang iba kundi ang VGM(Vice Guilmaster) ng YSIM guild. Sexy ang katawan nito at may magandang mukha. May mahaba na maitim itong buhok. Halata rin ang tindi ng enerhiya nito sa katawan.

Napalunok si Kiko ng mga nagbarang laway sa lalamunan dahil sa biglang pagtanong nito sa kanya. Captain ang rank ni Kiko sa guild nila. At may silver na badge sa kanyang kaliwang dibdib. Kaya hindi rin basta basta ang posisyon niya. Pero kung ikumpara sa babaeng ito na nagtanong sa kanya, ay medyo malayo ang enerhiya nilang dalawa.

Errm!

"I-Isang old aquaintance lang na nagtraydor sa akin Boss Rah."

"Kuku ganon ba? Sabihin mo lang kung may problema at ipapaligpit natin!" Malamig na sabi ng babae.

"A-ako na po ang bahala sa insektong yun Boss Rah!"

"Sige ikaw bahala, basta sabihin mo lang kung may problema. Hindi ko hahayaan ang sinumang insekto na dungisan ang pangalan ng guild, lalong lalo na ang pangalan ni Necromancer." Sabi ng sexy na vice master habang namumula ang pisngi nang sinambit ang pangalan na Necromancer.

"O-ok Boss Rah!" Maamong sagot naman ni Kiko.

Sa isip ni Kiko ay, kahit nakaligtas ka sa halimaw. Wala ng Black Magician pa ang magliligtas sayo sa susunod Yman! Kaya bumalik kana dito para matiris na kita na parang kuto! Sabi ni Kiko habang nagliliwanag ang kanyang mga mata.

Sa barracks naman ng PAP guild.

"Mi-Mina? Bakit hindi ka mapakali? Pwede ba tumigil ka sa pag atras abante mo!" Sabi ng magandang dilag na may lavander na buhok sa kanyang dyosa na kaibigan. Habang hinahawakan ang ulo na para bang may headache ito.

"Pa-pasinsya na K-Kesha!" Sabi ni Mina habang halata sa mukha ang pag-alala.

Pero naguguluhan si Kesha kung kanino ito nag-alala. Wala naman itong sinasabi na boyfriend. Kahit na tanungin niya ito tungkol sa lalaking nabanggit ni Lady Curse, ay ayaw naman sumagot ni Mina.

"Kung malalaman ko lang talaga kung sino ang lalaking ito na pinag-alala ng husto ang best friend ko, ay hindi ko talaga mapapatawad!" Galit na sigaw sa isip ni Kesha.

Nanlilisik naman ang mga mata ng mga miyembro nila. At tila naglalabas ang mga ito ng magkasanib na enerhiya na makikita sa kanilang background. Alam nila ang dahilan kung bakit nagkaganito ang Prinsesa/Dyosa/Guildmaster nila.

Mangiyak-ngiyak ang mata ni Mina habang iniimagine ang posibleng hirap na pinagdaanan ni Yman sa kuko ng mga halimaw na iyon. At lalo na dahil sinabi rin na malubha daw ang natamong sugat ni Yman mula sa mga halimaw. Kung titingnan mabuti ay parang imposible talaga na mabuhay si Yman mula sa pag-atake ng mga halimaw na iyon. Buti nalang talaga at saktong napadaan ang misteryosong Black Magician. Lihim naman na nagpasalamat ng malaki sa kanyang puso si Mina sa pagligtas ni Black Magician kay Yman.

"Miss na miss ko na siya." Mahinang bulong ni Mina.

Ngunit kumunot ang noo ni Mina nang malaman na hindi pinapayagan ng magic doktor bumiyahe si Yman ng malayo sa loob ng tatlong buwan. At magkakaroon ng exchange estudents sa pamagitan ni Yman at isang estudyante mula sa magic high school ng Engkantasya.

Sa section 1-D naman ay nagulat ang lahat, lalo na si Maena.

"Inatake si Yman ng mga ghouls?!" Hindi mapigilan ni Maena na mapalakas ang boses sa pagtanong kay Ms. Pai.

"Ye-yes! Uhm Ms. Prana, kilala mo ba si Yman?" Sagot sabay tanong ni Ms. Pai kay Maena.

"Yes Ms. Pai, I and Yman are childhood best friends." Sabi ni Maena.

Tumango naman si Ms. Pai kay Maen.

Nagulat din ang ibang kaklase ni Yman. Lalo na sila Bob. Kumunot ang mga noo nila sa nalaman na inatake ang kaibigan.

"Kaya pala hindi pa nakabalik si Yman my friend." Malungkot na bulong ni Bob.

Kahit hindi gaano nagkausap si Yman at Chloe, ay nalungkot parin siya sa sinapit ni Yman. Lalo na at mukhang mabait naman si Yman at maparaan pa. Gaya noong mock battle. Kung hindi dahil sa ideya niya ay siguradong matatalo sila.

"Huwag kayong mag-alala dahil wala na sa delikado ang buhay ni Yman. Maraming magaling na magic doktor sa lugar na iyon. Kasalukuyang nagpapagaling na ngayon si Yman. Kaya lang..."

"Kaya lang?" Bigla naman tanong ni Maen.

"Hindi siya makakabalik dito sa loob ng dalawa o tatlong buwan, doon muna siya magpapatuloy sa pag-aaral habang hindi pa lumalakas ang kanyang katawan."

Whaβ€”t?! Kumunot ang noo ni Maena sa nalaman. Pati narin sila Bob.

Isa namang estudyante ang lihim na napangiti sa nangyari kay Yman.

Si Jin Makorov! Sa isip ni Jin ay "Buti nalang at matagal tagal mawawala ang nakakairitang taong yun." Ayaw na ayaw ni Jin sa mga mahihina gaya ni Yman. Minsan ay nakita niya itong binubully noong evaluation exam. Pero hindi manlang ito lumaban! Para kay Jin ay walang silbi si Yman at dapat lang mawala para hindi na makahawa ang pagkaduwag nito. Kahit yung laban sa mock battle ay halatang tyamba lang na nanalo ang grupo nila. Hindi manlang magawang tingnan ito ni Jin dahil sa naiirita siya kapag tinitingnan niya ito. Lalo na ang patpat na pangangatawan ni Yman. Sa tingin niya ay isang suntok niya lang dito at magkakahiwalay hiwalay ang mga buto ng gago sa katawan.

Sa loob naman ng meeting room sa akademya ng EMRMHS.

Nakapalibot sa oblong na malaking lamesa ang mga guro/adviser/instructor at iba pang taga pangasiwa ng akademyang ito. Present din sina Principal Mar at Vice Principal Vir. Pati si Mrs. Aurelia Unus at Ms. Pai ay andito rin.

Balak nila pag-usapan ang tungkol sa gagawing exchange estudents ng dalawang magic high school.

"Bakit pa natin kailangan ng ganitong pagpupulong kung isang nobody na mahinang magician lang naman pala ang kanilang gusto makaexchange estudents!" Galit na sumbat ng isang adviser na mula sa section Diamond 1+A.

Kumunot ang noo ni Ms. Pai sa narinig, pero hindi siya nakapagreact dahil totoo naman talaga na mahina ang magic ni Yman. Lalo na ang self healing magic nito. Pero hindi parin niya gusto ang sinasabi ng adviser na ito at gusto niya bulyawan.

"Tama ang sinabi ni Mr. Jaime. Nagsasayang lang tayo ng oras para sa walang kwentang estudyante!" Sang-ayon naman ng adviser mula sa section Gold 1+B.

"Tama! Walang kwenta itong meeting na ito kung tungkol lang sa mahinang magician ang pag-uusapan."

"Sang-ayun din ako na nagsasayang lang tayo ng oras dito."

"Tama!"

Isa-isa naman sumang-ayon ang iba pa. Na hayaan nalang ang akademya ng Engkantasya na magkaroon ng exchange estudent. Para sa kanila ay bakit pa pag-aksayahan ng oras ang mga magician mula sa lowest section. Para lang naman silang mga extra kung ekompara sa mga higher section.

"Nabalitaan ko na self healing magic ang taglay na magic ng estudyanteng ito na inatake ng halimaw."

"Hahaha self healing magic? Eh kahit din pala sa group battle ay hindi manlang makakasali ang estudyanteng ito. Hahaha!"

"Hahaha pinaka lowest na ngang section! Pinaka mahina pa na magic ang taglay. Kukuku!"

Hahahaha!

Halos nagtawanan ang lahat. Maliban kina Ms. Pai ,Mrs. Aurelia, Vice Principal Vir at Principal Mar. Tahimik lang din ang adviser ng section Bronze 1D at adviser ng Platinum.

"Napaka walang kwenta naman pala ng estudyanteng ito! Hahahaha!" Malakas na sabi ni Mr. Jaime habang naluha-luha ang mga mata sa pagtawa.

Nanginginig si Ms. Pai habang malakas na kinagat ang mapupulang labi. Nakayuko lang siya habang malakas na kinuyom ang mga mapuputing kamao. Hindi niya gusto ang mga pinagsasabi ng mga adviser na ito. Magsasalita na sana siya ngunit...

"Tumahimik kayo!" Malakas na sabi ni Vice Principal Vir Fortis.

Bigla namang tumahimik ang lahat nang marinig ang matigas na boses ni Vir.

Ehem! Isang mahinang pag-ubo mula kay Principal Mar, para makaagaw ng atensyon.

"Hindi lang dahil sa estudyanteng yun ang dahilan ng meeting na ito. Alam niyo naman na malapit na mag-uumpisa ang Regional Magic Compitition. Naisip niyo ba na baka isa itong patibong mula sa magic high school ng Engkantasya? Alam n'yo rin siguro na hindi pa nakatikim ng kahit isang panalo ang EMRMHS. Ikinalulungkot ko na ibalita, na kung hindi pa rin makaka pasok sa finals ang EMRMHS sa taong ito, ay mapipilitan na ipasara ang akademyang ito. Dahil hindi na ito kayang supportahan ng mga nasa itaas kung wala parin magandang resulta. Kung mangyari yun, ay simulan n'yo na mag-impake ng gamit dahil mawawalan na kayo ng trabaho." Mahina at mahinahon ang boses ni Mr. Mar.

"Pero Principal, malakas ang ating mga estudyante ngayong taon. May sampung estudyante pa tayo na may rank S magic. Siguradong makakapasok tayo ngayong taon. At baka nga mag kampeon pa ang ating akademya." Sabi ni Mr. Jaime.

"Tama si Mr. Jaime! At marami ring malalakas na estudyante sa Section Gold at Diamond." Sabi naman ng adviser mula sa section Gold.

"Sa tingin n'yo ba ang ibang akademya ay tahimik lang at walang ginagawa? Hindi n'yo ba naisip kung gaano ka-importante ang kompetisyong ito? Halos taon taon tayong sinusurpresa ng mga kalabang akademya. Ilang beses naba natin inakalang mag kampeon? Pero sa huli ay hindi manlang magawa ng akademya natin makaabot ng finals. Bagsak lagi ang akademya natin sa ikalawa o unang round ng kompetisyon. Hindi pa ba kayo nadala? O hindi manlang ba kayo nahihiya sa sarili n'yo bilang mga adviser ng mga estudyanteng natatalo sa kompetisyon?" Mahinahong tanong ni Mr. Mar sa mga Adviser.

Natahimik ang lahat sa sinabi ni Principal Mar. Dahil totoo ang lahat ng sinabi niya. Taon taon ay lagi nalang sila sinusurpresa ng taga ibang akademya. Kaya hanggang round 2 lang lagi ang tinatagal ng EMRMHS sa RMC.

Pero may isa parin na naglakas loob magsuggest,

"P-Principal Mar, pwede naman siguro na hayaan nalang ang estudyanteng yun na magtransfer doon sa Engkantasya. Nabalitaan ko kasi, na isang malakas na estudyante ang ipapalit nila dito. Kung hindi ako nagkakamali ay may rank S magic ang estudyante na ipapalit nila. Bakit hindi nalang natin hayaan magtransfer ng tuluyan ang dalawa. At narinig ko rin na willing naman daw sila na forever magpalit ang dalawa kung papayag ang akademya natin?" Sabi ni Mr. Jaime.

Natuwa naman ang ibang adviser sa nalaman. Hindi nila lubos akalain na ang pinaka mahinang magician ay papalitan ng pinakamalakas. Sa isip ng ibang adviser ay siguro minamaliit tayo ng akademya ng Engkantasya kaya gusto nila na bigyan tayo ng rank S magician para hindi matanggal ng maaga sa kompetisyon. Lihim na nagtawanan ang mga adviser. Sa kanilang isipan ay.. Humanda at magulat kayo sa lakas ng mga bago naming magician!!!

Biglang napaisip si Mr. Mar sa sinabi nito. May punto rin naman ang sinabi niya. Isang lowest magician papalitan ng may rank S magic na magician? Mukhang dagdag pwersa ito sa EMRMHS. Napaisip ng malalim si Mr. Mar. Lihim naman natuwa si Mr. Jaime.

"Hindi ako makakapayag!!!" Isang boses ang malakas na umalingawngaw sa loob ng meeting room. Hindi na napigilan ni Ms. Pai na magsalita. Lalo na sa pang da'down nila sa kanyang estudyante.

"Ms. Pai?" Biglang nagulat ang lahat

"Trabaho natin na personal na gabayan at turuan ang ating mga estudyante kahit gaano kahina ang kanilang taglay na mahika at hindi para ipamigay kung walang silbi!!!" Galit na sumbat ni Ms. Pai. Hindi na niya mapigilang ibuhos ang galit.

Kumunot naman ang noo ni Mr. Jaime. Lihim na ngumiti si Principal Mar sa sinabi ni Ms. Pai. Tama ang sinasabi ni Ms. Pai. At isa pa taliwas sa motto ng akademya ang ipamigay ang kanilang estudyante dahil mahina ito.

Hindi rin maganda ang pakiramdam ni Mr. Mar sa exchange na ito. Feeling niya, ay meron silang hindi alam na malaking sekreto. Nakakaduda rin na papalitan ang pinakamahinang estudyante ng pinakamalakas. Rank -D magic? Papalitan ng rank S magic? Sino ba naman ang hindi magdududa?

Tumingin si Mr. Mar kay Ms. Pai at sinabing...

Ms. Pai subukan mo na ibaba sa dalawang buwan ang tagal ng Exchange na ito. Sabihin mo may mga activities tayo sa mga susunod na buwan at kinailangan makasali ang lahat ng ating estudyante sa mga activities.

Biglang bumuti ang pakiramdam ni Ms. Pai sa sinabi ni Principal Mar. Kahit ayaw niya sana pumayag sa exchange na ito, ay wala rin siyang magagawa. Dahil kailangan ng malaking enerhiya para maibalik si Yman dito ng hindi nabibinat ang kanyang katawan. At imposible na mapapayag ang mga adviser na ito sa gusto ni Ms. Pai.

Kinalaunan ay napagkasunduan ng dalawang akademya na dalawang buwan lang ang itatagal ng exchange na ito. Wala na rin magawa si Headmaster Laura at pumayag din siya. Pero sa isip niya "Atleast may dalawang buwan. Tamang tama lang siguro yun para ma resolba ang isyu sa KS."

*****

Tok! Tok! Tok!

Biglang naputol ang panaginip ni Yman dahil sa lakas ng katok sa pinto.

"Sino yan? Haaaaaah!" Tanong ni Yman habang humihikab.

"Si R-Rea!" Nahihiyang sabi ni Rea.

"Eh?! Teka lang Rea!" Mabilis na nagbihis si Yman at naghilamos bago bugsan ang pinto.

"Pa-pasinsya na Rea kung napatagal ang pagbukas ng pinto kagigising ko lang kasi." Nahihiyang sabi Yman.

"O-ok lang."

"B-bakit ka pala napadalaw?"

"Uhm sabi mo kasi ngayon ka mag take ng tatlong pagsubok."

"Oo ngayon. Anong oras na pala?" Biglang napatanong si Yman.

"11:10am na." Mahinang sabi ni Rea.

"Eh?! 11:10am?!" Biglang nanlaki ang mga mata ni Yman sa nalaman. Dahil late na siya nakatulog ay late narin siya nagising.

"Oo!" Tumango si Rea habang nakangiti. Hindi naman mapigilan na masambit sa isip ni Yman na, "Ang cute niya."

"Teka Rea mag-shower lang ako. Kung ok lang sayo maupo ka muna dito." Sabi ni Yman habang namumula ng bahagya ang mukha. Habang itinuro ang malambot na upuan sa tabi ng kama.

"Si-sige!" Napalakas na boses na pagsang-ayon ni Rea. Dahil nahihiya siya at naramdaman niya na uminit ang kanyang mukha. First time niya makapasok sa kwarto ng lalaki lalo na kasing edad pa niya!