Chereads / Self Healing Magic / Chapter 29 - Black Market

Chapter 29 - Black Market

Napasigaw at napatayo mula sa pagkaupo si Yman, dahil sa sobrang excited sa nakitang talent. Agad naman na pinagtitinginan si Yman ng mga taong kasalukuyang nasa bar.

Awkward na napabalik sa pag-upo si Yman nang mapansin na pinagtitinginan siya. Bilis na tiningnan niya ang details ng talent. Ngunit ang nakalagay lang ay dapat may 0% mana at 100% hp para maactivate ang skill na ito. At may malaking nakasulat na WARNING!

"....."

Hindi alam ni Yman kung matawa ba siya. Napaka awkward ng requirements nito para maactivate. "Bakit kailangan pa ng zero ang mana at full ang hp? at bakit may malaking WARNING nakalagay? Ayaw ba ito ipagamit sa akin?" Kahit na medyo kakaiba ang kanyang talent ay hindi parin mapigilan ni Yman na mapangiti ng malaki.

"Kuku mukhang lalong hindi ako makakatulog sa gabi na'to."

Sinilip din ni Yman ang kanyang Inventory.

"Mukhang successful na nag-equip yung bone sword ko!" Lalo lang naeexcite si Yman. Dahil may 60 attack sa kanyang stats at +50 mula sa title tapos may +100 pa mula sa bone sword, 210 na lahat ng attack niya kahit level 2 pa siya.

"Pero bakit level 2 parin ako?...hmn! Mukhang hindi gumagana ang leveling kung sira ang EB. Dahil hindi nare-restore ang exp, at kung walang exp bar na mapaglagyan ay masasayang lang ang exp at maglaho na parang bula? Hindi katulad ng mga achievements na automatic na counted? Kung ganun ang mga achievments na ito ay hindi kabilang sa E-Man at Mana System? Medyo nakakalito. Baka para lang itong drop items?!" Nalilitong katanungan sa isip ni Yman.

Halos hindi makakapaniwala si Yman sa kanyang pinag-iisip.

Tiningnan ni Yman ang oras na makikita sa gilid ng screen ng kanyang Interface. 10:10pm ang nakalagay dito. Gusto sana niya tawagan si Ron ngunit, wala pala siyang ID nito. Wala rin kahit kay Rea. At medyo malalim lalim na ang gabi para pumunta sa office ni Laura para magtanong.

Hah! Nagpakawala muna si Yman ng hangin sa bibig bago napag desisyunan na pumunta sa reception area para magtanong sa counter.

"Buti nalang mukhang mabait ang mga receptionist dito sa guild."

Nang makuha na ang ID ni Ron ay mabilis niya itong tinawagan.

Riiiing!

Click!

Nagulat si Yman dahil mabilis na sinagot ni Ron ang tawag.

Hindi alam ni Ron kung sino ang tumawag pero nang masilayan ang mukha ni Yman, ay agad naman siya ngumiti.

"Yman bakit ka napatawag?" Mahinahong tanong ni Ron.

Nabigla naman si Yman sa pagsagot ni Ron. Lalo at mukhang nasa kalagitnaan ito ng pag-eensayo. Dahil halata sa pawisan na hubad na upper body nito.

"Ron hi-hindi ba ako naka disturbo? Mukhang may importante kang ginagawa." Naiilang na sabi ni Yman habang kinamot ang pisngi.

Gaya ni Yman, ay may limang araw din na pahinga sila Ron. Bago umpisahan ang misyon.

"Hindi naman, medyo nag work out lang ng kunti."

"Ah mabuti kung ganun, mayroon lang sana akong gusto itanong."

"Sige ba, ano yun?"

"Tungkol sa Title mo na Emberman." Naiilang na sabi ni Yman.

"Ah yun ba? Bakit gusto mo rin ba..."

"Ah! Hindi hindi! Gusto ko lang malaman kung may additional stats ang title mong ito." Bilis na sinundan ni Yman ang kanyang pagtanong para hindi maligaw sa topic ang usapan.

"Ah! Yun ba gusto mo malaman? Hehe dapat sinabi mo agad."

"Pasinsya na!" Biglang paghingi ng tawad ni Yman sabay yuko ng bahagya. Kahit papaano ay senior niya parin si Ron.

"Wala itong dagdag sa mga personal stats ko pero..." Putol na sabi ni Ron habang pinag-iisipan ang sunod na sasabihin.

"Pero?"

"Pero pinapalakas nito ng 30% ang fire attributes ko."

"Wha-t!"

Medyo nabigla si Yman. Mukhang may iba-ibang effect ang mga title. At mukhang totoo nga na may dagdag na attributes ang mga ito. "So totoo rin na para itong drop items! At hindi kabilang sa E-man at Mana System. Kaya pala kahit na nasira ang EB ko ay may nakuha parin akong achievements. Hehe ganun pala. Sayang lang at hindi ako naglevel up. Mukhang nasira ang EB ko nung tumilapon ako at napagulong gulong sa lupa. Kaya hindi nakapasok yung mga exp sa exp bar."

Pagkatapos ng pag-uusap ay naisipan ni Yman na lumabas ng guild hall.

Dahil hindi parin dinalaw ng antok si Yman ay naisipan niya maglakad lakad muna sa labas hanggang antokin. Nakasuot siya ng jacket at pinaresan ng pantalon at rubber shoes. Itinago niya ang dalawang kamay sa bulsa ng jacket na suot bago lumabas.

Paglabas ni Yman ay, nakita niya na hindi na kasing dami ng tao ang naglalakad sa paligid gaya sa umaga. Naka tatlong daang hakbang na siya pero hindi parin siya dinalaw ng antok. Makikita ang mga kupas na liwanag na nasa poste sa gilid ng kalsada. Nasa tatlumpung metro ang distansya ng bawat isa. Nakahilira ang mga ito sa gilid ng matuwid na daan. Ang mga lumang bahay sa paligid ay puro sarado na habang nakapatay ang mga ilaw. At paminsan minsan ay may mga nagrurunda na kawal ang dumadaan habang may bitbit na limang metro na sibat at mga sulo.

May mga kalesa din na hinihila ng mga high breed abestrus at kabayo ang dumadaan mula sa magkabilang direksyon.

Ilang sandali pa ay may nakita si Yman na lumang upuan sa kanyang kaliwa habang naglalakad lakad sa daan. Pinuntahan niya ito at umupo. Gawa ito sa hindi mawari ni Yman kung anong klaseng kahoy. Kahit mukhang luma na, ay tila matibay parin ito. Sakto ang tatlong tao na magkatabi sa taas ng espasyo ng upuan.

Sa kaliwa at kanan ng upuan ay makikita ang ilaw ng poste na nasa labing limang metro na magkabilaan.

Sinubukan na silipin ulit ni Yman ang kanyang Interface. Napansin niya na may maliit na red circle na may white number 50+ sa gitna nito, na nasa kanyang Mail Section. Agad na binuksan niya ang kanyang mail section. Sunod sunod na unread mail ang bumungad sa kanya. Karamihan ay galing kay Ms. Pai at Lolla. "At meron din kay anonymous?!" Napasigaw sa isip si Yman. Hindi niya akalain na mag-mail ulit ito sa kanya. Sinubukan ni Yman basahin ang nakasulat sa mail ni Anonymous.

[Hi! nasaan kana ba? Bakit hindi kapa bumabalik sa akademya? Sana ok lang, please please bumalik kana!]

"At bakit tila nag-alala ito sa kalagayan ko? Diba prank lang naman ito?"

Bilis na nilaktawan ni Yman ang iba pang mga mail. Ngunit habang nag-eescroll down ay may napansin pa siyang isang unregistered ID.

"Another prank?" Tanong ni Yman sa sarili.

Naisipan ni Yman na hindi nalang i-open ito. Dahil baka prank na naman. Sa isip ni Yman ay, "Maawa naman kayo sa single na taong kagaya kooo! Tsk!"

Sinarado ni Yman ang kanyang Interface, at nagpakawala ng buntong hininga sa bibig.

Bigla ay nasulyapan ni Yman sa gilid ng kanyang paningin. Sa eskinita sa kanyang harapan ay may patay sindi na ilaw. Napansin niya na walang dumadaan sa bandang yun. At mukhang iniiwasan ng mga tao na dumaan dito. Agad siya tumayo at dahan dahan na nilapitan ito. Kahit walang makikitang tao sa paligid ay hindi siya kinakabahan. Nang nasa limang metro nalang si Yman ay nabasa niya ang nakasulat dito.

"Black Market?!" Napatanong sa sarili si Yman habang binabasa ang nakasulat sa itaas ng lumang pinto. Kakaiba ang pagkasulat nito, at itim na kulay pa talaga ang ginamit kahit medyo madilim ang paligid dahil sa patay sindi ang kupas na liwanag ng bumbilya. Mukhang sinadya talaga ito na itago ng bahagya.

Dahan dahan na nilapitan ni Yman ang pinto. Inikot niya ang doorknob. "Mukhang hindi naka lock." Sambit ni Yman.

Dahan dahan niyang tinulak ang pinto.

Pagpasok ni Yman ay nabigla siya. Dahil may lalaking nakabalot ng telang itim mula ulo hanggang paa ang nakayuko sa kanyang harapan. Tanging ang may edad at kulubot na mukha lang nito ang masisilayan. Mukhang ito ang taga sundo ng mga kostumer.

"Welcome sa black market sir. Sumunod po kayo sa akin." Pinasunod nito si Yman.

Tumango naman si Yman at sumunod sa nakaitim na matanda. Lihim naman na ni-ready ni Yman ang sarili dahil hindi niya alam kung ano ang nasa unahan ng parang tunnel na looban nito. Habang naglalakad ay napansin ni Yman ang mga kandela sa gilid ng sementong dingding. Ito ang nagbibigay ng munting liwanag sa daan. Naglakad sila ng limampung metro bago lumiko sa kanan.

Pagliko sa kanan ay bumungad kay Yman ang hili-hilirang mga nagtitinda. At mukhang malawak ang espasyo sa loob. May samot saring tinitinda rin ang mga tindiro at tindira na narito. Lahat ng nagtitinda ay nakaternong itim na tela mula ulo hanggang paa. Hindi rin basta basta ang kanilang tinitinda. Dahil makikita rin ang mga kakaibang mga bato, alahas, sandata at iba pa.

"Dito sir." Tinawag ng kaninang matanda si Yman at pinasunod. Tumango naman si Yman at sumunod ulit dito.

Dinala siya sa pinaka likod. Makikita naman ang nag-iisang tindahan dito.

Pagpasok ni Yman ay nakita niya ang kaibahan ng mga tinitinda sa tindahang ito. Dahil ang nakadisplay ay mga pinagbabawal na tinda. Gaya ng External Backbone or EB na makikitang naka display sa harapan ni Yman. Katabi nito ay iba't ibang klase namang Removable External Backbone or RB. Ang mga ito ay bawal ibinta ng walang pahintulot sa mga tagapangasiwa. Tanging sa mga sikat na kompanya lang ito makikitang ibininta.

Pero dito ay nakahilira ang mga ito. At sa mas mababa pa na presyo! Gaya ng EB na nasa 10milyon. Dito ay nasa 700,000 lang. Ang RB naman na 1milyon ay nasa 100,000 lang. Nanglaki ang mga mata ni Yman. Hindi niya napigilan ang sarili na e-check kung gumagana ba ang mga ito. Pinakain niya ng kunting mana ang RB na hinawakan. Bigla namang nagliliwanag ang kaunting Gram metal nito.

"Totoo nga ang mga ito!" Hindi napigilan ni Yman na mapasigaw sa isip.

Tumingin pa si Yman sa paligid at ganun din. Nakikita niya sa paligid ng tindahang ito ang mga pinagbabawal na paninda.

Dahil wala pa siyang pera, ay umalis si Yman ng walang nabili.

Kinabukasan sa EMRMHS,

Kumalat ang balita tungkol sa isa sa kanilang estudyante na inatake ng halimaw habang papunta sa Engkantasya. At sa kabutihang palad ay nailigtas ng Black Magician. May sari sari namang reaksyon ang mga estudyante tungkol dito.

Anong pangalan? Yman? Kawawa naman siya.

Oo nga! Buti nalang dumating si Black Magician! Sigaw ng isang babaeng estudyante habang naghugis puso ang mga mata.

Idol ko na talaga si Black Magician!

Ako noong una pa idol ko na siya!

Sana ako nalang ang niligtas ni Prince Charming Black Magician!

Sa ibang grupo naman ng mga estudyante...

Teka! Diba mukhang pamilyar ang pangalan niya? Ano ulit yun? Yman?

Ahhhh?! Hindi kaya si Sukaman yun?

Oo nga si Wierdman nga! Haha malas naman ng taong yun! Sabagay wierd naman siya kaya ok lang na inatake siya.

Kahit kailan bumpkin is always bumpkin talaga. Dapat kasi umakyat nalang siya sa bundok at hindi na bumaba pa! Mas bagay naman siya dun!

Oo nga baka masira pa ang reputasyon ng akademya natin dahil sa kanya.