"Siya nga' pala... Ron, hindi n'yo makakasama si Rea sa misyong ito."
"....."
Nagulat at hindi nakapagsalita agad si Ron pati narin si Jesa at Alexes.
"Bakit Aunty Laura?" Hindi napigilang magtanong ni Rea, at agad naman siyang tiningnan ni Laura.
"Dahil may iba kang misyon." Sabi ni Laura sa pamangkin.
"Ha? A-Anong misyon Aunty?"
Bago sumagot ay tumingin muna si Laura sa lahat. Agad naman tinuon ng lahat ang kanilang atensyon sa sasabihin ni Laura.
"Alam n'yo ba na may nakuha pa kaming impormasyon na kumakalat din ang KS sa mga akademya ng Magic High School? Siguro dahil sa papalapit na ang School Magic Competition sa bawat Magic High School. Kung saan ang mga mananalo ay ilalaban sa Regional Magic Competition. Ang sino mang estudyanteng magician ang makakalaban sa kompetisyong ito ay siguradong may magandang kinabukasan na naghihintay sa kanila. Kaya maraming mga estudyante ngayon ang gumagawa rin ng pagnanakaw ng huling atake sa mga boss at mini boss. Alam n'yo na siguro kung bakit nila ito ginagawa? Syempre para makalamang sa iba." Tumigil muna sa pagsalita si Laura at dahan dahan hinimas ang ulo ng pamangkin habang tiningnan niya sa mata si Rea.
Tumango naman ang iba sa sinabi ni Laura.
Sa isip naman ni Yman, "KS huh! Siguradong medyo magulo ngayon sa EMRMHS. Kumusta na kaya sila Bob? Kahit ilang araw pa ang lumipas, feeling ko ay ilang buwan na. At mukhang tama yung sinabi dati ng taga section 1D, na may magaganap na kompetisyon..."
"Kaya Merea, gusto ko alamin mo kung konektado ito sa nagaganap ngayon sa guild." Mahabang pagpapaliwanag ni Laura.
"P-pero paano kung..."
"Huwag kang mag-alala Merea, dahil may makakasama ka rin." Hindi na hinayaan ni Laura na matapos ang sasabihin ng pamangkin. Alam niya kung anong inaalala nito. Na baka magkaroon ng labanan at isa lang ang magic attack spell na meron siya.
"A-Anong ibig mo sabihin Aunty? Makakatanggap din ba ako ng backup mula sa mga personal mo'ng body guard?" Tanong ni Rea.
"Hindi sa mga personal ko'ng body guard. Pero sinisigurado ko na hindi rin basta basta ang makakasama mo." Sagot ni Laura.
"Ha? S-Sino?" Hindi makapaniwalang nasambit ni Rea. Sa isip ni Rea pati narin nila Ron ay, may iba pabang grupo na pinagkatiwalaan si Headmaster Laura?
Ngumiti si Laura sa mga reaksyon nila.
Biglang kumunot ang noo ng apat, si Yman naman ay tahimik lang na humihigop ng white coffee habang nag-iisip. "Buti nalang makakasali narin ako ng guild. Basta makompleto ko lang ang tatlong pagsubok. Makakahanap narin ako ng mapagkakitaan. Kahit sa mga low ranking mission lang ay ok na sa akin ang importante ay makaipon ng pera, di bale na pakunti-kunti basta safety. Hehe!"
Ngunit biglang natigilan si Yman sa pag-iisip dahil napansin niya na tumahimik ang lahat. Narinig din niya ang sinabi ni Headmaster Laura na may makakasamang hindi basta basta si Rea. Sa isip ni Yman ay... "Siguradong malakas ito. Dahil ipinagkatiwala ni Headmaster Laura ang kaligtasan ng pamangkin dito."
Bago sumagot ay nilingon muna ni Laura ang bawat isa. Ngunit, tumigil ang kanyang tingin sa binatilyong nasa harap. Ngumiti muna ng bahagya si Laura bago sabihing...
"Si Yman!"
Guwah!
Muntik na maibuga ni Yman ang kape na iniinom. Buti nalang at mabilis niyang natakpan ng kamay ang kanyang bibig. Hindi niya akalain na siya pala ang tinutukoy ni Laura.
Cough! Cough!
"P-pasinsya na medyo nabigla lang ako sa sinabi ni Headmaster Laura." Nahihiyang sabi ni Yman habang kinamot kamot ang pisngi.
"Ok lang Yman."
Natawa naman ang grupo ni Ron sa reaksyon ni Yman. Pati si Laura at Rea hindi mapigilang ngumiti.
Natapos ang kanilang pag-uusap ng mahigit tatlong oras. Napag-kasunduan na si Yman at si Rea ay magtutulungan para imbestigahan kung may kaugnayan ba ang nangyayaring KS sa mga magic high school sa nangyayaring KS sa adventurers guild.
Dahil may isang araw pa nang magising si Yman ay napag kasunduan na bigyan muna siya ng limang araw na pahinga. Pero ramdam ni Yman na hindi na kailangan yun. Malakas na ang katawan niya at ramdam din ni Yman na full na ulit ang kanyang mana.
Dahil nasira ang kanyang EB ay pinahiram muna siya ng RB na may magic seal. Limang oras lang itatagal ng enerhiya nito. Pero, solar rechargeable ito kaya pwede i-recharge sa umaga. May tatlong oras naman ang pagrecharge nito.
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay tinawagan ni Laura si Ms. Pai.
*****
Dahil wala parin balita kay Yman. Ngayon, napagdesisyunan ni Ms. Pai na mag'take ng leave para personal na pumunta sa Engkantasya at hanapin ang kanyang estudyante. Ilang araw na rin itong nawawala. Nakapag impake narin siya ng gamit. Ngayon ay nasa loob siya ng laboratory kung saan naroon din ang kanyang office.
"Lolla ikaw na muna ang bahala dito."
"Sige mag ingat ka Pai. Balitaan mo ako agad kung mahanap mo na si Yman." Nag-aalalang sabi ni Lolla. Kahit paano ay napalapit narin sa kanila ni Pai ang estudyanteng ito. Kaya hindi rin mapigilan na mag-alala ni Lolla.
"Okay!"
Ngumiti ng bahagya si Lolla at nagpakawala ng hangin sa bibig, bago binalik ang tingin sa malaking screen sa kanyang harapan.
Lumapit si Ms. Pai sa pinto para buksan ito. Ngunit,
Ring! Ring! Ring!
Nakatanggap siya ng tawag sa kanyang Interface.
Agad naman binuksan ni Ms. Pai ang Interface niya para sagutin ang tawag. Isang video call ang natanggap ni Ms. Pai, mula sa Headmaster ng adventurers guild? Halos hindi makapaniwala si Ms. Pai sa katauhan ng caller.
Dahil dito, ay nalaman ni Ms. Pai na ok lang si Yman. Sinabi din ni Laura na inatake ng mga ghoul ang binata, ngunit sa kabutihang palad ay nailigtas ng Black Magician. Ito ang pakiusap ni Yman kapalit ng pagtulong sa pag-imbestiga sa kaso ng KS.
Ngunit ikinagulat ni Ms. Pai ang sunod na sinabi ni Laura. Na pinagbabawalan magbiyahe ng malayo si Yman sa loob ng tatlong buwan. Kaya ini-request ni Laura na magkakaroon ng exchange estudent sa dalawang magic high school academy. Nakausap narin ni Laura ang magic high school sa capital city ng kaharian ng Engkantasya kung saan pumapasok si Rea. Dahil sa lakas ng kapit ng adventurers guild sa kaharian, ay mabilis naman ito sinang-ayunan ng taga magic high school ng capital.
Pero hindi agad nakasagot si Ms. Pai. Sinabi niya na pag-uusapan pa kung sasang-ayun sila sa gusto ng adventurer's guild. Dahil marami naman paraan para makabalik si Yman sa Human City ng hindi nabibinat ang katawan. Pero nagulat parin siya sa nalaman na malubha ang sinapit ng binata sa kamay ng mga ghoul.
Lihim na nagpasalamat si Ms. Pai kay Black Magician sa pagligtas sa kanyang estudyante.
Nakahinga naman ng maluwag si Lolla nang mabalitaan ito. Pero nag-alala parin sila sa kalagayan ni Yman. Kahit na sinabi ni Headmaster Laura na wala na sa delikadong kalagayan at nagpapagaling nalang si Yman, ay hindi parin mawawala ang pag-alala nila dito.
*****
Kinagabihan...
Kasalukuyang nakahiga si Yman sa loob ng kanyang silid sa lodging ng adventurers guild.
Hah!
Ayaw manlang ako dalawin ng antok, kahit gaanong pikit ng aking mata. Siguro dahil sa marami ang pinag-iisip ko ngayon. Kumusta na kaya sa EMRMHS? Mukhang matatagalan pa ako makabalik. Haha, nakakatawang isipin, na dapat ay magpapamiyembro lang ako sa adventurer's guild. Pero ngayon, kahit na hindi ko pa natapos ang tatlong pagsubok ay may misyon na agad ang nakaassign sa akin. Kahit ilang araw pa mula noong dumating kami dito, ay mukhang napakatagal na panahon na ang lumipas dahil sa dami ng nangyari.
Growl! Tunog ng tiyan ni Yman.
"....."
Kahit katatapos ko lang kumain ay nagugutom ulit ako. Pansin ko lang, mukhang lumalaki ang espasyo ng tiyan ko. Delikado ito, kailangan ko na agad kumita ng pera. Kung hindi ay siguradong mamumulubi talaga ako nito.
Mhm, makapunta na nga lang sa bar.
Bago lumabas ng silid ay tiningnan muna ni Yman ang sarili sa salamin.
Bakit kaya bigla akong tumangkad? Nasa 5"6 lang naman height ko nung kakarating palang namin sa mundong ito. Pero ngayon, nasa 5"8 na. Hindi ko talaga alam kung ano nangyayari sa katawan ko. Bigla din nagka muscle kunti ang buto at balat kong pangangatawan.
Naisipan ni Yman na hubarin ang kanyang damit.
Pati tiyan ko may abs narin! Kuku galing nito. Nagpagamot lang ay bigla nang tumangkad at nagka muscle ang katawan ko.
Pero sana pomogi ako ng kunti. Para may magkakagusto manlang sa akin. Hah! Kahit ako ay nangangarap din magka girlfriend!
Bilis na tinapik-tapik ni Yman ang mukha gamit ang kanyang palad. Para alisin sa isip ang mga pinag-iisip.
Growl! Pag-uulit ng tunog ng tiyan.
Punta na nga lang akong bar.
Lumabas si Yman sa kanyang silid at nagtungo sa guild bar na nasa 2nd floor. Pagpasok sa loob ay nagulat si Yman, dahil mabibilang lang sa isang kamay ang kostumer sa loob.
Mhm, kunti ng kostumer ngayon. Siguro dahil sa pagnanakaw na nagaganap sa mga loots. Nakakalungkot nga isipin na, nagpapakahirap ka ubusin ang hp ng mga halimaw pero hindi rin pala sayo mapupunta ang mga loots na inasam-asam.
Bilis na umorder si Yman ng pagkain. Dahil hindi uso ang kanin sa lugar na ito ay purong karne nalang ang kanyang inorder. Ang mga karneng ito ay mula sa iba ibang high breed na hayop. Masasarap ang mga karneng ito at mayaman sa protina. May mga halimaw din na pwede mag drop ng mga masasarap na karne, gaya ng evil bunny.
Nang makahanap ng pwesto ay bilis na sinunggaban ni Yman ang malaking piraso ng karneng inorder. Kahit malaki ang piraso ng karne na kanyang inorder, ay ilang sandali lang naubos agad ito.
Fuu~
Pagkatapos makapagpakawala ng hangin sa bibig ay tiningnan niya ang relo sa kaliwang braso ngunit, wala siyang nakitang relo. Nakasanayan na niya magsuot ng relo kaya hindi mapigilan ang ganitong pagkakamali. Pero sa kaliwang braso niya, kung saan dapat naroroon ang kanyang relo ay may isang wristband. Ito yung RB na pinahiram ni Headmaster Laura sa kanya.
Naalala ni Yman na hindi pa pala niya na check ang kanyang Interface. Naisipan niya na tingnan ito ngayon. "Interface!"
Pag-open ng interface ay kumunot ang kanyang noo.Dahil may notification na;
[Congratulation's new title aquired!]
[Equip new title?]
[Yes] [Cancel]
Nagulat si Yman nang tingnan ang details ng bagong title. May additional itong stats at mukhang ma-achieve lang ito kapag makapatay ka ng 10normal ghoul at 1 elder ghoul. Mabilis na pinindot ni Yman ang 'Yes' na choices. Bakas sa mukha ni Yman ang pagka excited dahil malaki ang stats na dagdag ng title na ito. Sunod ay mabilis niya sinilip ang kanyang status;
GHOUL SLAYER
Yman Talisman
Level 2
————
STATS
HP: 2000/2000(+500!)
MP: 600/600
Stamina: 100%/100%
Rank: D
Job: Healer
————
Atk:
60(+50!)
Matk:
51(+50!)
Def:
30(+25!)
Mdef:
26(+25!)
Eva:
15(+10!)
Acc:
15(+10!)
————
Str:
5
Int:
1
Dex:
1
Agi:
1
Vit:
1
————
Extra Points: 10
Exp: 900/1000
————
SKILLS
Magic Skill:
•Heal[Active]
•Enforce[Active]
Magic Type:
•Self Healing Magic
•Self Buff
Magic Rank:
•Mini Heal[-D]
•Enforce[D]
Talent:
•Black Energy(New!)
B-black energy?! Bumilis ang tibok ng puso ni Yman at biglang napasigaw.