Malawak ang espasyo sa loob ng Headmaster's office, nasa limampung metro kwadrado ang loob nito.
Nasa pinakagitna ng silid naroroon ang parisukat na lamesang gawa sa salamin. Napalibutan naman ito ng malalambot na sofa, habang kasalukuyang nakaharap sa isa't isa ang anim na taong nag-uusap.
Lihim na pinagmamasdan ni Laura si Yman, hindi siya makapaniwala na malakas ito. Kung hindi lang sana nakita niya ang video na ina'upload ni Rea, ay mahihirapan siyang aminin sa sarili na ang binata sa kanyang harapan ay may matinding taglay na enerhiya. At hindi lang yun, hindi pa pangkaraniwang enerhiya.
Kung tutuusin ay parang pang karaniwang binatilyo lang ito. Hindi pangit at hindi rin ka-gwapuhan. Hindi pandak at hindi rin matangkad. Nasa 5"7-5"8 ang tangkad nito. Medyo payat tingnan pero hindi naman masasabing payat talaga. Naramdaman rin ni Laura ang mahinang enerhiya na taglay ni Yman. Sa isip ni Laura ay...
Paano nangyari to? Tinatago ba niya ang tunay niyang lakas? Bakit mahina ang enerhiyang naramdaman ko sa kanya? At bakit napaka kalmado ng binatilyong ito? Ito ay mga katanungan sa isip ng Headmaster na si Laura
Humigop muna si Laura ng mainit na white coffe. Naramdaman niya ang saktong tamis nito. Lihim siya napangiti dahil mukhang alam na alam ng pamangkin ang timpla na gusto niya. Matapos maibaba ang tasa, umubo siya ng mahina para makaagaw ng atensyon.
Ibinaling naman ng iba ang kanilang atensyon kay Headmaster Laura.
Tumingin siya sa mata ni Yman. At sinabi na...
"Yman nabalitaan ko na gusto mo sumali sa adventurers guild."
"Oo Headmaster Laura totoo po yun." Diretso naman ang sagot ni Yman at walang paligoy ligoy.
"Kung ganun ay walang problema dahil balak ko talaga na personal ka imbitahan na sumali sa guild." Maligayang sabi ni Laura. Ngumiti naman si Yman sa narinig.
Itinaas muna ni Yman ng dahan dahan ang tasang may white coffee patungo sa kanyang labi. Pumasok sa kanyang ilong ang mabangong aroma nito. Dahan dahan niyang sinipsip dahil mainit init pa. Medyo matamis ang pagkatimpla nito at sakto lang sa kanyang panlasa. Mukhang binabase ni Rea sa edad ng iinom ang pagtitimpla nito. Pagkababa ng tasa sa dati nitong kinalagyan ay ngumiti ng bahagya si Yman kay Rea.
Nasiyahan naman si Rea sa reaksyon ni Yman.
"Kung ganun maraming salamat Headmaster Laura." Sabi ni Yman kay Laura habang iniyuko ng bahagya ang ulo.
Hindi madali sumali sa adventurers guild. Dahil marami pang papeles at mga processing na pagdaanan. Hindi maliit ang organisasyong ito na basta basta ka lang makakapasok kung wala kang sapat na backer.
"Ako nang bahala para sa mga papeles at sa iba pang requirements na kailangan mong lakarin. Tanging gagawin mo lang ay tapusin ang tatlong pagsubok. Pasinsya na kung kailangan mo pa pagdaanan ito pero sinisigurado ko na kakayanin mo ang mga pagsubok na ito."
Tumango si Yman at ngumiti.
"Wala po'ng problema Headmaster Laura. Gagawin ko po ang tatlong pagsubok at maraming salamat sa tulong para sa mga papeles at sa ibang requirements." Alam ni Yman na hindi madaling makakuha ng mga papeles. Lalo na ang mga clearance mula sa mga noble na namamahala ng lugar na ito. Kung hindi ka kilala at walang backer ay matatagalan pa para makakuha ng papeles na kailangan para makasali sa guild.
Lihim na nasiyahan si Yman dahil ang kailangan lang niya gawin ay tapusin ang tatlong pagsubok.
"Balak ko talaga na ipasok ka sa Platinum rank. Pero naisip ko rin na baka lalong magkagulo ang guild pag nalaman ito ng iba. Lalo na yung mga naghahabol na umangat ang kanilang ranggo." Nanghihinayang na pagkasabi ni Laura.
Biglang lumitaw sa isip ni Yman ang mukha ng lalaki kanina sa baba na nagngangalang SilverGale.
Pero nabigla parin si Yman sa sinabi ni Laura. Sa isip niya ay, tama lang na hindi itinuloy ni Headmaster Laura na gawin siyang Platinum rank dahil napaka unfair naman para sa iba. Lalo na sa kanila ni Ron na matagal nang miyembro ng guild ngunit hanggang ngayon ay nasa gold rank parin. Atsaka gusto rin ni Yman mag-umpisa sa baba. Lalo na at siguradong mas mahirap ang mga misyon ng high ranking adventurers. Baka hindi niya kayanin ang misyong ito.
Para naman sa iba na nakikinig sa pinag-usapan nila ay...
Dapat lang talaga gawing platinum rank si Yman. Sayang lang at medyo magulo ang guild ngayon. Ito ang mga laman ng isip ng grupo ni Ron.
"Ok lang Headmaster Laura at gusto ko rin naman mag-umpisa sa baba lalo na't wala pa akong grupo." Sabi ni Yman.
Pagkatapos mapagkasunduan ang pagsali ni Yman, ay tumingin si Laura sa lahat. Bumuntong hininga siya at nagpatuloy.
"Napansin niyo ba ang kakaibang kinikilos ng mga miyembro ng guild sa ibaba?" Direktang tanong ni Laura.
Tumango naman ang lahat. Pati si Yman tumango rin.
Mukhang ito ang importanteng gusto sabihin ni Headmaster Laura para sa lahat. Sambit sa isip ni Yman.
"Narinig niyo na ba ang tungkol sa Kill Steal or KS?" Biglang pagpapatuloy na tanong ni Laura para sa lahat.
"Kill Steal?" Tanong ni Yman.
"KS?" Napatanong din si Rea.
"Ibig mo bang sabihin ang pagnanakaw ng huling atake sa mga monsters or boss?" Kunot noong sabi ni Ron.
"Tama ang sinabi mo Ron."
"Pero ano ang kaugnayan nito sa kakaibang aura sa baba?" Tanong ni Jesa.
"Dahil ang mga ninanakawan at nagnakaw ay parehong miyembro ng guild." Pagpapaliwanag ni Laura.
Wha-t?!
Halos hindi makapaniwala ang lahat. Paano nagawang pagnakawan ng kasapi ng guild ang parehong kasapi ng guild?
"Headmaster Laura gaano kasigurado ang impormasyong ito?" Biglang tanong ni Ron.
Bakas naman sa hitsura nila Jesa, Alexes at Rea ang pagkagulat. Si Yman naman ay tahimik na nakikinig sa sinasabi ni Laura.
Kaya pala hindi maganda ang mood sa baba noong pagpasok nila, dahil siguro may nagkainitan. Pero sino ang nagnakaw at ninakawan?
"Masasabi kong 50-50% ang pagkasigurado ng impormasyong ito."
"Kung ganun hindi pa sigurado kung totoo?"
"Oo, dahil nakabalot ng tela ang mga kawatan nila. Kaya hindi malaman ang pagkakakilanlan ng mga ito."
Naisip ni Yman na baka yung mga tao kanina sa baba. May dalawang tao na nakabalot ng itim na tela ang buong katawan. Pero isinantabi ito sa likod ng isipan ni Yman dahil sa sunod na sinabi ni Laura.
"Nakasuot sila ng ternong dark blue na tela mula ulo hangang paa. At may malaking bungo ng tao na marka sa kanilang mga likod."
"Eh? Kung ganon paano nai-report dito na taga guild din ang nagnakaw ng mga kill Headmaster Laura?" Tanong ni Jesa.
"Dahil ang huling nai-report na ninakawan ay nilabanan ang mga magnanakaw at nakita nila ang insignia ng adventurers guild mula sa isa sa mga magnanakaw na nakabalot ng tela."
Lihim na pinagtagpu ni Ron ng malakas ang kanyang mga ngipin habang pinatigas ang mga panga. Sa isip niya ay hindi maganda to. Paano nalang kung magkakaroon ng pagdududa sa bawat isa. Siguradong masisira ang guild.
"May kinalaman ba ang mga taga Seekers guild dito?" Nababahalang katanungan ni Ron.
"Marahil!... pero hindi pa tayo sigurado." Malabo namang sagot ni Laura. "At yun din ang dahilan kung bakit kayo narito ngayon." Pagpapatuloy ni Laura.
"Anong ibig mong sabihin Headmaster Laura?" Tanong ni Alexes.
"Dahil hindi pa matukoy kung sino sino ang mga nagpasimuno ng kaguluhang ito. Kaya nais ko sanang imbestigahan n'yo ang isyung ito. Gusto kong alamin n'yo kung sino sino ang mga taong nakasuot ng tela. Alam ko hindi madali tukuyin ang pagkakilanlan nila, pero wala na akong ibang mapagkatiwalaan pa. Lalo na at hindi pa namin alam kung sino ang espiya mula sa Seekers guild. Napagkasunduan narin ito ng mga nasa itaas." Mahabang pagpapaliwanag ni Laura.
Hindi agad nakasagot si Ron dahil hindi basta basta ang misyong ito. Isa pa kulang sila ng isa. At nasa level5 palang ang ibang kasama. Paano nalang kung hindi maiwasan na magkaroon ng labanan at malamang mataas pala level ng mga taong yun? Tanging si Ron lang ang level8 sa grupo niya.
Ngumiti naman si Laura nang mabasa niya sa mukha ni Ron ang pinag-iisip nito.
"Huwag kang mag-alala sa tao mo dahil may makakasama kayong malalakas na backup." Biglang sabi ni Laura.
"Huh?" Biglang napatanong si Ron sa sinabi ni Laura. Pati narin ang ibang kasama na nakikinig lang. Bigla ay...
"Pasok!" Medyo malakas na boses na sabi ni Laura.
Nagsitinginan naman sa bandang pinto ang lahat pati si Yman. Dalawang nilalang na nakabalot ng itim na tela mula ulo hanggang paa ang dahan dahan na pumasok. Medyo nanlaki ang mata ni Yman sa nakita. Dahil ito yung mga tao kanina sa ibaba na naglabas din ng killing intent. At damang dama ni Yman ang lakas ng mga enerhiya nito ngayong nasa malapitan na.
"Sila ang personal guard ko at sila rin ang makakasama n'yo sa misyon." Sabi ni Laura kay Ron.
Sininyasan ni Laura ang dalawa na magpakilala. Tinanggal nila ang mga takip ng mukha. At bumulagta ang nag-gagandahang mukha ng mga babae. Kulay tsokolate ang balat nila at may mahahabang tenga gaya ng engkantado o engkantada. Medyo matangkad ang isa na may mahabang kulay itim na buhok. Mukhang mas matangkad pa ito kay Ron. Ang isa naman ay ganun din may kulay tsokolate na balat. At nasa 4"9 ang tangkad. Pero makikita sa kanyang mata ang pagiging palaban.
Ang matangkad ay may palayaw na Nine. Si Nine ay bihasa sa paggamit ng shield at attack type skill.
Ang isa naman ay may palayaw na Seven. Si Seven naman ay eksperto sa healing at magic attack. Mukhang bawal ipagkalat ang totoong pagkatao ng mga ito.
Matapos magpakilala ay tumayo ang dalawa sa likuran ni Laura.