Chereads / Self Healing Magic / Chapter 25 - Engkantasya

Chapter 25 - Engkantasya

Tuluyan na ngang nagising si Yman. I-kinuwento nila Ron, Jesa at Rea ang buong pangyayari matapos mawalan siya ng malay.

Nalaman ni Yman ang hindi kapani-paniwalang nangyari sa kanya. Mukhang patuloy parin lumalaban ang kanyang katawan nung siya'y mawalan ng malay. Hindi lang yun, naglabas daw siya ng itim na enerhiya? Naguguluhan si Yman sa nalaman. Kahit ayaw niya maniwala ay wala rin siyang magagawa. Lalo ng makita ang video ng kanyang laban na ipinakita sa kanya ni Rea.

-Mukhang totoo nga ang sinabi nila. Hindi lang yun, niligtas pa nila ako sa panganib. Kung hindi dahil sa kanila, ay baka nagwakas na ang buhay ko sa lugar na iyon. At mukhang dinala nila ako sa lugar kung saan dapat ako papunta. Pero ilang araw na kaya mula noong mawalan ako ng malay? Paano kung malaman nila na hindi pala ako malakas? Kailangan ko muna malaman ang dahilan ng paglabas ng itim na enerhiya sa aking katawan bago ko sabihin ang totoo sa kanila. Teka! Kung natalo ko ang mga ghoul na iyon siguro may natangap akong mga exp? Anong level na kaya ako?.. Kunot noong mga katanungan sa isip ni Yman matapos malaman ang totoo. Sayang lang at nasira pala ang EB ko.-

Dahil kagigising lang niya ay napag pasyahan ng doktor na magpahinga muna si Yman ng isa pang araw sa pagamutan. Lalo na at wala pang apat na araw nang siya'y nagising. Pero feeling ni Yman ay malakas na siya. Na para bang hindi siya nagkaroon ng karamdaman. Feeling nga niya mas malakas pa siya kaysa noong papunta palang siya dito. Pati mga senses niya tumalas din ng kunti.

"Tawagin n'yo nalang akong Yman. Uhm Yman Talisman buo kong pangalan at freshman ako ng EMRMHS sa Human City." Naisipan ni Yman na magpakilala dahil nakakailang na tawaging black magician.

"Uhm, tawagin mo nalang din akong Jesa, siya si Ron at siya naman si Merea Ella. May isa pa kaming kasama si Alexes pero may importante siyang nilakad ngayon." Pagpapakilala rin ni Jesa sa sarili at sa mga kasama.

"Ron nalang din itawag mo sakin." Sabi ni Ron habang itinuro ang sarili gamit ang hinlalaki.

"F-freshman din ako ng magic high school dito sa Engkantasya." Mahinang sabi naman ni Rea. Habang nakatingin sa ibang direksyon.

Ngumiti sa kanila si Yman bago sabihing.. "Nice to meet you Jesa, Ron at Ms. Ella."

"N-nice to meet you too Yman." Nakangiting tugon naman ng tatlo kay Yman.

"Uhm marami palang salamat sa grupo n'yo lalo kana Ms. Ella. Kung hindi dahil sa inyo baka nagwakas na ang buhay ko sa lugar na yun at baka hindi rin ako nakaabot dito kung hindi dahil sa healing skill ni Ms. Ella." Pagkatapos sabihin ito ni Yman ay tumingin siya sa tatlo habang bakas sa kanyang mukha ang taos pusong pasasalamat.

"R-Rea nalang itawag mo sakin." Biglang sabi ni Rea habang halata sa mukha at kilos na parang nahihiya ng kunti. "O-ok Rea." Sabi naman ni Yman habang kinamot ng hintuturo ang namumulang pisngi.

Pagkatapos makapag salamat ni Yman. Sinabi niya sa grupo nila Ron ang dahilan kung bakit nandun siya sa lugar na iyon. Pero nilihim niya muna ang tungkol sa itim na enerhiya, dahil hindi rin niya alam ang tungkol dito.

"Kung ganun balak mo pala sumali sa adventurers guild?!" Excited na tanong ni Ron.

"Oo." Medyo naiilang na tumango si Yman.

"Sakto! dahil gusto ka makausap ng headmaster."

"Talaga? Bakit daw?" Medyo nagulat si Yman sa sinabi ni Ron sa kanya.

"Hindi ko rin alam kung bakit pero malalaman mo rin kapag nakapag-usap na kayo."

"Sige." Tumango si Yman sa sinabi ni Ron. Sa isip niya ay... -Mas mabuti na nais pala ako kausapin ng headmaster mismo. Siguradong magiging mas madali ang pagsali ko sa adventurers guild.-

Kinabukasan bago makalabas si Yman sa pagamutan ay dumalaw ulit ang grupo ni Ron sa kanya. Kasama na nila si Alexes. Agad naman sila pinakilala ni Jesa at nagpasalamat ulit si Yman sa pangalawang pagkakataon. Dinalhan din siya nila ng damit na masusuot dahil gutay-gutay na yung dati niyang sinuot mula sa mga kuko ng ghoul. Kahit may extra siyang mga damit sa Cyber Storage, ay hindi naman niya ma'access ito dahil nasira ang EB niya. Si Ron din ang nagbayad ng mga bill ni Yman sa pagamutan. Lalo tuloy nahihiya siya dahil sa abalang naidulot.

-Kung ilalarawan sila batay sa kanilang anyo at pakikitungo sa akin ang masasabi ko, ay una si Ron para siyang nakakatandang kapated na lalaki. Nasa 5"9 ang tangkad nito at may magandang hubog ng katawan. May short spiky hairstyle ito na kulay pula na buhok. Gaya ko isa rin siyang tao.

Si Jesa naman ay parang nakakatandang kapated na babae. Nasa 5"5 ang tangkad at sexy na katawan. Nakaponytail ang kulay dark blue na mahabang buhok nito. Gaya ni Ron isa rin siyang tao.

Si Alexes ay parang kabarkada. Nasa 5"7 ang tangkad. May kulay abo na medyo mahabang buhok ito. May matulis na mahabang mga tenga. Isa siyang engkantado.

At si Rea naman ay parang bunsong kapated na babae. Medyo mahiyaan pero masaya kausap. Magkasingtangkad lang sila ni Jesa. Meron siyang milky white hair na shoulder lenght na buhok. Para siyang diwata sa ganda at napacute niya, at isa siyang engkantada.

Swerty lang talaga ako at sila ang nakakita sa akin. Dahil kung masasamang tao pa ang nakakita ay sigurado hinayaan lang ako na magwakas dun at hindi lang yun sabay nakaw sa sirang EB na nasa likod ng aking leeg. Hindi pa naman basta basta ang presyo nito. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa sampung milyon ang brand new nito.-

Habang sinasabi ito sa isip ni Yman ay lihim siya napabuntong hininga. Naisip din niya na sana ay masuklian niya ang kabaitan ng mga taong ito.

Paglabas ng pagamutan ay namangha si Yman sa lugar. Ibang iba ang vibes nito kaysa sa Human City. Mafe'feel mo talaga ang pagiging kaharian nito. Ang mga gusali ay parang medieval period ng Europe. Sa taas ay maraming nagliliparan na iba ibang hayop na may sakay na iba ibang uri ng tao. Na lumilipad sa iba ibang direksyon. Sa ibaba naman, ay makikita ang iba ibang klase ng nilalang. Nakasuot din sila ng iba ibang kasuotan. Gaya ng isang lalaking naglakad sa gilid ng daan. Sa kanyang ulo ay may dalawang tenga ng kuneho. Kulay puti ang buhok at medyo bilog na mga mata. Nakasuot siya ng leather armor sa katawan. Ang lalaking ito ay mula sa tribu ng mga taong kuneho. May kakaibang kakayanan ang mga taong ito. Kaya nilang makaramdam ng panganib.

Katabi naman niya at kausap ay isang babae na may tenga ng lobo. May kulay brown na maiksing buhok. Sa kanyang kamay ay may dalawang gauntlet. Kung hindi man ito nobya ng taong kuneho, ay sigurado ka party niya ito. Ang babae ay mula sa tribu ng mga taong lobo. May kakaibang lakas ang mga taong ito. Lalo na pag nagagalit sila. Gaya ng taong kuneho nakasuot din ito ng leather armor .

Lalo pang namangha si Yman nang mapadaan sa pamilihang bayan ng kaharian. Hili-hilira ang mga nagtitinda sa daan ng iba't ibang klase ng kagamitan. Gaya ng potions na iba ibang kulay. Armour na iba ibang laki at uri. May iba ibang klase ng sandata rin at mga accessories. Halos lahat ng uri ng tao ay present din sa lugar na ito. May mga iba ibang kasuotan ang bawat isa habang may samot saring sandata sa kanilang likod gilid ng beywang at sa kamay.

Habang ang mga tindiro at tindira ay malakas na nagsisigaw para makahakot ng kostumer.

May mga naka full-plate armour din na mga sundalo ng kaharian ang dumadaan paminsan-minsan. Mukhang nag rurrunda sa paligid ang mga ito. Para maiwasan ang mga anumang klaseng anomalya. Pero sa tingin ni Yman ay imposible na mabantayan lahat nila ito. Gaya ng isang bata na nakita ni Yman sa gilid ng kanyang mata. Palihim nitong kinukupitan ang matanda na matabang babae na may suot na samot saring malalaking alahas sa katawan. Wala manlang itong kamalay malay habang nakikipag bulyawan sa isang tindero.

Ngumiti lang ng hilaw si Yman nang masaksihan ito. Kahit ayaw na ayaw niya gumawa ng masama ay ayaw niya rin magpaka-hero. At kailangan niya makibagay sa mundong ginagalawan.

Lihim din na nagpapasalamat si Yman dahil sa pag level niya ay tumatalas ang kanyang pandama at mabilis niyang nararamdaman ang mga ganitong gawain. Pero dahil nasira ang kanyang EB ay hindi siya makagamit ng magic. *Hah!* nagpakawala nalang siya ng buntong hininga. Itinaas niya ang magkabilang balikat habang nagpatuloy sa paglakad papuntang adventurers guild hall.

Mahigit isang oras din naglakad sila Yman bago marating ang guild hall.

Pagpasok ng lima sa loob ay binati sila ng kakaibang aura.

Tila ang lugar ay nababalot sa matinding katahimikan na para bang may namatayan. Nagulat si Yman hindi niya inakala na ganito pala ang adventurers guild main branch sobrang tahimik. Mas maingay pa yung branch na nasa Human City. Sobrang taliwas ito ng aura sa labas. Napansin ni Yman na pati sila Ron ay nagulat din. Kumunot ang mga noo ng apat. "Mukhang lumalala ang sitwasyon." Nagulat si Yman sa biglang sambit ni Ron. Naisip din ni Yman na mukhang may nangyari na di maganda. Kung tutuusin marami namang tao sa loob pero bakit ang tahimik.

Ilang sandali nakadama ng hindi maganda si Yman. Naramdaman niya ang mga killing intent sa paligid.