Pagkatapos makaupo ni Maena ay sinimulan agad ni Ms. Pai ang klase pero bago ang lahat, ay may mahalaga siyang inaanunsyo.
"Napagkasunduan sa komite ng paaralan na ang bawat isa sa inyo ay itatalaga sa iba ibang instructor para tulungan at gabayan kayo na mas lalo pang palakasin at sanayin ang inyong taglay na mahika. Ang pagtatalaga ay nakabatay sa uri ng mahika na mayroon kayo. Halimbawa si Julie Brown na isang tank, ang magiging instructor niya ay si Mr. Wildbeast na isang expertong tank type magician. Nakabatay din ito sa inyong laban noong mock battle sa section 1D." Pagkatapos sabihin ito ay lumunok muna si Ms. Pai ng laway sa lalamunan.
Bigla naman nagbubulungan ang mga estudyante.
Wow magkakaroon tayo ng mga instructor!
Yes sana lalakas ako!
Sana babae ang instructor ko!
Sana gwapong lalaki ang instructor ko!
Sana mabait ang instructor ko.
Hah! Sana matuto ako ng bagong skill para makapaghiganti sa mga kumag na taga YSIM na yun. Lihim naman itong binulong sa isip ni Bob at Raymond. Pareho silang dalawa na gusto makaganti sa mga mang-aagaw na mga taong yun.
Si Maen ay tahimik lang na nakasilip sa labas. Nakaupo siya sa pinaka-likod katabi ng salamin na bintana. Pero napukaw ang kanyang atensyon sa sunod na sinabi ni Ms. Pai.
"Sa ikatlong buwan naman, ay uumpisahan na ang paligsahan sa EMRMHS ang School Magic Competition or SMC. Kung sino ang mananalo ay may matatanggap na magandang pabuya at pribilehiyo. Kaya lang, maaring malagay sa panganib ang inyong mga buhay kung hindi kayo mag-iingat. Kung balak n'yo sumali ay dapat bago mag-umpisa ang paligsahan nasa level 5 pataas na ang karamihan sa inyo. Sikapin n'yo rin matuto ng pakikipaglaban mula sa mga instructors ninyo." Dagdag ni Ms. Pai.
Paligsahan?
Ito ba yung sinasabi ng mga taga section 1D?
So totoo ngang may paligsahan!
Atsaka sabi ni Ms. Pai may magandang pabuya at pribilehiyo.
Hindi kaya delikado sumali diyan?
Pwede naman siguro tayo mag give up kung hindi makaya ang kalaban.
Sigurado sasali lahat ng mga special students at ang mga guild members nila.
Bakit kayo matatakot? Sabi nga ni Ms. Pai sa ikatlong buwan pa. May chance pa tayo lumakas tsaka may mga instructor naman na magtuturo sa atin. Malay niyo mas lalakas pa tayo! Taas noong sabi ni Raymond sa mga kaklase.
Oo nga! Kahit hindi tayo mag-champion malay n'yo magiging runner up pa tayo! Pagsang-ayon naman ni Steph.
Tama!!! Sumigaw naman ang ibang kaklase.
Kanya kanyang usapan ng mga estudyante. Nakita rin ni Ms. Pai ang iba ibang reaksyon na rumehistro sa mga pagmumukha ng mga ito.
"Uhm! Ms. Pai anong rules ng laban?" Biglang tanong ng kanina pang tahimik na si Maen. Ikinagulat naman ito ng mga kaklase. Hindi nila akalain na balak din sumali ni Maen sa paligsahan. Pati si Ms. Pai ay nagulat din. Kitang kita sa mga mata ni Maen ang pagka excited. Hindi pa alam ni Ms. Pai kung gaano kalakas ang taglay nitong mahika. Dahil hindi pa niya nakita ang resulta ng evaluation ni Maen.
Ngumiti muna si Ms. Pai kay Maen bago sinabing "Malalaman n'yo lang ang rules sa araw ng paligsahan. Pero kailangan ang sasali ay may lima hanggang sampung miyembro sa kanilang team."
Ohhh! Mabuti group battle pala ang labanan! Sigaw ni Bob.
Pati si Julie ay napangiti sa nalaman. "Magiging masaya to." Sabi ni Julie habang naka kurba pataas ang mga makapal na labi.
Pati yung ibang magkagrupo ay nagyakapan. Kahit anong mangyari sasali sila sa laban, ang kasalukuyang laman ng kanilang isipan.
"Para sa mga nagbabalak sumali dapat sa susunod na buwan ay may grupo na kayo. Dahil magkakaroon ng training camp isang buwan bago magsimula ang paligsahan."
Wow! May training camp din.
Yay! Sasali tayo guys!
Pagkatapos ng anunsyo ni Ms. Pai ay sinimulan na niya ang klase. Tungkol sa kaibahan ng EB at RB ang topic na tinalakay nila. Nagulat naman ang mga estudyante kay Maen dahil nasagot nito lahat ang mga tanong ni Ms. Pai.
Sa break time naman ay pinagkaguluhan ng mga estudyane si Maen. Pinalibutan siya ng mga ito habang tinatanong ng kung ano-ano.
"Ms. Maen!" Tinawag ni Chloe si Maen. "Uhm, Call me Maen nalang Chloe." Sabi ni Maen sabay ngiti. "Eh, M-Maen." Medyo nahihiyang pag uulit ni Chloe. "Yes?" Sagot na tanong naman ni Maen. "Uhm, ma-may g-grupo kana ba?" Nagtinginan naman ang mga estudyante sa paligid. Gusto rin nila malaman kung may balak na salihang grupo si Maen. Pati si Jin na nasa hindi kalayuan ay napafocus ang tenga. "Uhm wala pa" Nasiyahan ang mga estudyante sa paligid ng marinig na wala pang grupo si Maen. "But..." Dagdag ni Maen habang nilagay sa ibaba ng mgandang labi ang hintuturo.
"Eh? B-but?.."
"I'm waiting for Yman." Halos malaglag ang mga mata at mapasukan ng langaw ang mga bibig ng mga estudyante sa narinig.
!!!Si Yman na naman?!!!
!!!Ano ba ang meron sa Yman na yun at hinahanap ng mga Dyosa!!!
"Tsk!" Pinitik ni Jin ang kanyang dila. Bago tumayo at lumabas ng classroom.
Hindi makapaniwala sa kanilang mga isip. Pero iba ang reaksyon ni Chloe at Bob. Dahil sa kanilang mga mata ay tila kumikinang na bituin.
"Kung ganun M-Maen sumali ka sa amin!" Pabiglang nasabi ng cute na boses ni Chloe. Nagulat naman si Maen dahil parang excited si Chloe habang sinasabi ito. "Eh? W-Why Chloe?" Natanong nalang ni Maen. "Dahil ka grupo namin si Yman my friend!" Bigla naman sumabat si Bob habang abot hanggang labas ang laki ng boses nito.
"Really?" Tanong ni Maen. "Yes!!" Sabay sumagot ang dalawa habang mabilis na itinaas at baba ang kanilang mga ulo.
Dahil dito napagdesisyunan ni Maen na sumali sa grupo nila Bob at Chloe. Masaya naman ang dalawa pa nilang kasama na si Nelson at Radis sa pagsali ni Maen sa grupo nila. Napagkasunduan nila na maghunt ng monster sa labas ng Human City after ng klase.
Sa parehong oras naman sa sikat na pagamutan ng Engkantasya..
Isang babae ang nakatulog habang nakapatong ang siko sa mesa at ang ulo ay nakapatong naman sa kanyang mga braso. Ang mesa na ito ay nasa gilid ng paanan ng kama na hinigaan ng walang malay na si Yman. Ilang saglit ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang isang babae at lalaki.
"Hm, mukhang nakatulog si Rea." Sabi ni Jesa.
Ngumiti naman ang lalaking kausap niya. "Ilang araw narin kasi siyang kulang sa tulog. At mukhang patuloy parin ang paggamit niya ng Focus Heal para mapabilis ang paggaling ng binatilyo." Paliwanag ni Ron. Tumango naman si Jesa sa sinabi ni Ron. Nilapitan ni Jesa si Rea ng dahan dahan para gisingin.
"Rea! Rea!...." Tinapik tapik niya ang balikat ng dalaga.
Unti unti namang bumuka ang mga mata ni Rea. "Ha? Je-Jesa? Ron?" Medyo nagulat si Rea ng magising siya hindi niya inakalang makatulog ulit habang nakaupo. Mabilis niyang pinahid ang natutuyong laway sa gilid ng bibig, pinahid narin pati ang mga gilid ng mata para walang sabit. Namumula pa ang kanyang pisngi dahil medyo nahihiya siya na baka nakita nila na tumutulo ang laway niya.
"Umuwi ka muna Rea kami na muna papalit sayo magbantay sa pasyente para makatulog ka ng maayos." Sabi ni Jesa kay Rea habang may halong pag-aalala para sa kaibigan. Tumayo naman si Rea nang marinig ang sinabi ni Jesa.
"Si-sige, salamat Jesa, Ron." Pagkatapos magpasalamat ay humakbang na sana palabas pero natigil siya at sumulyap muna sa binatilyo. Nakita niyang parang wala pa itong sign magising kaya tatalikod na sana ngunit pagtalikod niya, ay nasulyapan sa gilid ng kanyang bagong gising na mata na gumalaw ulit ang kamay ng pasyente. Bilis na binalik ni Rea ang tingin dito at lumapit sa higaan. Nagtinginan naman si Ron at Jesa. Ilang sandali ay gumalaw din ang mata nito. Tumingin si Rea sa dalawang kasama at nakatingin din ang mga ito sa kanya.
Narinig ni Yman na tila may mga nagsasalita ng mahinang boses sa paligid niya. Wala siyang ideya kung anong nangyari. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata. Ngunit pagdilat niya ay malabo ang kanyang nakikita kaya pinikit niya at ibinuka ulit. Inulit ulit niya ito hanggang luminaw na ang kanyang paningin. Lumingon siya sa paligid ngunit bigla siyang nahinto sa paglingon dahil sa bandang kanan niya ay may mga tao na hindi niya nakikilala. Hindi niya rin matandaan kung paano napunta sa silid na ito. Bigla ay nagbalik sa kanyang kaisipan ang mga nangyari bago siya mawalan ng malay.
Tumingin siya sa magandang babae na nasa mas malapit at nakadungaw sa kanya. Isang napaka-cute na babaeng may maamong mga mata. Matangos na ilong at magandang labi, at mahaba na matulis na mga tenga. Para itong diwata sa mga story book na nabasa ni Yman dati nung siya'y bata pa lamang. Ang mga kamay nito ay nasa dibdib. Makikita sa kanyang maamong mukha ang pagkatuwa at may halo na kunting pag-alala. Sa isip ni Yman ay anghel naba ito?
"Pa-patay na ba ako?" Biglang nabulong ni Yman. Dahil huli niyang natandaan ay nung tumilapon siya dahil sa malakas na Shoulder Tackle ng halimaw. Pagkatapos nun ay nagpapaunahan ang mga ito sa kanya para kainin.
"!Eh?!!"
Nagulat ang tatlo sa unang sinabi ni Yman pagkagising nito. "O-okey ka lang ba Mr. Black Magician?" Mahinang tanong ni Rea.
"B-black? Magician?" Hindi alam ni Yman sinong black magician ang sinasabi ng diwata.