Chereads / Self Healing Magic / Chapter 23 - Transfer Student

Chapter 23 - Transfer Student

Napansin ni Jesa na gumalaw ang kanang kamay ng binatilyong walang malay. Akala niya ay magigising na ito. Nagtinginan naman ang dalawang babae. Pero ilang sandali ay hindi parin ito nagising. Kumunot nalang ang mga noo nila.

"Sabagay sabi nga ng doktor ay apat o limang araw pa bago magising ang pasyente." Nakangiting sabi ni Jesa. Tumango naman si Rea sa sinabi ng kaibigan.

Sa EMRMHS naman...

Kinaumagahan ay maagang nagising si Maen. Dahil ngayon ang unang araw ng pag-transfer niya sa paaralang ito. Suot niya ay black and white long sleeve jacket pang babae. Sa kaliwang dibdib naman ay ang logo ng EMRMHS na umaapoy na mundong may pakpak. Pinaresan ng above knee na maiksing palda na kulay puti at itim. Sa kanyang mga mapuputing binti ay may below knee na medyas at kulay itim na sapatos pambabae sa mga paa.

Kasalukuyang nag-lalakad si Maen sa stone slab pavements na daan papasok sa building na may limang palapag ang school building ng mga freshmen. Agad naman siyang pinagtitinginan ng mga estudyanteng naka salubong at dinaanan. Halos nagpupuso ang mga mata nila nang makita si Maen.

Sino kaya siya?

Grabe ang ganda niya.

Isa ba siyang special students?

Sino kayang mas maganda sa kanila ni Princess?

Nakasuot siya ng uniporme natin so mag-aaral din siya dito.

Ngayon ko lang siya nakita.

Ako rin.

Kanya-kanyang bulong ng mga estudyante sa kanilang mga katabi.

"Tanungin mo ang pangalan bilis." Sabi ng isang estudyanteng lalaki sa kanyang kaibigan. "Nahihiya ako bro kaw nalang." Sagot naman ng isa.

Napadaan din ang grupo nila Bob kasama niya si Chloe at Steph pati narin ang magkapated na Sahya at Tomas. Halata ang pagka matamlay sa kanilang mga mukha. Dahil sa nangyari kahapon na inagawan sila ng loots ng taga YSIM guild.

Napansin ni Chloe na may maraming estudyante na nasa limampung metro sa kanilang kaliwa. At malakas na nagbubulungan ang mga ito na parang mga bubuyog.

"U-Uhm bakit kaya maraming estudyante nagtipon tipon sa bandang yun?" Mahinang tanong sabay turo ni Chloe sa kinaroroonan ng mga estudyante na tila ay may pinagkakaguluhan. "May gulo ba?" Tanong naman ni Bob habang nakakunot ang noo. Pero walang sumagot sakanya dahil pati ang mga kasama niya ay walang ideya kung bakit tila maraming estudyante sa bandang kaliwa nila.

"Tara silipin natin." Biglang sabi ni Steph. "Sige!" Tumango naman sa kanya ang iba. Paglapit nila ay nagulat si Bob.

"I-isang Dyosaa!!!" Malakas na napasigaw si Bob habang sabay na nag pupuso ang mga mata. Dahil matangkad si Bob na nasa 5"11 at malaki ang katawan ay mabilis niya nakita ang dahilan ng pinagkakaguluhan. Isang napaka gandang dilag na may blonde na buhok.

Biglang ikinagulat ng mga kasama ang inasal ni Bob lalo na nang sumigaw ito. Bilis na sumilip ang iba pa para makita ang sinabing dyosa ni Bob. At nang masilayan nila ito pati mga babae ay hindi mapigilan na uminit ang pisngi.

"Wow ganda niya." Hindi sinadyang nasabi ni Chloe. Tumango naman ang iba sa sinabi niya.

Dahil sa lakas ng sigaw ni Bob ay umagaw ito ng pansin ni Maen. Dahan-dahan ay lumapit siya sa kinaroroonan ng malaking tao na sumigaw. Bigla naman namumula ang pisngi ni Bob. Pati narin ang mga kasama. Tumigil si Maen sa harap nila Bob at Chloe. Tumingin siya kay Chloe habang nakangiti.

"Hi, pwede magtanong kung saan makikita ang Principal's office." Nakangiting pakiusap ni Maen kay Chloe.

Nagulat si Chloe dahil pangalawang beses na ito na nilapitan sila ni Bob ng mga Dyosa. Hindi naman sa mahiyaing babae si Chloe at hindi rin siya pangit. Katunayan cute rin naman siya. Short hair na kulay asul na buhok na bumagay naman sa kanyang mukha. Magandang mga mata at matangos na ilong atsaka maputing balat.

"Ye-Yes! Uhm- Ku-kung ok lang sayo sa-samahan kana-lang namin." Nahihiyang sabi ni Chloe at may halong kunting kaba rin sabay turo sa mga kasamahan sa kanyang likod at tabi. Tumango naman si Maen sa sinabi ni Chloe at pagkatapos magpakilala ay humakbang na sila papunta sa office ng principal. Habang naglalakad sila papuntang office ay pinagtitinginan sila ng mga estudyante. Malakas makaagaw pansin ang kagandahan ni Maena.

Pagkatapos makapagpasalamat sa grupo nila Chloe ay kumatok si Maen sa pinto ng office ni Mr. Mar Mari.

Tok! Tok! Tok!

Come in!

Pagpasok sa silid ng office nakita ni Maen si Mr. Mar Mari na nakaupo sa harap ng mesa at si Vir Fortis na nakaupo sa malambot na upuan sa kaliwang bahagi sa harapan ni Mr. Mar Mari.

"Good morning Principal Mar at Vice Principal Vir." Nakangiting pagbati ni Maen habang yumuko ng bahagya.

Ngumiti rin si Mr. Mar at Vir ng makita si Maen. Matapos gumanti ng pagbati sa dilag ay pinaupo si Maen sa upuan kaharap ni Vir Fortis. Isang mesa na gawa sa salamin naman ang nasa gitna ni Maen at Vir Fortis.

"Ms. Prana welcome sa underworld." Biglang sabi ni Mr. Vir kay Maen.

"Thank you Vice Principal Vir." Excited na sabi ni Maen.

"How is your Grandpa doing?" Bigla namang tanong ni Mr. Mar kay Maen.

"Grandpa was doing good. His still managing the association pretty well." Alam ni Maen na dating matalik na magkaibigan si Mr. Mar Mari at ang kanyang lolo. Dati ay nagkasama sila sa isang mission sa loob ng itim na butas kung saan isang Rank S na halimaw ang boss na kanilang nakalaban sa pinaka ilalim na bahagi ng itim na butas. At marami sa kanilang kasamahan na magician ang nasawi sa panahong iyon. Ngayon ang lolo ni Maen ay Head Chairman ng magic association sa USNA. Alchemist naman ang kanyang ina na Filipina at ang kanyang ama ay isang businessman.

"Hm, that's good to hear. Do you want to join the Platinum Section?" Tanong ni Mr. Mar kay Maen. Dahil isa rin si Maena sa mga estudyanteng magician na kayang gumamit ng rank S magic. Lalo na at apo ito ng sikat na Magician na si Silver Hawk. Ito ang palayaw ng lolo ni Maen. Dahil sa galing nito gumamit ng pana at palaso.

"No Principal Mar. I wish to join Section 1 -D class." Excited na sabi ni Maen kay Mr. Mari.

Kumunot ang noo ni Mr. Mar at Vir sa narinig dahil hindi nila akalain sa pinakababang section pa ang napili ni Maen.

"But Section Bronze 1-D is the lowest section. I think it is not good for you to be in the lowest." Mahinahong sabi ni Mr. Mar kay Maen.

"No its fine Principal Mar."

"Are you sure?"

"Yes! Im sure." Taas noong sabi ni Maen.

"Hm, ok" Pagkatapos sabihin ito ay sinulypan niya si Vir Fortis. Agad naman naintindihan ni Vir ang nais sabihin ni Mar at tumango siya kay Mr. Mar. Dahan-dahan tumayo si Vir at lumabas ng silid para ipatawag si Ms. Pai.

Sa loob naman ng classroom ng section 1-D ay may iba ibang pinag usapan ang mga estudyante. Sa ibang grupo ay may nag-uusap parin tungkol sa black magician. Yung iba naman ay tungkol sa mga special students sa grupo naman nila Bob at Steph ay tungkol sa nangyari kahapon sa pag hunt nila ng mini boss.

Ilang sandali ay pumasok si Ms. Pai.

"Please take your sit!" Biglang sabi ni Ms. Pai pagpasok sa classroom. Hindi parin maganda ang pakiramdam ni Ms. Pai. Noong isang araw pa siya kinakabahan. Hindi niya alam kung anong nangyari kay Yman. Bakit hindi ito makontak at bakit hindi ito nakarating sa adventurers guild. Bilang isang adviser ay trabaho niya rin na pangalagaan ang kanyang mga estudyante at alamin ang kalagayan nito.

Naisip niya na mamaya subukan niya ulit kuntakin ang guild baka nahuli lang sa pagdating si Yman. O kung wala parin ay personal siyang pupunta sa Engkantasya para hanapin ito. Mag ta-take nalang siya ng ilang araw na leave.

Nang makita ng mga estudyante ang pagpasok ni Ms. Pai ay agad naman silang nagsi-upo sa kani-kanilang upuan.

"Oh by the way, may bago tayong transfer students." Sabi ni Ms. Pai.

Transfer students?

Wow!

Sana babae!

Sana lalaki!

Biglang bulungan ng mga estudyante. At ang mga leeg ay tila leeg ng giraffe na dumudungaw sa may pinto.

Tumingin din si Ms. Pai sa direksyon ng pinto habang nakangiti. "Pumasok kana!"

Dahan-dahan pumasok si Maen. Nang makita ng mga estudyante ang papasok na transfer estudents ay halos hindi na kumukurap ang mga mata nila. Ang mga bibig ay hindi na rin maisara. Sinusundan ng tingin ang bawat hakbang niya. Kahit si Jin ay hindi mapigilang mamula ang pisngi. Kahit mga babae ay ganun din.

WOOOOW! Ganda niya! Sigaw nila sa isip.

Tumayo sa tabi ni Ms. Pai at sa harap ng mga estudyante si Maen. Tapos yumuko siya ng bahagya.

"Hi! I'm Maen Prana nice to meet you!" Simple lang ang pagpapakilala niya. Dahil busy ang mga mata niya kakatingin sa paligid. Pero hindi niya makita ang kanyang hinahanap.

Bigla naman ay parang mga bubuyog ang mga estudyante na magiging kaklase ni Maen.

"Ms. Maen!" Gulat na napatawag si Chloe. Hindi niya akalain na magiging kaklase ang dyosa na nakilala nitong umaga. Pati narin sila Bob at Steph ay nagulat din. Pero masaya sila na kaklase pala nila si Maen. Nagulat din si Maen nang makita ang mga estudyanteng tumulong sa kanya kanina. "Hi Chloe!" Sabi sabay ngiti ni Maen kay Chloe.

"Uhm, Ms. Prana dun ka muna umupo sa upuan ni Mr. Talisman dahil mukhang absent parin siya. Magpapa dagdag ako mamaya ng upuan after ng klase."

Gusto sana magtanong ni Maen tungkol kay Yman. Pero naisip niya mamaya nalang.

Sa loob naman ng principals office kasalukuyang nakadungaw sa labas ng bintana si Mr. Mar Mari. Bakas sa kanyang mukha ang ngiti na bihira lang nito pakawalan. Bigla ay sinambit niya...

"Mukhang magiging masaya ang regional kompetisyon ngayong taon na ito.