Chereads / Self Healing Magic / Chapter 19 - Black Magician

Chapter 19 - Black Magician

5:45am ng Sabado, Nakaupo sa harap ng parisukat na lamesang salamin na may isang metro at kalahati ang haba ay isang babae na nasa kwarinta anyos pataas, pero kung titignan ang hitsura ay parang nasa tatlumpung taong gulang pataas lang ang kaedaran nito. Nakasuot siya ng kulay blue na long sleeves habang nakatiklop ang mga manggas ng hanggang siko at pinarisan ito ng itim na medyo fitted na pantalon. Kulay pula at medyo curly ang buhok na hanggang balikat. Matangos na ilong at hindi naka lipstick na labi at mahahaba na matutulis na mga tenga. May nakalagay naman na eyepatch sa kaliwang bahagi ng kanyang mata. May makurbang katawan, at dahil medyo fit ang suot ay tila naiipit ang dalawang bundok sa dibdib. Ang babaeng ito ay ang Head Master ng adventurers guild na si Laura Agila.

Nakaupo naman sa harap ay ang tatlong bisita. Si Ron, Jesa at Alexes. "Ikinalulungkot ko ang nangyari kay Iron." Malungkot na sabi ni Head Master Laura. Tumango naman ang tatlo habang kumunot ang noo nang maalala ang nagyari kay Vince. Hindi nila lubos akalain na mawala ito nang ganun lang. Noong isang araw nakatuwaan at kakwentuhan pa nila ito.

"Master Laura totoo bang nagsimula na namang gumalaw ang taga seeker's guild?" Kunot noong tanong ni Ron. Ang Seekers Guild na ito ay kalabang guild ng Adventurers Guild. Matagal na panahon na, na may kompetisyon ang dalawang guild na ito. At matatagpuan ang main branch ng Seekers Guild sa Kaharian ng mga Musang.

"Oo at mukhang may nakapasok na, na pusa sa atin. Kaya mag ingat kayo at huwag basta magtitiwala sa mga impormasyong nakalap sa baba. Dumiretso na kayo sa akin bago gumawa ng misyon. At huwag muna kayong kukuha ng misyon sa baba(mission board). Hanggat hindi pa namin tukoy kung sino ang pusang nakapasok." Kunot noong sabi ni Laura. Tumango naman si Ron at iniba ang usapan.

"Ano naman ang gagawin natin sa itim na butas na iyon?" Tanong ni Ron. Bago sumagot ay pinagkrus ni Laura ang dalawang kamay sa dibdib habang naka-dekwatro ang mga paa at nagpakawala ng hangin sa bibig. "Sinong mag-aakala na may daan-daang rank A at rank A+ na halimaw sa itim na butas na iyon. Kung hindi lang galing mismo sa bibig mo ang balitang ito ay hindi ako maniniwala." Kunot noong sabi ni Laura.

"Huwag kayong mag-alala hindi ko sasayangin ang sakripisyo ni Iron, ako nang bahala sa problema na ito. Ipapatigil ko muna anumang misyon sa butas na iyon. Ipagpapaalam ko rin sa ibang branch na ipagbawal ang sinumang pumasok. At maglalagay din ako ng gold at platinum rank na grupo sa perimeter nito para siguradong walang makapasok habang pinagplanuhan pa ang sunod na hakbang na magandang gawin." Dagdag ni Laura. Lihim naman na nasiyahan ang tatlo sa sinabi ni Laura. Atleast hindi masayang ang sakripisyo ni Vince. "Kung maaari Head Master Laura, iparating mo na rin sa mga malapit na magic high school dito ang tungkol sa itim na butas na iyon." Pahabol na pakiusap ni Jesa. "Sige ako na ang bahala." Sabi ni Laura. "Saan na pala ang pamangkin ko?" Biglang tanong ni Laura. "Sigurado hindi ka maniniwala sa sunod naming sasabihin." Sabi ni Ron habang medyo sumigla ang mukha.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Medyo kinakabahang tanong ni Laura. Pagkaintindi niya ay may nangyari na hindi maganda kay Rea. "Alas-kwatro ng madaling araw ay pababa na kami ng bundok. Pero may nakita kaming naglalaban." Huminto muna si Ron at lumunok ng mga nagbarang laway sa lalamunan. "Anong naglalaban? Sinong naglalaban?" Sunod-sunod na katanungan ni Laura. "Bago ko sagutin yan, Master Laura may nakita kana bang itim na enerhiya ng tao?" Biglang pagbalik tanong ni Ron.

"Itim na enerhiya ng tao? Anong biro ito?." Tinitigan ni Laura si Ron pero nakita niya na seryoso ito sa tanong kaya umiling nalang siya. "Wala akong nakita o narinig manlang na itim na enerhiya ng tao kahit sa edad kong ito."

"Sabi ko na ngaba. Kahit ako man din ay hindi makapaniwala. Pero nakita ko mismo sa dalawang mga mata ko. Kalaban ng Rank A+ na elder ghoul ang isang binatilyo na may itim na enerhiya."

"Anong sabi mo? Isang binatilyo na may itim na enerhiya kalaban ang elder ghoul na rank A+?" Pag-uulit ng naguguluhang si Laura. "Oo at tinalo niya ang elder ghoul na rank A+, at hindi lang yun marami pa kaming nakitang nagkalat na drops sa paligid na kanilang pinaglabanan."

"Ano—?" Halos hindi makapaniwala si Laura sa nalaman. "Kung ganun nasaan na ang binatilyong ito?" Biglang tanong ni Laura. "Ang sagot diyan ay sagot din ng una mong tanong...nasa sikat na pagamutan malapit dito at kasalukuyang binabantayan ni Rea." Sabi ni Ron. "Hah! Buti naman at ok lang pala si Merea. Kung ganun nasugatan ba ng malubha ang binatilyo?"

Nakahinga ng maluwag si Laura ng malamang ok lang pala ang pamangkin. Pero gusto niya malaman ang tungkol sa binatilyong ito na may itim na enerhiya. "Wala siyang natamo kahit galos. Kahit internal injury ay wala rin." Paliwanag ni Ron. Nagulat si Laura sa sinabi ni Ron. "Kung ganun anong dahilan ng pagpagamot sa kanya?"

"Mana deficiency at over fatigue, ito rin dahilan kaya nasa comatose state siya ngayon. Pero sabi ng doktor stable naman daw kalagayan niya, at magigising sa loob ng apat o limang araw."

"Ipagpaalam mo agad sa akin kung magising ang binatilyong ito gusto ko siyang makilala." Matapos sabihin ito ni Laura ay tumango naman si Ron sa kanya. Nang makaalis ang tatlo ay mabilis na ipinaalam ni Laura sa ibang branch ang tungkol sa itim na butas. Pagkatapos makontak lahat ng guild branch ay sumandal si Laura sa malambot na sandalan ng upuan. Bigla ay pumasok sa isip niya ang sinabi ni Ember. "Black Magician?" Mahinang bulong ni Laura.

*****

9:10am ng Sabado, Marami ng estudyante ang nagtipon-tipon sa malaking espasyo sa harap ng paaralan. Dahil ngayon ang unang araw na sisimulan nila ang Expedition sa loob ng itim na butas. Halos lahat na ng mga estudyante na nagbabalak sumama ay nandito na. 10am ang napag-usapan na sila ay lalarga. Pero dahil may halos isang oras pa ay masayang nagkukwentuhan muna ang mga estudyanteng magician. Habang yung iba naman ay busy sa kanilang Interface.

Sa parehong oras din sa loob ng sikat na pagamutan sa kahariang Engkantasya ay kasalukuyang nag-iisang nagbabantay si Rea sa tabi ng walang malay na misteryosong binatilyo. Bigla ay naisipan niya na paglibangan ang kanyang Interface. Una niyang tinignan ay ang mga bagay sa kanyang Cyber Storage. Makikita ang samot saring bagay na nakahilira dito. May mga nag-iilaw ng kulay sky blue at purple na mga icon. May parang mga bato, kuko, metal atbp. Napakaraming laman ng kanyang Storage. Ngunit tumigil ang kanyang tingin sa isang icon na nag-iilaw ng gold. Tinitigan niya ito ng halos tatlong minuto. Ang makikitang icon ay parang isang maliit na bola na gawa sa salamin. Para itong bolang cystal ng mga manghuhula.

Nang magsawa na siya sa kakatitig ay pumunta siya sa Stats Section niya.

Merea Ella

Level 5

————

STATS

HP: 4500/5000

MP: 2500/4100(2x)

Stamina: 98%/100%

Rank: B

Job: Healer

————

Atk:

210

Matk:

401

Def:

105

Mdef:

181

Eva:

45

Acc:

45

————

Str:

5

Int:

41

Dex:

1

Agi:

1

Vit:

1

————

Extra Points:

Exp: 55000/100000

————

SKILLS

Magic Skill:

•Super Heal[Active]

•Focus Heal[Active]

•Life Essence[Active]

•Enhancer[Active]

•Energy Cross[Active]

Magic Type:

•Healing Magic

•Healing Magic

•AoE Healing Magic

•Buff

•Magic Attack

Magic Rank:

•Super Heal[B]

•Focus Heal[B+]

•Life Essence[B]

•Enhancer[B+]

•Energy Cross[A]

Talent:

•2x Mana

Ito ang lumabas sa status ni Rea. Nakita niya ang bunga ng kanyang paghihirap. Napangiti siya ng makita ang status niya. Pero sa isip niya kung i-kompara sa lalaking ito na walang malay, ay malayo pa siya sa tunay na lakas.

Nagpakawala si Rea ng buntong hininga habang tinignan ang walang malay na misteryosong binatilyo. "Sana kasinglakas kita." Mahinang bulong ni Rea kay Yman. Ilang sandali ay nagpatuloy siya sa pag swipe hanggang napunta sa gallery section ng interface niya. Kinunan niya si Yman ng Close up na litrato habang walang malay. Pagkatapos ay naisipan niya pumunta sa Video folder. Nakita niya yung ni-record na labanan. Bigla ay pumasok sa isip niya na i-upload ito sa Wetube.

Ngumiti si Rea ng matapos na niyang i-edit ang video. Pagkatapos mag log in, ay sinimulan na niya ang pag upload ng video sa channel niya. Ilang minuto rin ang paghihitay bago tuluyang lumabas ang notif na successful daw ang pag upload ng video.

Nakalagay sa caption nito ay.. Mysterious Young Black Magician VS Rank A+ Elder Ghoul.(*0*)

Uploaded by: \kyutako_ella/

Sa thumbnail nakalagay ay yung nakatalikod sila sa isa't isa bago lumipad ang braso ng elder ghoul. Ilang minuto lang mula nung pag upload, ay dinumog agad ito ng milyong viewers. Sunod-sunod din ang mga nag ko-komento. At patuloy pa ring tumataas ang bilang ng views bawat sigundo. Lihim naman nasiyahan si Rea sa dami ng views. Maraming nag ko-komento kung totoo ba ito or edited lang.

Sinulyapan ni Rea ang walang ka imik-imik na pasyente. Ilang sandali ay nakadama ng antok si Rea. Dahan-dahan niya ipanatong ang mga siko sa gilid ng kamang hinigaan ni Yman. At dahan-dahan ipinatong ang kanyang ulo sa kanyang mga braso. Unti-unti naman naglakbay sa kadiliman ang kanyang kaisipan.