Kriing! Kriiing!
*Click*
"Hello?"
~~~~~~~~
"Ano? Sa itim na butas?!" Gulat na tanong ni Mr. Mar Mari sa tumawag.
~~~~~~~~
"Sige maraming salamat sa pag-paalam." Matapos makipag-usap sa tumawag ay bilis na inutusan ni Mr. Mar Mari ang babaeng secretary para ipatawag si Mrs. Aurelia Unus.
20mins nalang ay lalarga na ang mga estudyanteng papunta sa expedition sa loob ng itim na butas na lumitaw sampung kilometro mula sa EMRMHS.
Marami nang estudyante ang nag tipon-tipon sa malawak na espasyo sa harap ng paaralan. Andito rin ang buong party ni Julie. Pati ang buong party ni Mitchell Jordin ay andito rin kasama si Jin Makorov. Tanging ang grupo lang nila Bob ang hindi nakasama.
Pamumunuan nila Night Slayer, Lady Curse, Holy King at Undying ang ekspedisyong ito. Pagdating ng apat ay nagulat sila dahil hindi nila akalain na ganito ka excited ang bawat isa.
"Kumpleto na ba kayong lahat sa party niyo!" Sigaw na tanong ni Undying sa mga estudyanteng gusto sumama.
!!Kumpleto na idol!! Malakas naman na sagot ng mga estudyante.
!!Kumpleto na rin kami baby Undying!! Sigaw naman ng mga babaeng estudyante.
"Kuku, Kung ganun ready naba kayo?" Tanong ni Lady Curse.
!!Ready na my Lady!! Malakas namang sumagot ang mga lalaking estudyante.
!!Ready Na!! Sigaw naman ng mga babae.
Tiningnan ni Night Slayer ang oras, at nang makitang 10am na ay tumango siya kay Undying.
"Kung ganun tara na!" Sigaw ni Undying.
Humakbang na nga ang mga estudyante at bakas sa kanilang mga mukha ang pagka excited.
WAAAAIT!! WAIT! WAIT!
Isang sigaw ang umagaw pansin sa mga lalarga na sanang mga estudyante. Bigla ay nilingon nila ang nagmamay-ari ng boses na ito. Nagulat ang lahat nang makita nila si Mrs. Aurelia Unus na humahangos habang hinahabol ang hininga. Nakayuko ito at nakahawak sa tuhod ang mga kamay. Habang humihinga ng malalim.
Isang estudyante naman ang mabilis na lumapit at hinilot-hilot ang likod ni Mrs. Aurelia habang inabutan ng tubig.
"Ba-bakit Mrs. Aurelia?" Gulat na tanong ng isang estudyante na malapit sa kanya.
Hah! Hah! Hah! Malalim na paghinga ni Mrs. Aurelia. "Hi-Hindi na kayo ma-matutuloy dahil..." Pilit na pagpapaliwanag ni Mrs. Aurelia habang nakahawak sa dibdib ang kaliwang palad. "Ma-May natanggap kaming report na pi-pinagbabawal.. Hah! Hah!... ang pag pasok sa i-itim na butas na iyon." Putol-putol na pagpapaliwanag ni Mrs. Aurellia.
Nagulat ang mga estudyante sa narinig, lalo na ang apat na special students. "Mrs. Aurelia Ma'am, bakit po pinagbabawal?" Magalang na tanong naman ni Holy King.
"Dahil pinupugaran ito ng daan-daang mga rank A at rank A+ na halimaw!" Diretsong sigaw ni Mrs. Aurelia. Kitang kita sa mukha niya ang pagkataranta.
!!!WhaโT?!!! Gulat na tanong ng mga estudyante.
"Mrs. Aurelia i-imposible yun." Mahinang sabi ni Night Slayer.
"Yu-Yun din ang a-akala namin pero ang report na ito ay na-nanggaling mismo sa He-Head Master ng adventurers guild."
"Pe-pero ang rank A ay boss level na halimaw. Madalas ay nasa pinakailalim ito ng itim na butas. Tapos may rank A+?" Hindi makapaniwalang sabi ni Night Slayer.
"Diba kailangan pa ng lima o mahigit na rank A magician para matalo ang rank A+ na halimaw?" Dagdag naman ni Lady Curse.
"Tanging mga rank S na magician lang makakatalo sa rank A+ na halimaw ng nag-iisa." Sabi naman ni Holy King.
"Paano pa kaya ang daan-daang halimaw na boss level!" Kunot noo namang sabi ni Undying.
Kahit may rank S magic ang mga special students ay freshmen pa lang sila, at nag iisa lang ang rank S na spell ang meron sila. Tapos malaki pa kumain ng mana. Okey sana kung unlimited ang mana. Para makapag spam ng rank S magic. Siguro may chance pa makatalo ng rank A+ na halimaw pag ganun. Pero hindi ang daan daan na halimaw.
Biglang nanlaki ang mga mata ng mga estudyante.
Dahil sa balitang ito ay hindi natuloy ang ekspedisyon ng mga estudyante. Ipagpaliban muna nila hanggat hindi pa na-resolba ang sitwasyon sa itim na butas.
Pa! Pa! Pa! Malakas na tunog habang pinapaulanan ng nagtitigasang bato at lupa ang isang lalaki na naka-censor ang mukha. Mabilis naman niya itong naiilagan. Ilang sandali ay sumabog ang itim na enerhiya sa katawan ng lalaki na sinundan ng pagtubo ng mga maitim na pakpak sa kanyang likod. Gaya ng kalabang halimaw na nasa rank A+ ay may namumuong bola sa paligid habang parehong nasa eri. Hanggang sa may tumubong mahabang mga kuko sa dalawang naglalaban. Ilang saglit ay sabay umataki ang dalawa. Naputol ang braso ng halimaw at dahil dito, ay mabilis siyang lumipad palayo para tumakas. Pero mas mabilis ang lalaking may itim na enerhiya dahil bago pa makatakas ang halimaw, ay tinamaan siya ng malakas na flying kick sa likod at tumilapon sabay bagsak ng malakas sa lupa. Pagkatapos ng laban ay pinakita din ang sira-sirang paligid at mga nagkalat na drops sa lupa.
Ito ang nakadisplay sa hologram na lumitaw sa eri, at ang nasa harap ng hologram na ito ay isang napaka gandang dilag na may blonde at mahabang buhok, at asul na mga mata. Matapos mag subscribe sa channel ng uploader ay tinurn-off niya ang kanyang Interface.
"Hmmmp!" Inuunat niya ang mga mapuputing braso sa eri habang nagpakawala ng matamis na ngiti sa mapupulang labi. "Sa wakas nakarating narin ako sa kakaibang mundo ng underworld."
"Itim na enerhiya ha?! Napaka mahiwaga talaga ng mundong 'to. Buti nalang pumunta ako dito." Bulong ng magandang dilag sa sarili.
Kakarating lang ni Maen nitong umaga.
Kasalukuyang nakaupo sa malambot na upuan sa loob ng kanyang dorm si Maen. Ilang sandali ay tumayo siya at binuksan ang bintana para pahintulutang pumasok ang masarap na simoy ng hangin sa kanyang kwarto. Bakas sa kanyang mukha ang tuwa at pagka excited.
"Saan kaya si Yman? Hmph! Hindi manlang ako sinundo. Nakailang kontak na ako pero out of reach daw ang ID niya." Nakasimangot na sabi ni Maena habang nagbubulong sa sarili. "Hah! Kailangan ko pa pala pumunta sa principal's office. Uhm! Bukas nalang siguro matulog muna ako. Mamaya pag gising ko susubukan ko kung gaano kalakas mga halimaw sa mundong ito."
*****
12:30pm, Sa pinakataas na palapag ng freshmen school building.
Kasalukuyang nakaupo ang walong kabataan sa mga upuang nakapalibot sa bilog na malaking mesa.
"Totoo ba talaga na may daan daang halimaw sa loob ng itim na butas na iyon?" Nagdududang tanong ni Necromancer.
"Ewan, pero yun ang sabi ni Mrs. Aurellia." Sagot naman ni Night Slayer.
"Tsk! Baka daan daang rank C na halimaw lang yun! Pero dahil sa sobrang hina ng mga taong nagreport inakala nilang mga rank A at rank A+ na halimaw yun! Hehe mga tanga talaga."
"Umandar na naman pagka ignorante mo Necrokid." Biglang pag-bara ni Holy King kay Necromancer.
"Wow ha! Nagsalita si Holy Baby. Hahaha ikaw nga nabahag ang buntot! Mukhang takot ka rin sa rank C na halimaw! Hahaha!"
"Dahan dahan ka sa pananalita mo Necrokid. Nanggaling mismo sa Headmaster ng Adventurers Guild ang impormasyong ito. At habang sinasabihan mo ako ng nabahag ay para mo naring sinasabing nabahag din sila Lady Curse, Night Slayer at Undying."
*Tsk* Pinitik nalang ni Necromancer ang kanyang dila sa sinabi ni Holy King.
*KreeAak!*
*Eeeeng!*
Bigla ay bumukas ang pinto at nagmamadaling pumasok si Prophet.
"Guys, guys! Tignan niyo sa Wetube sa channel ni \kyutako_ella/ may trending na video ng misteryosong black magician." Biglang sabi ni Prophet sa mga kasama.
Kahit nagdududa ay binuksan parin nila ang kanilang mga interface para makita ang video na sinasabi ni Prophet.
~~~
~~~~
Habang pinapanood ang laban ay halos hindi sila makapag salita.
~~~~~~
[Please subscribe to my channel!]
Pagkatapos manonood ay kumunot ang mga noo ng mga kabataan sa silid. Kahit si Leon ay hindi makapaniwala.
"Kuku, Itim na enerhiya? Hindi ba edited to?" Tanong ni Lady Curse.
"Imposible yan! Sikat na vlogger si Ms. Ella. Hindi na niya kailangan pang mag sinungaling para makahakot ng viewers dahil marami siyang subscriber." Pag depensa naman ni Prophet. Dahil isa rin siya sa fan ni Ella. At lagi niya pinapanood ang mga blog nito na kumakanta.
"Sus! Nagpapaniwala naman kayo sa mga ganyan!" Pagtutol naman ni Necromancer.
"Kung hindi ako nagkakamali ay sa Dark Forest ang lugar na iyan, kung saan sila naglalaban." Biglang singit naman ni Leon.
Nagulat ang mga kasama nila sa sinabi ni Leon.
"Kung gusto niyo malaman kung totoo o hindi bakit hindi natin puntahan ang lugar na yan?" Bigla ay nag'suggest si Leon.
"Sige sama ako." Mabilis na pagsang-ayon ni Prophet. "Mina sumama ka rin." Lumingon si Prophet kay Mina at biglang natigilan dahil nakakunot ang noo ni Mina. Nagsitinginan din ang iba.
Hindi alam ni Mina pero nang tignan niya ang video ay bumilis ang tibok ng kanyang puso. "Bakit kaya kahit naka censor ito ay parang kahawig ni Yman ang Black Magician?" Bulong sa isip ni Mina. Pero inisip din niya na imposible yun. Mahina ang magic ni Yman, kaya imposible na maging siya yan. Bigla ay napansin ni Mina na maraming mata ang nakatitig sa kanya.
"?! Ba-bakit?" Naguguluhang tanong niya sa iba.
"Kuku, iniisip mo ba yung lalaki sino nga ulit yun?" Biglang pagtukso ni Lady Curse kay Mina.
"Ha?! Mina sinong lalaki? Bakit hindi ko alam to? May boyfriend kana ba?!" Sigaw na tanong naman ni Prophet sa bestfriend.
Naningkit naman ang mata ni Necromancer at Undying.
*****
Paggising ni Maen ay dumiretso agad siya sa labas ng Human City. At nagtungo sa kagubatan na malapit sa siyudad. Tanging maliit na shoulder bag lang ang kanyang dala. Nakasuot siya ng kulay black at yellow na above knee dress. Ito ay sinapawan ng breastplate na kulay gold. At may mga arm guard naman sa kanyang mga kamay. At combat boots naman sa paa.
Sa kanyang leeg ay nakadikit ang parang collar. Ito ay collar-type RB na may magic seal. Iba ito sa collar-type RB na may incantation magic na ginamit niya sa labas ng Sitona City nung nilabanan niya ang mga goblin. May time limit ang mga RB hindi tulad ng mga EB. Madalas ay Limang oras lang ito magtatagal. Kaya madalas ay ginagamit lang ito pang backup sakaling masira ang iyong EB.
Pagtapak palang ni Maen sa loob ng kagubatan ay binati na siya agad ng tatlong Evil Bunny. May mapupula itong mata at kulay itim ang balat na may isang matulis na sungay sa kanilang noo. Rank C lang ang mga halimaw na ito. Pero medyo mahal ang kanilang karni. Kaso paswertihan lang kung may Evil Bunny Meat na drop.
Makikita ang pulang bar sa taas ng kanilang ulo. Bago ito maka atake ay mabilis na may humulmang pana sa mga kamay ni Maen.
Chu! Chu! Chu! Sigaw ng mga Evil Bunny. Habang sabay-sabay na tumalon sa direksyon ni Maen. Pero bago pa sila makalapit ay ...
Woosh! Woosh! Woosh!
Tatlong palaso ang nagliparan at diretso ito tumama sa kanilang katawan.
[You killed rank C monster Evil Bunny!]
[You killed rank C monster Evil Bunny!]
[You killed rank C monster Evil Bunny!]
[You've got Evil Bunny horn!]
[You've got Evil Bunny meat!]
[Exp gained 1000]
[Exp gained 1000]
[Exp gained 1000]
"Ha~ Hindi na masama." Bulong ni Maen habang nakatingala sa ulap at hinaharang ang kanyang palad. May nakita siyang mga kabataan na kasing edad niya na nakasakay sa malaking ibon ang dumaan sa ulap.