Sa sunod na araw ay kumalat na nga sa mga estudyanteng magician sa EMRMHS ang balita tungkol sa black magician.
Kahapon ay pinuntahan ng mga taga special students ang lugar na pinaglabanan. Nakita nila ang wasak na paligid nito pati narin ang malaking butas kung saan namatay ang elder ghoul. Napagtanto nila na totoo nga at hindi edited ang nasa video.
At sa school forum website ay halos tungkol sa black magician ang topic. Paulit-paulit naman pinapanuod ng ibang estudyanteng magician ang laban. Kahit nasa park o loob ng kwarto nila at kahit naglalakad sa daan.
Pero ang malaking katanungan ay sino si Black Magician?
Dahil linggo ngayon ay nabuhayan ng dugo ang mga nangangarap na maging malakas na magician sa hinaharap, kasing lakas gaya ng Black Magician o kung pwede man ay mas malakas pa. Bitbit ang samot saring kagamitan kasama ang kani-kanilang party. Ay masiglang nag ga-grind sa labas ng Human City ang mga magician na estudyante.
May mga grupo pa na nagpaunahan mapatay ang nag-iisang yellow slime na walang kamalay malay na nagpatalon-talon. Sa gulat ng slime ay mabilis itong bumalik sa gubat. Hindi niya lubos akalain na hahabulin ng dose-dosenang mga magician na estudyante. Noong isang araw lang ay masaya pa siya ditong nagpasyal-pasyal.
"Nasaan na yun?!" Sigaw ng isang lalaking magician na may bitbit na isang metro na espada sa kanang kamay.
"Ayon siya! Nasa sanga ng puno!" Sigaw naman ng isang babaeng magician. Sa kanyang mga kamay ay may bitbit namang dalawang metrong parang kahoy.
"Bilisan natin baka maunahan pa tayo sa pagpatay niyan!" Sigaw naman ng babaeng kasama nila na may hawak na pana sa kamay. Agad naman na tinira nito ang slime gamit ang palasong may halong enerhiya na kulay puti. Kaso sanga lang tinamaan.
"Akong bahala jan!" Sigaw naman ng may malaking katawan na magician. Nakasuot ito ng mumurahing breast-plate at arm guard sa mga kamay. May bitbit itong wooden shield.
Ilang sandali ay nagliwanag ng puti ang kanyang katawan. Pagkatapos mawala ng liwanag ay kapansin-pansin na lumaki bahagya ang kanyang mga muscle. *Ahhhhh!* Nagpakawala ito ng sigaw habang mabilis na binangga ang puno kung saan nakapatong ang nag-iisang yellow slime.
Kung titignan ng mabuti ay nagbibilog na ang mga mata ng slime habang may namumuong luha. Kung makakapag salita lang siguro ito. Siguradong sasabihin nitong "Isa itong bullying!!! Mamang pulisss! Help may nambubully ditooo! Bakit ako pa! May iba namang halimaw sa unahan! Atsaka kunti lang naman makukuha ninyong exp sa akin!!!"
Isa namang magandang dilag na may blonde na mahabang buhok ang hindi mapigilang humahagikhik sa pagtawa habang may namumuong luha sa mga mata ng makita ang kalagayan ng slime.
Kahapon ay bihira lang na magician ang nag-hunt sa lugar na ito. Pero ngayon bigla itong dinumog. Hindi alam ni Maen kung bakit napakaraming estudyanteng magician ang nag-hunting ngayon.
Dahil sa lakas ng pagbangga ay gumiwang-giwang ng malakas ang puno na siya namang ikinahulog ng slime. *Eek!* Naglabas pa ito ng napaka'cute na tunog ng mauntog sa bato na nasa tabi ng puno.
Nang makita ng magician na may espada ang nahulog na slime ay mabilis niya itong pinag hiwahiwa. Kaya lang, habang hinihiwa niya ito ay lalo lang ito dumarami at lumiliit. Agad namang nagsitakbuhan ang mga maliliit na parte nito papalayo. Rank D na halimaw lang ang mga slime. Pero hindi agad ito namamatay sa normal na paghiwa lang.
Sa ibang grupo naman ay makikita na pinalibutan ng halos tatlumpung magician na estudyante ang sampung goblin sa loob ng kweba na kanilang natagpuan.
"Ipapakita ko sa inyo ang tunay na lakas ni Black Magician!" Biglang sigaw ng isang lalaking magician habang may tumubong tatlong kuko sa kanyang gauntlet na suot.
"Peke yan! ito ang tingnan niyo!" Isa namang lalaki ang pinakita ang kanyang mga nakakuyom na mga kamay habang may nakaipit na itim na mga patalim sa gitna ng kanyang mga daliri.
"Wow ganyang ganyan din yung mga kuko ni Black Magician."
"Ikaw ba ang tunay na Black Magician?"
Isa-isa namang nagsitanungan ang mga estudyante sa paligid.
Ilang sandali ay inatake ng goblin ang lalaking may nakaipit na patalim sa kanyang mga kamay. At bigla naman itong nagtago sa likod ng kanyang katabi. Bumuntong hininga nalang yung iba nang makita ito. Kinalaunan ay naubos nila ang mga goblin dahil sa dami ng mga estudyanteng magician.
Isang kilometro mula sa hilaga ng Human City matatagpuan ang Fog Forest. Sa pinakagitna naman ng kagubatang ito ay may malawak na bakanting espasyo kung saan may itim na damuhan. Ito ay teritoryo ng Giant Evil Bunny. Ang Giant Evil Bunny na ito ay isang Mini Boss na rank C+ monster. Minsan ay nagbibigay ito ng Cryst na drop item.
Ang Cryst ay parang bilog na crystal katulad ng bolang cystal ng manghuhula, pero mas maliit lang ito kunti. Nagbibigay ito ng dagdag effect sa mga higher grade equipments na may slot o may butas na makikita sa kanilang icon sa Interface. Tanging mga mini boss at boss level lang ang naglaglag ng mga Cryst. May tatlong kulay ang Cryst.
Una ay green, ang Cryst na nagliliwanag ng kulay green ay para sa mga may slot na high grade armor.
Pangalawa ay gold, ang Cryst na nagliliwanag ng gold ay para sa may slot na mga high grade accessories. At..
Pangatlo ay pula, ang Cryst na nagliliwanag ng pula naman ay para sa may slot na high grade weapon.
Hindi basta basta mag drop ang mga Cryst dahil may 0.06% lang ang droprate nito. Kaya paswertihan lang kung makakuha ka nito. At hindi rin basta-basta ang presyo nito sa market o sa mga auction. Abot 1-2$ billions ang presyo nito pag bibilhin.
Kung ang Black Rose ay pinapalakas ang stats ng mga magician. Ang Cryst naman ay pinapalakas lalo ang mga higher grade equipments. Pero parehong hindi basta basta kunin ang mga ito lalo na ang Black Rose na binabantayan ng Boss level na halimaw. At bihira lang din ito makita.
Marami na nagtangka pumasok sa Fog Forest pero dahil sa maamog ang daan at maraming hostile na mga halimaw na pwede mag ambush, ay naisipan nalang nila na bumalik at hindi na makipag sapalaran.
Siyam na kabataan ang naglakas loob na pasukin ito ngayon. Ito ay ang alliance party nila Steph Fin Rossy at Bob na parehong mula sa section 1-D. At dahil narin sa epekto ng Black Magician ay lumakas ang kanilang loob. Isa pang dahilan ay mas malaki ang bigay na exp ng mga Mini Boss at may chance makakuha ng mga super rare drops gaya ng Cryst.
Sa pinakaunahan na naglalakad ay si Radis at Bob. Sunod ay si Chloe at Raymond ang tank ng party ni Steph, sa likod nila ay ang magkapated na sina Sahya at Tomas. Si Sahya ay ang healer ng party nila Steph at support naman si Tomas. Sa pinaka likod ay ang vanguard ng party ni Steph si Calvin. Ang dalawang scout ng grupo naman ay nasa kanilang unahan habang nagpatalon talon sa mga sanga at minsan ay binabalita sa kanila kung safety ba ang daan sa unahan. Si Nelson ang scout ng party ni Bob at ang scout naman ng party ni Steph ay siya mismo.
Habang tumatalon si Steph sa sanga ay napansin niya ang naka camouflage na Hybrid Wood Lizard sa gilid ni Nelson na nasa unahan ni Steph. Isa itong rank C monster. Kaya nito pahabain ang mga dila at tumira ng mga tinik na may lason. Ang balat naman nito ay kasing tigas ng bato. May dalawang metro ang haba nito mula ulo hanggang buntot.
Nakita ni Steph na ibinuka ng halimaw ang kanyang mga bibig at isang mahabang dila ang patungo sa leeg ni Nelson.
Naisip ni Steph na hindi napansin ni Nelson ang halimaw. Mabilis na tinadyakan ni Steph ang huling sanga na inapakan. Biglang nagpakawala ng kulay green na enerhiya si Steph sa katawan. Isang saglit lang ay nasa harap na siya ng halimaw. Pagkatapos ay gumamit siya ng rank B na skill ang.
*Phantom Stab!*
Itinusok ni Steph ang matulis na bahagi ng dagger niya sa matigas na likod ng halimaw. Pero bigla ay natigalan ang halimaw sa pag ataki at nahulog ito sa lupa ng nakatihaya. At sinundan ng notif na..
[1400 Damage]
Makikita ang malalim na sugat sa tiyan ng halimaw. Ito ay epekto ng Phantom Stab. Nasa kabila ang sugat nito at hindi sa mismong parte kung saan sinaksak ang target.
Dahil 1500 lang hp ng halimaw, ay may natira pa na kunting pula sa redbar nito.
Pero isa pang patalim ang mabilis na bumaon sa leeg ng halimaw. Ito ay mula kay Nelson. Nang mapansin niya na may nahulog na halimaw mula sa tabi niya ay mabilis niyang pinasundan ng Throwing Knife na rank D skill.
[200 Damage]
[You killed rank C monster Hybrid Wood Lizard]
[You've got Wood Lizard tongue]
[You've got Wood Lizard skin]
[Exp gained 500]
Lahat ng miyembro ng party ay nakatanggap ng notif ng drops at exp. Pero ang last hit lang ang may notif na [you killed___].
Tumalon sa tabi ni Nelson si Steph galing sa taas.
"Salamat Steph." Yumuko ng bahagya sa direksyon ni Steph habang nagpapasalamat si Nelson.
"Okey lang yun. Mag-ingat ka nalang sa sunod."
"Ye-yes!"
"Nice follow up pala."
"T-thank you."
Muli ay nagpatuloy sila sa kanilang paghahanap sa Mini Boss. At marami pang halimaw ang kanilang nadaanan bago nila marating ang lugar kung saan naroroon ang Mini Boss na Giant Evil Bunny.