Sa madilim na kagubatang ito.
Rawr! Rawr! Growl!
Siyam na mga ghoul at isang elder ghoul ang mabilis na nagpapaunahan papalapit sa kinaroroonan ng katawan ni Yman. Tatlong sigundo nalang ay makakalapit na sa kanya ang mga halimaw. Habang nagsimula namang lumabo ang paningin ni Yman. At sa isang sigundo pang lumipas ay tuluyan na ngang nawalan siya ng malay. Hindi na kinaya ng katawan niya ang pinsalang natamo sa sunod-sunod na laban. Dahil sa patuloy na pag-agos ng dugo sa katawan ay 10 nalang natira sa HP niya habang naging 0% na nga ang kaniyang stamina.
Pumitik pa ang isang sigundo. Ngayon isang sigundo nalang makakain na nila ang katawan na nakatihaya sa kanilang harapan. Habang sa sandaling ito ay naglakbay na sa kadiliman ang buong kamalayan ni Yman.
Hey! Isang pagtawag mula sa maliit na boses. Pero walang nakakarinig sa boses na ito. Walang nakakaalam kung saan pinagmulan ng boses or sino ang tinatawag ng maliit na boses.
Hey! Tumayo ka! Mamatay tayo kung hindi ka tatayo! Pag-uulit pa ng boses. Ngunit wala paring sumagot sa kanya.
Hmph! Mukhang nagalit ito dahil walang pumansin. Wala talagang makakapansin kasi hindi naman ito boses. Ito ay isang telepathy mula sa hindi malaman kung saan ang pinagmulan. Ngunit ang target ng telepathy ay kasalukuyang naglakbay ang isipan sa kadiliman.
Kalahating sigundo nalang at makakain na nila ang sariwang laman na nasa harapan. At sa isang saglit ay lumapat na nga ang mga pangil ng naunang ghoul sa sariwang laman ng tao. Bumaon ang mga pangil nito sa malambot na laman.
Bumaon ng malalim sa braso ng walang malay na si Yman. Bumaon at hindi na kumagat pa. Dahil saktong pagbaon ng mga pangil... ay naputol ang ulo ng ghoul. Pati narin ang ulo ng dalawang ghoul sa kanyang likuran.
Isang matinding enerhiya ang biglang sumabog sa katawan ng walang malay na si Yman. Sa loob ng katawan niya ay nagkakaroon ng kakaibang paggalaw ang mga Hollow Cells. Na para bang sumabog lahat ng negatibong enerhiya nito sa katawan. Isang matinding enerhiya na biglaang nagsilabasan sa katawan. Na para bang may kinatatakutan o pinu-protektahan ang mga cells na ito.
Dahil sa lakas ng enerhiya ay natumba at nabali ang mga puno sa paligid nila. Habang nabuwal ang mga lupa sa kinatatayuan ni Yman.
Dahil dito ay natigil at biglang napaatras ang iba pang ghoul pati narin ang elder ghoul. Isang napakaitim na enerhiya ang pumalibot sa katawan ni Yman. Tinalo pa nito ang gabi sa kadiliman dahil sa sobrang itim ng enerhiyang ito.
Dahan-dahan ay tumayo ang katawan ni Yman. Habang nakapikit pa ang kanyang mga mata. Habang sa kanyang likuran ay may humulma na gawa sa itim na enerhiya na kahugis ng ghoul. May mahaba, maitim at matutulis itong mga kuko. Sa mga kuko nito ay may parang itim na dugo na pumapatak. Ito ay dugo mula sa mga halimaw na ghoul. Ilang sandali ay unti unting sumanib sa katawan ng walang malay na si Yman ang maitim na hugis ghoul na halimaw.
Pagkatapos nitong sumanib sa katawan niya ay biglang naglaho ang itim na enerhiyang inilabas sa katawan. At dahan dahan naman bumuka ang mga mata ni Yman. Ngunit sa mga mata niya ay tila mata ng mabangis na halimaw. Pulang pula ang iris ng kanyang mga mata. Sa mga titig nito ay parang nakatitig sa mga insekto. Ngayon balewala na sa kanya ang kadiliman ng paligid. Ang kanyang bibig naman ay dahan-dahang ngumisi na taliwas sa pagkatao ni Yman. Bigla ay may humulma na matutulis at mahahabang maitim na mga kuko sa kanyang mga kamay. Na naglalabas ng itim na parang usok na enerhiya.
Hihihi! Ngisi ng kakaibang Yman.
Nagulat ang mga ghoul sa biglaang pangyayaring ito. Paano pa nagawang bumangon ng lampang taong ito. At mukhang may tinatago pa itong lakas? Hindi lang yun! Pinaslang pa ang mga kasamahan nila. Lapastangan ang taong ito!
Groooooowl!!! Biglang nagpakawala ng malakas na sigaw ang elder ghoul. Raaawr! Raaaawr! Isa isa namang nagsigawan ang iba pang ghoul. Sa isip nila ay lalo lang pinapatagal ng tao ang paghihirap niya. Nasa harap lang nila ang pagkain bakit pa nila papahirapan ang kanilang sarili na tiisin ang pagkagutom. Paunahan nalang kung sino makauna sa pagkagat sa taong pagkain. At isa isa na ngang sumugod ang mga ghoul. Para sa kanila kahit tila lumakas bigla ang taong ito ay tao parin ito.
Tumalon ng labing limang metro mula sa lupa ang unang ghoul para tadyakan ang tao. Pero nasaan na ang taong tatadyakan niya? Nawala ito sa dating kinatatayuan.
Shiiiiing!
Bigla ay tila nahati ang paningin ng ghoul. Habang unti unting humiwalay ang kanyang mga katawan. Bago pa bumagsak sa lupa ang dalawang parte ng katawan ng ghoul ay nasulyapan niya ang tao sa kanyang likuran? Paano nagawang tumalon ng napakabilis ng taong ito? Ni hindi manlang niya napansin na gumalaw ito. Pero huli na ang lahat nahati na sa dalawa ang kanyang katawan. Isang vertical slash ng maitim na mga kuko mula sa ulo pababa.
Pagkatapos patayin ang unang ghoul na tumalon ay nawala ulit ang katawan ni Yman. At lumitaw ito sa likod ng isang ghoul na nasa lupa. Hindi manlang kayang sundan ng mga ghoul ang bilis ng galaw niya. Bigla ay...
Shiiing! Shiiing!
Dalawang kalmot sa likod ng isa pang ghoul. Pero dahil hindi malalim ang sugat ay hindi nito napatay ang ghoul.
Raaaaaaawr! Galit na sigaw ng ghoul dahil sa pinsalang natamo. Biglang lumingon sa likod ang ghoul sabay pakawala ng horizontal slash gamit ang kanang kamay.
Sheeeng!
Ngunit hangin lang ang tinamaan. Dahil nawala ulit ang tao. Mabilis na lumingon-lingon sa paligid ang ghoul. Bigla ay may maitim na mga kuko ang dahan-dahang nakahawak sa ulo niya. Nakabaliktad ang katawan ni Yman. Ang mga paa nasa taas at ang ulo ay nasa baba habang ang mga kamay na may matutulis na kuko ay nakahawak sa ulo ng ghoul. At ang mapupulang mga mata ni Yman ay tila nakatitig sa mga insekto sa kanyang harapan.
Hihi! Ngumisi si Yman sa direksyon ng elder ghoul habang nakabaliktad. At bigla ay...
Shiiing!
Dahan-dahang naglakad si Yman patungo sa sunod na pinaka malapit na ghoul. Hawak sa kanang kamay ang ulo ng huling pinatay na ghoul, habang paulit-ulit itong binato-bato sa eri na para bang bola.
Ngayon ay may apat na ghoul nalang ang natira at panglima naman ang elder ghoul.
Biglang na-alarma ang mga ghoul sa lakas ng tao. Di nila akalain na bigla itong lalakas ng ganito. Sa isang iglap lang ay natalo ang kalahati sa kanila. Bawat paghakbang ni Yman ay siya namang paghakbang paatras ng mga ghoul. Grr! Sa isip ng elder ghoul ay hindi maaari to! Bakit sila matatakot! Isa lang siyang pagkain para sa mga ghoul! Bigla ay nagpakawala ito ng malakas na sigaw.
GROOOOOOOOOWL!
!!RAAAAAAWR!!!
Sunod-sunod namang nagsigawan ang iba pang mga ghoul. Dahil dito ay halos lumindol ang paligid. Sa lakas ng enerhiyang inilalabas ng pagsigaw nila ay lalo pang nagliparan ang mga Punong kahoy sa paligid. Ngunit patuloy parin si Yman sa paglakad na tila hindi apektado sa lahat ng ito.
Nakaraan ang ilang sandali ay biglang tumigil sa paghakbang si Yman. Lumingon lingon siya sa paligid. Nakita niya na ang dating kagubatan ay hindi na maitsura ngayon. Madilim pa ang paligid pero para sa mga naglalaban ay mas maliwanag pa ito sa umaga. Bigla ay itinapon ng mataas ang kanina pang bitbit na ulo ng ghoul. Bago ito tumama sa lupa ay naglaho ito na parang itim na usok. Hindi nag-iiwan ng bangkay ang mga halimaw pag namatay, nawawala ang katawan nila na para bang itim na usok. Tanging mga drop items lang na naiiwan sa mga storage ang palatandaan ng kanilang pagkamatay.
Halos kalahating oras din naghintay si Yman na matapos ang pagsisigaw ng mga halimaw. Kahit pwede naman niyang tapusin agad ang mga ito ay pinili niyang hintayin muna.
Nang tumahimik na ang paligid. Makikitang nagbago ang anyo ng mga ghoul. Katulad noong unang nakalaban ni Yman. Ang mga normal ghoul ay lumaki at may dalawang buntot sa kanilang likod. Habang ang dating mga kamay ay naging paa na. May mga buto naman na parang sungay sa kanilang ulo. Ngunit kakaiba naman ang bagong hitsura ng elder ghoul. Dahil ngayon may malalaking pakpak na ito sa likod. Para itong pakpak ng paniki. Habang may isa na mahabang buntot naman sa kanyang likuran. At ang dating kulay asul na balat ngayon kulay pula na.
!!!GROOOOWL!!!
Pagkatapos magpakawala ulit ng malakas na sigaw ay sabay-sabay na sumugod ang mga ito. Apat na mga bagong anyong ghoul ang mabilis na papunta sa kinaroroon ni Yman. Sinalubong naman ni Yman ang mga ito. Bago magbanggaan ay mabilis na inihampas ng mga ghoul ang kani-kanilang mga buntot sa kalaban. Ngunit mabilis naman itong nailagan ni Yman. Nagpazigzag-zigzag siya sa pag-iwas mula sa paghampas ng mga buntot.
Pa! Pa! Pa! Pa!
Bigla ay pinalibutan nila si Yman at pinaulanan ng mabilis na hampas ng mga buntot. Halos butas butas ang lupang tinatamaan ng paghampas. Ilang saglit ay tumalon ng mataas si Yman. At lumanding sa likod ng isang ghoul.
Shiiiing! Shiiiiing! Dalawang putol na buntot ang nagliparan sa eri.
Grooooowl!!! Iyak ng ghoul na naputulan ng buntot. Ngunit bago pa makalingon sa likod ang ghoul ay tumalon ng labing limang metro mula sa lupa si Yman habang nakataas ng bahagya ang kanang kamay at unti-unting humaba ang mga itim na kuko nito. At sa isang saglit lang ay nasa baba na siya agad, habang ang kanang kamay na may mahabang matutulis na itim na mga kuko ay nakahampas pababa. At biglang may nag markang limang kalmot ng mga kuko mula sa eri hanggang sa lupa. Kasabay nito ay nahati ang katawan ng ghoul sa lima at unti unti itong naging itim na usok.
Napansin ng tatlong natirang ghoul na humaba pa ang mga kuko ng tao. Pero hindi sila natatakot dito. Sabay na sumugod ang dalawa pa. Nasa sampung metro lang ang layo ni Yman sa dalawang ghoul. At nasa labing limang metro ang isa pa. Habang nasa tatlumpung metro naman yung elder ghoul.
Sa isang iglap lang ay narating agad ng dalawang ghoul ang kinaroroonan ng tao. Ngunit nasaan na ang tao? Nawala ulit ito sa kinatatayuan. Tanging ang kakaibang tawa lang ang iniwan.
Hihihi!