Pagkatapos ng naganap na laban sa pagitan ni Yman at mga ghoul, ay dinala siya ng grupo ni Ron patungo sa kaharian ng puting engkanto o Engkantasya. Sakay sa kalesa ng personal na tagasundo ng grupo nila Ron.
Ngayon ay Huwebes ng umaga, kasalukuyang may naganap na open forum para sa mga freshmen ng EMRMHS.
Nasa loob ng auditorium na may malawak na espasyo ginanap ang open forum. Makikitang masayang nagkukwentuhan ang mga estudyante kahit saang sulok ng lugar na ito. Iba ibang grupo may iba ibang topic. At ang isa sa pinaka sikat na topic nila ay tungkol sa sampung special magician na estudyante ng freshmen.
"Hey friend alam mo ba ang gwapo ni Holy King." Sabi ng isang estudyante na babae. "Nakita ko kahapon si Wolf King na nagsanay sa training room. Grabe ang ganda ng katawan niya. Ang laki ng mga muscle. Lalo na pag pinagpawisan kitang kita ang kasiksihan ng mga abs niya." Sabi naman ng isa.
"Basta ako kay Undying parin ako medyo badboy ang pormahan pero ang pogi parin. Grabe kinikilig talaga ako pag makikita lang siya." Sabi naman ng love sick na babae. "Ok na sa akin si Necromancer kahit medyo mayabang. Atsaka kung sa looks lang pagbabasihan ay hindi rin naman papahuli si Necrobaby ko, kyaaaah!" Kilig na kilig na sigaw ng isang fan ni Necromancer.
"Nako girls kung makita niyo lang si my love Leon siguradong makakalimutan niyo lahat ng dream boy niyo." Sabi naman ng isang babae habang pinag mayabang ang hindi sa kanya. "Bahala kayo diyan basta kami kay Holy King lang kami. Medyo maginoo pa." Sabi ng mga fan girl.
Sa grupo naman ng mga estudyante na lalaki. Ang mga topic ay...
"Gabre nakita ko si Lady Curse sa gym kanina ang sexy talaga niya. Gusto ko tuloy ma curse na ibigin siya habang buhay." Sabi ng isang lalaking estudyante. "Haha ang korni mo dude! Basta ako kay Night Slayer parin ako kahit na muntikan na niya ako patayin nung isang araw! Ahahaha." Sabi ni Gabre.
"Dude! ikaw pala yung nabalitaan na muntikan ng mapatay ni Night Slayer?" Gulat na tanong sa kanya ng kausap. "Oo dude ako nga yun! 3 na nga lang natira sa HP ko nun! Feel ko talaga mahal ako ni Night Slayer kasi ibig sabihin ng 3 is i love u diba? Wahaha!" Sabi ni Gabre. "Masochist kaba dude? Teka! Pwede rin namang i hate u yun diba?"
Sa ibang grupo naman...
"Bro ang swerty ko talaga kahapon! Nakita kong nagsasanay ng magic si Prophet."
"Talaga? Saan?" Tanong ng estudyante na kausap niya. "Dun sa rooftop."
"Ha? Paano mo siya nakita dun? Eh diba bawal tayo umapak sa 5th floor?" Naguguluhang tanong ng kausap. "Ano ka ba bro, mahina talaga ang utak mo. Syempre umarkila ako ng peon tapos pinalipad ko ng mas mataas sabay gamit ng skill ko na Farsight. Baka nakalimutan mo na ranger class ko." Pagpapaliwanag ng kausap. "Buti ka pa bro may ganyan kang skill. Sa akin puro heal lang skill ko." Malungkot na sabi nito sa kausap.
Sa grupo naman nila Kiko may nagaganap din na pag-uusap.
"Kiko?" Tanong ng kaibigan ni Kiko nang mapansin nito ang nakangiti na kaibigan. "Eh? Bakit?" Gulat naman na napatanong si Kiko. "Haha wala bro napansin ko lang na nakangiti ka. May good news ba nangyari sayo?" Mausisang tanong ng kaibigan niya. "Haha wala natawa lang ako sa nabalitaan ko." Sabi ni Kiko sa kaibigan. "Ano ba yun Bro? Paki share naman diyan." Usisa ng kaibigan. "Nalaman ko lang naman na pinaka mahinang magic ang nakuha ni Yman, haha."
"Ah si sukaman ba? Haha sigurado wala ka nang kahati kay Mina niyan. Sino ba naman magka gusto sa weak na yun. Ang payat pa! Haha kadiri talaga ang isang yun." Sabi ng kaibigan ni Kiko. "Ipapakita ko kay Mina na mas karapatdapat ako sa kanya kesa naman dun sa traydor na Yman na yun."
"Tama ka Kiko dude! Kung pagbabasihan lang sa looks, lakas at yaman ay walang panama sayo si ihiman. Kung ako kay Mina, bakit ko pa papansinin ang kadiring yun di hamak na mas gwapo at mas malakas ka naman dun." Sabat naman ng isa pang kaibigan ni Kiko.
"Oo nga Kiko bro, bakit ka ba nag-aalalang maagawan ni sukaman? Sa tingin ko naman walang pag-asa kay Mina yun."
"Tama ka diyan dude! Kiko dapat niligawan mo na si Mina. Para mapalapit na rin ako kay goddess Kesha!" Pag sang-ayon naman ng isang kaibigan ni Kiko. Kinamot lang ni Kiko ang kanyang matangos na ilong sa mga pinagsasabi ng kaibigan niya. Balak talaga niya ligawan si Mina pero hindi lang maka'timing.
Sa totoo lang may iba pa siyang nabalitaan na dahilan kung bakit masaya siya. Nalaman niya na si Yman ay pumunta sa Engkantasya. Alam din ni Kiko na maraming inatake ng mga hybrid na halimaw sa malapit na area papunta dun lalo na sa panahon ngayon na may itim na butas ang lumitaw malapit sa daraanan papuntang Engkantasya.
"Hehe swerty nalang ni Yman kung makaligtas siya. Pero base sa lakas niya siguradong pinagpistahan na siya ngayon ng mga halimaw." Mga bulong sa isip ni Kiko.
Sa di kalayuan naman makikita ang mga kaklase nila Yman na parang mga basang sisiw. Habang mahinang nag-kukwentuhan.
"Bakit kaya wala pa si Yman my friend?." Tanong ni Bob sa mga ka grupo. "Uhm! Sabi ni Ms. Pai pumunta daw siya sa Engkantasya." Sagot ni Chloe. "Talaga? Pumunta si Yman sa Engkantasya?!" Dahil na bigla si Bob sa nalaman ay napasigaw siya. Hindi manlang niya napansin na dumating na ang mga star ng araw na ito. Ang sampung special students este siyam lang pala dahil kulang sila ng isa.
Saktong pagdaan ni Mina ang pagsigaw ni Bob kaya rinig na rinig niya ito. Lalo na nang mabanggit ang pangalan ni Yman. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Dahan-dahan ay lumapit siya sa kinaroroonan nila Bob. Bigla namang natahimik ang buong Auditorium na tila may isang anghel na nagdaan. Tanging ang tunog ng mga yapak lang ni Mina ang maririnig habang palapit sa direksyon na kinaroroonan ng malaking boses kanina.
Sa isip ng ibang estudyante ay bumpkin talaga ang lowest section na ito. Hindi manlang nila napansin ang pag dating ni Black Princess at Golden Leon. Pag ginalit nila ang mga special students siguradong isang magic spell lang ay ubos kayong lahat. Lihim na nangutya ang ibang estudyante na nanonood sa paglapit ni Mina. Sumunod rin si Leon at iba pang miyembro ng special students kay Mina.
Nagulat naman si Bob ng mapansin na biglang natahimik ang ibang estudyante. Lumingon-lingon siya sa paligid, ngunit mas lalo niyang kinagulat nang may paparating sa kanilang direksyon na isang dyosa. At hindi lang yun sa likod ng dyosa ay may mga nag-gagandahan at nag-gwagwapuhang mga nilalang. Lihim na napalunok ng malapot na laway si Bob habang pinagpawisan ng malamig. Sa isip ni Bob ay "Hindi naman siguro ako papagalitan dahil napalakas ang boses ko kanina noh?"
Huminto sa harap ni Bob at Chloe si Mina. Nagpalipat lipat siya ng tingin sa dalawa bago nag tanong ng "Totoo bang pumunta si Yman sa Engkantasya?"
Nagulat ang lahat sa tanong ni Mina. Sa isip ng ibang estudyane ay "Sino ba si Yman? Sinong pangahas ba yang Yman na yan?!" Sa isip naman ng mga kakilala ni Yman ay "Kilala ni Yman si Black Princess? Anong ugnayan nila?" Pati si Bob ay nagulat din. Hindi niya akalain na may kilalang dyosa si Yman.
Napansin naman ng grupo ni Kiko ang nangyari. Magkahalo ang naramdaman ni Kiko. May galit, selos dahil halata sa mga mata ni Mina ang pag-alala. Tanging siya lang ang may alam na gusto ni Mina si Yman. Kahit noong elementarya palang sila. Pero syempre may tuwa din siyang naramdaman dahil may isang bagay na pinagbabawal sa mga freshmen. Pagpantasyahan niyo na lahat, wag lang si Black Princess. Dahil makakalaban mo lahat ng estudyante. Kaya kahit masakit sa dibdib ay lihim na tumawa si Kiko.
"Kung su-swertehin ka at makabalik. Goodluck nalang sayo pag balik mo Yman! Hehe"
Dahil sa gulat ay hindi agad nakasagot si Bob. Inulit ni Mina ang tanong at lumingon siya kay Chloe. "Totoo bang pumunta sa Engkantasya si Yman?" Mahinahong tanong ni Mina. Habang halata ang pag alala sa kanyang mga mata. Ngayon pati mga kasamahan niya sa special students ay nagulat din.
"Kuku sino kaya tong Yman na ito at tila alalang-alala si Black Princess." Sabi ni Lady Curse habang naka Krus ang mga mapuputing braso sa dibdib.
"Tsk! Sino kaya ang pangahas na Yman na yan!" Galit na sambit naman ni Undying sa isip.
"So may pangahas pala na naglakas loob na diskartehan ang Prinsesa! Hehe humanda siya!" Sigaw naman sa isip ni Necromancer.
"Ye-yes! Princess yun sa-sabi ni Ms. Pai kahapon" Kabadong sagot ni Chloe.
Malakas na kinagat ni Mina ang nagpuputiang mga ngipin dahil sa nalaman. Alam niya na mahina ang magic ni Yman. At alam din niya na delikado ang daan ngayon papunta sa Engkantasya. Dahil may itim na butas ang lumitaw malapit sa daraanan papunta dun. Bigla ay nakadama ng kaba si Mina. Ilang sandali ay..
"Mi-Mina? Okey ka lang? Anong nangyari dito?" Mahinang tanong ng bagong dating na best friend na si Kesha. Nagulat si Mina sa biglaang pagsulpot ng best friend niya.
Lumingon si Mina sa best friend at sumagot. "Wa-wala may tinanong lang ako sa kanya." Sagot sabay turo kay Chloe. Lumingon ulit si Mina kay Chloe. "Ano nga ulit pangalan mo?" Mahinahong tanong ni Mina. "Ch-Chloe!" Sagot niya. "Kung ganun salamat Chloe." Ngumiti muna si Mina kay Chloe bago tumalikod. "A-ako naman si Bob!" Malakas na pahabol ni Bob. Dahil dito ay tinitigan siya ng mga estudyante sa paligid. Tumango naman si Mina sa kanya bago tuluyang umalis. Dahan dahan naman umupu si Bob nang mapansin ang mga masasamang tingin ng ibang estudyante sa kanya. "Sigh* Swerty naman ni Yman my friend! Siguro shota niya yun." Mahinang sabi ni Bob sa mga ka grupo. "Ssssshhh!" Sininyasan naman siya ni Chloe na tumahimik.
Ilang sandali pagdating ng mga special estudents ay sinimulan na nila ang open forum. Ang mga napag-usapan ay tungkol sa gagawing expedition sa loob ng itim na butas na lumitaw na nasa sampung kilometro mula sa EMRMHS. Pwede sumali ang lahat ng may grupo. Lahat ay makakapag level at lahat ng drop items ay paghahatian.
Dahil walang gana si Mina, ang naatasan na magsalita ay si Kesha o Prophet. Ang mga special estudents ay bawal tawagin sa tunay na pangalan. May malaking kaparusahan sa mga pangahas na tawagin sila sa kanilang tunay na pangalan ng walang pahintulot.