Chereads / Self Healing Magic / Chapter 15 - Tao o Halimaw?

Chapter 15 - Tao o Halimaw?

Sa isang iglap lang ay narating agad ng dalawang ghoul ang kinaroroon ni Yman. Pero nasaan na ang target nila? Nawala ulit ito sa kinatatayuan kanina. Mukhang kahit nagbago sila ng anyo ay wala paring magawa ang bilis nila sa liksi ng kalaban. Dumausdus ang dalawang ghoul dahil nahirapan ito patigilin ang lakas ng kanilang pag sugod.

Si Yman naman ay lumitaw sa harapan ng pangatlong ghoul. Nang mapansin nito ang tao sa kanyang harapan, ay lalo pang nagliwanag ng pula ang mga mata ng ghoul sabay pakawala ng walang katapusang paghampas ng buntot. Minsan ay sumisingit din siya ng pagkagat.

Ting! Ting! Ting!

Gamit naman ang mga kuko ni Yman ay sinangga niya ang atake ng buntot at ngipin ng halimaw. Nagliparan ang nakakasilaw na liwanag sa paligid na dala ng pagbanggaan ng dalawang matitigas na bagay.

Ting! Ting! Ting!

Hinarang ng itim na kuko sa kanang kamay ang atake ng buntot mula sa itaas. Isa pang buntot ang mabilis na parating mula sa kaliwang bahagi ng tagiliran ni Yman. Ngunit gamit ang mga kuko sa kaliwang kamay ay hinarang ulit ito. Isang kagat naman ang parating sa ulo ni Yman. Bigla ay...

Pak!

Sinipa ni Yman ang lalamunan ng halimaw. Dahil sa lakas ng sipa ay napaatras ito. Bago pa mabawi ang balansi nito ay tumalon agad si Yman sa likod ng halimaw at pinabaon ng malalim ang sampung mahabang mga kuko.

Agad namang tumalon sa eri ng mataas si Yman habang nagpaikot-ikot dahil naramdaman niya ang paparating na mga pira-pirasong lupa at bato na itinira sa kanyang direksyon mula sa elder ghoul. Daang-daang piraso ng bato at lupa ang mabilis na inilagan ni Yman habang nasa eri. At nang nasa ibabaw na siya ng dalawa pang ghoul na dumausdus biglang ibinuka ni Yman ang mga kamay at palad. At bigla ay nag'dive siya patungo sa dalawang ghoul sa ibaba. Dalawang mataas na marka ng kalmot mula sa eri hanggang sa lupa ang makikitang lumitaw.

Grooowl!! Iyak ng mga ghoul.

Diretso ang mga markang ito sa katawan ng dal'wang ghoul na siya namang dahilan ng pagkahiwa ng kanilang katawan. At unti-unti ay naging itim na usok ang mga ghoul na tinamaan.

GWAAAAAAAAR!!!

Nagpakawala ng kakaibang sigaw ang elder ghoul ng makitang naubos ang kanyang mga kasama. Ilang sandali ay sumabog ang matinding enerhiya sa katawan nito. Libo-libong mga piraso ng bato at lupa ang umiikot sa katawan ng ghoul habang Ikinampay ang malalapad na pakpak ay dahan-dahan itong lumutang sa eri. Bigla ay...

Pa! Pa! Pa!

Sunod-sunod na pinaulanan si Yman ng nagtitigasang piraso ng lupa at bato. Mabilis na tumakbo sa gubat si Yman para makapag tago. Pero balewala parin ito. Pinaulanan lang siya ng pinaulanan. Butas-butas ang mga sanga o kahit saang parte ng punong tinamaan ng pirasong mga lupa at bato. Habang malalalim na butas naman ang makikita sa mga lupang tinamaan. Si Yman naman ay mabilis na nagtalon talon sa mga sanga. Dahil lumilipad ang elder ghoul ay hindi niya ito maabot. Nasa 50meters ito mula sa lupa. Ang kagubatan ay nagmistulang dinaanan ng matinding bagyo dahil sa bilis ng pagtumba ng mga puno sa paligid na tinamaan ng mga itinira ng elder ghoul.

Sa hindi kalayuan naman, may apat na tao? Dalawang tao at dalawang engkanto ang malungkot na naglalakad sa bandang makitid na daan sa gilid ng bundok. At sa gilid ng daang makitid ay may bangin. Sa baba naman ng bangin ay makikita ang malapad na kagubatan.

"Pasinsya na Ron wala man lang kaming nagawa para mailigtas si Vince." Malungkot na sabi ni Jesa. "Wag muna alalahin yun Jes, walang may kasalanan sa nangyari. Mali lang talaga ang impormasyong nakuha ng guild." Sabi naman ni Alexes kay Jesa. "Tsk! Kung mas malakas lang sana ako!" Malakas na sabi ni Ron habang may tumutulong luha sa kanyang mga mata.

Pak! Sinuntok ng mahina ni Ron ang gilid ng bundok. Dalawang araw din nakatulog si Ron dahil sa sobrang pagod resulta ng matagal na pakikipaglaban sa loob ng itim na butas."Eek! Pa-pasinsya na, kung nakaakyat la-lang sana a-ako agad...hindi sana mangyari kay Vi-Vince yun." Malungkot at nanginginig na sabi ni Rea habang may mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata. "Wag kang mag-alala Rea hindi namin inisip na kasalanan mo ang nangyari." Mahinahong sabi ni Ron habang hinimas-himas ang ulo ni Rea.

Si Rea ay ang pinaka bata sa apat, nasa first year palang ito at nag-aaral sa magic highschool sa Kaharian ng Puting Engkanto. Isa siyang kalahating tao at kalahating engkanto. Para sa mga kasama ay isang cute na batang kapatid ang turing nila kay Rea. Lumapit si Jesa kay Rea at niyakap ito. "Tama si Ron, Rea. Atsaka mas importante na dapat makabalik agad tayo para malaman ng guild ang totoo at maiwasan na marami pang maging biktima. Para narin hindi masayang ang sakripisyo ni Vince." Pagpapaliwanag ni Jesa. "Oo kaya bilisan na natin." Pagsang-ayon ni Alexes kay Jesa. Tumango naman si Ron at Rea. Ngunit bago sila makahakbang ay...

Pa! Pa! Pa!

"A-ano yun?!" Tanong ni Rea. Biglang naglingunan sa paligid ang lahat. "Sa baba!" Malakas naman na sigaw ni Jesa. At sabay-sabay naman dumungaw ang tatlo pa. Nagulat sila sa kanilang nakita. Isang halimaw ang lumilipad habang napapalibutan ng pira-pirasong lupa at bato? Biglang nanginig ang dalawang babae. Habang kinagat naman ni Alexes ng malakas ang mga ngipin niya. At malakas na kinuyom ni Ron ang mga kamao. "Anong klaseng halimaw yan?" Mahinang tanong ni Alexes. "Tsk! Hybrid Minotaur ba yan?" Mahinang tanong din ni Ron. Dahil medyo madilim ay hindi nila gaanong maaninag ang halimaw. "De-delikado tayo diyan! Isa yang elder ghoul!" Napalakas na boses na pagkasabi ni Jesa dahil medyo nataranta ito.

Dahil ranger ang class ni Jesa, ay may skill ito na tinatawag na Farsight. At ang skill na ito ay parang telescope. "Ano?! Kung ganun nag-iba ito ng anyo?" Tanong ni Ron kay Jesa. "Oo Ron, at pag nasa ganyan silang anyo ay nasa rank A+ ang taglay nilang lakas." Medyo pinagpawisan na pagpapaliwag ni Jesa.

"Shit! Pati rin ba dito sinusundan parin tayo?!" Galit na tanong ni Alexes. "A-anong ga-gagawin natin?" Nanginginig na tanong ni Rea. "Tsk! Tumakbo na kayo..ako nang bahala diyan. Kailangan may mabuhay sa atin para makapag report sa guild." Kunot noong sabi ni Ron. Isang saglit ay...

Pa! Pa! Pa! Biglang nagpaulan ulit ang halimaw ng mga pira-pirasong bato at lupa pero hindi sa direksyon ng apat. Bigla namang tumalon sa eri si Yman 20 meters mula sa mga puno para umilag.

"Teka Ron!" Sigaw ni Jesa. "Ba-bakit Jesa?" Tanong ng tatlo. "Tignan niyo may kinakalaban ang halimaw!" Sigaw ni Jesa. Nang lumingon ang tatlo ay nakita nila ang tinutukoy ni Jesa. "Ta-tao ba yan?" Tanong ni Rea. "Parang, pero bakit tila may mga itim na mahahabang mga kuko ang mga kamay niya." Sabi ni Jesa. "Ano? Mahahabang itim na kuko? Kung ganun isa rin siyang halimaw?" Tanong ni Ron. "Ewan hindi ako sure pero yung mukha niya ay mukha ng tao!" Malakas na pagkasabi ni Jesa. "A-anong gagawin natin?" Tanong ni Rea sa mga kasama. "Ron?" Tanong ni Jesa. Tumingin ang tatlong kasama ni Ron sa direksyon niya. "Hi-hintayin muna natin magliwanag. Lugi tayo sa ganito ka dilim at hindi tayo sigurado kung tao ba ang kalaban ng elder ghoul. Atsaka ilang minuto nalang at sisikat narin ang araw." Mahabang pagpaliwanag ni Ron para sa mga kasama. Tumango naman ang iba pa.

Halos mahigit isang oras na naghabulan si Yman at ang halimaw. Ngunit hindi parin magawang patamaan ng halimaw si Yman. Habang hindi naman magawang umataki ni Yman sa halimaw. Malaki na ang pinsalang naidulot ng kanilang paglalaban. Iba ibang hugis at laki ng mga butas sa lupa. Nagkalat na mga putol-putol na parte ng mga punong kahoy sa paligid.

Nang mapagtanto ng halimaw na walang magandang resulta ang ginagawa niya ay tumigil ito sa pag-atake.

GWAAAAR!

Naglabas ulit ng malakas na enerhiya ang elder ghoul. At bigla sa harapan nito ay may namumuong malaking bilog na lupa at hinihigop nito ang mga pira-pirasong lupa sa paligid nito. Hanggang nasa sampung metro na ang lapad nito. Isang napaka-laking bola na gawa sa mga bato at lupa. Hindi lang yun nadagdagan pa ito ng dalawa pa na kasing laki ng nauna.

Napansin ni Yman na tumigil sa pag atake ang kalaban. Tumingin siya sa direksyon ng kalaban at naningkit ang kanyang mga mata. Bigla ay ngumisi siya sa kalaban.

Hihi!

WOOOOOSSSH!

Tatlong magka sunod-sunod na malalaking bola ang mabilis na patungo sa direksyon ni Yman.

Shiiiiing!

Sinubukan niya hatiin ang unang bola gamit ang mga kuko ngunit bigo ito. May kakayanan ang mga bolang ito na tumiklop ulit kapag hinihiwa. Dahil bigo sa unang subok si Yman ay tumalon paatras nalang siya para umilag. Ngunit mabilis naman na paparating ang pangalawa. Tumalon sa mataas na puno si Yman para makailag sa pangalawang bola. Ngunit hindi dumiretso ang bola at bigla ay sumunod ito kay Yman. Akala ni Yman nakailag na siya. Bigla ay lumingon siya sa likuran at nagulat siya dahil nasa likuran na niya ang bola. Bigla ay...

PAK!

Tinamaan siya sa likuran at tumilapon ng malayo habang nagpagulong-gulong ang katawan at nabali ang mga punong kahoy na binanggaan ng katawan ni Yman.

Sa hindi kalayuan naman ay nanglaki ang mga mata ng apat na lihim na nanonood sa laban.

"Anong klaseng kapangyarihan yan?" Tanong ni Jesa. "Walang duda na rank A+ nga ang halimaw na ito." Sabi naman ni Ron. "Ka-kaya ba nating talunin yan?" Tanong ni Rea. "Imposible yan lalo na at wala tayong tank." Mahinang sabi ni Alexes. Bigla namang natahamik ang mga kasama niya ng banggitin ang word na tank. Napansin ito ni Alexes at bigla siyang nag sorry sa mga kasama.

Kasalukuyang nakasandal sa malaking bato ang katawan ni Yman. Halos 50meters din ang layo ng pagkatapon ng katawan niya.

Har! Har! Ngumisi ang elder ghoul nang makitang tinamaan ang tao sa kanyang atake. Medyo matagal tagal na rin ang kanilang paglalaban. At tila hindi napapagod ang taong ito. Buti nalang sa wakas ay tinamaan narin niya ito.

Nagdaan ang ilang sandali. Sumilip na nga ang araw sa silangan. At medyo maliwanag na kunti ang paligid. Dahan-dahan naman tumayo si Yman na para bang walang nangyari. Pinagpag niya ang mga alikabok sa katawan. At tumingin sa direksyon ng halimaw habang nakangisi. Bigla ay sumabog ang itim na enerhiya sa kanyang katawan. Ilang sandali ay naglaho ang itim na enerhiya ngunit may isang halimaw naman na kahawig ng elder ghoul sa likuran ni Yman. Kulay itim ito gaya noong una. May pakpak din ito na parang sa paniki at mahabang buntot sa likod. Gawa ito sa itim na enerhiya. Ilang saglit pa ay dahan-dahan itong sumanib sa katawan ni Yman.

?! Nagulat ang mga nanonood. Pati narin ang elder ghoul ay nagulat. Paano nangyari to? Ginagaya ba siya ng tao? Lapastangan!

"A-ano yan?" Tanong ni Jesa. "Ba-bakit kulay itim ang kanyang enerhiya?" Tanong naman ni Rea. "Tao ba yan o halimaw?" Tanong naman ni Alexes. "Hah!" Nagpakawala nalang ng buntong hininga si Ron dahil yun din ang katanungan niya. Sa buong buhay ng pagiging propesyonal na magician niya ay wala pa siyang narinig na taong may itim na enerhiya. At mas lalo pa siyang nagugulahan sa kakaibang kapangyarihan na dala nito.

Dahil maliwanag na ang paligid ay napagtanto nila na tao nga ang kalaban ng elder ghoul. At mukhang kaedaran lang ito ni Rea. Pero nakakakilabot ang enerhiyang taglay nito. Lalo na nang may lumabas sa likod ng binatilyong ito na itim na halimaw na kahawig ng elder ghoul. At hindi lang yun! Sumanib pa ito sa katawan ng binatilyo. Pagkatapos nito sumanib ay may malalapad na itim na pakpak ang tumubo sa likuran ng binatilyong may itim na enerhiya. Ang pakpak na ito ay kahawig sa pakpak ng elder ghoul. At bigla dahan-dahan lumipad ang binatilyo sa kinaroroonan ng halimaw.

"Anong klaseng kapangyarihan ito?" Tanong ni Jesa kahit alam niya na walang makapagbigay ng kasagutan sa kanya. "Sa-sa tingin niyo isa ba siyang Rank S magician?" Tanong naman ni Rea. "Posible" Sagot naman ni Jesa. Tumango naman ang dalawang lalaki. Kahit hindi sila sure, pero kung pagbabasihan ang lakas na taglay ng binatilyo ay siguradong nasa rank S na magician ito. Pero sa murang edad nito ay paano siya nagkaroon ng malakas na kapangyarihan? At anong klaseng enerhiya ang taglay niya? Ito ang mga katanungan sa isip ng bawat isa.

Pagkatapos sumanib ng itim na halimaw sa likod ni Yman. Ay may tumubong pakpak sa likod niya. Dahil dito ay natuto narin siyang lumipad. Ginaya niya ang pagkampay ng pakpak ng elder ghoul. At dahan-dahan ay natutunan niya kontrolin ito. Hanggang naging bihasa na siya. Bigla ay...isang malakas na pagpagaspas ng pakpak. Naglaho ang imahe ni Yman sa dati nitong kinatatayuan. At lumitaw sa harap ng kalaban sa isang saglit lang. Nagtitigan ang magkalaban habang nasa eri. Bigla ay ngumisi si Yman habang nagpakawala ulit ng itim na enerhiya sa katawan.

Woosh!

Ilang saglit ay may namumuong bilog na gawa sa bato at lupa sa harap ni Yman. Kasing laki nito ang mga bilog ng elder ghoul.