Chereads / Self Healing Magic / Chapter 16 - Hihi, Sugod!

Chapter 16 - Hihi, Sugod!

Kulay itim na bolang gawa sa lupa at bato. Ang humulma sa harapan ni Yman. At hindi pa natatapos diyan, kasi ilang sandali pa ay nadagdagan ng dalawa pang bola ang pumalibot sa kanya.

Ngayon, ay parihas na silang may tig'tatlo na higanting bola ang pumalibot sa kanila. Parehong sukat at laki. Tanging kaibahan lang ay kulay itim ang mga bola ni Yman. Nang matapos na ang paghulma ng mga bola, ay ngumisi si Yman sa direksyon ng elder ghoul. "Hihi..sugod" Mahinang sabi niya sa kalaban habang sininyasan gamit ang kanang hintuturo para pasugurin ito.

Hindi makapaniwala ang elder ghoul sa ginawa ng tao. Kaya rin nito gamitin ang technique niya? Hindi lang yun! Mukhang minamaliit pa siya ng pagkaing ito!

Pero hindi lang ang elder ghoul ang hindi makapaniwala. Pati ang grupo ni Ron ay ganun din. Nanlaki ang kanilang mga mata sa nasaksihan. "Paano niya nagawang gayahin ang skill ng halimaw?" Tanong ni Jesa. "Ahaha hindi lang skill. Pati rin anyo ng halimaw ay nagaya niya." Hilaw na tawa ni Alexes sabay sagot sa tanong ni Jesa. "Ngayon ay hindi na natin alam kung sinong mananalo." Dagdag ni Jesa. "Sa tingin niyo, miyembro kaya siya ng adventurers guild?" Tanong ni Alexes. "Baka isa siyang platinum rank adventurer." Dagdag naman ni Jesa. "Malabo yan, kilala ko halos lahat ng platinum rank na miyembro. Pero wala akong nakitang kasing edad niya sa platinum rank. Lalo na ang itim na enerhiyang taglay niya. Wala pang nai-record na may magician na nagtataglay ng ganyang kulay ng enerhiya." Sagot ni Ron sa dalawang kasama.

Kahit maliwanag na ang paligid ay nalimutan na nilang tumulong pa. Dahil sa isip nila ay wala rin naman silang magagawa.

Naniningkit ang mga mapupulang mata ng elder ghoul sa galit. GWAAAAAR!! Nagpakawala siya ng sigaw at sumabog ang pulang enerhiya sa kanyang katawan. Ilang saglit ay nababalutan ng pulang enerhiya ang kanyang mga bola. Dinagdagan niya ang lakas ng mga ito. Ngayon ay tatapusin na niya ang lapastangan na pagkaing ito!!!

Gwar! Gwar! Sambit ng ghoul. Kasabay nito ay hinampas niya ang kanang kamay sa direksyon ni Yman. Wooosh! Wooosh! Wooosh! Bigla namang nagliparan ang tatlong bilog sa kinaroroonan ni Yman. Nang makita ang mga paparating na bola ay ngumisi lang si Yman dito. At gaya ng ginawa ng elder ghoul, ay mabilis din inihampas ni Yman ang mga kamay niya sa direksyon ng mga pulang bola na paparating. Wooosh! Wooosh! Wooosh! Bigla rin nagliparan ang mga itim na bola sa kanyang paligid patungo sa mga pulang bola na inihagis ng kalaban. Ilang saglit lang ay...

Bang! Bang! Bang! Tatlong malalakas na salpukan ng higanting mga bola. Halos kinuyog nito ang paligid dahil sa lakas ng banggaan. Dumagundong ito sa paligid na para bang mga planita na nagsalpukan. Kumunot naman ang noo ng mga taong lihim na nanonood habang tinakpan ng sariling mga kamay ang kanilang mga tenga.

Halos parihas lang ang lakas ng mga bola. Paulit-ulit itong nagbanggaan at nagtutulakan. Nagliparan naman ang mga butil na bahagi nito sa paligid. Ilang minuto ang nakalipas ay unti-unti nang humina ang mga bola.At sa huling salpukan ay pareho itong sumabog. Naglaglagan ang mga piraso nito na tila umuulan ng bato at lupa sa ibaba.

Nagpakawala agad ng pulang enerhiya sa katawan ang halimaw at pagkatapos ay may matutulis na pulang kuko naman ang humulma sa mga kamay nito. Ginaya naman ni Yman ang ginawa ng halimaw. Nagpakawala rin siya ng itim na enerhiya at pagkatapos ay may itim na mga kuko ang tumubo ulit sa kanyang mga kamay.

Walang pagdadalwang isip na sumugod ang dalawa. Sa isang iglap lang ay tila dumaan lang ang dalawa sa isa't isa. Sampung metro tumigil sila sa paggalaw, habang ang kanilang mga likod ay nakaharap sa kanilang kalaban.

?! "Sinong nanalo?" Tanong sa isip ng apat na nakasaksi sa paglalaban.

Bigla ay may isang braso ang tumilapon sa eri. Umagus naman ang kulay itim na dugo sa dating kinalagyan ng braso. At bago pa tuluyang mahulog sa lupa ang brasong naputol, ay naglaho ito na parang itim na usok.

Gyaaaah!!! Iyak ng elder ghoul habang tinakpan ng kaliwang kamay ang dating kinalagyan ng kanang braso. Hindi niya akalain na matatalo siya ng tao. Tumingin siya sa likod at sinulyapan ang taong kalaban. Nakita niya na nakatitig lang ito sa kanya habang nakangiti ng hindi maganda. Sa mga itim na kuko nito ay tumutulo ang itim na dugo. Naisip ng elder ghoul na dehado na siya. Bigla ay ipinagaspas nito ang mga pakpak at mabilis na tumakas papalayo.

Napansin ni Yman na dali-daling tumakas ang kalaban. Ngumisi siya dito at lumipad ng mataas. Palayo ng palayo ang halimaw habang pataas ng pataas naman si Yman.

"Eh?! Balak ba niyang patakasin ang halimaw?" Naguguluhang katanungan ni Jesa. "Parang hindi ganun. Tignan niyo parang may binabalak siyang gawin." Sagot naman ni Ron.

Nang nasa tamang taas na si Yman ay tumigil siya sa paglipad at bigla ay nagdive sa direksyon ng elder ghoul. Walang kamalay-malay ang elder ghoul na may mabilis na paparating sa kanyang direksyon mula sa taas. Sinulyapan niya ang dating kinatatayuan ng tao ngunit nawala na ito. Naisip niya na baka napagod na rin ito. At hindi na nag-abala pang habulin siya. Napangiti siya sa kalooblooban. Sa isip niya ay maghihiganti ako sa tamang panahon! Hintayin mo lang tao! Ipapakita ko sayo na isa kalang pagkain para sa amin! Ngunit..

PAK! Tinamaan siya sa likod ng mabilis na flying kick. Halos matanggal sa socket ang mga mapupulang mata. Diretso tumilapon sa baba ang elder ghoul. Na sinundan ng malakas na tunog ng pagbagsak nito sa lupa. At bigla namang nagsi-alsa ang mga alikabok sa paligid. Dahil dito hindi halos makita kung ano na nangyari sa halimaw. Si Yman naman ay nakatitig lang sa direksyon na pinagbagsakan ng halimaw.

Ilang sandali ay nawala na ang mga alikabok at malinaw na ang paligid. Labing limang metrong lapad ng butas sa lupa ang makikita. Sa gitna nito ay ang walang malay na elder ghoul na unti-unting naging itim na usok. Dahan-dahan naman lumanding si Yman, at pag apak niya sa lupa ay diretsong natumba ng nakataob.

"Mukhang tapos na ang laban." Sabi ni Ron.

"Anong gagawin natin?." Tanong naman ni Jesa. "Tara lapitan natin." Tumango naman ang iba sa sinabi ni Ron. Agad ay bilis silang kumilos para makababa. Pero napansin nilang kanina pa tahimik si Rea. "Rea anong ginagawa mo?" Tanong ni Jesa habang nagsi'tinginan din ang dalawang lalaki. "Eh?! Wa-wala nire-record ko lang ang laban ni-nila. Balak ko iupload sa wetube para may extra income." Gulat na sabi ni Rea. "Sigh" Nagpakawala nalang ng hangin sa bibig ang mga kasama sa sinabi ni Rea. Sikat kasi ang site na ito lalo na sa mga kabataan. At mukhang isa rin si Rea sa mga kabataang ito.

Pagdating nila sa baba ay nagulat sila sa kanilang nasaksihan. "Grabe naman ang pinsalang naidulot ng laban nila." Namanghang sabi ni Jesa. Kung titignan sa malayo ay hindi gaanong mapansin ang bunga ng kanilang labanan. Pero nang masaksihan ito sa malapitan, ay halos hindi sila makapaniwala. Halos makalbo ang kagubatan sa lugar na kanilang pinaglabanan. At maraming butas-butas na iba't ibang laki ang makikita sa lupa. Si Rea naman ay busy sa pag re'record sa paligid.

Habang nagrerecord si Rea ay may napansin siyang nagliliwanag na mga bagay sa gilid ng punong may maraming butas. Nilapitan niya ito at bumulagta sa kanya ang nagkalat na mga drop items sa lupa. "Je-Jesa! Ro-Ron! Tignan niyo dito!" Tinawag niya ang mga kasamahan.

Lumapit naman agad ang mga kasama. "So hindi lang pala isa ang nakalaban niya. Mukhang may mga kasama ang elder ghoul na yun. At natalo lahat sa nag-iisang binatilyong magician." Hindi makapaniwalang sabi ni Ron.

Tsk! Kung may kasing lakas lang sana akong kapangyarihan tulad ng binatilyong yun hindi siguro namatay si Vince. Dagdag sa isip ni Ron.

Napansin ni Jesa ang lungkot sa mga mata ni Ron kaya tinapik niya ang balikat nito ng mahina.

Pinulot nila ang mga nagkalat na drops. Balak nila ibigay ito sa binatilyong magician. Pero nasaan na yun? Baka umalis na yun? Hindi nila napansin nang matumba si Yman. Hinanap nila sa paligid ito sa paligid. Ilang minuto ay...

"Ron! Jesa! Alexes andito siya!" Sigaw ni Rea. Mabilis naman nagtungo sa pinagmulang ng boses ang mga kasama. Pagdating nila sa kinaroroonan ni Rea, ay nakita nilang nakataob ang binatilyo at walang malay katabi ng malaking butas sa lupa. At sa pinakagitna ng butas ay may mga nagliliwanag na mga drop items.

"Jesa! Check mo kalagayan niya." Mabilis na utos ni Ron. Agad naman tumango si Jesa at nilapitan ang walang malay na si Yman. Ilang sandali ay "Mahina ang kanyang pulso at mukhang naubos ang kanyang mana. At walang makikitang sugat sa kanyang katawan kahit kunti. At mukhang nasira ang gamit niyang EB." Pagpapaliwanag ni Jesa. "Eh? Walang sugat? Paano nagkapunit-punit ang mga kasuotan niya?" Naguguluhang tanong ni Alexes. Umiling lang ang mga kasama dahil hindi rin nila maipaliwanag. "Sa tingin mo may internal injury kaya siya? Anong pwedi nating gawin?" Pag-alalang tanong ni Ron. "Da-dalhin natin siya sa kaharian ng mga engkanto." Mahinang sabi ni Rea sa mga kasama. Ilang sandali ay may narinig silang pagpagaspas ng mga pakpak. Bigla silang na alarma at mabilis na tumingin sa direksyon na pinagmulan ng tunog. "Isang peon?" Gulat na tanong sa kanilang isip.

Matapos damputin ang mga drops ay napagkasunduan nila na dalhin ang walang malay na binatilyo sa kaharian ng mga puting engkanto. At si Rea ang naatasang mag stabilize sa naramdaman ng binatilyo dahil healer ang class niya. Gamit ang pinakamalakas na healing magic na kaniyang natutunan ay paulit-ulit niyang ginamitan ng healing magic si Yman. Isang rank B+ na healing magic na tinatawag na Focus Healing. Binabalot nito sa matinding liwanag ang katawan ng gustong pagalingin. Pero hindi manlang nito magawang pagalingin si Yman. Tanging nagawa lang nito ay pigilan lumala ang naramdaman ni Yman.

May isang araw ang biyahe patungo sa kaharian ng mga puting engkanto sakay ng malaking kalesa. Ang kalesang ito na sinakyan nila ay ang madalas na tagasundo ng grupo ni Ron.

Sa EMRMHS naman ay kasalukuyang may nagaganap na open forum para sa lahat ng mga estudyante.