Chereads / Self Healing Magic / Chapter 13 - New Skill

Chapter 13 - New Skill

Pagkatapos ng mga pop up ay tiningnan ni Yman ang kanyang status. At bigla ay namangha siya sa bagong display nito.

Ganda pala ng bagong version na ito. Mas madali maintindihan hindi gaya noong una. Hmn~ daming mga nabago. Ngayon makikita na ang bilang ng buhay ko. At may stamina na ring nadagdag?! Hah~ Buti nalang mabait si Ms. Pai at Lolla.

Para saan kaya tong 'show damage dealt at damage taken na nasa settings? On ko na nga lahat tapos off ko nalang mamaya pag hindi ko magustuhan. Wala naman sigurong mawawala. Pati narin itong 'show enemies hp bar.

Nag-iimprove na nga ang E-Man system. Para na itong video games. Pero syempre hindi importante ang mga numbers na nakasulat dito. Lalo na yung hp, kung sakali sa puso ka tamaan ay siguradong diretso deads parin. Kaya mas importante kilalanin mo ang sarili mo, kaysa magbabase sa mga nakasulat dito.

Yman Talisman

Level 2

————

STATS

HP: 10/1000(+1000!)

MP: 0/100(+500!)

Stamina: 10%/100%

Rank: D

Job: Healer

————

Atk:

10(+50!)

Matk:

1(+50!)

Def:

5(+25!)

Mdef:

1(+25!)

Eva:

5(+10!)

Acc:

5(+10!)

————

Str:

5

Int:

1

Dex:

1

Agi:

1

Vit:

1

————

Extra Points: 10

Exp: 900/1000

————

SKILLS

Magic Skill:

•Mini Heal[Active](Promotion Available!)

•Enforce[Active](New!)

Magic Type:

•Self Healing Magic

•Self Buff(New!)

Magic Rank:

•Mini Heal[-D]

•Enforce[D]

Talent: none

Self Buff naman ngayon?! Ahaha hindi naman ako makasarili pero bakit ganitong mga skill binibigay niyo sa akin?! Mukhang galit sa akin ang E-Man System na ito! Tsk! Para saan kaya to?

Click!

Enforce:

Mp:100

CD:1min

•+50% magic skill damage

•2x healing effect

•+10 attack

•+10 magic attack

•+10 defense

•+10 magic defenses

•+10 Evation

•+10 Accuracy

•10seconds effect

What? +50% magic skill damage? Paasa ba ito? Ahaha. Biglang pumuti ang mga mata ni Yman sa nalaman.

Sunod niyang tinignan ay ang promotion skill ng Mini Heal. Ang Mini Heal ay may +100hp at wala itong cooldown at 10mp per use lang.

Click!

Heal:

Mp:50

CD:2 seconds

•+500hp

•Heal injury

[Promote] [Cancel]

Click!

Pinindot ni Yman ang promote. At may nag notif ng congrats. Pagkatapos matignan ang kanyang status, ay sunod niyang sinuri ang mga drops. Naguguluhan si Yman kung paano ito direktang napunta sa storage niya.

Diba dapat sa lupa ito babagsak? Paano kaya direktang napunta sa storage ang mga item na ito? Hmn baka dahil sa bagong version ng System Interface. Itanong ko nalang kay Lolla pag nakabalik na ako. Pero ang astig nito! Para na nga itong video games.

At dahil sa level up feel ko lumalakas ang aking katawan. Feel ko rin na lumilinaw at humahaba ang kayang abutin ng aking paningin. Tumatalas pa ang aking pandinig. Ganito pala feeling pag naglevel up. Kaso ngalang hinang hina pa katawan ko dahil sa laban. Hindi pa nakabawi ng lakas. Pati mana ko naubos. Tsk!

Ghoul tooth? Ghoul horn? At monster core? Para saan kaya ang mga ito. For crafting and etc. lang naman nakalagay. Binta ko nalang ang mga ito after ko magpa miyembro.

Napansin ni Yman na may nagliliwanag sa kanyang storage. Pinindot niya ang 'Take at sinundan ng magical sound sabay litaw ng espadang may haba na isang metro. Isang single edge na espada na may 2 inches ang lapad. Binalik agad ito ni Yman sa strorage at tiningnan ang details.

Bone Sword

Attack: 100

•+10% Lifesteal effect.

•Earth element.

Ba-bakit kaya laging related sa heal-heal ang mga nakukuha ko?

Hindi alam ni Yman kung iiyak ba siya o tatawa. Napansin niya na nagliliwanag ng kulay sky blue ang icon ng espada. Naisip niya yung sinabi ni Lolla sa kanya tungkol sa mga higher grade equipments. Agad ay excited na ini'equip ni Yman ang Bone Sword sa Inventory niya.

Tama nga yung sinabi ni Lolla sakin. May isang oras at kalahati pa bago tuluyang ma-equip ito. Mukhang ini-scan o calibrate pa ito ng system para bumagay sa user ang mga effects nito. Bulong ni Yman sa sarili.

Pagkatapos ng mga pinaggagawa niya. Tumingin si Yman sa madilim na kalangitan. Bigla ay napansin niya na hindi parin bumaba ang peon na kasama. Naisip niya na baka nag-eenjoy lang ito kakalipad. Pero binawi din niya agad ang pag-iisip na ito.

Hindi! Imposible to! Isa lang ang dahilan kaya hindi bumababa ang peon. May panganib pa sa baba!

Pagkatapos banggitin ito sa isip ni Yman bigla ay isang malamig na ihip ng hangin ang dumaan. Bumangon agad si Yman at lumingon sa madilim na bahagi ng gubat na hindi kalayuan sa kinaroroonan niya.

Sampung paris ng mapupulang mga mata ang lumitaw. Dahan dahan itong humakbang patungo sa direksyon ni Yman. Ilang sandali ay naaninag na ni Yman ang mga anyo nito. Ngunit may isang naiiba sa mga ito.

Ghoul?! At..... Elder Ghoul?

Nang masilayan ang mga anyo ng mga bisitang paparating, ay bigla siyang kinabahan. Kinuha niya agad ang isa sa dalawang potion na natira sa kanyang storage. Tinanggal ang takip at agad tinungga.

Nagulat si Yman dahil biglang may nag pop up sa gilid ng kanyang vision na HP:2000 na nasa loob ng green bar. Pero naisip niya agad na baka dahil ito sa mga settings kanina. Ngayon ay full na ulit ang hp niya. Pero nanganganib naman ang buhay niya sa sitwasyong kinalagyan. 10% nalang ang stamina status at halata naman sa pagod niya. Pero kailangan makalayo. Tumakbo si Yman sa abot ng kanyang makakaya.

Nang makita ng mga ghoul na tumakbo ang tao. Walang pagdadalawang isip na hinabol nila ito. Nasa 50 meters ang distansya ni Yman mula sa mga halimaw. Ngunit unti-unti ay palapit ng palapit ang distansya. Pumasok sa gubat si Yman para makapag tago. Tumalon talon siya sa mga sanga ng kahoy. At paminsan-minsan ay tumitigil din siya para makapag pahinga. Ngayon nasa 9% nalang stamina niya.

Ngunit lalo lang lumalapit ang distansya nila. Ngayon nasa 20 meters nalang. Bumalik ulit si Yman sa pagtakbo kahit puro pawis na ang buong katawan. At namamanhid na ang mga kalamnan.

Pinagsisihan ni Yman na pumasok siya sa gubat. Dahil masyadong madilim dito at lugi siya sa mga ghoul na kayang makakita sa madilim.

Tumalon ng mataas si Yman at lumanding sa sanga ng malaking puno. Lumingon lingon siya sa paligid. Tila napaka tahimik nito. Pero ramdam ni Yman na nasa malapit lang sa kanya ang mga halimaw.

Bigla may mga matalim na mga kuko ang malakas na inihampas ng pahalang ang malaking puno. Wala manlang kalaban laban ang puno at bigla ay nahati ito sa dalawa.

Eh?!

Nagulat si Yman dahil unti unting natumba ang puno kung saan siya pumatong. Binalak niya tumalon sana sa sanga ng katabing puno pero bigla namang nadulas ang kanyang paa at nawala siya sa balansi.

Blag!

Blag!

Dalawang malakas na tunog ng nahuhulog na bagay at tao ang maririnig sa paligid. Muntik na mawalan ng malay si Yman dahil sa pagkahulog, at bigla ay nabawasan ang hp niya ng -100. Habang nakahiga sa lupa ay biglang gumulong si Yman pa kanan.

Sheeeng!

Limang kalmot ang nagmarka sa lupa kung saan siya naroroon nitong makalipas na isang sigundo. Nang magkaroon ng pagkakataon ay mabilis siyang tumayo. Ngunit isang horizontal slash ng kuko nanaman ang paparating. Tinadyakan ni Yman ng malakas ang lupa at nag backspring siya sabay dukot ng bagay sa storage.

Interface!

Click!

Nang makaapak sa lupa ang mga paa ni Yman bigla ay...

Tiiiiiing!

Nagsalubong ang mga kuko at scalpel na hawak ni Yman. Napansin ni Yman na may lumitaw na red bar sa ulo ng halimaw. At naisip naman niya agad na hp ito ng kalaban dahil nakapaglaro rin naman siya ng mga mmorpg na videogames.

Tiing! Tiing! Tiing!

Sunod sunod na banggaan ng scalpel at kuko na sinabayan ng nagsitalsikan na liwanag ang umalingaw ngaw sa madilim na gubat.

Mabilis na kaliwa at kanang pagwasiwas ng mga kuko ng halimaw. At Ilag sabay harang ng scalpel ang paulit ulit na ginawa nman ni Yman. Limang sigundo pa ang lumipas pero nasa mahigit limampung palitan na ng hampas ang kanilang nagawa. Nasa 8% nalang ang natira sa stamina ni Yman at 1750 naman ang hp niya. May mga maliit na sugat ang rumehistro sa katawan ni Yman.

Raaaaaaaaawr! Malakas na sigaw ng halimaw habang nagsitalsikan ang malalapot na laway sa paligid.

Biglang umatras si Yman para hindi matamaan.

Hindi alam ng halimaw kung paano pa nagawang lumaban ng nanghihinang taong ito. Pero sinasangga nito ang mga matutulis niyang kuko gamit lamang ang maliit na bagay na hawak ng tao. Kailangan makain na niya ang taong ito bago pa dumating ang mga kasama. Maliit na nga lang ang katawan ng taong ito tapos paghahatian pa. Sa isip ng nag-iisang ghoul na ito ay paunahan nalang.

Ngunit parating na ang mga kasama nito. Kaya nagmamadaling umatake ulit ang ghoul.

Raawr!

Sheeng!

Inilagan ni Yman ang diagonal slash ng halimaw. Ngunit isang malakas na vertical slash nanaman ang paparating. Mabilis na tinadyakan ni Yman ang lupa para makatalon sa tagiliran ng halimaw. Nang hindi tumama ang vertical slash ng halimaw ay mabilis naman nitong sinundan ng horizontal slash. Biglang yumuko si Yman at nagpakawala din ng horizontal slash.

100damage! Kasabay ng notif na ito ay nabawasan ng kunti ang redbar na nasa ulo ng kalaban.

Raaawr!

Nasugatan ang halimaw sa tiyan. Dahil dito ay mabilis na ibinalik niya ang kamay na ginamit sa horizontal slash. Ngunit tinalunan lang ito ni Yman para hindi matamaan. At sinipa niya ang dibdib nito sabay talon ng mataas para makalayo.

50damage! Nabawasan na naman ng kunti ang hp nito.

Nang makakaapak na sa lupa ang kanyang mga paa ay nasa 20meters na ang distansya nila. Ngayon ay 5% nalang natitira sa stamina ni Yman. At 1750 naman ang hp niya.

Hah! Hah! Hah! Bumibigat na ang paghinga niya.

Dahil sa layo ng distansya nila naisip ni Yman tumakbo ulit. Pero biglang...

Rawr! Rawr! Rawr!

Isa isang nagsidatingan ang iba pa.

Growl!

Pati ang elder ghoul ay nandito na rin.

Dahil sa kaba ay nalimutan ni Yman tumakbo.

Tsk! Bakit ngayon pa nagsidatingan yung iba! Malakas na kinagat ni Yman ang mga ngipin niya.

Isa isang nag talunan ang mga halimaw sa kanyan kinaroroonan.

Sheng!

Inilagan ni Yman ang atake ng ghoul na unang tumalon. Sunod ay nag'backspring siya para makaiwas sa malakas na tadyak ng pangalawang ghoul na tumalon ng mataas. Pero hindi napansin ni Yman na may namumuong lupa na hugis bola ang mabilis na papunta sa kanyang direksyon at bigla ay tinamaan siya sa sikmura.

Blag!

Gyaah!

Tumilapon si Yman ng 30meters dahil sa lakas nito. Isa ito sa kapangyarihan ng mga elder ghoul. Kaya nila gumamit ng mahika. Rank B+ ang mga halimaw na ito.

-1000hp

Ngayon nasa 750 nalang hp ni Yman. Pero feeling niya isang suntok nalang matamo niya siguradong bi-biyahe na siya sa kalangitan.

Ohou! Ohou! Sumuka ng maraming dugo sa bibig at ilong si Yman.

Bwiset! Napabulong ng mura nalang siya dahil sa hindi magandang sitwasyon.

Dahan dahang tumayo si Yman. Pagkatayo ay lumingon lingon siya sa paligid sakaling may mahanap na pwede magamit para makatulong.

Kaso wala talaga siyang mahanap. Masyadong hindi maganda ang sitwasyon. Nang masulyapan ang hp sa gilid ng vision niya, ay biglang kumunot ang noo ni Yman sa nakitang bawas sa hp mula sa atake ng halimaw. Tapos 2% nalang natira sa stamina.

Hah! Hah! Hah!

Mukhang ito na magiging katapusan ko. Haha hindi ko manlang matutupad ang pangakong pagalingin kayong dalawa. Mahinang bulong ni Yman para sa sarili.

Groooowl!

Rawr! Rawr! Rawr!

Sabay sabay na sumugod ang mga ghoul kay Yman. Habang yung iba ay tumalon ng mataas para durugin siya. Nag ready naman ng bagong skill ang elder ghoul.

Dahan dahan ay itinaas ni Yman ang kamay na may hawak na scalpel. Kahit anong mangyari lalaban siya hangang sa huling hininga. Bigla ay...

Pak!

Tinamaan ng malakas na shoulder tackle si Yman. Ito yung ghoul na nakalaban niya bago nagsidatingan yung iba. Hindi manlang napansin ni Yman nang lumapit ito. Dahil sa malakas na pagkabunggo ay tumilapon at nagpagulong gulong ang kanyang katawan.

-700hp

Hindi na ulit nakabangon pa si Yman nakatitig nalang siya sa madilim na kalangitan habang umaagos ang dugo sa kanyang bibig at ilong. Pati sa tenga may dugong lumalabas din. Hinihintay nalang niya ang kanyang katapusan. Wala na rin siyang lakas pa. 1% nalang staminang natira.

Nang makita ito ng mga halimaw ay lalo pa nilang binilisan ang pagtakbo palapit sa kanilang pagkain.