Chereads / Self Healing Magic / Chapter 12 - Ghoul

Chapter 12 - Ghoul

Kahit late nakatulog si Yman ay maaga siyang nagising kinabukasan. Bitbit ang maliit na backpack sa likod. Nakasuot siya ng yellow na t-shirt na sinapawan ng hooded na jacket na kulay itim. At pinarisan ng jeans na pantalon.

Walang train, auto o motorcycle sa mundong ito. Tanging mga high breed na hayop ang gamit sa transportasyon. Mula sa dormitoryong tinitirhan ni Yman, ay may isang oras ang biyahe gamit ang kalesa na mas mabilis pa sa tricycle kung tumakbo. Ang humihila ay hindi mga kabayo. Isang high breed na Abestrus. Mas malaki ito kaysa sa normal na Abestrus. Meron itong mas malapad at malaking mga binti at paa. At umaapoy ang mga paa nito habang binibilisan ang pagtakbo.

First time niya mag travel mag-isa sa mundong ito, kaya magkahalong excited at kaba ang kanyang naramdaman.

Unang pumunta si Yman sa tinatawag na adventurers guild para magpapa miyembro. Pero ang sabi sa kanya ay sa main branch lang pwedi magpapa miyembro. Kaya no choice si Yman kundi pumunta sa main branch nito. Na nasa lugar na tinatawag na Kaharian ng Puting Engkanto.

Sumakay ulit si Yman ng kalesa.

Pagdating ni Yman sa kanyang destinasyon. Nagbayad siya ng isang daang peso sa kutsero.

Hah! Buti nalang lahat ng currency tinatanggap sa mundong ito.

Nasa malapit sa malaking pintuang daan kung saan sila unang lumitaw bumaba si Yman. Hinanap niya kung saan nagpapaarkila ng mga high breed na kalapati o mas kilala sa tawag na Peon.

Nagtanong-tanong siya sa mga taong nakasalubong. Buti nalang may nagturo sa kanya. Pagliko sa eskinita isang malaking sign na Peon for Rent ang kanyang nakita. Agad pumunta sa counter si Yman kung saan magbabayad. Kahit maraming tao ang kasabayan na umarkila ay nakasingit naman siya agad.

Nagbayad siya ng limang daang peso sa counter tapos pinasunod siya ng gabay. Sumakay sila ng elevator papuntang rooftop. May labing limang palapag ang building na ito. Pagdating sa rooftop ay namangha si Yman sa ganda ng view. Malawak ang espasyo sa rooftop. Medyo maraming tao ang palakad lakad sa ibat ibang direksyon.

Dito po tayo sir. Sabi ng gabay kay Yman.

Sige. Pagsang-ayon ni Yman.

Dinala si Yman kung saan naroroon ang higanting kulungan ng mga peon. Kusa namang lumalabas at pumapasok ang mga peon sa kanilang kulungan.

Sa peon number 110 po kayo sir. Sabi ng gabay kay Yman.

Ok

Bigla ay...

Wewew...wewew!

Sinignalan ng gabay ang peon. Nagulat si Yman dahil saktong ang peon na may number 110 sa hita ang lumapit. Nilagyan ng gabay ang peon ng saddle. Sunod ay tinuruan si Yman ng mga basic para sa pagpapalipad ng peon.

Pwedi ka rin magdagdag ng 100pesos sir. Tapos ako na magpapalipad at ikaw sa back sit.

Ok lang. Sa tingin ko kakayanin ko naman. Tsaka nakakaexcite matuto magpalipad ng peon. Sabi ni Yman. Pero ang totoo ay paubos na ang pera niya at nagtitipid siya.

Habang nakatalikod si Yman ay tinitigan siya ng gabay. Mula ulo hanggang paa. Napansin ng gabay na mukhang mahina ang batang ito.

Isang paalala lang sir. Kung maaari magtago ka sa gabi dahil maraming pangyayari na may inataki ng lumilipad na hybrid na mga halimaw. Biglang pagpapaalala ng gabay kay Yman.

Tumango naman si Yman bilang pagsang-ayon.

Pwedi na kayo mag take off kung ready na kayo sir.

Umakyat si Yman sa likod ng peon. Ilang sandali ay dahan-dahan ikinampay ng peon ang malapad na mga pakpak nito. Mabilis lang natutunan ni Yman ang pagpapalipad. Dahil ang dapat lang niya gawin ay kumapit ng mahigpit at dahan-dahan pag-aralan ang pagliko ng peon.

Sa unang paglipad ay namangha siya sa view ng mundong ito. Lalo ang siyudad kung saan naroroon ang kanilang paaralan. Ang ganda nito tignan sa taas. Ang buong siyudad na ito ay tinatawag na Human City. Gaya ng siyudad sa upperworld ay napapalibutan din ito ng pader. Ang mga taong naninirahan dito ay mula sa upperworld. Karamihan sa kanila ay napag'desisyunan na dito na tumira buong buhay nila.

Pero hindi nagtagal ang kanyang pagkamangha. Dahil naka ilang beses siyang sumuka.

Kaya ng peon lumipad ng mas mataas pa sa ulap. Pero sinadya ni Yman na paliparin ito ng mababa dahil nahihilo siya. May tatlong araw ang biyahe ni Yman bago makarating sa kanyang destinasyon.

Nagpaalam narin siya kay Ms. Pai na di makapasok bukas at sa susunod na mga araw dahil may importante siyang lakad. Kailangan niya pumunta sa Kaharian ng mga puting Engkanto o mababait na Engkanto. Para makapag rehistro sa main branch ng adventurers guild.

Ang guild na ito ay para sa lahat ng magician. Na gustong kumita ng pera sa pamamagitan ng pagtapos sa mga mission. Pati na rin sa pagbinta ng mga drop item mula sa mga halimaw. Mahirap makapagbinta ng drops kung mano-mano lang. Lalo na kung hindi gaanong rare ang item at walang suki. Pero sa guild na ito binabayaran nila kahit gaano ka common ng drops na binibinta mo.

Ang guild sa upperworld ay pinapatakbo para sa pansariling kapakanan. Pero mas mabilis lumakas ang mga miyembro ng guild sa upperworld kaysa dito dahil ang niri-recruit nila ay mga malalakas na magician lang. Malimit ay nakakakuha sila ng magagandang drops mula sa mga mataas na antas na halimaw. Sa adventurers guild naman swerty ka kung may makikilala kang malalakas at mababait na magician na pwedi kang samahan sa mission mo.

Pero kung isa kang solo, walang ka grupo at mahina kagaya ni Yman. Mas bagay sayo ang adventurers guild. Ngunit ang pinakamalaking dahilan kaya gusto ni Yman sumali sa guild na ito. Ay ang impormasyon na maaari niyang makuha. Dahil maraming miyembro ang guild na ito na mula sa iba ibang sulok ng mundo.

Kakayanin ng peon lumipad ng buong araw na hindi nagpapahinga. Pero kailangan din nito uminom ng tubig kaya naisipan ni Yman na lumanding muna ng may nadaanan siyang ilog.

Napansin ni Yman na palubog na ang araw. Naalala niya ang sinabi ng gabay sa kanya. Pagkatapos uminom ng tubig ng peon. Agad naghanap si Yman ng matataguan.

Almost 1hour na siyang naghanap pero wala siyang mahanap na kuweba. Kahit medyo natatakot at kinakabahan ay naglakas ng loob si Yman na bumalik sa may ilog.

Mas mabuti siguro rito kaysa sa kagubatan. Atleast malalaman ko kung may paparating na halimaw at makatakbo pa ako. Bulong sa isip ni Yman.

Lumubog na ang araw at madilim na ang paligid. Pumuwisto si Yman malayo layo kunti sa ilog. Kumuha ng mga tuyong kahoy si Yman. At agad ay gumawa siya ng bonfire. Umupo siya sa tabi ng peon na nasa tabi rin ng apoy.

Dumukot siya ng pagkain sa loob ng backpack. Pagkatapos kumain ay pumasok siya sa sleeping bag na kinuha niya mula sa Interface.

Iba ibang huni ng insekto ang naririnig ni Yman. Kahit nakapikit ang kanyang mata ay taimtim na pinakinggan ang mga tunog sa paligid.

Lumipas ang isang oras. Kahit inaantok na si Yman ay ayaw naman siya patulugin ng malakas na kabog ng dibdib. Habang pa lalim ng pa lalim ang gabi ay lalo lang siyang kinakabahan.

Hindi nagtagal nakarinig siya ng tunog na parang naapakan na tuyong mga sanga na nagkalat sa paligid. Tumagilid si Yman at dinikit sa lupa ang kanyang tenga para mapakinggan ng maayos ang tunog. Napansin ni Yman na palapit ng palapit ito sa kanya. Bigla ay pinagaspas ng peon ng malakas ang mga pakpak nito.

Shit!

Biglang tumalon si Yman palabas sa sleeping bag. Saktong paglabas niya ay may mga mahahabang kuko na bumaon sa sleeping bag na kung saan siya nakahiga nitong nakaraang isang sigundo.

Wha—-t!

Nagulat si Yman dahil ang halimaw na lumabas ay may nakakatakot na itsura. Mahahaba at matutulis ang mga ngipin. Naglalaway ang mahaba nitong dila na lumalabas sa bibig at may mapupulang mga mata. Ang kulay ng balat nito ay asul. Mas malaki ito kay Yman kahit medyo nakayuko ito. At higit sa lahat isa itong rank B na halimaw.

Ghoul! Sigaw ni Yman sa isip.

Paano nangyari to?! Siguro may itim na butas na malapit dito?! Pag-alala sa isip ni Yman. Ang mga ghoul ay mula sa itim na butas. Dahil dito makikita lang ito kung may itim na butas sa paligid.

Napansin ng ghoul na nakailag ang kanyang bibiktimahin. Agad itong sumugod ulit gamit ang mahahaba at matutulis na mga kuko.

Napaatras si Yman para makailag.

Swisssh! Isang horizontal slash ng matutulis na kuko ang mabilis na paparating sa leeg ni Yman.

Nakadama si Yman ng masamang pangitain kaya bigla siyang yumuko.

Sakto naman na parang tunog ng bubuyog ang nakarating sa kanyang tenga. Kasabay nito nagliparan ang iilang butil ng buhok ni Yman.

Magkahalong gulat, kaba at takot ang naramdaman niya.

Hindi manlang siya nito pinapahinga at...

Malakas na tinadyakan ni Yman ang lupa dahil isang malakas na diagonal slash naman ang paparating sa kanya. Kahit papaano may 10% breakthrough sa kanyang limiter kaya mas malakas siya sa normal na tao.

Nakatalon si Yman sampung metro paatras. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib.

Raaaaawr!!!

Nagalit ang ghoul dahil hindi nito matamaan ang kalaban.

Bigla ay tumalon ito sa kinaroroonan ni Yman. Mataas ito tumalon. Nasa labing limang metro mula sa lupa.

Bigla nag'dive sabay gulong sa lupa si Yman para maka-iwas sa atake. Hindi pa siya nakatayo ay malakas na tinadyakan ang lupa para mabilis na makalayo.

Saktong paggulong ni Yman may mga paa na malakas na tinadyakan ang lupang kanyang kinatatayuan nitong nakaraang isang sigundo.

Nabuwal ang lupa dahil sa lakas ng tadyak ng halimaw.

Pinagpawisan ng malamig si Yman ng makita ang sinapit ng lupa. Paano nalang kung siya ang tinamaan.

Sinilip ng halimaw ang lupang tinadyakan pero wala siyang nakita na katawan ng tao.

Nang hindi parin tinamaan ang biktima ay lalo lang nagalit ang halimaw.

Raaaaaaaaaaawr!!!

Sumigaw ng malakas ang halimaw. Nagsitalsikan ang mga butil ng lupa sa paligid dahil sa lakas ng sigaw nito.

May mga pulso na lumilitaw sa katawan ng halimaw dahil sa galit nito. Mukhang gutom na gutom na ito. At naglalaway sa taong bibiktimahin pero nagawa pa ng taong ito na patagalin ang kanyang pagkagutom.

Tumingin ito sa paligid at nang makita ang tao na buhay at humihinga parin..

Raaaaaaaawr!

Bigla ay tumakbo ito ng mabilis sa direksyon ni Yman.

Shit! Napakunot ng noo si Yman sabay mura.

Balak ata ng halimaw na daganan ako!

Kinalma ni Yman ang kanyang sarili. At bigla ay tumakbo din siya sa direksyon ng halimaw. Sinalubong niya ito! Isang sigundo lang ay nasa harap na nila ang isa't isa.

Bago magbanggaan ay nag'dive ulit sa lupa si Yman sabay gulong. Dahil sa reflexes naman ng halimaw pilit niya inabot ang gumulong na tao.

Pero lingid sa kaalaman ni Yman, ay kayang pahabain ng ghoul ang kanilang mga kuko.

Shiiiiing!

Tatlong kalmot sa likod ni Yman na kasing haba ng palad.

Guwah!!!

Dahil dito nawala siya sa balansi at napadausdus.

Sumuka ng maraming dugo si Yman.

Malas! Malas! Malas! Bakit ko nakalimutan na kayang pahabain ng ghoul ang kuko nila! Pagsisisi ni Yman sa sarili.

Pilit na bumangon at tumayo si Yman. Habang nakatitig at dahan-dahan naman naglakad ang ghoul sa direksyon niya. Nakita ng ghoul na nanghihina na ang taong bibiktimahin. Dinilaan nito ang mga matutulis na ngipin. Habang walang tigil sa pag agos ang malalapot na laway sa bibig.

Hindi manlang magawang tumayo ni Yman ng matuwid. Patuloy parin ang pag-agus ng dugo mula sa tatlong kalmot ng kuko sa kanyang likod at sa bibig.

Nag-ipon ng enerhiya si Yman. Nagliwanag ng puti ang kanyang buong katawan. Bigla naman na alarma ang halimaw at tumigil ito sa paghakbang.

Mini Heal! Sigaw ni Yman sa sarili.

Dahan-dahan naman naghilom ang sugat. Pero kulang parin ito.

Mini Heal! Mini Heal! Mini Heal! Sinundan pa ni Yman ng tatlong beses. Tuluyan na ngang sumara ang sugat. Wala manlang naiwan kahit piklat.

10 lang ang bawas sa mana ng Mini Heal. Pero dahil 100 lang ang mana ni Yman ay sampung beses lang niya magagamit ito. Ngayon may anim na beses nalang na pwedi niya itong magamit.

Hah! Hah! Hah! Mabigat na paghinga ni Yman.

Napansin ng halimaw na walang nangyari. Kala niya ay gagamit ang tao ng malakas na kapangyarihan para umatake, pero mukhang mali ang kanyang hinala. Dahil dito ay napangisi ang halimaw lalo na nang mapansin nito ang mabigat na paghinga ng tao. Ito ang palatandaan na nanghihina na ito.

Raaaaaawr!

Biglang sumigaw ang ghoul na halimaw at mabilis itong sumugod sa direksyon ni Yman. Ngayon sisiguraduhin niya na matitikman ang laman ng taong ito.

Raaaaaaaawr!

Tumakbo si Yman sa direksyon ng sleeping bag. Isang sigundo lang nasa harap na niya ang ghoul.

Raaaawr!

Inihampas nito ang matutulis na kuko kay Yman. Bigla naman yumuko si Yman. Sinundan ng diagonal slash ng matutulis na kuko gamit ang kaliwang kamay ng halimaw. Mabilis naman umilag si Yman sa kabilang direksyon. Pero dahil humahaba ang kuko ay nakalmot ulit siya nito.

Awwwwwts!!!

Mini Heal! Mini Heal Mini Heal!

Mabilis naman naghilom ang sugat. Pero paubos na ang mana niya.

Nang makita na nawala ang sugat ng tao. Kumunot ang noo ng halimaw. Napansin ng halimaw na hindi basta basta patayin ang taong ito dahil mabilis gumagaling ang mga sugat na kanyang natamo. Tumigil sa pagsugod ang halimaw at biglang.....

!!!RAAAAAAAAAAWR

Lalong nagalit ang halimaw. Isang napakalakas na pwersa ang pinakawalan nito. Nagsitalsikan pati mga bato sa paligid. Tumindig ang mga balahibo ni Yman. Nahirapan siya na ibuka ang mga mata. Para siyang lumilipad ng mabilis sa himpapawid ng walang suot na goggle. Pati mukha niya hindi maiguhit. Kahit ang mga sanga ng puno sa di kalayuan ay nabali at nagkalat sa paligid dahil sa lakas ng puwersang pinakawalan ng halimaw.

RAAAAAAAAAWR!!!

Mabilis na iniharang ni Yman ang dalawang kamay sa mukha. Pero napaatras siya ng tatlong hakbang dahil sa tindi ng puwersa.

Kayang maglabas ng kinetic energy ang mga ghoul. Isa ito sa kanilang kakayanan. Mahigit tatlumpung sigundo ang itinagal ng pagwawala nito.

Nang kumalma na ang paligid. Napansin ni Yman na may nagbago sa ghoul. Lumaki ang katawan nito ng kunti. Pati ang bibig ay lumaki pati mga ngipin na matutulis lalong humaba. May dalawang buntot na tumubo sa bandang likod. At may mga buto na matutulis na parang sungay sa ulo nito. Ngayon nakagapang na ito hindi na nakatindig gaya ng tao.

Groooooowl!!!

Naglalabas narin ito ng kakaibang tunog. Nakadama si Yman ng hindi maganda at bigla ay tumalon siya sa kanan niya.

Zoooooooong!!! Isang bagay ang mabilis na dumaan.

Buti nalang walang pagdadalawang isip na tumalon si Yman. Kung nahuli lang sana siya ng kalahating sigundo siguradong masasapul siya nito.

Dahil sa bagong bilis ng halimaw nahirapan ito patigilin ang katawan at dumausdus.

Kumurap lang ng saglit si Yman ay nawala na naman sa kinaroroonan ang halimaw. Agad naman nag'dive sabay gulong si Yman sa kaliwa.

Ngunit tinamaan siya ng paghampas ng buntot nito.

Gwaaaaah!

Tumilapon si Yman dalawampung metro.

Blaaaag!

Nagkasugat-sugat at puno ng gasgas ang kanyang katawan. Sumuka ulit siya ng maraming dugo. Dahil sa lakas ng pagkatapon ay nagdilim ang kanyang paningin.

Uhuoo! Uhuo!!

Dahan-dahan gumapang si Yman.

Mi-mini He-heal! Mi-mini Heal! Mini Heal!

Nawal ulit ang mga sugat at gasgas pero ubos na rin ang kanyang mana. At nanghihina na si Yman.

Hehe mukhang minamalas ako ah. Mahinang bulong ni Yman.

Kahit hirap na hirap na ay nagawa pa niyang biruin ang sarili. Pinilit ni Yman tumayo kahit nawawalan ng balansi ang katawan. Nang makatayo ay tiningnan niya ang direksyon ng halimaw.

Ha~ mukhang dito na magwawakas ang buhay ko.

Sa isip ni Yman ay may imahe ng babae ang lumitaw. Isang napakagandang batang babae. Kasing kulay ng nyebe ang mahabang buhok nito. Sa mga mata naman ng batang babae ay nag re'replika ang asul na kalangitan. Nakangiti habang may binubulong.

Nakadama ulit ng masamang pangitain si Yman.

So-sorry M... Ma...

Ang pangako mo! Bigla ay tila narinig ni Yman ang sinabi ng batang babae.

Hiyaaaaaaaaaah!!!

Sumigaw si Yman ng malakas! At buong pwersang tinadyakan ang lupa para makaiwas sa paparating na panganib.

Grooooowl!

Zoooooong!

Dahil kinapus ng kunti sa lakas ay nadaplisan si Yman at tumilapon sa tabi ng sleeping bag na nasa tabi naman ng bonfire na gawa ni Yman. Sumuka ulit ng dugo si Yman.

Guwaah!! Uhoo! Uhoo!

Habang nakatihaya at nakatingin sa madilim na kalangitan. Nakita ni Yman ang peon na lumilipad ng paikot ikot. Takot ito bumaba. Dahil sensitibo ito sa panganib.

Buti kapa safety diyan sa taas. Sana hindi nalang ako pumunta dito. Uhuo! Uhuo!

Interface! Sinilip ni Yman ang laman ng Cyber storage niya. Nakita niya na may isang bagay na hindi dapat nandito.

Haha! Mahinang tawa ni Yman.

Nakalimutan ko pala isuli to? Awwts! Grabe sakit na ng katawan ko.

Hoohah! Hoohah! Hoohah! Huminga at bumuga ng maraming hangin si Yman ng tatlong beses.

Pinilit niyang itinayo ang namamanhid na katawan.

Nang makatayo ay sinulyapan niya ang paligid. Nakita ni Yman ang bunga ng kanilang paglalaban. Maraming bagay ang nagkalat sa paligid. Mga butas butas na lupa at mga durog na mga bato. Nakita din niya ang sleeping bag sa tabi ng bonfire.

Hehe! Mahinang tawa ni Yman.

Mukhang paswertihan nalang tayo ngayon halimaw. Sabi ni Yman sa halimaw na nasa 50 meters mula sa kanya.

At mukhang hindi na rin ito kasing bilis gaya kanina. Halos isang oras na rin silang naglaban. Kahit ang halimaw ay napapagod din.

Nang makita ni Yman na ready na ulit sumugod ang halimaw bilis na kinuha niya ang bagay na nasa Cyber Storage niya.

Click! Pinindot niya ang logo ng scalpel.

Click! Tapos pinindot ang button na 'Take' na makikita sa bottom right corner ng Cyber Storage.

Bliiing! Isang mahinang magical sound ang maririnig paglitaw ng scalpel sa kamay ni Yman.

Sunod ay mabilis na dinampot ni Yman ang sleeping bag na nasa tabi niya. Pinagbubutas niya ito gamit ang scalpel. At pinunit pero hindi pinutol. Ngayon nasa dalawang metrong parisukat na ang lapad nito. Sa gitna ay may butas butas at punit punit ito. Limang sigundo lang ang itinagal ng ginagawa ni Yman.

Natigilan sa paghakbang ang halimaw dahil sa kakaibang kilos ng taong kaharap.

Hehe! Ngumiti ng bahagya si Yman ng matapos siya sa ginagawa niya.

Mas ok na mamatay ng lumalaban kaysa hayaan ko ang sariling mapaslang ng walang kalaban-laban.

Hawak ang gutay-gutay na tela ng sleeping bag sa mga kamay ay ni'ready ni Yman ang sarili. Yumuko siya ng bahagya habang ang mga kamay na nakahawak sa tela ay nasa ibaba dalawang palad ang layo mula sa lupa.

Nang makita ng ghoul na wala ulit nangyari sa pinaggagawa ng tao nagalit at nagpakawal ng hangin sa bibig at nagliparan ang mga alikabok sa paligid nito.

Bigla ay sumugod ulit ang halimaw kay Yman. Ngayon ay sisiguraduhin niya na matitikman ang sariwang mga laman nito. Tapos dahan dahan na didilaan ang mga buto.

GROOOOOOOWL!!!

Nang makita ni Yman ang paparating na halimaw ay dahan dahan siyang humakbang paatras.

Lalo naman ginaganahan ang halimaw nang makitang umaatras ang tao. Dinidilaan ng halimaw ang mga ngipin na naglalaway ng malapot.

Bigla ay nasa limang metro nalang ang distansya ng dalawa. Tapos naging apat na metro. Hanggang nasa dalawang metro nalang ito.

Hiyaaaaaaah! Nagpakawala ng malakas na sigaw si Yman. Habang mabilis na tumalon sa eri. Kasabay nito ay bumuka ang malapad na tela ng sleeping bag.

Nang maramdaman ni Yman na tumama ang halimaw sa tela ay mabilis niya itong pinakawalan para hindi siya matangay nito.

Nasa walong metro mula sa lupa ang taas ng itinalon ni Yman.

Groooowl!!!

Napadausdus ang halimaw dahil natakpan ng tela ang kanyang ulo. Nahihirapan tanggalin ng halimaw ang tela. Dahil may mga butas ito at lumusot ang mga buto niya na parang mga sungay. At ang dating kamay ay naging paa na. Pero balewala ito sa halimaw. Anong magagawa ng kapirasong tela para saktan siya.

Nang makaapak na sa lupa si Yman ay mabillis siyang gumulong at sinipa ng malakas ang lupa para makabangon. Tumakbo siya ng mabilis sa direksyon ng bonfire. Naalala niya ang malaking kahinaan ng mga ghoul. Ito ay apoy!!!

Nang makarating sa bonfire ay mabilis na dinampot ang isang nagliliyab na kahoy at tumakbo sa direksyon ng halimaw na dumausdus. Nang nasa malapit na si Yman. Ibinato niya ang nagliliyab na kahoy dito. Swerty naman na tumama ito sa tela at kumalat agad ang apoy. Sensitibo sa apoy ang mga ghoul. Ilang sigundo lang ay nagliliyab na ang buong katawan nito.

Groooooooowl!

Pero hindi pa natatapos dito si Yman. Dumampot siya ng mga sanga ng kahoy na nagkalat sa paligid. At pinatulis gamit ang scalpel. Sinunog niya sa bonfire ang matulis na bahagi at malakas na ibinato na parang javelin sa nagliliyab na ghoul. Tinamaan sa katawan ang ghoul at bumaon ito. Inulit ulit ito ni Yman hanggang makasigurado siyang mapaslang ang halimaw. Agad naman lumiliyab ang mga ibinato ni Yman pagtama nito sa katawan ng ghoul kaya lalong lumakas ang apoy. Tumagal ng mahigit isang oras ito. Naubusan narin ng lakas si Yman para bumato pa. Nakatihaya nalang siya sa lupa. Ang mga kamay ay pormang 'T' habang ang mga paa ay naka 'Y'.

Hah! Hah! Hah! Mabigat na paghinga ni Yman.

Ilang sandali ay...

[You killed rank B monster ghoul!]

[You've got ghoul tooth]

[You've got ghoul horn]

[You've got monster core]

[Congratulation's! You've got rare Bone Sword]

[Exp gained 1000]

[Level Up!]

[10 additional points available]

[Skill promotion available!]

[New skill acquired!]

Ito ang mga pop up na lumalabas ng mapatay ni Yman ang ghoul na halimaw.