Pagkatapos ng mock battle ay niyaya ni Bob si Yman sa cafeteria, pero tumanggi si Yman, ang rason na sinabi niya dito ay may gagawin pa. Syempre hindi niya sinabi ang tunay na dahilan. Sa totoo lang masakit parin ang buong katawan ni Yman. At hindi rin totoo na 2x ang effect ng Self Healing Magic sa kanya.
Nang makapagpaalam ay bumalik muna si Yman sa kanyang tinitirhan. Pagpasok sa room ay itinapon niya ang isang walang laman na cylindrical tube sa kanyang kama. Kasing laki ito ng hintuturo. Pagkatapos ay hinubad niya ang mga kasuotan at mabilis na nag shower. Pagkatapos magbihis ay umupo siya sa malambot na sofa. Damang-dama niya ang pagod na katawan. Dinampot niya ang dalawang cylindrical tube na may laman na nasa maliit na bilog na lamesa sa harap ng upuang malambot, at giniwang-giwang niya ito.
Buti nalang nagbitbit ako ng isang red potion na pabaon sa akin ni inay. Kung hindi ay kakatawa talaga ang magiging resulta ng laban na yun. Kung totoo lang sana na 2x ang epekto ng healing skill sa akin mas masaya pa sana ako kahit papano. Bakit kaya hindi binibinta ni inay ang mga red potions na ito. Marami naman kami nito sa bahay. Pero sabi niya lang sa akin ay imperfect ang mga potions na ito. Kaya lang nito pagalingin ang sugat o enjury pero hindi ang mga karamdaman, gaya ng sipon, lagnat, cancer at iba pa. Basta ang alam ko lang ay dating Alchemist si inay noong hindi pa siya nagkasakit.
Ibinalik ni Yman ang mga potions sa lamesa at isinandal ang ulo sa malambot na sandalan ng upuan.
Haaaah~! Medyo sumasakit pa kunti katawan ko. Hindi biro yung pagbato ni Bob sa akin. Halos nabali lahat ng buto sa katawan. Swerty lang at nagawa ko pa inumin ang potion na nakaipit sa bandang dibdib ng training suit bago mawalan ako ng malay.
Naku! Nakalimutan ko pala kunin yung reward ko kay Ms. Pai.
Hmn! Di bale na nga lang.
Ilang sandali ay napatitig si Yman sa labas ng bintana. Tumayo siya at binuksan ang transparent na salamin na nakaharang para madama ang sariwang simoy ng hangin. Iniharang niya ang kanyang mga daliri habang tinitignan ang araw.
Kakaiba talaga ang mundong ito. Paano kaya nagkaroon ng araw sa lugar na ito? Imposible naman na may araw sa ilalim ng lupa. At sa gabi kay ganda ng mga bituin. Ibig sabihin ba nito ay may solar system sa ilalim ng lupa??? Ahem! Hindi naman siguro. Baka isang dimensional space ito. Posible yun dahil kailangan pa ng high ranking spell para makapunta dito.
Eh! Teka lang muna! Paano kaya ako makapagpadala ng pera o gamit mula dito papunta sa upperworld? Nalimutan ko pala itanong kay Mrs. Aurelia. Ang naitanong ko pala ay kung posible ba magpadala. Hah!(sigh)
Fuu! Bago ang lahat kailangan ko muna kumita ng pera.
Anong oras na kaya? Hindi ko pala suot ang relo. Kahit no need na ng relo dahil may Interface naman. Pero iba parin pag nasanay ka sa isang bagay.
Interface!
11:45am na pala. Kailangan ko muna magluto. Pagod pa ako maglakad papuntang cafeteria.
Bling!
Wha~ ! May nag mail sa Interface ko. Sino kaya to? Anonymous?! Hindi kaya prank to? Wala naman siguro mamawala kung babasahin ko lang diba? Hindi naman siguro nagkaka virus ang Interface no? Aaaah! Pag may makarinig lang ng iniisip ko sigurado tatawagin na naman akong Bumpkin!
Fuu~! Open ko na nga lang.
Click!
[Uhm! Please Pwedi punta ka sa pinakataas na palapag ng school building room 110 at break time...may ipapakiusap ako sayo please please please:-)]
Eh?! Hindi nagpakilala? Hindi rin sinabi kung anong araw?! Prank nga! fuu~
Teka! Highest floor? Diba sa mga special students yun?! Balita ko kayang gumamit ng rank S magic ang mga studyanteng nandun!
*****
Room 110 sa pinakataas na palapag ng school building...
"Mi-Mi-Mina bakit biglang namumula pisngi mo?! Bakit tinakpan mo ng unan ang mukha mo?! Ok ka lang ba?! Minaaa!"
"Napindot-napindot.. napindot-napindot..."
"Minaaaa!!! Lakasan mo ang loob mo! May nararamdaman ka ba? Bakit paulit ulit yung sinasabi mo?!"
"Ke-Ke-Kesha napindot ko-ko-ko-ko yung...."
"Oo nga bakit ba paulit-ulit ang sinasabi mo? Atsaka ang pula ng pisngi mooo! May lagnat ka ba?Teka hindi basta basta magkakalagnat ang mga magician! Anong gagawin? Anong gagawin ko?"
"Na——pin——dot ko—yung.... send"
Kyaaaaaaaaaaah!!!
Eh?! Send lang?!
*****
Pagkatapos makakain ni Yman. Ay dali-dali siyang pumunta sa paaralan. After mabasa ang message mula sa anonymous sender, ay may natanggap siyang isa pang message. Ito ay mula kay Ms. Pai. Pinapunta siya sa office nito.
Ilang sandali lang nasa school na si Yman at naglakad papunta na sa office.
Hmn! Bakit kaya ako pinapunta dito ni Ms. Pai? Teka! baka dahil sa pinangako niyang reward? Sa office niya kami lang dalawa? "Oh Ms. Pai.." Sinasambit ko ng mahina ang pangalan niya. "Yman.." Isang sweet naman na tawag ni Ms. Pai sa pangalan ko. Tapos dahan-dahan ay maglalapit ang aming...
Pok!
Eek!!!
"Anong tinutunganga mo diyan? At bakit may laway na tumutulo mula sa bibig mo? Fufu! tiyak na nag-iisip ka nanaman ng hindi maganda"
Dahil sa kanyang magandang imahinasyon ay hindi napansin ni Yman na nasa harap na pala siya ng pinto sa office ni Ms. Pai. Nakatikim tuloy ulit siya ng hand chop sa ulo.
"Ahaha! Ehem! Sobrang sexy mo kasi Ms. Pai hindi ko mapigilan ang aking sariling pagpantasyahan ka!" Pabirong sabi ni Yman.
"hah! How bold..O sige na pumasok kana."
"Yes Ms. Pai!"
"Eh?!"
Pagpasok sa loob ay nagulat si Yman. Dahil may iba ibang klaseng aparato sa loob. May mga malalaking salamin na cylinder. Na kahit ang tao ay magkasya. Sa gilid naman ay may makikitang isa pang pinto. Kung saan papunta sa isang silid na may malaking bintanang salamin mula sa unang silid at sa kabila. Sa gitna ng silid ay may bakal na higaan. Tapos sa gilid ay may iba ibang screen.
"I-isa ba itong laboratory?"
"Fufu! Surprise?"
"U-Uhm M-Ms. Pai may ba-balak ka bang gawin sa ka-katawan ko?!"
"Fufufu bakit ayaw mo?" Tanong ni Ms. Pai habang dahan-dahan lumapit kay Yman at hinimas ni Ms. Pai ang dibdib niya.
"Gulp! Gu-Gusto! Gustong gusto! Ah ma-maghuhubad na ba ako?!"
Click!
Habang nagkabiruan ang dalawa ay isang maliwanag na flash mula sa camera ang biglang umagaw ng kanilang pansin.
Eh?!
"Kuku! kayong dalawa! Kung maglalandian lang kayo ay pwedi ba'ng umalis kayo sa lab ko! Kung hindi iuupload ko sa forum ng school ang picture na ito!"
"Fufufu Lolla nagbibiruan lang kami ni Yman."
"Biruan? Eh bakit namumula pisngi mo?!"
"Eh?! Naiinitan lang ako sa panahon."
"Nakabukas ang aircon! Pano ka mainitan?"
"Eeeeeeeh?! U-uh-uhm."
"Ahahaha M-Ms. Pai bakit may bata dito? Anak mo ba siya?"
"Eh?! Yman hindi ko siya anak. Pinsan ko siya, at mas matanda siya sa akin ng isang taon 32 na siya. Lolla Parvus pangalan niya at isang physicist. Lolla si Yman Talisman studyante ko." Pagpapakilala ni Ms. Pai sa dalawa.
"Wha—t?! Isa ba siyang Legen-Legendary!" Gulat ni Yman.
Biglang nag chin up at tumaas ang ilong ni Lolla nang marinig ang Legendary word mula kay Yman. Pero....
"Noong nakaraang mahigit isang siglo at kalahati may isang uri ng tao ang sumikat at tinatawag itong... Legendary LOLIIIIIIIIIIIIIIII!!!!" Sigaw ni Yman habang nag-aapoy ang mga mata.
"Rawrrr!"
Pak!!!
Guwah!!
Galit na ibinato ni Lolla ang camera'ng hawak sa mukha ni Yman. Habang may mga ugat na pormang cross ang humugis sa kanyang noo. Habang ang mga mata niya ay parang mata ng galit na pusa.
"How rude!" Sambit ni Lolla habang pinagcross ang dalawang braso sa kanyang dibdib.
"Ehehe! Ka-kalma lang Lolla. Pa-Pagpasinsyahan mo nalang si Y-Yman. Mahilig lang siya magbi-biro. Ehe ehe!"
"Hmph!"
Bago mawalan ng malay si Yman nakita niyang umasta na parang bata si Ms. Pai sa harap ni Lolla. Nasambit niya...
"How cute" Pagkatapos masambit ito ay tuluyan nang nawalan ng malay si Yman.
"Siya ba yung gusto mong tulungan ko?" Tanong ni Lolla kay Ms. Pai.
"Ye-yes!"
"Pano ba yan? Mukhang nahimatay na ang young sweetheart mo?! Ang lampa naman ng batang ito. Totoo ba talaga natalo niya yung limang kalaban ng mag isa?!"
"Eeeeh?! Hi-hi-hindi ko naman yo-young sweetheart si Y-Yman"
"Hmph! Tulungan mo ko ilipat siya sa higaan."
"Ye-yes!"
*****
Sampung kilometro mula sa EMRMHS. May limang tao ang kasalukuyang nagtatakbuhan. Dalawang lalaki na tao at isang babae na tao. Isang lalaki na engkantado at isang babaeng engkantada.
"Bilis Ron! Gumawa ka nang paraan kung hindi maabutan tayo!"
"Teka lang! Paubos na mana ko! Pahinga muna tayo!" Sagot ni Ron.
"Rea may mana potion ka pa ba?" Tanong ng babaeng tao sa engkantadang kasama.
"Dalawa nalang!" Sagot ni Rea.
"Bigay mo kay Ron yung isa!"
"Sige teka!"
Bilis na kinuha ni Rea ang potion at binigay kay Ron.
"Salamat Rea!"
"Walang anuman!"
Glug! Glug! Glug!
Bilis na ininum ni Ron ang mana potion.
Raaaaaaaawr!!!
Isang malakas na ungol ang palapit na palapit sa kanilang kinaroroonan.
Tsk!
"Kailangan malaman ng guild na mali ang impormasyon tungkol sa itim na butas na ito, kung hindi ay maraming mabibiktima."
"Anong gagawin natin? mukhang malayo pa ang labasan!" Tanong ng Engkantado.
"Wag kang mag-alala Alexes may nakita akong shortcut noong papasok pa tayo." Sabi ni Ron.
"Talaga ba?! Mabuti kung ganun! Maaasahan ka talaga lead!" Masiglang sambit ni Vince.
"Oo Vince! Pero kailangan natin umakyat sa pader na yun!"
Itinuro ni Ron ang pader na may 70 meters ang taas.
"Eh! Kaya ba natin akyatin yan?"
"Wag kayong mag-alala may 100 metrong lubid ako sa Cyber Storage ng Interface ko. Jesa! Kaya mo ba'ng akyatin yan gamit ang platform mo?"
"Oo kaya pero baka hindi kayanin ng mana ko. Nasa kalahati nalang natira!"
"Rea diba may isa ka pang potion?"
"Oo meron pa!"
"Bigay mo muna kay Jesa bayaran nalang kita kung makabalik tayo"
"O-ok! Jesa ito"
"Salamat Rea"
Glug! Glug! Glug!
Interface!
"Jesa! Ito lubid saluin mo! Maghanap ka ng matibay na bagay na pweding talian pagdating sa taas!"
"Ok!"
Platform! Platform! Platform! Platform!
Dahil 10 metres lang ang distansya ng platform, ay kailangan paulit-ulit ito gamitin para maakyat ang 70metres na pader. Naka 7x na Platform ang kanyang nagamit bago marating ang tuktok. Bilis na naghanap ng matalian si Jesa. Nang makahanap ay bilis niyang itinali at ibinato pabalik sa baba ang kabilang dulo.
"Bilisan niyo! Umakyat na kayooo!" Sigaw ni Jesa.
"Kaw mauna Alexes! Jesa hilahin mo para mabilis makaakyat si Alexes!" Utos ni Ron.
"Sige!"
"Ok!"
Bilis na umakyat si Alexes. Pagdating niya sa taas ay mabilis na ibinalik ang lubid sa baba.
"Rea! Ikaw na"
"Yes!"
Raaaaaaaaaaaaawr!!!
"Tsk! Naabutan na tayo! Vince umakyat ka agad pag naibalik na ang lubiiid!!"
Isang hybrid na minotaur ang mabilis na paparating sa kinaroroonan nila Ron. Meron itong apat na sungay at sa likod ay may parang pakpak ng paniki. Isang rank A na halimaw ito. Habang ang grupo ni Ron ay puro level 5-6 magician lamang. Tanging si Ron lang ang Level 8.
Interface!
Inventory!
[Equip Flame Sword?]
Click!
Heyaaaaaaah!!!
Mabilis na sinalubong ni Ron ang paparating na Hybrid Mino gamit ang nag-aapoy na espada sa kamay. Ilang sigundo lang ay nagsalpukan ang espada at matutulis n kuko.
Peng!
Napadausdus ng tatlong metro si Ron dahil sa lakas ng Halimaw.
Tsk!
Nagpalitan ng atake sa loob ng 20mins ang dalawa.
Heyaaaaa!!
Sumugod ulit si Ron gamit ang Flaming Sword Slash na skill. Isang nag-aapoy na enerhiyang hugis cresent moon. Ang mabilis na patungo sa halimaw.
Raaaaaawr!!!
Blag!
Nasapul nito ang halimaw. Ngunit wala manlang naidulot na malaking pinsala ito. Tanging ang isang sungay lang ang naputol.
Raaaaaaaawr!!!
Nagalit ang halimaw at mabilis sinunggaban si Ron. Buti nalang nakatalon siya sa kaliwa.
Heyaahhh!!!
Ulit ay nagpalitan sila ng atake sa loob ng 5minuto.
Raaaaaawr!!!
Puro sugat-sugat na ang katawan ng dalawa.
"Tanggapin mo toooo!!!" Sigaw ni Ron.
Tumalon ng sampung metro sa eri si Ron. Habang ang espada ay nasa taas ng ulo niya. At malakas na ipinalo pababa sa direksyon ng Mino.
Heyaaaaaah!!!
Super Hard Hit!!!
Isa itong promotion skill ng Hard Hit. Dahil sa lakas ng atake ay lumindol at nagkabitak-bitak ang lupa na tinamaan ng skill. Isang metrong vertical na sugat ang natamo ng Mino sa kanyang tiyan. At tumilapon ito sampung metro sa dating kinatatayuan.
Gwaaaaaaaaar!!!
Galit na sigaw ng halimaw. Ilang sigundo ay may marami pa'ng halimaw na iba ibang klase ang paparating sa direksyon ni Ron.
"Tsk!!! Nagtawag ka pa ng kakampi ha! Mukhang marunong ka rin makadama ng takot!" Nakangising sabi ni Ron sa halimaw.
Tumingin si Ron sa likod para siguraduhin na nakaakyat na ang lahat ng kasama niya. Dahil nanghihina na siya, halos sampung oras na sila nakikipag laban sa loob ng itim na butas na ito. Nakita niya na hindi pa nakaakyat si Vince, dahil kakarating lang ni Rea sa taas. Ibinalik niya ang tingin sa mga halimaw.
"Hehe! Mukhang sasamahan niyo ako sa huli ng aking buhay mga halimaw!" Biglang nag-liwanag ng purple ang katawan ni Ron habang sinasabi ito.
Biglang lumakas pa lalo ang apoy ng espadang hawak ni Ron. Ngunit bago niya magamit ang sunod na skill ay bigla siyang nanghina. Nakadama siya ng malakas puwersa sa kanyang batok. At biglang may namumuong makapal na shield na gawa sa purong enerhiya ang pumalibot. Bago matumba si Ron ay sinalo siya ni Vince. Nakita ni Ron ang mukha ni Vince.
"Vi-Vince why?"
Ngumiti si Vince kay Ron at sinabing...
"Dahil ikaw ang pinaka the best na leader na nakilala ko at ayaw kong mawala ka ng maaga."
Bago nawalan ng malay si Ron ay isang luha ang pumatak sa kanyang mata.
"Sleep well my friend" Dugtong ni Vince.
Mabilis na itinali ni Vince si Ron sa lubid.
"Hilahin niyo na biliiiiiiis!!!"
Saktong pagkahila ay dinumog ng napakaraming halimaw ang shield ni Vince.
"Nooooo! Viiiiiiiiince!!!"
"Nooooooooooooo!!!"
Nag-iiyakan ang mga kasama ni Vince. Pero wala na siyang narinig dahil nabasag na ang kanyang shield at pinagpistahan na ang kanyang katawan ng daan daang halimaw. Bago mawalan ng malay ay nakabulong pa siya.
"May traydor sa guild...."