Chereads / Self Healing Magic / Chapter 9 - Level 1

Chapter 9 - Level 1

Pagkatapos ng laban nila Julie ang sumunod na lumaban ay team na pinamumunuan ni Juve Bri-An. Nagtagal ng limang minuto ang laban. Pero natalo ang grupo nila. Dahil naubos ang kanyang kakampi. Kaya sumuko nalang siya sa huli.

Ang ikatlo ay ang grupo nila Mitchell Jordin at Jin Makorov. Pero bago mag umpisa ang laban ay sumuko si Jin. Rason niya ay masakit daw ang tiyan. Pero hindi ito umubra kay Ms. Pai dahil maraming healer sa paligid ng training room. Pinatignan ito ni Ms. Pai para gamutin. Kaya walang nagawa si Jin kundi ipagpatuloy ang laban. Nang nag umpisa ang laban hindi manlang ito sumunod sa utos ng leader nila na si Mitchell. Hindi gumalaw at nakatayo lang si Jin. Sa huli tanging si Jin at Mitchell lang ang natira at apat naman sa kalaban. Pero biglang sumuko si Jin. Kaya sumuko nalang din si Mitchell dahil siya nalang nag-iisa.

Sa ika-apat na laban ay grupo nila Steph Fin Rossy. Umabot ng 7mins ang laban. Maganda ang naging laban nila. Scout ang rule na ginagampanan ni Steph. Sa huli ay sumuko ang kalaban. Gaya ng sinabi ni Taurus kay Julie, ay sa official stage nalang ipagpatuloy ang laban.

Ika Limang laban ay natalo ulit ang section nila Yman. Dalawang minuto lang ang itinagal ng laban. 2-3 ang kasalukuyang score ng magkabilang section.

"Ngayon ang huling laban. Bob tanker, Chloe support, Nelson scout, Radis vanguard at ang huli Yman healer" Isa isang tinawag ni Ms. Pai ang mga huling lalaban. Umalis para mag warmup ang mga kasama ni Yman. Pero nagpaiwan siya.

"Ms. Pai" Tawag ni Yman.

"Bakit Yman?"

"Ms. Pai pwedi po ba ako magpapa'subtitute?"

"Ha? Bakit? Gaya rin ba yan kay Jin Makorov?"

"Hindi po Ms. Pai"

"Anong rason mo?"

"Hindi po kasi normal ang magic skill ko"

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Ms. Pai hindi po pwedi gamitin ang healing skill ko sa iba. Dahil Self Healing Magic ang taglay kung mahika"

"Ano? Paanong? Hah! Hayaan muna. Mock battle lang naman ito, kaya ok lang yan Yman" Kumunot ang noo ni Ms. Pai sa narinig na Self Healing Magic ni Yman. Alam niya ang tungkol dito pero wala pa siyang naririnig na may nagtataglay ng ganitong uri ng magic.

"May isa pang problema Ms. Pai"

"Eh?! A-ano?"

"Level 1 pa po ako"

"Eh! O-ok lang yan ititigil naman ang laban pag nasa delikado ang buhay mo. Pero mukhang hindi maganda to, mukhang dehado nga kayo"

Napansin ni Yman na biglang nalungkot si Ms. Pai.

"Kung ganun Ms. Pai pwedi ako gumamit ng ibang sandata kahit healer ang rule ko?"

"Oo naman wala namang restriction sa mga sandata na pweding gamitin ng kahit sino"

"Hmn! Kung ganon wala na akong magagawa kundi subukan lumaban"

Tumalikod si Yman at humakbang pero...

"Uhm Yman!" Bigla siyang tinawag ni Ms. Pai.

"Ba-bakit po Ms. Pai?"

Pinalapit si Yman ni Ms. Pai at bigla ay may binulong ito sa kanya.

"Kung mananalo kayo sa laban na ito ay bibigyan kita ng isang reward" Habang binulong ito ni Ms. Pai sa tenga ni Yman ay ngumiti ito ng matamis.

Biglang naligaw sa dalawang malalaking bundok sa dibdib ni Ms. Pai ang mga mata ni Yman.

Gulp!

Napalunok nalang siya habang tinitigan ito. Kahit papaano ay isa siyang normal na binata. Kaya hindi mapigilan ang ganitong reaksyon. Lalo na kung ganito ka sexy na babae ang bubulong sayo. Bigla ay...

Pak!

Isang hand chop ang tumama sa kanyang ulo.

Eek?!

"Mag-ready kana at mag-uumpisa na ang laban. Atsaka wag masyado mag-isip ng hindi maganda! Hmph!"

"Ahaha.. yes Ms. Pai"

Kung manalo ha?! Hindi alam ni Yman kung matawa o maiyak. Pumili muna si Yman ng sandatang gagamitin. May nakita siyang nag iilaw na dagger. Ito ay isang uri ng magic weapon. Effective ito para sa mga magician. Kumuha siya ng lima at itinago sa tagiliran. Bigla ay humakbang si Yman patungo sa mga kasama. Ilang sandali ay makikitang kausap ni Yman si Bob. Ngunit mukhang nag-aaway ang dalawa. Biglang kumunot ang noo ni Ms. Pai.

"Hey! anong ginagawa niyo?"

"Ms. Pai hindi ba pwedi palitan ang Yman na ito? Eh wala namang kwenta ang magician na'to. Matatalo lang kami dahil sa kanya!" Galit na sabi ni Bob.

"Hindi pwedi palitan. May karapatan din si Yman na maranasan ang makipag mock battle sa ibang section" Paliwanag ni Ms. Pai.

"Pero Ms. Pai level 1 lang siya!" Malakas na pagkasabi ni Bob. At dinig na dinig ito ng lahat na nasa loob ng training room.

Le-level 1 lang?!!

Haha tamad ata yan magpalevel eh!!

Naku! Baka isang mahinang suntok ay mag critical agad HS niyan!

Hahahahaha

Baka madaanan lang ng hangin ay matangay pa yan!!!

Hahahahaha

Putik naman yan! Saan bang kuweba galing ang taong to?!

Iba ibang klaseng pangungutya na naman. Halos labas pasok lang sa tenga ni Yman ang ganitong panlilibak.

"Okey lang yan! Mock battle lang naman ito" Habang sinasabi ito ni Ms. Pai ay kumunot ang kanyang noo.

Napansin ni Yman ang pagkunot niya ng noo. Nagpakawala nalang siya ng hangin sa bibig.

"How troublesome" Bulong ni Yman sa sarili.

Bumalik na si Ms. Pai sa upuan niya sa harap ng malaking screen. Katabi ng adviser mula sa kabilang section.

"Mukhang mananalo na ako sa pustahan natin Pai" Sabi ng adviser ng kabilang section habang ngumisi ng malaki.

"Hah! Wag kang pasisiguro" Malamig na sabi ni Ms. Pai.

"Heh~ simulan na natin pagplanuhan kung saang hotel kita dalhin..hehehe" Sabi nito kay Ms. Pai habang kitang kita sa mukha ang pagka manyakis nito.

"Hah!"

"Hehe easy lang Pai. Papayagan naman kita magpalit ng Healer kung gusto mo...hehe!"

"Kuku alam kong alam mo na hindi madali na maibalik ang nawalang mana. Atsaka pagod na mga estudyante ko. Pero kung may mamahalin kang elixer diyan bakit hindi."

"Hehe yan talaga gusto ko sayo Pai. Hindi madaling lokohin. Pero abot kamay na kita. Pagkatapos ng laban na ito. Katabi na kita sa kama ko sa pag tulog at pag gising...Hehehe!"

"You wish!"

Pumuwesto na ang magkabilang team sa kanikanilang area. Kaya lang mukhang hindi parin maganda ang pakikitungo ng dalawang magkakasama.

"Hoy! Healer na walang kwenta dito ka sa unahan!"

"Teka bakit sa unahan ako? Eh healer nga ako!"

"Anong paki ko kung healer ka! Ha! Atleast mabawasan ng isang suntok ang papunta sakin" Sumbat ni Bob kay Yman.

"Tsk!"

"Ano yan maangas ka?! Parang nagrereklamo kapa ah! Alam mo ba sinong leader dito?! Ha!"

Walang magawa si Yman kundi sundin nalang sinabi nito. Dahil siya naman ang leader.

Sa kabilang team naman hindi alam nila kung maiyak o matawa. Mukhang may inside battle ang naganap sa kalaban nilang team. Syempre sinigurado nila kung level 1 ba talaga ang healer ng kalaban. Pero nang malaman na totoo ngang level 1 ay huma-hagikhik nalang sila sa tawa.

"Hahaha ano yan pre?! Sumuko nalang kayo!" Sigaw ng leader mula sa kalabang team nila Yman.

"Tsk! Wag kang maki alam! May walang kwentang kakampi kami dito, kung gusto niyo isali niyo pa ang mokong na'to sa inyong team!" Sigaw naman ni Bob.

Walang magawa ang ibang mga kakampi ni Yman. Napailing nalang ang mga ito. Ilang sandali ay pumunta na sa gitna ang referee. Pero bago niya umpisahan...

Hahaha hey guys tignan niyo! Nasa unahan ang healer nila!

Hahaha ano yan? Siya ba magiging shield ng tank nila?!

Hahahaha! Nakakaawa naman ito!

Waaaaahh!!! Talo na tayoooo!!!

Samot saring reaksyon mula sa mga estudyante.

"Tumahimik ang lahat! Sisimulan na ang laban! Hey section Bronze 1-D final na ba yang formation niyo?!" Tanong ng referee.

"Yes ref! Final na ito! Wag kayong mag alala, hindi kawalan sa grupo ang isang ito!" Sagot naman ni Bob.

Napailing nalang ng ulo si Ms. Pai habang tinitignan ang mga nagaganap. Pero sa kaloob-looban niya ay kinakabahan na siya. Aalis nalang siguro siya dito sa Underworld pag matalo ang last na team na ito. Kaysa makasama sa kama ang manyakis na adviser na katabi niya. Ito ang kasalukuyang laman ng isip niya.

"Okey sige mag ready na kayo!"

"Final Round Begiiiiin!!!"

"Eek?!"

"Eh?!"

"?!"

!!!whaโ€”-โ€”t?!!!

!!Eh?! Anong klaseng joke itoooo!!!

Biglang na shock ang mga nanonood pati ang mga kalaban at kasamahan sa kasalukuyang nangyayari. Biglang hinablut ni Bob ang likod ng leeg ni Yman at ibinato siya sa kalaban. Gaya ng ginawa ni Julie sa kalabang vanguard!!!

"Shiiiiiiiiit!!!" Sigaw ni Yman.

Mabilis naman nakailag ang mga kalaban. Pero....

!!!Bwahahahahahaha!!!

!!!HAHAHAHAHA!!!

Anong klaseng komedy ito?! Hahaha!!!

Hindi alam ng mga nanonood kung maiyak o matawa. Napaka-Joker naman ng dalawang ito. Kahit si Ms. Pai ay parang patay na isda ang kanyang mga mata. Biglang namutla ang kanyang mukha.

"Katapusan ko na!" Bulong ni Ms. Pai sa isip.

"Yes! Hehehe magiging akin kana Pai" Malakas na sigaw mg adviser ng kabilang section.

"Hahaha ok kalang pre?! Hindi ba malabo mata mo? Hahaha!!" Tanong ng leader ng kalaban kay Bob.

"Hindi ako sure!" Malabong sagot ni Bob.

"Kung ganun pasensya na pero kami na ang mananalo"

"Oh? Hindi ako sure!" Ulit ay malabong sagot ni Bob.

"Kekeke! Mga kasama sugoood!! Tapusin ng mabilis to apat nalang sila!!!"

Aaah!!!

Guwahh!!

Waaah!!

Gyaaah!!!

Samot saring iyak ng mga kasamahan. Ang narinig ng leader ng kalaban. Bigla ay mabilis siyang lumingon. Ngunit may patalim na, na nakatutok sa kanyang leeg. Habang ang apat na kasamahan ay walang malay na nakahiga. May mga patalim sa iba't ibang parte ng kanilang katawan. Isa itong uri ng magic weapon na ginagamit sa training. Biglang natahimik ang lahat sa biglaang pangyayari.

"Pa-ano nangyari to? Bakit nakatayo ka pa? Diba level 1 kalang? Sa bilis at lakas ng pagkahagis sayo imposible na makatayo ka pa!" Mga tanong ng leader ng kalaban.

"Dahil sa Self Healing Magic ko. 2x ang healing effect nito sa'kin at dahil sa ingay ng paligid hindi niyo manlang narinig ang mga yapak ko" Sagot ni Yman.

"Whaโ€”what? Self Healing Magic? Anong klaseng magic yan?!"

"Hehe who knows?!"

"Tsk!"

"Pagpatuloy pa ba natin to or may ulong lilipad?" Malamig na tanong ni Yman.

Malakas na kinagat ng leader ng kalaban ang mga labi nito.

"Su-suko na ako. Hah! Humanda ka pag magkita tayo sa contest!"

Ngumiti si Yman at binitawan ang nakatutok na dagger sa leeg ng kalaban.

!!!Eeeeeeeeeeeeeeng!!!

"Team Bob ang panalo!" Sigaw ng referee.

Pa-panalo tayo?

!!Panalo nga tayo!!

Yeeess!! Panalo tayo!!!

Hala! Panalo na agad ? Ang bilis 30seconds lang!

"Ymaaaan!!! Ok ka lang? Hindi ba napalakas ang pagkahagis ko?" Namumutlang tanong ni Bob.

"Hehe ok lang ako Bob. Atsaka pwedi ka maging artista hehe" Masayang sabi ni Yman.

"Ang cool mo dun Yman my friend! Basta sabihin mo lang kung may masakit sayo atsaka sorry sa masasakit na sinabi ko kanina" Mahinahong sabi ni Bob.

"Hehe ok lang yun! ako naman ang nag request sayo na ganun sabihin at gawin mo. Yun lang naisip kong paraan para mailigtas siya.." Habang sinasabi ito ni Yman ay bigla lumingon siya sa kinaroroonan ni Ms. Pai. Habang titig na titig naman si Ms. Pai kay Yman. At binigyan siya nito ng matamis na ngiti na may kasamang thumbs up!

"Anong mailigtas?" Napailing na tanong ni Bob.

"Ah wala wala... kalimutan mo nalang sinasabi ko nabagok kasi ng kunti ang ulo ko hehe"

At biglang nagtawanan ang magkagrupo.