Ohou! Ohoo! Sumuka ng kunting dugo si Emil habang nahihirapan bumangon. Dahil nasa malapit ang atake na pinagmulan, ay nasa 80-90% lang ang total na lakas na tumama sa kanya. Pero puno ng galos at sugat ang kanyang katawan. Buti nalang gawa sa matibay na tela ang training suit na mga suot nila. Mula ito sa balat ng rank A na halimaw na tinatawag na Hybrid Bear. Ang kasuotang ito, ay kaya sumalo ng 25% na atake mula sa kalaban.
Healer! Sigaw ni Julie sa kasamahan.
"Pagalingin mo si Emil!" Utos ni Julie.
"Ye-yes!"
Itinutok agad ng healer na si Angela ang kanyang dalawang palad sa kinaroroonan ni Emil. Bigla ay unti-unting nagliwanag ang mga palad ni Angela pati ang katawan ni Emil. Ngunit...
?!!Eeek!!
Bago paman matapos nito ang pag fucos ng enerhiya para sa heal skill. Pinaulanan na siya ng mga nagliliyab na hugis bola.
Fireball!!...Sigaw na mula sa support ng team Taurus.
Pitong bolang apoy ang papunta sa kinaroroonan ng dalawang babae sa likod ni Julie. Napaatras ng isang hakbang sa takot si Angela at natigilan ito sa pag gamit ng healing skill. Pero bago paman tumama ang mga fireball na ibinato. Dalawang metrong pahaba at pataas na transparent na bagay ang humulma. At nasa apat na metro sa ibabaw ng dalawang babae ang kinaroroonan nito. Mayroon itong isang palad na kapal. Ito ay isang rank +D na normal shield ni Julie. Sinalo nito ang mga bolang apoy na rank D. Pagkatapos masalo lahat ng bolang apoy, ay sabay naglaho ang shield at fireball. Ngunit may dalawang fireball ang nakalusot.
Tsk!..Support! Sigaw ni Julie.
Gamit ang pana at palasong may elemento ng tubig . Bilis na inasinta ni Dora ang paparating na dalawang apoy.
Sa unang pagbitaw ng palaso mula sa pana ay hindi nito tinamaan ang mga target. Nasa tatlong metro nalang bago sila tamaan ng mga nag-aapoy na bola. Nang makita na hindi tumama ang unang palaso, ay agad naman na sinundan ni Dora ng tatlong magkasunod-sunod na palasong may elemento ng tubig. Sa wakas ay suwerte na tinamaan ang nasa unahang apoy. Ngunit wala nang isang metro ang distansya ng isa pa mula kay Angela.
Waaaaah!!
Napasigaw si Angela dahil sa takot at kaba. Kahit ang mga nanonood ng laban, ay napahigpit ang kapit sa kanilang mga hinahawakan. Yung iba naman ay natigilan sa paghinga dahil sa masyadong intense ng laban. Sa isip nila ay kahit mock battle lang ito ay iba parin ang feelings pag nanalo ang kanilang section.
Sa di kalayuan naman mula sa kinaroroonan nila Julie, kasalukuyang naglalaban ang dalawang scout ng magkabilang team. Halos pantay lang ang dalawa sa pisikal na lakas. Ngunit lamang ng kunti sa magic ang scout na mula sa team ni Taurus.
Sampung sigundo palang ang lumipas mula ng tumilapon si Emil. At mahigit dalawang minuto na ang lumipas mula nang nag umpisa ang laban. Para sa iba normal lang ang bilis ng laban. Pero para kay Yman na kasalukuyang pinagpawisan ng malamig habang nakatutok sa naganap na laban ay...
"Hahaha mukhang mas mataas na level ng mga ito. Ako nalang ata ang nag-iisang level 1 na estudyante. Halos hindi ko masundan mga galaw nila. Haa~!" Bumuntong hininga si Yman at napatawa ng hilaw habang binubulong ito sa sarili.
Heyaaa!!! Malakas na sigaw ni Julie
Bago tumama ang Fireball kay Angela ay inabot ito ni Julie gamit ang kaliwang kamay lamang at sabay tapon nito sa ibang direction. Para itong bola na sinupalpal. Kinilabutan ang mga nanonood sa ginawa niya. Isang amoy na nasusunog na balat ng tao ang pumasok sa ilong ni Angela at Dora. Iba ibang katanungan ang nasambit ng mga nanonood.
Ha-halimaw ba siya?
Hindi manlang siya gumamit ng enerhiya para balutan ang kanyang kamay?
Ang cooool!!! Sigaw ng mga kaklase ni Julie.
"Sa-salamat leader!" Sabi ni Angela.
"Bilis pagalingin mo si Emil! Ako na bahala sa depensa!"
"O-ok!" Mabilis na nag-ipon ng enerhiya si Angela.
"Dora! Ready mo pinakamalakas mong skill!!"
"Ye-yes leader" mabilis din nag-ipon ng enerhiya sa kanyang pana si Dora.
Oooooooh!!!....
Isang malakas na sigaw naman ang umagaw pansin sa mga nanonood. Ito ay sigaw mula kay Taurus. Halata sa mukha nito ang galit. Noong tumilapon si Emil, ay akala niya matatanggal na ito sa laban. Kaya bigla siyang napatawa ng malakas. Ngunit wala manlang nakapansin sa cool niyang atake. Tapos may lakas pa ng loob na bumangon ang mokong na Emil na'to. Biglang kumunot ang kanyang noo. Tumingin siya sa paligid, ngunit wala paring natanggal sa kalaban. At kanina pa lumagpas sa sampung sigundo ang laban. Kaya dahil dito nakadama siya ng galit.
"Hehe ano ngayon kung mock battle lang ito? Sino ang nagsabi na hindi pweding magkaroon ng malubhang pinsala ang kalaban?" Ito ang kasalukuyang laman ng isip ni Taurus.
Bilis na pinakawalan muli ni Taurus ang mga enerhiya sa katawan. At inumpisahan ang mabilis na pagsugod patungo kay Emil na hirap sa pagbangon.
Dahil sa sigaw ni Taurus ay nabuhayan ang kaniyang mga kasama. Muli ay nagsimulang mag-ipon ng enerhiya ang kanilang support, at isang sigaw naman ang pinakawalan ng kanilang vaguard.
Oooohh!!
Isang makapal na puting enerhiya ang lumitaw sa buong katawan nito.
Nang mawala ang liwanag na bumabalot sa katawan ng vanguard. Isang paris na puting nagliliwanag na sapatos na may kuko? Pati ang gauntlet nito ay may kuko narin na nadagdag. Oo may tatlong matutulis at mahabang mga kuko ang mga sapatos at gauntlet na humulma sa kanyang mga paa. Ngayon gamit ang gauntlet sa kamay at sapatos naman sa paa. Mabilis niya sinugod si Julie. Alam ng vanguard na may paso si Julie sa kaliwang kamay kaya mahirapan itong saluhin ang atake niya.
"Tignan natin ang tibay mo ngayon bakulaw!" Sigaw ng vanguard kay Julie.
"Gwahaha bakit di mo subukan!!!" Hamon ni Julie sa vanguard.
Dahil dito ay lalong nagalit ang vanguard. Mabilis itong sumugod at nagpakawala ng iba ibang kombinasyong atake. Puro galos ang katawan ni Julie. Tinadtad siya ng samot saring kalmot ng kamay at paa. Tumalsik ang mga dugo sa paligid.
"Hahahaha ano?! Kaya mo pa bakulaw?!" Masayang tanong ng vanguard habang patuloy na nagpapaulan ng iba ibang atake.
"Gyahaha yan lang ba kaya mo?" Magaspang na boses na tanong ni Julie.
Bigla ay nakadama ng hindi maganda ang vanguard. Bigla itong natigilan sa pag atake. Kinagat niya ang mga labi hanggang dumugo.
"Tinatakot mo.....!?" Hindi manlang natapos nito ang kanyang sasabihin. Bigla ay...
Sweeessh!!
Biglang nababalutan ng green na enerhiya ang katawan ni Julie.
Wha-?!!
Green din??
!!Le-level 3!!
Ha-halimaw!!!
Go! Juuuulie!!!
!!WOOOOHH!!
JULIE! JULIE! JULIE!
JULIE BROWN! JULIE BROWN!
Sari-saring reaction mula sa manonood. Isa isa namang sinigaw ng classmate ni Julie ang kanyang pangalan. Kahit mock battle lang ito ay parang kompetisyon ang vibes nito dahil sa tindi ng laban. May ibang estudyante pa nga mula sa magkabilang section ang palihim na nagpupustahan.
Habang inaatake si Julie ay palihim niyang pinagmasdan ang paligid. Nakita niya na matatapos na ni Angela ang pag heal kay Emil. Dalawang sigundo para tumama sa kanya si Taurus. Tatlong sigundo naman ay matatapos na sa pag ipon ng enerhiya ang support ng kalaban. At mukhang mas malakas ang sunod nitong atake.
Dahil sa biglang paglakas ng enerhiyang taglay ni Julie napaatras sa gulat ang vanguard. Ngunit bago siya makaatras. May isang malaking kamay ang biglang hinablut ang kanyang leeg!
Eeek! Bi-bi-bitawan mo a-ako ba-baku—law!!
Mas lalo pa lumaki ang katawan ni Julie. Ito ang isa pa sa kanyang skill Body Strengthening. Dahil rank D+ lang ang skill na ito, ay 30 seconds lang nagtatagal ang effect nito. Pero may dagdag itong lakas at bilis na 20%. At nawala ang mga sugat nito. Pati ang paso sa kaliwang kamay.
Hindi napaghandaan ng vanguard ang ataking ito ni Julie. Kaya hindi siya nakailag ng hablutin ang kanyang leeg.
Walang pag dadalawang isip na itinapon ni Julie ang vanguard sa kinaroroonan ng support ng kalaban. Na nasa labing limang metrong layo mula sa kinatatayuan ni Julie.
Tapos na ang pag-iipon ng enerhiya. Inasinta ng support ang dalawang palad sa direksyon nila Julie. Isang malaking bulang apoy ang humulma. Isa itong rank D+ na skill, ang Giant Fireball. Ngunit bago paman ito maitira ang skill. Isang kakaibang tunog ang nakarating sa kanyang tenga.
Sweeeesh!!!
Isang bagay? Hindi! Isang tao ang mabilis na papunta sa kanyang direksyon. Wala pang isang sigundo!
Pok!!
Sapul ang support sa itinapong tao ni Julie.
"Ngayon na Doraaaaa!!!" Sigaw ni Julie kay Dora.
"Yeeeesss!!! Heyaaaa!!!" At pinakawalan ni Dora ang kanina pang iniipon na enerhiya. Isa itong rank D na magic skill ang Arrow Rain. Labing limang palaso ang patungo sa kinaroroonan ng dalawang kalaban na tumilapon. Kahit rank D lang ito, ay hindi basta basta ang pinsala kung mahigit isang tama ang matamo ng kalaban. Lalo na't hindi pa nakabangon ang dalawang target nito. Mabilis naman gumalaw ang healer ng team Taurus para pagalingin ang mga kasama.
Isang sigundo nalang tatamaan na si Emil. Buti nalang sakto na natapos ang pag heal ni Angela. Nakatalon si Emil sa kanan niya bago paman siya masapul ni Taurus. Mabilis na gumulong si Emil bago tumayo para siguraduhing nasa saktong layo na siya mula kay Taurus. Mabilis na tumakbo siya patungo sa kinaroroonan ng healer ng kalaban.
Dahil hindi nasapul si Emil. Mabilis na hinarang ni Taurus ang isang paa sa unahan para matigil ang pag dausdus niya. Sampung metro bago natigil ang pagdausdus ni Taurus. Mabilis niyang hinabol si Emil.
Wala kahit kaunting ingay ang maririnig sa paligid. Tila ang mga nanonood ay hindi na humihinga. Dahil sa sobrang makatigil hiningang laban na ito. Kahit labanan lang ito ng mga low ranking magician. Ay hindi maitatago ng mga manonood ang saya at pagka gulat sa labang nagaganap. Kahit ang mga adviser ng magkabilang section, ay hindi maitago ang pagkagulat at kasiyahan sa laban. Hindi rin maitago ni Yman ang pagkagulat lalo na at siya ang pinakamahina sa lahat. Sa pisikal man o sa mahika. Pati si Jin Makorov ay napatitig sa laban.
Isa at kalahating metro namang espada ang muling humulma sa kamay ni Emil. Mabilis na inihampas ni Emil ang espada sa healer na kalaban. Gamit ang kanyang paboritong skill.
Hard Hit!
Ito ay isang uri ng atake na hawak ng dalawang kamay ang hawakan ng espada. Mula sa gilid ng ulo at pababa. Isang malakas na atake ng espada.
sheeng!
Gyaah!!!
!!!Eeeeeeeeng!!!
Biglang nag critical ang Health Status ng healer. Sinundan naman ito ng tunog na palatandaan ng pagka'disqualified nito. Sa screen na pinapanood ng mga adviser na kasalukuyang judges. May malaki na pulang "X" ang lumitaw sa picture ng healer.
Dal'wang sigundo bago maabutan si Emil ni Taurus.
Hayoooooop kaaaaa!!! Sigaw ni Taurus.
Napansin ni Emil na papalapit na si Taurus. At wala ng oras para makailag. Nakita niya sa di kalayuan ang dalawang scout na naglalaban. Nasa 20 metro ang layo ng mga ito. Sa isip ni Emil ay nasambit niya ang 'bahala na'. Mabilis na inihagis ang kanyang espada sa kinaroroonan ng scout na kalaban. Bago mag umpisa ang laban ay nanginginig pa siya at kinabahan. Pero ngayon ay kasiyahan ang kanyang naramdaman.
Blag!
Gwahh!!
Eeeeeeng!!!
Isa nanamang tunog ng pagka'disqualified ang narinig. Pagkatapos maihagis ni Emil ang espada niya ay nasapul naman siya ni Taurus mula sa likod.
SWeeeeesh!
Puro galos at sugat na ang scout nila Julie. Isang atake nalang at siguradong matatanggal na ito sa laban. Ni ready ng scout mula sa team Taurus ang kanyang sunod na atake. Ngayon sisiguraduhin na niyang matatanggal sa laro ang kanina pa'ng nangungulit na kalaban. Ibinuhos niya ang kanyang enerhiya sa hawak niyang dagger. Ngunit isang tunog ang paparating sa kanyang direksyon. Bigla ay napalingon siya dito. Dahil sa kanyang reflexes ay mabilis na iniharang ang dalawang hawak na dagger.
Pero walang tumama sa kanya. Ang inihagis ni Emil na espada ay nawala na parang usok. Dahil level 2 lang siya ay hindi pa kaya ng enerhiya niya na pananatilihing solid ang enerhiyang espada kapag nahiwalay ito sa kanya ng isang sigundo.
"Hihi...eek?!" Biglang natigil ang hagikhik ng scout nila Taurus ng mapansin ang pagkakamaling nagawa. Sa mundo ng assassin, isang sigundong pagkakamali ay katumbas ng buhay nila.
Mabilis na lumingon siya sa kinaroroonan ng kalaban. Pero wala na sa dating kinatatayuan ito. Bigla ay...
Sheng! Sheng!
Dalawang sugat na pormang letter 'X' sa kanyang likod.
Gwaahhh!!!
"Haaaayooo....p!!"
Bago pa man mawalan ng malay ang scout ng team Taurus, ay mabilis niyang naihampas sa likod ang isang kamay na may hawak na dagger. At dahil mahina na ang scout ng Team Julie, ay hindi na nito nagawang umilag pa. Isang sugat mula sa kaliwa papuntang kanang dibdib ang kanyang natamo.
Sabay bumagsak ang dalawang scout. Dahil dito sabay ang pagka'disqualified ng dalawa.
Eeeeeeeeng!!!
Eeeeeeeeng!!!
!!!WOOOOOOOOHH!!! Malakas na sigaw ng mga nanonood.
Eeeeeeeng!!!
Eeeeeeeng!!!
Hindi pa natapos ang hiyawan ng mga estudyante ay dalawang tunog ng pagka'disqualified pa ang narinig ng bawat isa.
Dahil hindi natapos ng healer ng team Taurus ang paggamot sa dalawang kasamang nasapul, ay hindi nila nagawang makailag sa tamang oras. At tinamaan sila ng mga palaso mula kay Dora.
Ngayon ay si Taurus nalang ang natira. Huminto siya sa paggalaw. Tumingin-tingin siya sa paligid. Nakita niya ang mga kasamahang nakahandusay at walang malay. Habang may tatlo pa ang kalaban na natira. Tinitigan niya si Julie.
"Halimaw" Mahinang sabi niya kay Julie.
"Magkikita nalang tayo sa contest. Sa official stage natin ipag-patuloy ang ating laban" Dugtong ni Taurus.
"Hehehe" Tumawa lang si Julie bilang pag-sang ayon.
Lumapit si Taurus sa nakatihayang walang malay na si Emil. Kumunot ang kanyang noo.
Biglang tumahimik ang buong training room.
"Pwe!" Dinuraan niya ito. Sabay taas ng mga kamay. At humarap sa refree.
"l accept defeat.. sa ngayon"
!!!WOOOOH!!!
!!Hindiii taloooo kami!!!
Noooooo!!!!
Julie!!! Emil!!! Julie!!! Emil!!!
Taurus!!!
Kahit papano may sumigaw parin ng pangalan ni Taurus.
Napuno ng ingay mula sa mga estudyante ng magkabilang section ang buong training room. Natapos na nga ang unang laban. Panalo ang team nila Julie. Mahigit tatlong minuto ang itinagal ng laban.