Chereads / Self Healing Magic / Chapter 7 - Taurus

Chapter 7 - Taurus

Sunod na araw...

6:30am pa lang ay nasa akademya na si Yman. Dumiretso siya sa library.

"Hmn, buti bukas na. Mukhang maaga pumapasok librarian dito. Saan ko kaya pwedi mabasa ang tungkol sa Self Healing Magic ko?" Sambit sa isip niya habang mabilis na nagtungo sa books shelf.

Magic Origin, Uses of Magic, Types and Rank of Magic, Spell.....

Iniisa-isa habang tinuturo ni Yman ang mga librong nakahilira sa book shelf. Hanggang nakita na rin niya ang kaniyang hinahanap. Pangatlo mula sa dulo. Ito ang librong hinahanap niya.

BOOK OF ABNORMAL MAGIC

Ito yun!...Ngumiti si Yman habang sinasambit ito sa isip. Dinala niya ito sa lamesa at umupo sa upuan. Agad ay binasa niya ito.

Taimtim siyang nagbabasa. Walang ka imik-imik habang nakatutok sa mga kataga at pangungusap na nakasulat sa libro. Animo'y type writer ang pupil's ng kaniyang mga mata.

20mins na ang nakalipas pero parang wala parin siyang balak tumigil. Ganun parin nakasunod ang kanyang mga mata sa bawat letra ng kanyang binabasa.

Lumipas ang 30mins. Dahan-dahan niyang tiniklop ang librong binabasa.

Hah! Nagpakawala siya ng hangin sa bibig. Habang nakatutok sa hindi mawari kung saang banda o hangganan.

Tiningnan niya ang relo sa kaliwang braso. Saktong 7am ang nakalagay. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at dahan-dahan naglakad patungo sa book shelf kung saan niya kinuha ang librong binabasa. Pagkatapos ibalik ang libro sa dating kinalagyan, ay dumiretso na siya lumabas ng library.

Walang makikitang ekspresyon sa kanyang mukha habang naglalakad patungo sa training room ng mga freshmen. Pagdating niya, agad niyang binuksan ang pinto.

Marami nang estudyante sa loob, pati si Ms. Pai ay andito na rin. Kausap nito ang mukhang adviser ng kabilang section. Bronze 1D kalaban ng section nila Yman. Ang silid na ito ay kagaya ng silid na napasukan ni Yman kung saan naglaban ang mga upperclassmen.

Nakabihis ang mga kalaban ng itim na fitted training suit. White fitted training suit naman suot ng mga kaklase ni Yman. Agad siya nagtungo sa dressing area para sa mga lalaki at nagbihis tapos bilis na bumalik at umupo sa hindi kalayuan mula sa kanyang mga kaklase, habang inaantay mag umpisa ang gagawing mock battle.

Napagkasunduan ng mga adviser na group battle ang labanan na may 5 members bawat team. Dahil mayroong 30 estudents ang bawat section, ay may 6 rounds ang labanan. After 10mins mula ng dumating si Yman ay sinimulan na rin sa wakas ang mock battle laban sa ibang section.

Pagkatapos mag-usap ng mga adviser ng bawat section pumunta ito sa kani-kanilang estudyante para pumili ng mga members para sa unang grupo na lalaban. At ang unang grupo ay ang grupo na pinamumunuan ni Julie Brown.

Tank ang rule na ginagampanan ni Julie. Malaking babae ito at tila lalaki ang pangangatawan. Kinabibilangan ng vanguard, support, healer at scout ang grupo. Ang kalaban nila ay pinangunahan ng estudyanteng may palayaw na Taurus.

Bawat tank ng magkabilang grupo ay nasa pinaka unahan. Sinundan ng vanguard at scout tapos support at healer sa pinakalikod. Magkapareho ang lineup at setup ng magkabilang grupo. Nasa 25metro ang distansya mula sa isa't isa. Kitang-kita sa tingin ng grupo ni Taurus ang pangmamaliit sa kanilang kalaban. Lalo na't dahil ang kalaban ay may pinaka mababang magic rank sa buong freshmen, ang Bronze 1-D.

"Makinig kayong lahat para sa rules ng laban! Disqualified pag nasa critical points na ang inyong HS(Health Status). Pwedi mag give up bawat member. Mananalo lang ang isang team kung matalo lahat ng members ng kalabang team. At higit sa lahat sapilitan na itigil ang laban pag nasa delikadong sitwasyon ang inyong buhay!" Pag ka-klaro ng tagahatol sa mga panununtunan ng laban.

"Hehe, talunin agad natin ang kalaban ng hindi aabot isang minuto!" Sabi ng support sa team ni Taurus.

"Tatlumpung sigundo lang itatagal ng mga ito hahaha!" Sabi ng scout nila.

"Anong tatlumpung sigundo?! Kaya yan ng 10 seconds lang!" Sigaw ni Taurus habang pinagsalubong ang mga kamao.

"Haha oo tama si leader!" Pagsang-ayun ng mga kasama niya.

!!!!Go Taurus!!!! Sigaw ng mga kaklase ni taurus.

First Match Begiiiiiiin!

Ooooohhh!!!!!

Full force na sigaw ng team ni Taurus.

Sumugod agad si Taurus na sinundan naman agad ng mga kasama niya. Habang ang grupo ni Julie ay nakatayo lang at naghihintay. Nang nasa 5metro nalang ang distansya ay biglang binilisan pa lalo ng vanguard ng team Taurus ang kanyang pagtakbo. Biglang nagliwanag ang mga kamay nito...

Tumaas ang kilay ni Julie ng makita ang paparating na mga kalaban. Sinulyapan niya ang mga kasama na pinagpawisan ng malamig kahit hindi pa nag umpisa ang laban. Halata sa panginginig ng mga ito kung gaano ka-kaba ang bawat isa.

Pero iba si Julie, dahil walang makikitang takot o kaba sa kanyang mukha. Parang mas nae'excite pa nga ito.

"Kumalma kayo! At sundin ang sasabihin ko!" Sigaw ni Julie sa mga kasama para mabawasan ang kaba ng mga ito.

"Ye-yes!!!!" Kahit kabado ay pinilit parin nila ang sariling sumagot ng malakas.

Nang nasa 5metro nalang ang kalabang grupo napansin ni Julie na binilisan ng vanguard ng kalaban ang takbo nito. Ngumiti ng bahagya si Julie..

Nagliwanag ang kamay ng vanguard sa team ni Taurus. At bigla, ay may namumuong puting enerhiya na hugis gauntlet sa kanyang mga kamay. Nang nasa harap na siya ni Julie...

"Sisirain ko yang sira mo nang pag mumukha bakulaw kaaaaa! heyaaa!" Sumbat na sigaw mula sa vaguard ng team Taurus.

Rage Gauntlet!

Isang rank D na magic skill ang kaniyang pinakawalan.

Isa itong mabilis na combo attack. Sunod-sunod na suntok at sipa ang binigay niya kay Julie.

Bigla naman hinarang ni Julie ang dalawang braso. Pinag-krus niya ang mga ito sa harap ng kanyang mukha. Habang nakasilip ang kanyang mga mata. Para itong hayop na taimtim na nagmamasid sa kanyang bibiktimahin.

Tatlong sigundo lang ang lumipas pero naka 50 beses na suntok at 20 na sipa ito. Mula ulo hanggang paa, halos tinadtad ng suntok at sipa ang buong katawan ni Julie.

!!!Hooooh! Lakas mo vanguard!!!

!!!Pagpatuloy mo lang yan!!!

!!!Babagsak na ang bakulaw na yan!!!

Sari-saring sigaw mula sa mga manood ng kabilang section. Habang wala kahit kunting ingay na maririnig sa section nila Yman.

Tumigil na sa pag atake ang vanguard. Umatras ito ng tatlong hakbang. Kasalukuyang nag-uusok ang buong katawan ni Julie dahil sa mga mabilis at malakas na sunod-sunod na atake sa kanya.

Si Taurus naman ay umikot sa likod ng Team Julie. Pinuntirya niya ang dalawang mahihina sa likod. Isa siyang offensive type na tank. Ngumisi at dinilaan niya ang kanyang labi nang nasa pitong metro nalang siya sa kinaroroonan ng mga ito.

Ooooooh!!!

Nagpakawala siya ng malakas na sigaw. At isang kulay green na enerhiya ang lumitaw mula sa kaniyang buong katawan.

??Green??!!

Le-level 3!!!

!!!Wooohhh!!!

Lalo pang naghiyawan ang mga ka-klase ni Taurus ng makita ang kulay ng kaniyang enerhiya. Ngumiti rin ang adviser nila Taurus. Na kasalukuyang nakatingin sa isang malaking screen kung saan naka-display pangalan at mukha pati narin ang Health Status ng mga naglalaban.

Si Yman naman ay tahimik na nakaupo sa isang sulok habang nanunood ng laban. Sa gilid ng kaniyang paningin nasulyapan niya ang isang kaklase, si Jin Makorov, tila wala itong gana manood sa nagaganap na laban. Humi-hikab lang ito na parang inaantok pa.

!!!Blaaaaaag!!!

Isang malakas na tunog ang umalingawngaw na nagpabalik ng tingin ni Yman sa naglalaban.

Bago pa maabot ni Taurus ang dalawang kalaban sa likod...

Emil! Sigaw ni Julie sa kasamahan na vanguard.

Ye-yes! Sagot ni Emil habang mabilis na pinakawalan ang enerhiyang makapal na colorless. Level 2 lang si Emil, isang espada na may 1.5 metro na haba ang humulma sa kanyang kamay. Gaya ito ng gaunlet ng kalaban na vanguard. Hindi ito mula sa Inventory ng kanilang Interface, kundi purong enerhiya lang. Isa ito sa mga talent ng ibang magician. At depende sa lakas ng magician ang lakas ng sandatang ito na hinulma mula sa purong enerhiya.

Mabilis na iwinasiwas ni Emil ang sandata sa paparating na si Taurus. Kahit medyo kinakabahan ay lakas loob nitong hinarap ang level 3 na kalaban. Nakayuko kunti si Taurus at nasa harapan ang kanyang balikat. Isang 1metre radius na shield ang humulma sa harap ng balikat ni Taurus habang mabilis na paparating sa humarang na si Emil.

Shoulder Tackle!!!

Hard Hit!!!

!!!Peeeeeeeeeeng!!!

Isinigaw ng dalawa ang pangalan ng kanilang atake. Na sinundan ng malakas na tunog mula sa pagbunggo ng espada at pananggalang.

"Malakas ang loob mooo!!!" Galit ni Taurus kay Emil.

"Tsk!"

"Umalis ka sa harap kooooo!!!" Sigaw ni Taurus.

Hooooh!!!

Lalo pa dinagdagan ni Taurus ang enerhiya sa kanyang katawan. Dahil dito ay unti-unting nagkalatay ang espadang enerhiya ni Emil.

Lumipas ang limang sigundo ay tuluyan na ngang nabasag ang espada ni Emil. At tinamaan siya ng malakas na Shoulder Tackle ni Taurus sa dibdib. Tumilapon si Emil ng sampung metro at gumulong ng tatlong beses.

"Hahahahaha sabi ko naman wag kayong haharang sa akin!!!" Malakas na tawa ni Taurus na umalingawngaw sa buong training room.